"Elle, you need to marry him. " Hindi ako makapaniwala na maririnig ko sa mismong bibig ni mama ang mga katagang 'yan. Bakit ko siya kailangang pakasalan?
"What do you mean? " Tanong ko habang nanginginig ang aking labi."Kailangan mong pakasalan si Harris Gordion, Elle. " Paglilinaw ni mama.Hindi ko napigilang tumulo ang luha ko."Bakit? Bakit kailangan ko siyang pakasalan?" Tanong ko"Nasa tamang edad ka na para mag- asawa, Elle. " Sabi ni mama at umiwas ng tingin."Tamang edad? Oo, nasa tamang edad na ako para magpakasal. Pero wala pa sa plano ko ang magpakasal, ma! " Sabi ko at napakuyom ng kamao, alam kong hindi lang iyan ang dahilan ni mama kung bakit gusto niya akong maikasal kay Harris Gordion."Tapatin mo nga ako, Ma. Ano ang dahilan kung bakit naisipan niyo ni papa na ako kay Harris," mahinahon kong sabi."Nakapag usap na kami ng mga magulang ni Harris, Elle. " Sabi ni mama."Ano ang napagusapan niyo? " Tanong ko" Since, magkasosyo kami ng parents niya napagplanuhan namin na ipakasal kayong dalawa. Kailangan 'din natin ng tulong nila para umangat ang ating kumpanya, Elle." Hindi ako makapaniwala sa klase ng napagusapan nila ni tito Arnold."Alam niyo po ba ang sinasabi niyo, mama? Alam naman po nating lahat na may girlfriend na si Harris. Bakit niyo pa ako ipapakasal do'n kung hindi naman ako ang mahal niya!" Galit kong sabi."Elle! Nakaplano na ang lahat para sa kasal niyo. For sure na alam na rin ito ngayon ni Harris," sabi ni mama."What!?Sa tingin niyo po ba papayag siya? May girlfriend na si Harris tapos gusto niyo akong maikasal sa kaniya!" Sabi ko"Kahit naman po na mahal ko siya, hindi ko magagawang manira ng relasyon. Hindi ako ganiyang babae, " sabi ko."Para ito sa kumpanya. Kahit naman hindi pumayag si Harris ay matutuloy pa rin ang kasal ninyong dalawa," sabi ni mama."Sa tingin niyo po ba papayag ako? Bakit ang dali na lamang sa inyo na magdesisyon?" Tanong ko, gusto kong sigawan si mama pero hindi ko magawa. Oo, gusto ko si Harris matagal na. Since ng ipakilala sa akin ni Cindy si Harris. Pero, alam kong malabo akong magustuhan niya dahil ang girlfriend niya ay isang sikat na model sa buong mundo. Samantalang ako ay isang simpleng babae, mahiyain at malabong magustuhan niya. Pero, ang relasyon nila ay patago lang dahil na din sa mga media na nakapalibot sa kaniya. Kami kami lang ang malalapit sa kanila ang nakakaalam bukod sa malapit na kaibigan ng mga magulang ko ang magulang niya nalalaman ko ang mga nangyayari sa buhay nila."Ito ang gustong maging kapalit ng mga magulang ni Harris, Elle. Para, mabayaran natin ang mga utang natin sa kanila, " sambit ni mama."Maging kapalit? Gagamitin niyo akong pambayad sa mga utang? Hindi po ako bagay na maari na lamang ipamigay, ma! " Maluha luha kong sabi, napapikit ako ng mariin."Elle, pagbigyan mo naman kami ng papa mo. Kailangan mong magpakasal sa kaniya, alam mo naman na hindi natin kayang bayaran ang malaking halaga na inutang natin sa pamilyang Gordion. Nakikiusap na sabi ni mama."Hindi naman po ganoon kadaling pumayag sa napagkasunduan niyo, mama. Ako yung nagigipit dito. Sa dinami daming choices bakit ganito pa? Umiwas na nga ako sa kaniya para hindi na ako masaktan, " sabi ko."Nakikiusap ako, Elle. Kailangan mo lang siyang pakasalan at kapag kasal na kayo kahit gawin niyo ang mga gusto niyong gawin sa buhay. Ang mahalaga ay maikasal kayo ay makilala ka bilang asawa niya sa buong mundo, " sabi ni mama. Natawa ako dahil sa mga sinabi niya."Parang pinalabas niyo rin na magpapakasal ako sa kaniya dahil para perahan sila, " hindi makapaniwalang sabi ko. Magsasalita pa sana ako ng lapitan ako ni mama at sinampal. Napatagilid ang mukha ko. Hawak hawak ang pisnging hinarap ko si mama."Totoo naman po di ba? Magpapakasal ako sa kaniya dahil sa mga utang natin sa kanila, bakit hindi na lang ipakasal ni tito Arnold si Harris sa girlfriend ng anak nila? Sila naman ang magkasintahan, " sabi ko."Paulit-ulit na lang ba tayo, Elle. Hindi gusto ng tito Arnold mo ang girlfriend ni Harris. At ikaw ang magiging dahilan para mailayo nila si Harris sa modelong 'yon, " sabi ni mama. Bakit ba ayaw nila kay Serah? Wala ng mapipintas sa girlfriend ni Harris dahil nasa kaniya na ang lahat. Magandang buhay, sikat sa buong mundo at higit sa lahat girlfriend niya si Harris Gordion."Kahit anong gawin niyo hindi ako papayag na magpakasal kay Harris! Hindi ako sisira ng relasyon, " pagmamatigas ko. Akmang sasampalin muli ako ni mama ng magsalita ako."Sampalin mo ulit ako, ma. Parang pinalabas mo na rin na ang habol niyo lang sa mga Gordion ay ang pera nila, " sabi ko. Nagulat naman sila sa sinabi ko, hindo ko intensyon na sabihin ang mga maling salita pero, wala akong choice."Wala kang utang na loob, Elle! Paano mo nasisikmura na pagsalitaan kami ng ganiyan? Kung pwede nga lang si Annie na lamang ang magpakasal kay Harris ay hindi ako magmamakaawa sa'yo, " sumbat sa akin ni mama."Bakit hindi na lang si Annie? Kakausapin ko si tito Arnold, " sabi ko."Kahit kausapin mo pa ang tito Arnold mo, Elle. Hindi na magbabago ang isip nila kaya sa ayaw at sa gusto mo magpapakasal ka sa kaniya," sabi ni mama."I need space, ma. " Sabi ko at tumalikod upang pumunta sa kwarto ko. Gusto kong makapag isip isip. Ngayon lang kami nagkaganito at dahil sa mga utang namin kila tito Arnold kailangan kong pakasalan siya. Mabait naman si tito at tita, alam ko na fkapag nakiusap ako na sa ibang paraan na lang namin babayaran ang mga utang namin sa kanila siguro papayag sila at wala ng kasalang magaganap."Elle! Hindi pa tayo tapos magusap! " Sigaw ni mama, pero hindi ko ito pinansin at nagpatuloy sa paglalakad sa hagdan. Ayaw ko muna silang kausapin, hindi ako makapag isip ng tama kung haharapin ko sila. Kailangan kong kausapin si tito Arnold, mabait sa akin si Serah at hindi ko kayang sirain ang tiwala niya.Pagkapasok ko sa loob ng kwarto ko, inilock ko ito at saka ako nagtungo sa kama ko at naupo. Ano ang gagawin ko kung sakaling hindi pumayag si tito? For sure na magagalit sa akin si Harris pati si Serah. Alam kong masasaktan siya kapag nalaman niya ang mga napagusapan ng parents ko at ng parents ni Harris. Hindi ko pa nakikitang magalit si Harris kaya hindi ko alam kung ano ang pwede niyang gawin kapag sinabi ni tito Arnold ang tungkol sa kasunduan nila ng parent's ko.-3 month later- Maingat kong inilapag sa lamesa ang larawan ng tatlo kong anak. Sa larawang ito, nasa gitna ang prinsesa namin, habang nasa kaliwat kanan nito ang dalawang prinsipe. Wala na akong hihilingin pa. Ang masaya at buong pamilya ang tanging gusto ko.Ang magkaroon ng kapayapaan habang nabubuhay pa ko. Ang mga anak ko, si Harris ang pamilya ko, kuntento na ako sa kanila. Matapos ang araw na ‘iyon, sinabi ko sa sarili ko na hindi na iyon mauulit pa. Walang sinuman ang pwedeng manakit sa mga mahal ko sa buhay. Lalong lalo na ang mga anak namin ni Harris. Sila ang buhay ko. Flash Back“Time of Death - 4:59 pm” Pagkasabi ng nurse na nagbibigay ng first aid sa anak ko. Nanlamig ng buo kong katawan sa mga oras na iyon. Hindi ako naniniwala na wala na ang anak kong si Hayden. Halos maglumpasay ako sa mga oras na iyon at pinakiusapan ang nurse na try pa niyang buhayin ang anak ko. Nagpumilit at nakiusap ako ng buong puso… Sinunod naman ng nurse ang pakiusap ko. Si
Bawat lapit nila Harris, Elle, at Stella sa mga sasakyang naka park sa parking area ng airport ay mahigpit na sinisiyasat ang loob ng sasakyan. Nagbabaka sakali na nandun sa loob ng sasakyan ang sanggol. Naiiyak na sa matinding takot si Elle habang tagaktak na rin ng pawis ang mukha nito. Sa sobrang init sa parking area ay mas nagiging matindi ang tensyon sa paghahanap sa sanggol nila. “Fuck you, Cindy! I will kill you!” Galit na sambit ni Harris ng walang makitang Hayden sa loob ng kotse. Hinampas niya ito ng malakaa sa salamin dahil sa matinding gigil at galit kay Cindy. “Where's my son… Fucking shit…” bulalas pa ulit ni Harris. Sa Mahabang minuto nilang paghahanap sa napakaraming sasakyan, ay hindi sila nagtagumpay na makita ang anak nila. Nanghihinang napaupo sa sahig si Elle at unti-unting tumulo ang kaniyang luha. “PAANO KUNG WALA NAMAN TALAGA DITO ANG ANAK NATIN, HARRIS?! PAANO KUNG NILOLOKO LANG TAYO NI CINDY!” umiiyak na sambit ni Elle. “Ate huwag ka m
ELLE POINT OF VIEW“BAKIT BA AYAW NIYO KONG PAPASUKIN SA LOOB?! KILALA KO ‘YUNG NANDUN SA LOOB NG EROPLANO!” naiiyak kong saad sa security guard na humaharang sa’ min ni Stella. Nandito na kami sa entrance ng airport. Kaso, hindi kami pinapayagang pumasok. Kahit sabihin ko na kakilala ko yung sangkot dun. Wala pa rin epekto. “Ma'am, delikado po sa loob. Lalo na ngayon, may hawak na armas ang babae sa loob ng eroplano.” Saad ng security . “Pero-” nahinto ako sa pagsasalita ng hawakan ako ni Stella sa brass at hinila palayo sa security. Nagtataka ko naman siyang tinignan. “Ate Elle, hindi talaga tayo papayagan ng mga ‘yan. We need to find other entrance. Don't waste our time para pilitin ang mga security na papasukin tayo.” Dahil sa sinabi ni Stella, pumayag ako at hindi na nagpumilit pa sa mga security. Nagtungo kami ni Stella sa parking lot sa loob ng airport. Dun kami magbabakasakali na makakapasok kami sa loob. Sa pagtungo namin dun andami namin nakasal
-Third POVSa loob ng eroplanong hindi pa umaandar, nagkakagulo ang lahat ng pasahero. Dahil sa isang babaeng may hawak ng baril habang nahihibang na itinutok sa isang lalaki. Hindi natuloy ang planong paglipad ng eroplano dahil sa kaguluhan. Suno - sunod ang pabulong na mura ng lalaki habang masama ang tingin sa babaeng nagngangalang Cindy. “Akala niyo ba maiisahan niyo ko?!” Natatawang tanong ni Cindy kay Harris. “I knew it already. Hindi ka talaga susunod sa deal natin.” Dugtong pa nito.“Ibalik mo na samin ang anak ko. It's done. You better move on now, Cindy.” Seryosong sambit ni Harris dito. Naaasar na napailing si Cindy. “Do you think madali ‘yun, Harris? Do you think I will do that? Haha. No! Hindi ako ganun katanga.” Pinaglaruan ni Cindy ang hawak nitong baril sa kamay niya. Na animoy isa itong laruan lamang na kahit kalabitin ang gatilyo ay hindi naman puputok. “ Hindi ko ibabalik ang anak mo… kung hindi ko rin naman makukuha ang gusto ko!” Dugtong pa ni Cindy.
STELLA POINT OF VIEW “Don't call Kuya Harris, Ate!” Pigil ko kay Ate Elle ng balakin niyang tawagan si Kuya. Sa tono ko, halatang halata ni ate Elle na natataranta ako. Well, natataranta naman talaga ako ngayon.“Bakit naman? Itatanong ko lang sana sa kanya kung nasa presinto na siya?” Saad ni ate. Ngumiwi ako at napakamot sa batok. “Hehe. Maybe, hes driving pa. Hindi niya masasagot tawag mo kapag nagmamaneho pa siya.” Palusot ko.Galingan mo pa pagpapalusot, Stella. “O’ sige na nga. Mamaya ko na lang siya tawagin.” Sumang-ayon na sambit ni Ate Elle. Ngumiti ako at tumango. “Halika dito ate. Let's watch movie muna.” Aya ko sa kaniya. Kaagad siyang smiling na ikinasimangot ko. “Why? There's problem ba Ate Elle?”“Wala naman. Kaso… hindi naman ako makakarelax sa pamamagitan ng panonood ng mga movie sa ngayon, Stella. Lalo na ngayon, hindi ko pa din nayayakap ang anak kong nasa kamay ng kidnappers.” Malungkot na sabi Ni ate. Ngumiti ako ng pagkatamis-tamis at kinuh
Cindy Point of VIEW “Ready na ba ang 2 ticket na pinapaasikaso ko?” “Yes po. Bukas po ang flight niyo.” “ Okay good. Just prepared what I said, okay.” I ended up on a phone call with the staff ng Ninoy Aquino Airport. The hide and seek is already done. Harris will be mine again tomorrow. Hindi naman pala ko mahihirapan na makuha agad si Harris. Hindi ko naman na kailangan pang mag reveal kung sino ang kidnapper ng isa sa triplets nila. Dahil alam kong alam naman na nila kung sino. Ibabalik ko na ang anak nila bukas. Kapalit ni Harris. I already booked a ticket for Harris and I. We will live in Australia. Dun na kami titira at kakalimutan ang mga tao dito sa Pilipinas. Yung plano ko na masayang buhay with him. Matutupad na. All of my sacrifices will be paid off. I called my mom earlier to say goodbye. I told them that I will leave the Philippines and go to another country to start a new life. Sinabi ko na dun na ko titira sa Australia. I have tr