Share

HTGT: 4

Author: Jane_Writes
last update Last Updated: 2023-08-07 22:21:58

Buong araw akong nanatili sa pagkakahiga mula sa ibabaw ng kama kama ko dito sa aking kwarto. Wala akong ganang kumain pagkatapos naming magusap ni mama kanina. Hindi ko man lang naramdaman ang pangangalay ng likod ko dahil kanina pa ako nakahiga sa kama ko. Pinipilit ko ang sarili kong matulog pero, hindi ko magawa. Nababagabag ako, sa pagiisip ko ng kung ano ano. Para bang mababaliw ako dahil sa sobrang pagiisip.

Napalingon ako sa alarm clock ko. Pasado alas otso na ng gabi. Paniguradong tulog na sila mama. Hindi na rin ako nagtaka kung bakit hindi nila ako tinawag para kumain dahil, alam nila na wala akong ganang kumain. Napabuntong hininga ako bago ko naisipang damputin ang cellphone ko sa gilid ko. Binuksan ko ang f******k ko at ganoon na lamang ang panlalaki ng mata ko ng makitang maraming notification sa account ko.

Tinampal ko ang pisngi ko para alamin na hindi ako nananaginip. Ang laman ng notification ko ay ang modelong nagngangalang Serah Park at ang kapartner niyang si Darrell.

Ang laman ng buong balita ay tungkol sa kanilang dalawa ni Darrell. Ang nalalapit na kasal nilang dalawa. Kinabahan ako ng biglang sumagi sa isipan ko si Harris. Alam na kaya ni Harris ang tungkol sa balitang ito? Nasaan kaya siya ngayon? Hindi naman ako ganito ka concern sa kaniya noon. Pero, sana ay ayos lamang siya kung alam na niya ang tungkol sa balitang ito.

Dahil sa hindi ako mapakali, napagpasyahan kon tawagan si tita Emy. Tatanungin ko lamang kung ayos lamang si Harris.

Makailang ring ito bago ni tita sinagot ang tawag ko.

“Hello, po tita Emy.” Pangunguna ko ng sagutin niya ang tawag ko. Ilang saglit pa ay nagsalita na ito sa kabilang linya. Napabangon ako mula sa aking kama ng sabihin ni tita na hindi nila maawat si Harris. Dalawang oras na raw itong umiinom ng alak at sobrang lasing na raw nito.

“Ano po ang ginagawa niya ngayon? Tanong ko kay tita Emy.

“Ito, lasing na lasing. Kahit anong gawin namin ayaw magpapigil.” Problemadong sambit ni tita, mula sa kabilang linya ng telepono.

“Nakita niya po ba sa news feed ang tungkol sa relasyon ni Serah at ni Darrell, tita?” Tanong ko.

“Hindi ko alam, Elle. Wala namang binaggit sa akin si Harris, pero malakas ang kutob namin na alam na niya ang tungkol sa relasyon ni Serah at ni Darrell.” Saglit akong napaisip. Hindi ako matatahimik kung hindi ko makikita si Harris ng personal, kahit naman na alam kong galit rin siya sa akin.

“Sige po tita. Pupunta po ako ngayon d'yan, ” Sabi ko.

“Huwag na, Elle. Maaabala ka lang, ” sambit ni tita.

“ Hindi po ako maaabala, tita. Hintayin niyo na lamang po ako d'yan,” ayon lamang ang aking sinabi at napagpasyahan ko ng magpalit ng suot.

Ilang minuto lamang ang nasayang ng matapos ako sa pagaayos ng sarili. Nagsuot ako ng Jacket dahil malamig sa labas tuwing ganitong oras. Kinuha ko ang susi ng aking sasakyan sa drawer ko ay lumabas ng kwarto ko.

Hindi na ako nagabala pang magtungo sa kwarto nila mama dahil tiyak na hindi ako papapuntahin sa bahay nila tita Emy ng ganitong oras. Si Annie naman ay tiyak na nasa kaibigan niya ito ngayon. Madalas ang naiiwan dito sa bahay ay ako lamang.

Malamig na simoy ng hangin ang sumalubong sa akin pagkalabas ko ng bahay namin. Gayunpaman, nagtungo ako sa parking lot nitong bahay namin para sumakay sa kotse ko na niregalo pa ni Harris. Noong nag eighteen years old ako ito ang iniregalo sa akin ni Harris. Ito rin ang kinaingat ingatan kong bagay na iniregalo sa akin noon. Siya rin ang pang last dance ko noong eighteen years old ako, masasabi kong napaka romantic noong gabing iyon.

Mabuti na lamang ay may gwardiya kami kaya hindi na ako nahirapan pang magbukas ng gate. Binaybay ko ang kalsada. Wala ng masyadong katao tao sa gilid ng kalsada, kakaunti na lamang ang mga nakakasalubong kong mga sasakyan.

Ilang minuto lamang ay nakarating na ako sa tapat ng gate nila Harris. Mukhang inaasahan na ng gwardiya na darating ako dahil nakabukas na ito. Bago ko malampasan ang gwardiya nila Harris itinigil ko muna ang aking sasakyan at dumungaw sa labas.

“Salamat po,” mahinahon kong sabi.

“Walang anuman po, ma'am Elle. ” Sambit nito kaya tumango ako at nginitian ito.

“Sige po, mauuna na po ako.” Sabi ko at isinara na ang bintana nitong bintana at pinaandar na itong kotse ko patungo sa tapat ng mansyon.

Pagkahinto ko ng aking sasakyan kaagad akong naglakad papasok ng pintuan nitong bahay nila Harris. Ng makita ako ni tita Emy ay kaagad akong sinalubong ni tita.

“Pasensiya na, Elle. Hindi namin napigilang magpakalasing ni Harris. Gusto kong sugudin ang babaeng iyon at sampalin ng ilang beses, ” sambit ni tita. Ngumiti ako ng pilit.

“Huwag na po kayong magalit tita. Hindi po natin kagustuhan na mangyari ito, may mga tao lang talaga na hindi man lang iniisip ang nararamdaman ng ibang tao, ” sabi ko.

“Ewan ko, Elle. Ayaw kong makita ang babaeng iyon at baka kung ano pa ang magawa ko sa kaniya, ” sabi ni tita.

“Huwag po kayong masyadong ma- stress, tita. Nasaan po ba si Harris ngayon? ” Tanong ko habang naglalakad kami patungong living room.

“Nasa kwarto niya, Elle. Nand'on umiinom at ayaw makipag usap kahit kanino. Sinubukan na rin ni Stella na kausapin ang kuya niya pero, walang nangyari. ” Sabi ni tita, ng makarating kami sa couch. Inalalayan ko itong maupo.

Umupo ako sa tabi ni tita.

“Hayaan na lamang po natin si Harris. Masakit sa kaniya na malaman na niloloko lamang pala siya ng babaeng mahal niya. Ako na lamang ang bahala sa anak niyo tita, magpahinga na po kayo.” Sabi ko.

“Sigurado ka ba, Elle? Abala lamang sa'yo ang magbantay kay Harris,” sambit ni tita. Ngumiti ako, para ipahiwatig sa kaniya na ayos lamang ako.

“Oh, sige. Inaantok na rin talaga ako, Elle. Dito ka na lang matulog sa guestroom kung matutulog ka na,” sabi ni tita.

“Ako na po ang bahala sa anak niyo tita, uuwi na rin po ako mamaya kapag nakatulog na si Harris.” Sabi ko.

“Huwag na. Sa guestroom ka na lang matulog,” sabi ni tita.

“Sige po tita. Matulog na po kayo,” sabi ko. Tumango naman ito at tumayo.

“Tawagin mo na lamang ako kapag may problema,Elle.” Ayon lamang ang sinabi ni tita Emy at nagpaalam na pupunta na siya sa kwarto nila tito.

Dumaan ang isang minuto ako na lamang ang natira dito sa living room. Napagpasyahan kong tumayo na mula sa pagkakaupo dito sa malambot na couch. Habang naglalakad ako palabas nitong living room, napatigil ako ng makita kong patungo si Harris sa direksyon ko. Hindi ko maihakbang ang paa ko para bang natulos ako sa kinatatayuan ko at hinihintay ko na lamang ang mga susunod na mangyayari. Pagewang- gewang ito habang naglalakad at mukhang wala na ito sa tamang pagiisip. May hawak itong isang bote ng beer at sa tansya ko ay wala na itong laman.

“Ayos ka lang ba?” Napipilitan kong sabi. Tumigil ito sa paglalakad at tinignan ako nito. Para bang matutumba na ito dahil sa sobrang kalasingan. Ang mga nito ay mapupungay at pansin ko ang lungkot sa mata niya.

“What are you doing here?”

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Hiding The Gordion Triplets   FINAL CHAPTER

    Ngayon, ngayon ang pinakahihintay naming lahat. Ang unang kaawaran ng triplets namin ni Harris. Bilis ng araw, ang daming mga nangyari. Ang simpleng event para Sa kaarawan ng triplets ay nauwi sa isang napakalaking siremonya. Sinekreto kasi sa akin ni Harris at Stella, maski ang family ko na isang boggang kaarawan pala ang magaganap ngayong araw. Nasa isang resort kami sa tagaytay ito ang inasikaso nila Stella at Harris. Napaka swerte ko sa kanila…Wala na akong ibang hihilingin pa sa panginoon. Masayang pamilya.Kumpletong pamilya. Maraming salamat kay Lord dahil pinagkaloob niya sa akin ang ganitong kasayang buhay. Sa mga oras na ito, abala ang lahat ng bisita sa aming mga anak ni Harris. Ngayon kasi, pinakilala na ni Harris at ng buong Gordion family ang anak namin ni Harris. Pati ako pina kilala sa mga bisita. Maraming bigating mga tao ang nandito. Palagay na ang loob ko, masaya na ako dahil wala ng problema. Ngunit hindi ko magawang maging masaya ng sobra- sobra.

  • Hiding The Gordion Triplets   HTGT 64

    -3 month later- Maingat kong inilapag sa lamesa ang larawan ng tatlo kong anak. Sa larawang ito, nasa gitna ang prinsesa namin, habang nasa kaliwat kanan nito ang dalawang prinsipe. Wala na akong hihilingin pa. Ang masaya at buong pamilya ang tanging gusto ko.Ang magkaroon ng kapayapaan habang nabubuhay pa ko. Ang mga anak ko, si Harris ang pamilya ko, kuntento na ako sa kanila. Matapos ang araw na ‘iyon, sinabi ko sa sarili ko na hindi na iyon mauulit pa. Walang sinuman ang pwedeng manakit sa mga mahal ko sa buhay. Lalong lalo na ang mga anak namin ni Harris. Sila ang buhay ko. Flash Back“Time of Death - 4:59 pm” Pagkasabi ng nurse na nagbibigay ng first aid sa anak ko. Nanlamig ng buo kong katawan sa mga oras na iyon. Hindi ako naniniwala na wala na ang anak kong si Hayden. Halos maglumpasay ako sa mga oras na iyon at pinakiusapan ang nurse na try pa niyang buhayin ang anak ko. Nagpumilit at nakiusap ako ng buong puso… Sinunod naman ng nurse ang pakiusap ko. Si

  • Hiding The Gordion Triplets   HTGT 63

    Bawat lapit nila Harris, Elle, at Stella sa mga sasakyang naka park sa parking area ng airport ay mahigpit na sinisiyasat ang loob ng sasakyan. Nagbabaka sakali na nandun sa loob ng sasakyan ang sanggol. Naiiyak na sa matinding takot si Elle habang tagaktak na rin ng pawis ang mukha nito. Sa sobrang init sa parking area ay mas nagiging matindi ang tensyon sa paghahanap sa sanggol nila. “Fuck you, Cindy! I will kill you!” Galit na sambit ni Harris ng walang makitang Hayden sa loob ng kotse. Hinampas niya ito ng malakaa sa salamin dahil sa matinding gigil at galit kay Cindy. “Where's my son… Fucking shit…” bulalas pa ulit ni Harris. Sa Mahabang minuto nilang paghahanap sa napakaraming sasakyan, ay hindi sila nagtagumpay na makita ang anak nila. Nanghihinang napaupo sa sahig si Elle at unti-unting tumulo ang kaniyang luha. “PAANO KUNG WALA NAMAN TALAGA DITO ANG ANAK NATIN, HARRIS?! PAANO KUNG NILOLOKO LANG TAYO NI CINDY!” umiiyak na sambit ni Elle. “Ate huwag ka m

  • Hiding The Gordion Triplets   HTGT 62

    ELLE POINT OF VIEW“BAKIT BA AYAW NIYO KONG PAPASUKIN SA LOOB?! KILALA KO ‘YUNG NANDUN SA LOOB NG EROPLANO!” naiiyak kong saad sa security guard na humaharang sa’ min ni Stella. Nandito na kami sa entrance ng airport. Kaso, hindi kami pinapayagang pumasok. Kahit sabihin ko na kakilala ko yung sangkot dun. Wala pa rin epekto. “Ma'am, delikado po sa loob. Lalo na ngayon, may hawak na armas ang babae sa loob ng eroplano.” Saad ng security . “Pero-” nahinto ako sa pagsasalita ng hawakan ako ni Stella sa brass at hinila palayo sa security. Nagtataka ko naman siyang tinignan. “Ate Elle, hindi talaga tayo papayagan ng mga ‘yan. We need to find other entrance. Don't waste our time para pilitin ang mga security na papasukin tayo.” Dahil sa sinabi ni Stella, pumayag ako at hindi na nagpumilit pa sa mga security. Nagtungo kami ni Stella sa parking lot sa loob ng airport. Dun kami magbabakasakali na makakapasok kami sa loob. Sa pagtungo namin dun andami namin nakasal

  • Hiding The Gordion Triplets   HTGT 61

    -Third POVSa loob ng eroplanong hindi pa umaandar, nagkakagulo ang lahat ng pasahero. Dahil sa isang babaeng may hawak ng baril habang nahihibang na itinutok sa isang lalaki. Hindi natuloy ang planong paglipad ng eroplano dahil sa kaguluhan. Suno - sunod ang pabulong na mura ng lalaki habang masama ang tingin sa babaeng nagngangalang Cindy. “Akala niyo ba maiisahan niyo ko?!” Natatawang tanong ni Cindy kay Harris. “I knew it already. Hindi ka talaga susunod sa deal natin.” Dugtong pa nito.“Ibalik mo na samin ang anak ko. It's done. You better move on now, Cindy.” Seryosong sambit ni Harris dito. Naaasar na napailing si Cindy. “Do you think madali ‘yun, Harris? Do you think I will do that? Haha. No! Hindi ako ganun katanga.” Pinaglaruan ni Cindy ang hawak nitong baril sa kamay niya. Na animoy isa itong laruan lamang na kahit kalabitin ang gatilyo ay hindi naman puputok. “ Hindi ko ibabalik ang anak mo… kung hindi ko rin naman makukuha ang gusto ko!” Dugtong pa ni Cindy.

  • Hiding The Gordion Triplets   HTGT 60

    STELLA POINT OF VIEW “Don't call Kuya Harris, Ate!” Pigil ko kay Ate Elle ng balakin niyang tawagan si Kuya. Sa tono ko, halatang halata ni ate Elle na natataranta ako. Well, natataranta naman talaga ako ngayon.“Bakit naman? Itatanong ko lang sana sa kanya kung nasa presinto na siya?” Saad ni ate. Ngumiwi ako at napakamot sa batok. “Hehe. Maybe, hes driving pa. Hindi niya masasagot tawag mo kapag nagmamaneho pa siya.” Palusot ko.Galingan mo pa pagpapalusot, Stella. “O’ sige na nga. Mamaya ko na lang siya tawagin.” Sumang-ayon na sambit ni Ate Elle. Ngumiti ako at tumango. “Halika dito ate. Let's watch movie muna.” Aya ko sa kaniya. Kaagad siyang smiling na ikinasimangot ko. “Why? There's problem ba Ate Elle?”“Wala naman. Kaso… hindi naman ako makakarelax sa pamamagitan ng panonood ng mga movie sa ngayon, Stella. Lalo na ngayon, hindi ko pa din nayayakap ang anak kong nasa kamay ng kidnappers.” Malungkot na sabi Ni ate. Ngumiti ako ng pagkatamis-tamis at kinuh

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status