Share

HTGT: 3

Author: Jane_Writes
last update Last Updated: 2023-08-07 22:21:04

“Bakit mo naman ako pinapunta dito, Elle? ” Tanong ni Cindy, mukhang naiinis na sa akin ito.

Bumuntong hininga ako.

“Cindy... ” Problemadong pagbanggit ko sa pangalan niya.

“Kanina mo pa tinatawag ang pangalan ko, Elle. Kanina pa kita tinatanong kung bakit mo ako pinapunta dito, ” sabi nito.

Napatitig ako sa kulay puting kisame nitong kwarto ko.

“May sasabihin ka ba sa akin, Elle. Ilang minuto na tayong nandito sa loob ng kwarto mo, ” naiinip na sabi ni Cindy. Siguro ay may pupuntahan ito kaya hindi mapakali hindi ko naman siya tatawagan kung hindi ko siya kailangan

“I need your advice, Cindy. Naguguluhan ako, hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. ” Sabi ko.

“Anong klaseng advice? Advice para sa umiibig? ” Tanong nito at biglang tumawa ng mahina.

“Kakagaling ko lang sa bahay nila tita Emy . At napakagulo ng sitwasyon ngayon, Cindy. ” Sabi ko.

“Why, naman?” Tanong niya.

“Napagkasunduan ng mga magulang namin na I arrange marriage kami ni Harris, ” sabi ko. Nagulat naman ito sa sinabi ko at parang naglo- loading pa ang utak nito.

“Arrange marriage? Bakit naman gagawin nila tito iyon? ” Nagtataka niyang tanong.

“Napaka kumplikado, Cindy. Alam mo naman na mahal ko si Harris pero, hindi niya ako mahal. Kaya, hindi pa rin ako sang- ayon sa arrange marriage na iyon.” Sabi ko.

“Hindi ko ma-gets, Elle. Explain mo nga ng maayos, ” sabi nito.

“Napagkasunduan ng mga parents namin na ipakasal kaming dalawa ni Harris. Dahil ayaw nila tita kay Serah, ” sabi ko.

“Bakit naman nila gagawin 'yon? Girlfriend ni Harris si Serah,” naguguluhan nitong sabi.

“Engage na si Serah, ” sabi ko.

“What?Totoo ba 'yan? Engage na sila ni Harris? ” Hindi makapaniwalang tanong ni Cindy.

“Engage si Serah sa kapwa niya modelo,” sabi ko.

“What do you mean, Elle?” Nalilito niyang tanong.

“Nagpaimbistiga si tita Emy. At nalaman nilang matagal na pala itong engage. At gusto nilang ilayo si Harris kay Serah. Mangyayari lang iyon kung papakasalan ko si Harris,” sabi ko.

“Hindi ko inaakalang ganoong klase si Serah napaka inosente niya at parang hindi makabasag pinggan. Bakit hindi niyo pa sinasabi kay Harris? ” Tanong niya.

“Hindi magawang sabihin nila tita kay Harris ang katotohanan. Mahal na mahal niya si Serah at sa tingin ko hindi talaga maniniwala si Harris kung sasabihin namin sa kaniyang niloloko lamang siya ni Serah,” sabi ko.

“Pero, alam na ni Harris na napagkasunduan nila tita na I arrange marriage kayo?” Tanong niya.

“Oo. Alam na niya at galit na galit siya dahil sa nalaman niya. Pinuntahan pa nga ako dito sa bahay namin para dalhin sa bahay nila,” sabi ko. Nagawi ng paningin ko ang palapulsuhan ko. Namumula pa ito dahil sa higpit na pagkahawak sa akin ni Harris.

”Pero, iintindihin ko na lamang siya. Kahit naman sino ay magagalit kung bigla biglang malalaman na ipapakasal siya sa ibang babae, ” sabi ko.

“Kailangan niya pa rin malaman, Elle. Paano kung matuloy ang kasal niyo pagkatapos lalo pang magalit si Harris sa'yo,” nagaalalang sabi niya.

“Hindi ko alam, Cindy. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko,” sabi ko.

“ Alam na nila mama ang tungkol sa sikreto ni Serah. Ang ikinababahala ko lang ay sa isang buwan na ang kasal daw namin,” sabi ko.

“Kahit ako ay hindi makapaniwala, Elle. Kung naka arrange marriage kayo ni Harris ibig sabihin ay hindi ka pwedeng umatras, ” sabi niya.

“ Hindi pa ako handang magpakasal. Ang gusto ko ay magpapakasal lamang ako kung may lalaking mamahalin ako at mamahalin ko totoo, ” sabi ko.

“Eh, mukhang si Harris ang lalaking nakatakda sa'yo.” Biglang sabi ni Cindy.

“ Malabong mangyari iyon, Cindy. Kung kami talaga ang nakatakda bakit sa ganitong sitwasyon pa?” Sabi ko

“Malay natin mainlove sa'yo si Harris,” sabi nito.

“I don't know, Cindy. Tatapatin na kita, hindi pa ako handang magpakasal. ” Sabi ko.

“Ang maipapayo ko lang sa'yo, my friend. Palipasin mo muna ng mga ilang araw at saka kayo magusap ng future husband mo,” sabi nito.

“Sigurado naman ako na hindi matutuloy ang kasal namin ni Harris. And beside, hindi iyon papayag na maikasal sa akin. Kung nand'on ka lang sa bahay nila tita Amy, tiyak na matatakot ka kay Harris.” Sabi ko.

Inangat ko ang palapulsuhan kong namumula sa harapan ni Cindy. “ Nakikita mo ba ito? Si Harris ang may kagagawan niyan, ang higpit ng pagkakahawak niya kaya hanggang ngayon ay namumula pa rin ito.” Sabi ko.

Nagpangalumbaba ito at tila nagiisip ng sasabihin sa akin. “Kung siguro sa akin nangyari ang nangyari sa'yo. Hindi na suguro ako magtatangkang kausapin siya ng mahinahon. ” Sabi nito.

Hindi ako nagsalita. Maya- maya lang ay narinig namin ang pagkatok ng kung sino mula sa labas ng kwarto ko. Hinintay kong magsalita ang taong kumakatok sa labas ng pintuan ko.

“Elle, papasok na ako. ” Rinig naming sabi ni mama. Umayos ako ng upo, bago nagsalita.

“Come in, mom. ” Sabi ko. Bumukas ang pintuan ng dahan dahan hanggang sa nakita ko na si mama n may dala-dalang dalawang basong juice sa tray.

Inilapag niya ito sa mini table nitong kwarto ko.

“Miryenda muna kayo ni Cindy, Elle. ” Sabi ni mama. Tumango naman ako.

“May kailangan po ba kayo?” Tanong ko habang nanatiling nakaupo.

“Pinuntahan ka raw ni Harris dito? ” Sabi ni mama. Mukhang hindi pa alam ni mama ang nangyari kanina dahil halata itong walang kaalam alam.

Bumuntong hininga ako bago napagpasyahang sagutin ang tanong niya.

“Dinala ako ni Harris sa bahay nila tita Amy. Galit na galit siya dahil sa nalaman niyang ipapakasal siya sa akin,” sabi ko at muling napabuntong hininga.

Lumapit sa akin si mama at naupo sa tabi ko. Hinawakan niya ang kama ko at mahina niya itong pinisil. Ngumiti ng pilit si mama.

“Elle, pagpasensyahan mo na kami ng papa mo. Pero, gusto rin naming tulungan ang magulang ni Harris. Sana maunawaan mo kami, Elle.” Mahinahong sambit ni mama. Magsasalita sana ako ng biglang tumayo si Cindy.

“Elle, mauuna na siguro ako. May aasikasuhin pa ako sa shop ko.” Sambit nito at isinukbit niya ang kaniyang shoulder bag sa kaniyang balikat.

“ Kararating mo pa lang dito, Cindy.” Sabi ko.

“Sa ibang araw na lang ako pupunta dito, kailangan niyong magusap ni tita.” Sambit nito at ngumiti. Nagaalalang tumango ako.

“O, sige. Magiingat ka sa paguwi,” sabi ko.

“Tita, uuwi na po ako.” Pagpapaalam nito kay mama.

Umalis si mama sa tabi ko at lumapit kay Cindy. Pinagbuksan ni mama ng pintuan ang kaibigan ko.

“Pagpasensyahan mo na ako at naabala ko pa kayo,” sambit ni mama.

“Its okay, tita. Sa ibang araw na lang kamo maguusap ni Elle,” sambit ni Cindy.

“Alis na po ako,” ayon lamang ang sinabi niya at lumabas na ng pintuan. Sinulyapan muna ako ni Cindy bago ito naglakad papaalis ng kwarto ko. Ilang saglit lang ay isinara na ni mama ang pintuan at bumalik sa tabi ko.

“Huwag na po kayong humingi ng sorry sa akin, ma. Nasabi na po sa akin ni tita Emy ang dahilan nila kung bakit nila naisipang I arrange marriage kaming dalawa ni Harris,” sabi ko.

“Sinabi sa iyo ni Emy?” Hindi makapaniwalang tanong ni mama. Mahina akong tumango at umiwas ako ng tingin kay mama. Ayaw kong makita niyang nahihirapan akong magdesisyon at naguguluhan kung ano nga ba ang dapat kong piliin.

“Sa isang buwan na raw ang kasal niyo?” Sambit ni mama.

“Baka may ibang paraan para mailayo si Harris kay Serah. Hindi naman ako mahal ni Harris kaya hindi kami pwedeng magpakasal,” sabi ko.

“Walang imposible, Elle. Matututunan ka ding mahalin ni Harris. Siguro, hindi madaling kalimutan niya si Serah. Pero, kapag kasal na kayong dalawa ay baka matutunan kang mahalin niya.” Sabi ni mama.

“ Kailan pa 'yon, ma? Alam naman po natin na hindi niya kailanman mamahalin ang tinuturing niyang nakababatang kapatid, ” malungkot kong sabi. Kahit anong effort ko, ang turing niya lang sa akin ay parang nakababatang kapatid. May kapatid si Harris at kasundo ko sa lahat ng bagay. Hindi ko maintindihan noon kung bakit ayaw na ayaw nila kay Serah iyon pala ay alam nila ang sikreto niya. Pero, kahit ganoon wala pa rin akong karapatang husgahan siya. Siguro, kapag dumating man na malaman ni Harris ang sikreto ng girlfriend niya ay malalaman ko kung ano ang dahilan ni Serah kung bakit nagawa niyang lokohin si Harris.

“ Alam mo ba na arrange marriage lang ang nangyari sa amin ng papa? Balak naming huwag ng sabihin sa iyo ito, Elle. Pero, kailangan mo itong malaman.” Hindi ako nakaimik sa narinig ko mula sa bibig ni mama. Bumilis ang tibok ng puso ko. Nagulat ako dahil sa ibinunyag ni mama, hindi ako makapaniwala na arrange marriage din ang nangyari sa kanila noon. Pero, hindi ko naman alam na arrange marriage din sila dahil mahal na mahal nila ang isa't isa.

“ Noong ikinasal kami ng papa mo dahil sa kasunduan ng mga magulang namin. Parang ganito rin ang nangyari sa pagitan naming dalawa ng papa mo, Elle. Hindi kami magkasundo at laging nagtatalo pero, hanggang sa tumagal ang pagsasama namin. Na realize namin na bakit, hindi namin subukang mahalin namin ang isa't isa. At kalimutan ang mga hindi magandang nangyari sa amin. Hanggang sa dumatimg ka sa buhay namin ng papa mo. Kaya sana magtiwala ka sa sarili mo at sa amin, Elle. Hindi ka namin ilalagay sa kapahamakan dahil anak ka namin at ikaw ang bunga ng pagmamahalan namin ng papa mo, ” mahabang salaysalay ni mama. Parang biglang gumaan ang nararamdaman kong takot dahil sa mga nalaman ko.

“Bakit ngayon niyo lamang po sa akin sinabi? ” Taka kong tanong.

“Para malaman mo na walang imposible kung susubukan niyong mahalin ang isa't isa kapag kasal na kayong dalawa, ” sambit ni mama.

“Papaano kung kamunghian ako ni Harris imbis na mahalin niya ako? ” Natatakot kong sabi. Natatakot ako sa sarili ko na baka kapag minahal ko pa siya ay lalo akong masaktan kung hindi naman ako ang laman ng puso niya.

“Walang masama kung susubukan mo, Elle. Hindi ka naman mahirap mahalin, anak. Mabait ka at perpektong babae.” Pagpuri sa akin ni mama.

“Ewan ko, ma. Pero, ang alam ko lang kailangan niyang malaman na niloloko lamang siya ni Serah pero, wala akong karapatan para panghimasukan ang relasyon nilang dalawa.” Sabi ko.

“Tama ka naman, Elle. Pero, alam mo naman na parang anak ko na rin ang turing kay Harris. At gusto kong mailayo siya sa babaeng iyon. Hindi niya deserve ang pagmamahal ni Harris, Elle.

“At gusto niyo? Ako ang mahalin ni Harris? ” Tanong ko.

“Hindi sa ganoon, Elle. Gusto lang namin ng papa mo na mapunta ka sa desenteng lalaki. Ang kaya kang ipagtanggol, ipagmalaki sa lahat ng mga tao.” Sabi ni mama, napabuntong hininga ako.

“ Hindi po natin ang naghihintay sa atin sa hinaharap. Pero, ang pinagdadasal ko ay h'wag sanang magtanim ng galit si Harris sa magulang niya, ”

“Pero wala namang masama kung maghihintay ka kung kailan ka niya matutunang mahalin.”

“Kailan pa iyon? Hanggang kaibigan lang naman ang kayang ibigay sa akin ni Harris, kahit ipagsiksikan ko pa ang sarili ko sa kaniya walang epekto 'yon.

“Ako ang ina mo Elle. Kay'a alam ko na mamahalin ka rin ni Harris may pagsubok nga kayong pagdadaanan pero sa bandang huli ay pag- ibig pa din ang mananaig.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Hiding The Gordion Triplets   HTGT 64

    -3 month later- Maingat kong inilapag sa lamesa ang larawan ng tatlo kong anak. Sa larawang ito, nasa gitna ang prinsesa namin, habang nasa kaliwat kanan nito ang dalawang prinsipe. Wala na akong hihilingin pa. Ang masaya at buong pamilya ang tanging gusto ko.Ang magkaroon ng kapayapaan habang nabubuhay pa ko. Ang mga anak ko, si Harris ang pamilya ko, kuntento na ako sa kanila. Matapos ang araw na ‘iyon, sinabi ko sa sarili ko na hindi na iyon mauulit pa. Walang sinuman ang pwedeng manakit sa mga mahal ko sa buhay. Lalong lalo na ang mga anak namin ni Harris. Sila ang buhay ko. Flash Back“Time of Death - 4:59 pm” Pagkasabi ng nurse na nagbibigay ng first aid sa anak ko. Nanlamig ng buo kong katawan sa mga oras na iyon. Hindi ako naniniwala na wala na ang anak kong si Hayden. Halos maglumpasay ako sa mga oras na iyon at pinakiusapan ang nurse na try pa niyang buhayin ang anak ko. Nagpumilit at nakiusap ako ng buong puso… Sinunod naman ng nurse ang pakiusap ko. Si

  • Hiding The Gordion Triplets   HTGT 63

    Bawat lapit nila Harris, Elle, at Stella sa mga sasakyang naka park sa parking area ng airport ay mahigpit na sinisiyasat ang loob ng sasakyan. Nagbabaka sakali na nandun sa loob ng sasakyan ang sanggol. Naiiyak na sa matinding takot si Elle habang tagaktak na rin ng pawis ang mukha nito. Sa sobrang init sa parking area ay mas nagiging matindi ang tensyon sa paghahanap sa sanggol nila. “Fuck you, Cindy! I will kill you!” Galit na sambit ni Harris ng walang makitang Hayden sa loob ng kotse. Hinampas niya ito ng malakaa sa salamin dahil sa matinding gigil at galit kay Cindy. “Where's my son… Fucking shit…” bulalas pa ulit ni Harris. Sa Mahabang minuto nilang paghahanap sa napakaraming sasakyan, ay hindi sila nagtagumpay na makita ang anak nila. Nanghihinang napaupo sa sahig si Elle at unti-unting tumulo ang kaniyang luha. “PAANO KUNG WALA NAMAN TALAGA DITO ANG ANAK NATIN, HARRIS?! PAANO KUNG NILOLOKO LANG TAYO NI CINDY!” umiiyak na sambit ni Elle. “Ate huwag ka m

  • Hiding The Gordion Triplets   HTGT 62

    ELLE POINT OF VIEW“BAKIT BA AYAW NIYO KONG PAPASUKIN SA LOOB?! KILALA KO ‘YUNG NANDUN SA LOOB NG EROPLANO!” naiiyak kong saad sa security guard na humaharang sa’ min ni Stella. Nandito na kami sa entrance ng airport. Kaso, hindi kami pinapayagang pumasok. Kahit sabihin ko na kakilala ko yung sangkot dun. Wala pa rin epekto. “Ma'am, delikado po sa loob. Lalo na ngayon, may hawak na armas ang babae sa loob ng eroplano.” Saad ng security . “Pero-” nahinto ako sa pagsasalita ng hawakan ako ni Stella sa brass at hinila palayo sa security. Nagtataka ko naman siyang tinignan. “Ate Elle, hindi talaga tayo papayagan ng mga ‘yan. We need to find other entrance. Don't waste our time para pilitin ang mga security na papasukin tayo.” Dahil sa sinabi ni Stella, pumayag ako at hindi na nagpumilit pa sa mga security. Nagtungo kami ni Stella sa parking lot sa loob ng airport. Dun kami magbabakasakali na makakapasok kami sa loob. Sa pagtungo namin dun andami namin nakasal

  • Hiding The Gordion Triplets   HTGT 61

    -Third POVSa loob ng eroplanong hindi pa umaandar, nagkakagulo ang lahat ng pasahero. Dahil sa isang babaeng may hawak ng baril habang nahihibang na itinutok sa isang lalaki. Hindi natuloy ang planong paglipad ng eroplano dahil sa kaguluhan. Suno - sunod ang pabulong na mura ng lalaki habang masama ang tingin sa babaeng nagngangalang Cindy. “Akala niyo ba maiisahan niyo ko?!” Natatawang tanong ni Cindy kay Harris. “I knew it already. Hindi ka talaga susunod sa deal natin.” Dugtong pa nito.“Ibalik mo na samin ang anak ko. It's done. You better move on now, Cindy.” Seryosong sambit ni Harris dito. Naaasar na napailing si Cindy. “Do you think madali ‘yun, Harris? Do you think I will do that? Haha. No! Hindi ako ganun katanga.” Pinaglaruan ni Cindy ang hawak nitong baril sa kamay niya. Na animoy isa itong laruan lamang na kahit kalabitin ang gatilyo ay hindi naman puputok. “ Hindi ko ibabalik ang anak mo… kung hindi ko rin naman makukuha ang gusto ko!” Dugtong pa ni Cindy.

  • Hiding The Gordion Triplets   HTGT 60

    STELLA POINT OF VIEW “Don't call Kuya Harris, Ate!” Pigil ko kay Ate Elle ng balakin niyang tawagan si Kuya. Sa tono ko, halatang halata ni ate Elle na natataranta ako. Well, natataranta naman talaga ako ngayon.“Bakit naman? Itatanong ko lang sana sa kanya kung nasa presinto na siya?” Saad ni ate. Ngumiwi ako at napakamot sa batok. “Hehe. Maybe, hes driving pa. Hindi niya masasagot tawag mo kapag nagmamaneho pa siya.” Palusot ko.Galingan mo pa pagpapalusot, Stella. “O’ sige na nga. Mamaya ko na lang siya tawagin.” Sumang-ayon na sambit ni Ate Elle. Ngumiti ako at tumango. “Halika dito ate. Let's watch movie muna.” Aya ko sa kaniya. Kaagad siyang smiling na ikinasimangot ko. “Why? There's problem ba Ate Elle?”“Wala naman. Kaso… hindi naman ako makakarelax sa pamamagitan ng panonood ng mga movie sa ngayon, Stella. Lalo na ngayon, hindi ko pa din nayayakap ang anak kong nasa kamay ng kidnappers.” Malungkot na sabi Ni ate. Ngumiti ako ng pagkatamis-tamis at kinuh

  • Hiding The Gordion Triplets   HTGT 59

    Cindy Point of VIEW “Ready na ba ang 2 ticket na pinapaasikaso ko?” “Yes po. Bukas po ang flight niyo.” “ Okay good. Just prepared what I said, okay.” I ended up on a phone call with the staff ng Ninoy Aquino Airport. The hide and seek is already done. Harris will be mine again tomorrow. Hindi naman pala ko mahihirapan na makuha agad si Harris. Hindi ko naman na kailangan pang mag reveal kung sino ang kidnapper ng isa sa triplets nila. Dahil alam kong alam naman na nila kung sino. Ibabalik ko na ang anak nila bukas. Kapalit ni Harris. I already booked a ticket for Harris and I. We will live in Australia. Dun na kami titira at kakalimutan ang mga tao dito sa Pilipinas. Yung plano ko na masayang buhay with him. Matutupad na. All of my sacrifices will be paid off. I called my mom earlier to say goodbye. I told them that I will leave the Philippines and go to another country to start a new life. Sinabi ko na dun na ko titira sa Australia. I have tr

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status