-Third POVSa loob ng eroplanong hindi pa umaandar, nagkakagulo ang lahat ng pasahero. Dahil sa isang babaeng may hawak ng baril habang nahihibang na itinutok sa isang lalaki. Hindi natuloy ang planong paglipad ng eroplano dahil sa kaguluhan. Suno - sunod ang pabulong na mura ng lalaki habang masama ang tingin sa babaeng nagngangalang Cindy. “Akala niyo ba maiisahan niyo ko?!” Natatawang tanong ni Cindy kay Harris. “I knew it already. Hindi ka talaga susunod sa deal natin.” Dugtong pa nito.“Ibalik mo na samin ang anak ko. It's done. You better move on now, Cindy.” Seryosong sambit ni Harris dito. Naaasar na napailing si Cindy. “Do you think madali ‘yun, Harris? Do you think I will do that? Haha. No! Hindi ako ganun katanga.” Pinaglaruan ni Cindy ang hawak nitong baril sa kamay niya. Na animoy isa itong laruan lamang na kahit kalabitin ang gatilyo ay hindi naman puputok. “ Hindi ko ibabalik ang anak mo… kung hindi ko rin naman makukuha ang gusto ko!” Dugtong pa ni Cindy.
STELLA POINT OF VIEW “Don't call Kuya Harris, Ate!” Pigil ko kay Ate Elle ng balakin niyang tawagan si Kuya. Sa tono ko, halatang halata ni ate Elle na natataranta ako. Well, natataranta naman talaga ako ngayon.“Bakit naman? Itatanong ko lang sana sa kanya kung nasa presinto na siya?” Saad ni ate. Ngumiwi ako at napakamot sa batok. “Hehe. Maybe, hes driving pa. Hindi niya masasagot tawag mo kapag nagmamaneho pa siya.” Palusot ko.Galingan mo pa pagpapalusot, Stella. “O’ sige na nga. Mamaya ko na lang siya tawagin.” Sumang-ayon na sambit ni Ate Elle. Ngumiti ako at tumango. “Halika dito ate. Let's watch movie muna.” Aya ko sa kaniya. Kaagad siyang smiling na ikinasimangot ko. “Why? There's problem ba Ate Elle?”“Wala naman. Kaso… hindi naman ako makakarelax sa pamamagitan ng panonood ng mga movie sa ngayon, Stella. Lalo na ngayon, hindi ko pa din nayayakap ang anak kong nasa kamay ng kidnappers.” Malungkot na sabi Ni ate. Ngumiti ako ng pagkatamis-tamis at kinuh
Cindy Point of VIEW “Ready na ba ang 2 ticket na pinapaasikaso ko?” “Yes po. Bukas po ang flight niyo.” “ Okay good. Just prepared what I said, okay.” I ended up on a phone call with the staff ng Ninoy Aquino Airport. The hide and seek is already done. Harris will be mine again tomorrow. Hindi naman pala ko mahihirapan na makuha agad si Harris. Hindi ko naman na kailangan pang mag reveal kung sino ang kidnapper ng isa sa triplets nila. Dahil alam kong alam naman na nila kung sino. Ibabalik ko na ang anak nila bukas. Kapalit ni Harris. I already booked a ticket for Harris and I. We will live in Australia. Dun na kami titira at kakalimutan ang mga tao dito sa Pilipinas. Yung plano ko na masayang buhay with him. Matutupad na. All of my sacrifices will be paid off. I called my mom earlier to say goodbye. I told them that I will leave the Philippines and go to another country to start a new life. Sinabi ko na dun na ko titira sa Australia. I have tr
ELLE POINT OF VIEW Dalawang araw na ang lumipas, dalawang araw na rin akong walang maayos na tulog. Sinong ina ang makakatulog ng mahimbing kung wala sa tabi nila ang kanilang anak. Dalawang araw ng nawawala ang anak ko. Hanggang ngayon, hawak pa rin ng kidnappers si Baby Hayden. Sobrang takot na takot na ‘ko para sa kaligtasan ng anak ko. Maya't maya ako nagdadasal na sana okay lang ang anak namin ni Harris. Noong gabing nag- text sa ‘kin ang kidnappers ng baby namin. Sinabi ko kaagad iyon kay Harris, sa family namin at sa mga pulis. At dun nagka- idea kaming lahat na posibleng kakilala lang namin ang nasa likod ng kidnapping. Sabi pa ng mga pulis, baka mayroong malalim na galit sa amin ang gumawa nito. Ang taong iniisip naming ngayon ay si Cindy. Pero nung ipina- trace sa imbistigador nila Harris ay nasa ibang bansa na daw ito. Dahil hindi matahimik si Stella ay ini-stalk niya pa ang Facebook ni Cindy. Nakita namin sa notes ni Cindy na nasa london siya. “ Wala
CINDY POINT OF VIEW MATAMIS akong ngumiti ng magtagumpay ang plano ko. Walang kahirap- hirap kong nagawa ang pagdukot sa isa sa mga anak ng dati kong kaibigan. Bahala sila maghanap sa baby nila. We're playing hide and seek now! Nasa crib ang baby nila Elle habang umiiyak. I don't care about that! Kung hindi sila isinilang sa mundong ‘to, hindi sana sila madadamay sa kamalasan ng ina nila. Ang gusto ko lang naman ay makuha si Harris. Siya lang naman ang gusto ko! Siya lang naman ‘yung hiniling ko pero bakit ayaw ibigay sakin. Ang dami kong sacrifices na ginawa! Nasira ang buhay ko para lang makuha si Harris. “Sorry baby, but from now on, ako muna ang mommy mo!” I smirked after kong sabihin iyon. Stop crying. Because, I'm your angel.” Naupo ako sa sofa and I grabbed my phone in my pocket. Pinadalhan ako ng mga litrato nila Elle ng isa kong tauhan. Mas lalo pa kong napangiti ng makita ko ang itsura ni Elle na umiiyak habang yakap ni Harris. Kahit umiyak si
—ELLE — Matamis ang ngiti ko habang inilalatag ko ang picnic mat sa gilid ng park. Maganda ang puwesto namin dahil napakasariwa ng mga damo at para bang marami silang nakukuhang vitamis sa lupa kung saan sila nakatanim. Nandito kami sa park para ipasyal ang triples. Si Harris ang nagdesisyon na mag picnic kami. Gusto ko naman ‘yon dahil maganda naman ang panahon. Maraming mga magpapamilya ang nag ba-bonding tulad namin. Nagsasaya Sila habang ang mga bata ay naghahabulan sa damuhan. Siguro after 3 years or five years, ganyan din ang mga anak namin ni Harris. Naghahabulan habang masayang nagtatawanan. Excited na kong masaksihan ang ganoong scenario sa buhay ng mga anak ko. “Wife, gusto mo bang maglaro din tayo ng taya-tayaan?” Napatigil ako sa ginagawa ko ng marinig ko ang sinabi ni Harris. Nakatayo siya sa gilid ko habang pinapanood din ang mga batang nagtatakbuhan. Nilingon ko siya at kinunutan ng noo. “Hindi na tayo mga bata para maglaro ng taya-tayaan. Ipaubaya