Share

HTGT: 2

"Bitawan mo nga ako! " Utos ko kay Harris ng kaladkarin niya ako papalabas ng gate namin. Pagkabukas ko ng pintuan ng bahay namin nagulat na lamang ako ng mabungaran ko si Harris sa labas ng pintuan namin. Magsasalita sana ako kanina ng wala itong imik na kaladkarin ako.

Nagpumiglas ako ng makalabas kami ng gate. "Ano ba ang problema mo, Harris?" Nagtataka kong tanong ng makawala ako sa pagkakahawak niya. Wala akong ibang nakikita kung hindi ang matinding galit mula sa mukha niya. Kinabahan ako ng maisip ko na siguro nalaman na niya ang tungkol sa kasunduan ng mga magulang namin kaya nandito siya sa bahay namin ngayon. Wala dito ang parents ko dahil may meeting daw sila, kaya ako lamang ang nandito sa bahay kasama ang dalawang maid.

"Get in!" Seryoso nitong sabi at binuksan ang pintuan ng kaniyang sasakyan sa may backseat para makapasok ako sa loob ng sasakyan niya.

Pero, nanatili akong nakatayo at kahit kinakabahan ay nagawa ko pang magtanong. "Saan mo ako dadalhin? Bakit mo ako kinaladkad papalabas ng bahay namin? " Tanong ko.

"I said, get in! " Seryoso nitong sabi, nagmadali akong pumasok sa loob ng sasakyan niya at nagmadali akong nagsuot ng seatbelt.

Naupo ito sa driver seat at binuksan ang makina ng kotse niya. Napahigpit ang pagkakahawak ko sa seatbelt ng kotse niya ng paandarin niya ito ng pagkabilis- bilis.

Napilitan akong magsalita dahil para itong nakikipag racing sa gitna ng daan. Parang wala ito sa katinuan dahil sumisingit ito sa mgae nakakasalubong naming mga sasakyan.

"Harris, bagalan mo naman! " Nakikiusap kong sabi.

"Shut up, Elle! " Sabi nito.

Napapikit ako ng makaramdam ako ng hilo dahil sa bilis niyang magmaneho. Ngayon lamang ako nakaranas ng ganitong kabilis ang sinasakyan ko.

"Please, Harris. Baka maaksidente tayo, sumama naman ako sa'yo ng maayos." Sabi ko. Napapikit na lamang ako dahil sa tingin ko ay wala itong balak na pakinggan ang sinasabi ko.

Namalayan ko na lamang na tumigil na ang sasakyan namin. Dahan- dahan kong idinilat ang mata ko at nakita ko mula sa loob ng sasakyan ang malaking gate nila Harris. Nanatili akong nakaupo at nagiisip kung bakit ako dinala ni Harris sa bahay nila. Lumabas ito ng sasakyan at umikot papunta sa gilid ko para buksan ang pintuan ng sasakyan niya.

Tinanggal ko ang seatbelt ko at lumabas ng sasakyan. Magsasalita sana ako ng hawakan niya ang palapulsuhan ko at hinila papasok ng gate.

Ang higpit ng pagkakahawak niya kaya nagpumiglas ako. "Pwede ba bitiwan mo na ako! Nasasaktan ako, Harris!" Angal ko.

Hindi ko namalayan na nakapasok na pala kami sa loob ng bahay nila. Dinala niya ako sa living room nila at nakita ko ang parents niya na gulat na gulat ng makita nila kaming dalawa. Nang bitiwan niya ang palapulsuhan ko, saka ko lamang nakita ang pamumula nito.

"What are you doing here, Elle? " Takang tanong ni tito Arnold sa akin.

Magsasalita sana ako ng magsalita si Harris na siyang ikinatigil naming lahat.

"Ito ba ang ipapakasal niyo sa akin! " Sigaw niya sa harap ng parents niya.

"Hindi ako makaimik dahil sa sinabi niya. Galit siya dahil nalaman niyang ikakasal siya sa akin, kahit naman sino ay magagalit kung ipapakasal ka sa taong hindi mo naman mahal.

"Harris!" Pagtawag sa kaniya ni tito Arnold.

"What? You know, dad. Alam ko naman na ayaw niyo kay Serah at tanggap ko iyon. Hindi ko lang maintindihan kung bakit ipapakasal niyo ako kay, Elle. Kung may babae na akong mahal," Galit na sabi ni Harris. Tama naman siya, bakit kailangan pang magpakasal kaming dalawa kung may babeng minamahal niya ng totoo.

" Nagdecide na kami ng mommy mo, Harris." Sabi ni tito.

Napilitan akong magsalita. "Tama po si Harris, hindi ako ang dapat niyang pakasalan kung hindi si Serah ang girlfriend niya." Sabi ko.

"Huwag kang magmalinis, Elle. Alam kong pinilit mo lang si Dad, para ipakasal ako sa'yo!" Sumbat sa akin ni Harris.

"Elle, final na ang napagusapan namin ng parents mo. Alam kong mag feelings ka sa anak namin at gusto kong maging magasawa kayo, " sabi ni tita Emy.

"Hindi po ako ang girlfriend ng anak niyo, tita. Si Serah po,"sabi ko.

" Elle, alam mo naman na hindi ko magugustuhan ang babaeng 'yon para sa anak ko.

"Ikaw ang gusto ko para kay Harris, " sabi ni tita Emy.

"Mom! Hindi ko mahal si Elle. Huwag niyong ipagpilitan ang gusto niyo dahil kailan man ay hindi ko mamahalin ang babaeng 'yan! " Galit na sabi ni Harris. Nakaramdam ako ng kirot sa dibdib at lungkot dahil sa sinabi niya. Oo, Harris. Alam ko naman na hindi mo ako mamahalin kaya nga umiiwas na ako sa'yo. Alam kong kaibigan lang ang turing mo sa akin. Pero, nasasaktan pa rin ako dahil harap harapan niyang ipinamumukha sa akin ang mga salitang 'yan.

"Niloloko lang ng girlfriend mo, Harris. Hindi ka naman talaga mahal ng modelong 'yon," sabi ni tita. Hindi ako makapaniwala na maririnig ko mula sa magulang ni Harris ang mga katagang'yan.

"Stop, accusing my girlfriend! Kung wala kayong magandang sasabihin sa girlfriend ko please stop. Walang magaganap na kasalan sa pagitan naming dalawa ni Elle. " Final na sabi ni Harris.

"Binibilog lamang ng babaeng 'yon ang utak mo, Harris. Alam naming lalabas at lalabas ang baho ng mapagkunwaring girlfriend mong iyon!” Sabi ni tita Emy.

"Hindi ko mahal si Elle, at ang papakasalan ko ay ang girlfriend ko!" Sabi ni Harris.

"Sa isang buwan na ang kasal niyo ni Elle, Harris. " Sabi ni tito at hindi pinansin ang sinabi ni Harris.

"I go now!" Iyon lang ang sinabi ni Harris at tumalikod. Naglakad ito papalabas ng living room.

"Harris!" Pagtawag ni tita Emy dito ngunit hindi ito pinansin ni Harris.

Nang kami na lamang ang nandito, napagpasyahan kong magsalita. "Tito, baka po pwedeng ibang paraan na lamang namin bayaran ang mga utang namin sa inyo." Sabi ko.

"Take a seat, Elle." Sabi ni tita at inalalayan akong maupo.

"Im sorry sa inasta ni Harris, Elle. Pero kailangan naming gawin ito para sa anak namin," sabi ni tita. Hinawakan niya ang kamay ko kaya hinayaan ko lamang ito. Naguguluhan ako sa sinasabi sa akin ngayon ni tita Emy. Bakit kailangan nilang gawin ito kay Harris? Wala naman akong nakikitang dahilan para hindi nila magustuhan si Serah.

"Tita, hindi ko po kayo maintindihan. Bakit kailangan niyo itong gawin kay Harris? Wala po akong makitang dahilan kung bakit ayaw niyo kay Serah," sabi ko.

"Elle, hindi ko alam kung matatanggap ba ni Harris ang katotohanan," sabi ni tita. Hindi ko alam kung bakit bigla akong kinabahan dahil sa sinabi ni tita Emy.

"Ano po ang hindi magugustuhan ni Harris, tita?" Tanong ko.

"Si Serah ay may kasintahan, Elle. At ikakasal na sila ng kapwa niya modelo," nagulat ako sa sinabi ni tita. Hindi naman magagawa ni tita na gumawa ng kwentong walang katotohanan.

"Nagbibiro ka lang naman po di ba, tita?"Hindi kumbinsidong tanong ko.

"Totoo ang sinasabi ng tita Amy mo, Elle. Ito ang dahilan kung bakit napagkasunduan namin ng parents mo na ipakasal kayong dalawa. Gusto kong ilayo ang anak ko sa manlolokong babaeng iyon, Elle. Please, tulungan mo naman kami." Sabi ni tito, hindi agad ako nakapag salita. Hindi pa maproseso sa utak ko ang ang mga nalaman ko ngayon.

"Paano niyo po nalaman?" Tanong ko.

" Pinaimbistigahan ko ang background ni Serah, Elle. Gusto kong makasiguro na hindi masasaktan si Harris. Matagal na pala itong engage sa kapwa niya modelo at hindi pa pinapaalam sa publiko," sabi ni tito. Kinilabutan ako sa mga nalalaman ko. Hindi ko inaakala na magagawang lokohin ni Serah si Harris.

"Hindi ko inaakala na niloloko lang pala siya ni Serah. Pero, bakit kailangan niya pang lokohin si Harris?" Nagtataka kong tanong.

Imbis na sagutin ako nila ay may kinalikot si tita sa kaniyang loptop. Maya-maya lang ay hinarap niya sa akin ang screen ng loptop. Nanlaki ang mata ko ng makita ko ang mga larawan ni Serah at ng kapwa niya modelo. Magkalapat ang mga labi nila at parang sarap na sarap sa kanilang ginagawa. Nasa room sila at sa tingin ko katatapos lamang nila sa trabaho.

"Tita, paano nila ito nagagawa? Alam naman nila na may masasaktang tao," hindi makapaniwalang sabi ko.

"Kaya, ayaw namin sa kaniya. Pumayag ka na sa kasunduan namin ng parents mo, Elle. Alam kong makakalimutan ng anak ko ang babaeng 'yon kung ilalayo namin siya sa babaeng 'yon," sabi ni tita.

"Pero, hindi po ako mahal ng anak niyo. Sa tingin ko kailangan nating sabihin sa kaniya ang totoo," sabi ko.

Bumuntong hininga si tita.

"Elle, hindi ko alam kung maniniwala sa akin si Harris. Sinubukan na namin ni tito Arnold mo na sabihin sa kaniya. Pero, ayaw niyang maniwala." Sabi ni tita.

"Ano po ang gagawin natin? Kung ayaw niyang maniwala sa inyo, patuloy na lolokohin ni Serah si Harris." Sabi ko.

"Kung papayag ka sa kasunduan namin ng parent's mo, Elle. Magpapakasal kayo ng anak ko sa lalong madaling panahon," sabi ni tito.

Bumilis ang tibok ng puso ko. Gusto kong tulungan sila tita na mailayo si Harris kay Serah. Pagkatapos ng mga nalaman ko ngayon pero, wala naman akong karapatan para panghimasukan ang buhay nila.

"Pumapayag ka na ba? H'wag kang magalala, Elle. Lahat ng mga utang niyo sa amin ay hindi niyo na kailangang bayaran, basta magpakasal ka lang sa anak ko." sabi ni tito.

"Gusto ko man kayong tulungan pero, sa pagkakaalam ko ay ang tanging magpapakasal lang ay ang mga nagmamahalan lang. Sa sitwasyon po namin ni Harris ngayon, hindi niya ako mahal." Sabi ko.

"Elle, alam kong hindi magiging madali ito. Pero, alam kong mamahalin ka rin ni Harris. Mangyayari lang 'yon kung napaghihiwalay natin sila at sa tingin ko naman ay hindi naman masama ang gusto nating mangyari," sabi ni tita.

"Pagiisipan ko po, tita. Babalik po muna ako sa bahay namin baka hinahanap na ako nila mama, " sabi ko.

"Maraming samalat, Elle. By the way, ipapahatid na kita sa driver namin. " Sabi ni tito.

"Hindi na kailangan, Tito. Kaya ko naman pong umuwing magisa, " sabi ko. Tumayo ako at ngumiti ng pilit sa kanilang harapan.

"Okay. Pero, hihintayin namin ng tito mo ang desisyon mo, Elle. " Sabi ni tita. Tumango ako.

"Sige, po. " Sabi ko at napagpasyahan ng maglakad para lisanin na ang kanilang living room.

"Sana, tama ang maging desisyon ko."

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status