Share

HTGT 46.1

Author: Jane_Writes
last update Last Updated: 2023-12-03 19:48:34

-ELLE-

Nagluluto ako ng almusal namin ni Mina sa kusina namin dito sa apartment. Sopas ang napagdesisyunan naming kainin, samantalang ang tatlong baby ko naman ay lugaw. Matapos kong ihain sa hapag ang almusal namin ni Mina, naka received naman ako ng text galing kay Stella. Pupunta raw siya dito. Pumayag din naman ako kaagad. Kaso nakakapag taka lang dahil pupunta siya dito ng ganito kaagad.

...

Matapos naming mag-almusal ni Mina, nag-volunteer siya na maghugas ng mga pinagkainan namin. Sumang-ayon naman ako dahil papakainin ko pa ang tatlong bata sa kuwarto naming. Inuna ko muna si Elisha na pakainin, sumunod naman ay si Elijah.

Nginingitian ako nito habang sinusubuan ko ng isang kutsaritang lugaw.

"Nagustuhan mo ba ang luto ni Mama, anak?" Nakangiti kong tanong.

Nginitian naman niya ako ng pagkatamistamis. Ang cute ng dimple niya, parang ang tatay niya. SI Harris Kasi ay may dimple din, at isa rin 'yon sa dahilan para mas maging guwapo siya.

Napailing ako dahil sa iniisip ko. Bakit ba pumapasok sa isip ko ang manlolokong lalaking 'yon?

Matapos kong pakainin ang mga anak ko, inumpisahan ko naman silang paliguan ng warm water. Habang binibihisan ko sila, big;ang bumukas ang pintuan. Bumungad naman sa akin ang pinagpapawisang mukha ni Mina. Mahina akong natawa dahil para siyang nakakita ng multo.

"Bakit ganyan ang itsura mo?" tanong ko.

Lumapit siya sa 'kin at naupo sa gilid ko.

"Nandyan na si Stella, Ate Elle. May kasama siya, nasa sala sila ngayon." Saad ni Mina at binaliwala lamang ang tanong ko.

Biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Sino ang kasama ni Stella? Huwag naman sana si Harris.

"Dito ka muna ha? Ikaw muna ang bahala sa inaantok mo," bilin ko kay Mina. " Huwag mo munang ilalabas ang mga bata ha? Hangga't Hindi ako bumabalik Dito." dugtong ko pa.

Mabilis namang tumango si Mina, kaya naman tumayo na ako at naglakad palabas ng pinto. Bawat paghakbang ko patungong sala, ay mas bumibilis din ang tibok ng puso ko. Hanggang sa... napahinto ako sa paghakbang ng tuluyan kong makita ang mukha ng lalaking iniiwasan ko. Nang makita ako ni Stella ay kaagad niya akong nilapitan, napaatras naman ako ng akma niya Kong hawakan. Napahinto siya sa harap ko at [ara bang nakikiusap ang mata niya na pakinggan komuna ang paliwanag niya.

Pero hindi ko lang maintindihan kung bakit niya binali ang promise niya sa 'kin na hindi niya sasabihin kay Harris ang tinitirhan namin.

"Nagtiwala ako sa 'yo, Stella." bulalas ko.

"Ate, please pakinggan mo muna ako." Pakiusap niya. Hindi naman ako nagsalita. "Sinama ko si Kuya dito dahil may kailangan kang malaman. Please, pakinggan mo muna siya. Baka sakaling magbago ang pananaw mo kay Kuya." Dugtong pa niya.

Nilingon ko si Harris na nakatingin sa akin ng diretso. "Baka sakaling magbago ang pananaw ko, Stella? tanong ko, habang diretso ang tingin ko sa mata ni Harris. Sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko pero sinawalang bahala ko lamang iyon. " Kaylan man ay hindi na magbabago ang pananaw ko sa Kuya mo, Stella. Di ba napaliwanag ko na sa 'yo kung bakit ko mas piniling lumayo?" Sambit ko ng lingunin ko si Stella. "Akala ko ba naintindihan mo na? Pero bakit dinala mo pa ang kapatid mo dito?" tanong ko kay Stella.

"A-ate, Wala naman sana akong balak sabihin kay Kuya eh. Pero ng sabihin niya sa 'min na bumalik na ang alaala niya, pinaliwanag sa 'min ni Kuya ang lahat. Kaso ng malaman namin na kagagawan ni Ate Cindy ang lahat, naisipan kong asabihin kay Kuya na nakakausap at alam ko ang tinutuluyan mo." Sagot ni Stella sa 'kin.

Napailing ako. "Anong pinagsasabi mo? Kagagawan ni Cindy ang pangyayari noong gabing 'yon? HIndi naman ako Bulaga eh. Kitang kita ng dalawang mata ko ang ginagawa nila noong gabing 'yon. " Saad ko. "At nakakaalala ka na pala, Harris. " Baling ko kay Harris. " Siguro naman naalala mo na ang ginawa niyo ni Cindy noong gabing hinihintay kita sa bahay natin dahil isusurprise ka sana namin. Kaso Imbis na ikaw nag masurpresa ako pa 'yung na surprise." Mapait kong sabi.

"Mali ka ng iniisip, Elle. Plano lahat iyon ni Cindy. Tinawagan niya ko at sinabi niyang may mahalaga kang sasabihin sa 'kin, at gusto mo raw akong papuntahin sa condo niya. At ako naman itong gago, naniwala ako sa baliw na babaeng 'yon."

-THIRD PERSON-

NANGHIHINANG napaupo sa upuan si Elle. Matapos ipaliwanag ni Harris ang lahat. Hindi siya makapaniwala. Ngunit ng isa-isahin niya ang lahat ng kaganapan noon. Unti-unting lumambot ang puso niya. Ang galit sa puso niya ay biglang naglaho. Saka niya napagtanto na hindi imposible na pinlano ng kaibigan niya iyon.

"Talaga bang hindi niyo iyon sinadya?" tanong ni Elle kay Harris. Nakaluhod si Harris sa harapan ni Elle, habang hawak-hawak nito ang palad ni Elle. Buong pusong dinadampian ni Harris ng halik ang likod ng palad niya. Puno ng pagmamahal at pangungulila si Harris, ganoon din si Elle.

Silang dalawa na lamang ang nasa sala, dahil iniwan na sila ni Stella para makapag-usap silang dalawa ng maayos.

"Trust me. Pinangako ko noon sa sarili ko na magsisimula tayo, at pag-aaralan ko kung paano mahalin. At ngayong mahal na kita, hindi ko iniisip na lokohin ka. Saksi ang diyos, kung gaano kita kamahal." Madamdaming saad ni Harris sa kaniya.

"Kung totoo man ang sinabi mo, maniniwala na ko. Pero sana nagpaliwanag ka kaagad sa 'kin noong gabing 'yon." Ngitngit ni Elle.

Naupo si Harris sa tabi niya at hinawakan niya si Elle sa pisngi upang magkaharap sila.

"Paano ako magpapaliwanag sa 'yo, kung hindi mo ako binigyan ng pagkakataon na makapagpaliwanag. But, I understand you. Ngayong, nai-explain ko na sa 'yo ang totoo, sana mawala na ang galit sa puso mo." Saad ni Harris ng may pakikiusap ang tono ng pananalita niya.

"Sorry. Nadala lang ako ng matinding emosyon. Lalo na ng maabutan ko kayo na nasa ganoong pumwesto," saad ni Elle. "Wife, let's forget about what happened that night. Ayaw ko ng isipin 'yon. You're friend is crazy. Cindy is obsessed of me." Napapailing na sabi ni Harris.

Napatango naman si Elle. "Harris, hindi porket napatawad na kita ay magsasama na ulit tayo sa iisang bubong. Maraming nagbago, at isa na rin sa mga nagbago ay ang nararamdaman ko sa 'yo."

Continue to read this book for free
Scan code to download App
Comments (3)
goodnovel comment avatar
Mayfe de Ocampo
thanks sa update madam author,,sana wag na magpakipot si elle para happy ending
goodnovel comment avatar
Nhali Jimenez Resuello
thank u miss sa update
goodnovel comment avatar
Sarang❤
thanks Author ...sana lagi may update...
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • Hiding The Gordion Triplets   HTGT 64

    -3 month later- Maingat kong inilapag sa lamesa ang larawan ng tatlo kong anak. Sa larawang ito, nasa gitna ang prinsesa namin, habang nasa kaliwat kanan nito ang dalawang prinsipe. Wala na akong hihilingin pa. Ang masaya at buong pamilya ang tanging gusto ko.Ang magkaroon ng kapayapaan habang nabubuhay pa ko. Ang mga anak ko, si Harris ang pamilya ko, kuntento na ako sa kanila. Matapos ang araw na ‘iyon, sinabi ko sa sarili ko na hindi na iyon mauulit pa. Walang sinuman ang pwedeng manakit sa mga mahal ko sa buhay. Lalong lalo na ang mga anak namin ni Harris. Sila ang buhay ko. Flash Back“Time of Death - 4:59 pm” Pagkasabi ng nurse na nagbibigay ng first aid sa anak ko. Nanlamig ng buo kong katawan sa mga oras na iyon. Hindi ako naniniwala na wala na ang anak kong si Hayden. Halos maglumpasay ako sa mga oras na iyon at pinakiusapan ang nurse na try pa niyang buhayin ang anak ko. Nagpumilit at nakiusap ako ng buong puso… Sinunod naman ng nurse ang pakiusap ko. Si

  • Hiding The Gordion Triplets   HTGT 63

    Bawat lapit nila Harris, Elle, at Stella sa mga sasakyang naka park sa parking area ng airport ay mahigpit na sinisiyasat ang loob ng sasakyan. Nagbabaka sakali na nandun sa loob ng sasakyan ang sanggol. Naiiyak na sa matinding takot si Elle habang tagaktak na rin ng pawis ang mukha nito. Sa sobrang init sa parking area ay mas nagiging matindi ang tensyon sa paghahanap sa sanggol nila. “Fuck you, Cindy! I will kill you!” Galit na sambit ni Harris ng walang makitang Hayden sa loob ng kotse. Hinampas niya ito ng malakaa sa salamin dahil sa matinding gigil at galit kay Cindy. “Where's my son… Fucking shit…” bulalas pa ulit ni Harris. Sa Mahabang minuto nilang paghahanap sa napakaraming sasakyan, ay hindi sila nagtagumpay na makita ang anak nila. Nanghihinang napaupo sa sahig si Elle at unti-unting tumulo ang kaniyang luha. “PAANO KUNG WALA NAMAN TALAGA DITO ANG ANAK NATIN, HARRIS?! PAANO KUNG NILOLOKO LANG TAYO NI CINDY!” umiiyak na sambit ni Elle. “Ate huwag ka m

  • Hiding The Gordion Triplets   HTGT 62

    ELLE POINT OF VIEW“BAKIT BA AYAW NIYO KONG PAPASUKIN SA LOOB?! KILALA KO ‘YUNG NANDUN SA LOOB NG EROPLANO!” naiiyak kong saad sa security guard na humaharang sa’ min ni Stella. Nandito na kami sa entrance ng airport. Kaso, hindi kami pinapayagang pumasok. Kahit sabihin ko na kakilala ko yung sangkot dun. Wala pa rin epekto. “Ma'am, delikado po sa loob. Lalo na ngayon, may hawak na armas ang babae sa loob ng eroplano.” Saad ng security . “Pero-” nahinto ako sa pagsasalita ng hawakan ako ni Stella sa brass at hinila palayo sa security. Nagtataka ko naman siyang tinignan. “Ate Elle, hindi talaga tayo papayagan ng mga ‘yan. We need to find other entrance. Don't waste our time para pilitin ang mga security na papasukin tayo.” Dahil sa sinabi ni Stella, pumayag ako at hindi na nagpumilit pa sa mga security. Nagtungo kami ni Stella sa parking lot sa loob ng airport. Dun kami magbabakasakali na makakapasok kami sa loob. Sa pagtungo namin dun andami namin nakasal

  • Hiding The Gordion Triplets   HTGT 61

    -Third POVSa loob ng eroplanong hindi pa umaandar, nagkakagulo ang lahat ng pasahero. Dahil sa isang babaeng may hawak ng baril habang nahihibang na itinutok sa isang lalaki. Hindi natuloy ang planong paglipad ng eroplano dahil sa kaguluhan. Suno - sunod ang pabulong na mura ng lalaki habang masama ang tingin sa babaeng nagngangalang Cindy. “Akala niyo ba maiisahan niyo ko?!” Natatawang tanong ni Cindy kay Harris. “I knew it already. Hindi ka talaga susunod sa deal natin.” Dugtong pa nito.“Ibalik mo na samin ang anak ko. It's done. You better move on now, Cindy.” Seryosong sambit ni Harris dito. Naaasar na napailing si Cindy. “Do you think madali ‘yun, Harris? Do you think I will do that? Haha. No! Hindi ako ganun katanga.” Pinaglaruan ni Cindy ang hawak nitong baril sa kamay niya. Na animoy isa itong laruan lamang na kahit kalabitin ang gatilyo ay hindi naman puputok. “ Hindi ko ibabalik ang anak mo… kung hindi ko rin naman makukuha ang gusto ko!” Dugtong pa ni Cindy.

  • Hiding The Gordion Triplets   HTGT 60

    STELLA POINT OF VIEW “Don't call Kuya Harris, Ate!” Pigil ko kay Ate Elle ng balakin niyang tawagan si Kuya. Sa tono ko, halatang halata ni ate Elle na natataranta ako. Well, natataranta naman talaga ako ngayon.“Bakit naman? Itatanong ko lang sana sa kanya kung nasa presinto na siya?” Saad ni ate. Ngumiwi ako at napakamot sa batok. “Hehe. Maybe, hes driving pa. Hindi niya masasagot tawag mo kapag nagmamaneho pa siya.” Palusot ko.Galingan mo pa pagpapalusot, Stella. “O’ sige na nga. Mamaya ko na lang siya tawagin.” Sumang-ayon na sambit ni Ate Elle. Ngumiti ako at tumango. “Halika dito ate. Let's watch movie muna.” Aya ko sa kaniya. Kaagad siyang smiling na ikinasimangot ko. “Why? There's problem ba Ate Elle?”“Wala naman. Kaso… hindi naman ako makakarelax sa pamamagitan ng panonood ng mga movie sa ngayon, Stella. Lalo na ngayon, hindi ko pa din nayayakap ang anak kong nasa kamay ng kidnappers.” Malungkot na sabi Ni ate. Ngumiti ako ng pagkatamis-tamis at kinuh

  • Hiding The Gordion Triplets   HTGT 59

    Cindy Point of VIEW “Ready na ba ang 2 ticket na pinapaasikaso ko?” “Yes po. Bukas po ang flight niyo.” “ Okay good. Just prepared what I said, okay.” I ended up on a phone call with the staff ng Ninoy Aquino Airport. The hide and seek is already done. Harris will be mine again tomorrow. Hindi naman pala ko mahihirapan na makuha agad si Harris. Hindi ko naman na kailangan pang mag reveal kung sino ang kidnapper ng isa sa triplets nila. Dahil alam kong alam naman na nila kung sino. Ibabalik ko na ang anak nila bukas. Kapalit ni Harris. I already booked a ticket for Harris and I. We will live in Australia. Dun na kami titira at kakalimutan ang mga tao dito sa Pilipinas. Yung plano ko na masayang buhay with him. Matutupad na. All of my sacrifices will be paid off. I called my mom earlier to say goodbye. I told them that I will leave the Philippines and go to another country to start a new life. Sinabi ko na dun na ko titira sa Australia. I have tr

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status