Share

CHAPTER 3

CHAPTER THREE

Maaga akong nagising ngayon para magluto ng breakfast namin. Tumingin ako sa orasan at nakitang 6 am pa lang ng umaga.

Tulog pa ang dalawa kaya maingat na bumaba ako sa kama at nilagyan ng unan ang magkabilang gilid nila para hindi sila mahulog.

Naghilamos at nag toothbrush muna ako bago lumabas ng kwarto. I tied my hair into a messy bun. Hinanda ko na ang mga ingredients para sa lu-lutuin ko. Nagsaing na din ako ng kanin.

I will cook for breakfast a sinigang. The girls love sinigang.

Ilang oras lang ay luto na ang sinigang. Pawis na pawis ako pagkatapos. Medyo mainit sa kusina dahil hindi abot ang aircon banda rito.

Kumuha ako ng malinis na towel at pinunasan ang pawis ko sa mukha pati na din sa leeg.

"Sinigang!" I heard Alyssa's voice near at the kitchen.

Napatawa ako. Kahit kailan talaga 'tong si Alyssa.

Ilang sandali ay pumasok na 'to sa kusina kasama si Aaliyah na kinu-kusot pa ang mga mata habang nakakapit sa braso ni Alyssa.

Tinapos ko muna ang pagpunas ng pawis ko. Pagkatapos kong magpunas ng pawis ko ay nilagay ko muna sa may high chair ang towel na ginamit ko pampunas ng pawis.

"Come here babies," I said sweetly.

Agad namang lumapit ang dalawa sa akin at yumakap.

"Morning," bati ko sa dalawa at hinalikan sila sa pisngi.

"Morning too, Mommy!"

"Morning, Mommy."

Hinalikan naman nila akong dalawa sa magkabilang pisngi ko kaya napatawa ako.

Ginulo ko ang buhok ng dalawa bago tumayo ng maayos.

"Let's eat girls," sabi ko sabay buhat kay Aaliyah sa high chair. Sunod naman ay si Alyssa.

They giggled.

Tumalikod muna ako sa dalawa para ilagay sa malaking bowl ang niluto kong sinigang.

"Ako na po rito, Ma'am," napatingin ako kay ate Leona na nasa tabi ko na. Mukha 'tong kakagising lang.

I smiled. "Sige, Ate." Binigay ko rito ang hawak na bowl at sandok. Binalingan ko na lang ang pagsandok ng kanin.

Pagkatapos nun ay kumuha ako ng baso at pitsel saka nilagay 'yon sa harap ng dalawa.

Sinalinan ko muna ng tubig ang baso ng dalawa bago umupo. Naihanda na rin ni Ate Leona ang mga plato at kutsara sa lamesa.

Inabot ko ang pang sandok ng kanin at nilagyan ng kanin ang mga pinggan nila Alyssa at Aaliyah.

Napapalakpak naman si Aaliyah ng makitang nilalagyan ko ng kanin ang plato niya.

Pagkatapos ay isa-isa ko namang nilagyan ang maliit na bowl nila ng sinigang.

Umupo na rin si Ate Leona sa tabi ni Aaliyah.

Nagsimula na kaming kumain. Pero bago 'yon. Aaliyah lead the prayer.

Pagkatapos naming kumain ay pinaliguan ko na ang dalawa.

Kahit naman kasi may yaya ang dalawa gusto ko paring ako mismo ang mag alaga at umasikaso sa kanila. I want to be a hands-on mother. Ayaw kong napapabayaan ko ang mga anak ko.

"Behave in class Alyssa okay?" paalala ko rito ng maihatid ko na sila sa school. Kasama nila ang yaya nila.

Sumimangot naman 'to bago tumango-tango.

Nagsumbong kasi kahapon si ate Leona pagkatapos ko silang patulogin na may inaway na naman si Alyssa na kaklase niya.

"But they bully Liyah, Mommy!" maktol na wika nito.

Napatingin naman ako kay Aaliyah.

"Just don't do something again, okay? I'll talk to your teacher about that..." I assured her bago sila hinalikan sa pisngi isa-isa.

Pagkatapos kong maihatid ang dalawa kasama ang yaya nila ay dumiretso na ako sa kompanya.

Agad akong umupo sa upuan ko pagkarating at sinimulan na ang pagt-trabaho.

Napabuntong-hininga naman ako ng mapasa at napapermahan ko na sa ilang mga manger's at head ang mga dapat papermahan.

"Excuse me," napaangat ako ng tingin galing sa pagkakayuko.

Nang makita ko kung sino 'yon ay agad akong tumayo.

I smiled. "Ikaw pala 'yan, Ma'am Hillary," I said.

Hillary is Mr. Rivera's Fiancé. Magkasing edad lang kami nito.

"Yeah, nagdala kasi ako ng lunch para kay Hubby!" she beamed.

Napatawa ako. "Sige," naglakad na ako patungo sa pintuan at kumatok ng pangatlong beses bago binuksan ng konti ang pintuan at nilusot ang ulo dun.

"Mr. Rivera, Ma'am Hillary is outside." Sabi ko.

Nang-angat naman agad 'to ng tingin pagkarinig nang pagkarinig nito sa pangalang binanggit ko.

Binaba muna nito ang reading glass at tumikhim.

"Send her in." He firmly said.

I nooded. Binuksan ko ng malaki ang pintuan at pinapasok si Hillary.

"Hubby!" Malaki ang ngiting yumakap 'to kay Mr.Rivera.

Napatingin naman ako kay Mr. Rivera ng makita 'tong ngumiti.

Ngumi-ngiti lang 'yang si sir pag kaharap nito si Ma'am Hillary.

Opposite na opposite ang ugali nilang dalawa. As they say, opposites attract.

Well, opposite attract because it's fun to get to know someone who isn't like you. Whatever they do is unpredictable and It'll throw you off. It makes time with them. Like a roller coaster of fun, it's nice to know there are people out there who didn't want to be like everyone else.

Sinarado ko na ang pintuan at tahimik na lumabas at umupo muli sa upuan ko.

At dahil wala naman na akong masyadong gagawin ay tinawagan ko nalang ang teacher nila Alyssa at Aaliyah.

Nasa ikalawang ring palang ay agad namang sinagot nito ang tawag ko.

"Good afternoon, Ma'am," I greeted.

"Good afternoon too Ma'am Sanchez, napatawag po kayo?" bungad nito sa 'kin sa kabilang linya.

I bit my lower lip. "Nagsumbong kasi ang panganay ko na si Alyssa na binubully daw si Aaliyah," I started.

Mukhang agad naman nitong nakuha ang gusto kong ipahiwatig dahil narinig ko ang buntong -hininga nito sa kabilang linya.

"I understand about your concern ma'am, don't worry I will talk to my students regarding about this," she said.

I nooded. "Thank you Ma'am, I'm just concerned about my daughters, especially to Aaliyah, she's too soft and fragile to be bullied," I worriedly said.

"No worries Ma'am, I'm thankful that you talk to me about this issue knowing that you're a busy woman," she said.

I laughed. "For my daughters." I said smiling.

"Okay I'll hang up now, I have classes to attend pa." Paalam nito.

Napatango-tango naman ako at binaba na ang tawag.

I heaved sigh. Tumingin ako sa wrist watch ko at nakitang lunch time na pala.

Tumayo na ako at inayos ang gamit bago naglakad patungo sa cafeteria bitbit ang wallet ko. Sa opisina na lang siguro ako ka-kain. Bibili lang ako ng pagkain sa cafeteria.

"Thea!!!!!" Napalingon ako sa kung saan ng marinig ko ang matinis na sigaw ni Mica.

I roam my eyes around the parking lot.

Napakunot naman ang noo ko ng makita sila Mica, Amber at Terrence na naglalakad patungo sa direksyon ko.

Napahinto naman ako sa pag-akmang pagpasok sa loob ng sasakyan ko.

"Anong kailangan niyo?" I asked quizzically.

"Sama ka sa amin Thea! Bar hopping!" Mica beamed. Lumapit 'to sa 'kin at kumapit sa braso ko.

I looked at my wrist watch. It's already 8:35 pm.

Nilingon ko naman sila Amber at Terrence.

Umiling-iling ako. "Hindi ako pwede eh," I answered.

As much as possible gusto kong maka-uwi ng maaga para makapag bonding kami ng mga anak ko.

Sumimangot naman si Mica at napanguso naman si Amber sabay lingon kay Terrence.

"Ang kj mo Thea! Kaya single ka pa rin e!" she hissed, stumping her feet.

I raised a brow. I crossed my arms on my chest.

"Pake ko?" mataray na wika ko.

Wala akong pakealam kung single man ako o hindi. Ang importante sa 'kin ay ang mga anak ko.

"Thea naman eh! Sige na sumama kana! Minsan ka lang sumama sa bar hopping namin!" she exclaimed, irritably.

Binuksan ko ang passenger seat ng sasakyan ko at nilagay dun ang mga gamit ko.

Hindi ko 'to pinansin.

"Sige na Thea, sama ka na." I heard Amber said.

I rolled my eyes. Looks like hindi ako titigilan ng mga 'to.

"Sige na Thea, day off mo naman bukas," pangungumbinse sa akin ni Terrence.

Padabog kong sinarado ang pintuan ng passenger seat.

I looked at them. Nakalingkis ang kamay ni Terrence sa bewang ni Amber habang si Mica naman ay nakasimangot na nakatingin sa akin.

I sighed. "Fine, pero uuwi agad ako," I surrendered.

Agad namang napa 'yes' sila Amber at Mica sa naging sagot ko.

Pumunta na sila Mica sa sasakyan ni Terrence na naka park lang sa gilid ng sasakyan ko at pumasok na.

Nag convoy kami papunta sa Bar dahil dala ko naman ang sariling sasakyan. Nauna sila Terrence habang nakasunod naman ako.

Kinuha ko ang cellphone ko sa bag habang nagd-drive. I dialed Ate Leona's number. Nilagay ko sa tenga ko ang earpiece. Medyo matagal pa bago sinagot ni Ate Leona ang tawag.

"Hello, Ma'am?" bungad ng nasa kabilang linya.

"Ate gising pa ba ang mga bata?" I asked.

"Opo, Ma'am," sagot nito sa kabilang linya.

I sighed. "Sige pakibantayan muna sila Ate, Medyo matatagalan ako ng uwi, nag-aya kasi ang mga kaibigan ko na mag bar," sabi ko.

My eyes is focused on driving while talking.

I can't be reckless. I still have daughters waiting me home.

"Sige po, Ma'am." Sagot nito sa kabilang linya.

"Sige na Ate, nagd-drive pa ako." Paalam ko sabay patay ng tawag.

Pagkapsok nang pagkapsok namin sa loob ng Bar ay bumungad sa amin ang maingay na paligid.

"Tara," yaya ni Terrence sa amin at nagpatiunang naglakad patungo sa isang bakanteng lamesa. Kailangan pa naming mag excuse dahil sobrang wild ng mga nasa dance floor.

Napahinga naman ako ng malalim ng makaupo na kami sa couch. Sinandal ko ang ulo ko sa sandalan at pinikit ang nga mata.

Nagtawag naman ng waiter sila Amber para mag order ng drinks.

"Anong sa iyo, Thea?" tanong ni Terrence sa akin.

"Mojito mocktail." I answered, still eyes closed.

"Narinig niyo naman po ang sinabi ng kj naming kasama kuya!" rinig kong usal ni Mica.

Narinig kong napatawa naman si Amber at Terrence sa sinabi ni Mica.

I secretly rolled my eyes.

KJ? Sumama na nga ako para manahimik na sila tapos kj pa rin? E kung ihamblos ko kaya 'tong si Mica?

Nang mai-serve na ang order namin ay agad na kinuha ko ang drinks ko at sumimsim dun. Napailing na lang ako habang pinagmamasdan ang mga inorder nilang hard drinks.

Mukhang plano ata ng mga 'to maglasing.

"May trabaho ba kayo bukas?!" sigaw na tanong ko sa mga 'to, ang ingay.

"Wala!" balik na sigaw ni Amber.

Napatingin naman ako kay Mica na dire-diretsong nilagok ang tequila.

"Thea oh!" napairap ako ng salinan ako nito ng isang baso ng Martini.

"No thanks, I prefer Mojito mocktail," irap na wika ko.

Wala akong balak magpakalasing. Magd-drive pa ako pauwi.

Nilapit nito sa akin ang basong hawak. "Sige na! Isang baso lang naman eh!" pagpupumilit nito sa akin.

Umiling-iling ako. "Ayaw ko nga," tanggi ko sabay simsim sa hawak na inumin ko.

Napasimangot naman 'to at dire-diretsong tinungga ang nilahad na inumin sa akin kanina.

"Huy!" agad na saway ko rito.

Ano ba namang babae 'to! Hindi ako nito pinansin.

"Hayaan mo na 'yang si Mica, Thea alam mo namang ayaw paawat ng isang 'yan." Rinig kong sabi sa akin ni Amber.

Napabuntong-hininga naman ako sabay libot ng buong paningin ko sa loob ng bar. Napailing na lang ako sa mga nakikita. When I felt someone staring at me from the second floor of the pub, my eyes landed on that floor.

Suddenly, our gazes collided and I gasped.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status