Share

CHAPTER 3: He's getting married

Tatalikod sana si Wynter, kaso siya ay namukhaan din nito at dahilan na makaramdam siya nang takot at kaba.

"M-ma'am Wynter? Ma'am ikaw ba 'yan?"

Napakamot tuloy siya nang marinig niya ang pangalan niya. Napatingin tuloy siya sa ibang direksyon at hindi makatingin ng daretso. Pero ang mukha nito ay mas lalong lumapit sa kanya at panay ang suri sa kanya. 

"Ma'am Wynter! Tama ikaw nga!" Halos ipagsigawan nito ang pangalan ni Wynter at sumenyas naman si Wynter na huwag itong maingay. Kinabahan pa siya dahil isang kotse ang nasa harapan nila at nakahinga naman nang maluwag si Wynter nang marinig niya ang sinabi nito. 

"Wala po d'yan si sir," saad nito at walang iba kung hindi si Samual Ville. Sekretarya ito ni Leonel at talagang ito lang din ang nakakaalam na siya ay nabuntis ni Leonel. Laking takot naman ni Wynter na magkita sila at ito rin ang unang pagkakataon na makita niya si Samuel. 

"Samuel, marami akong dapat na gawin at saka na tayo mag-usap," sabi ni Wynter at umiling naman ito sa kanya. "Ma'am, limang taon tayong hindi nagkita at kahit pagbigyan n'yo ako ngayon. Marami kayong dapat na malaman." 

Mas lalong naging seryoso ang mukha ni Wynter sa narinig niya at nilingon niya ang dalaga sa likod. Halatang litong-lito ito sa mga nangyayari at wala siyang panahon dito. 

"Anong pangalan mo?" tanong ni Wynter sa dalaga at mukhang natauhan naman ito sa pagiging tulala. "O-Olivia George po ate Wynter." 

"Babalikan ko na lang 'yan mamaya Olivia. Iiwanan ko lang din 'tong sasakyan ko at saka na lang tayo mag-usap," pakiusap ni Wynter at saka sumakay sa kotse ni Samuel at pinilit ni Wynter na maging okay. 

Nanlalamig ang mga kamay niya sa takot at kinakabahan siya na baka magkita sila ni Leonel, pero ang tiwala ni Wynter kay Samuel ay sobra pa sa sobra. 

"Samuel, hindi ko alam kung paano kita pasasalamatan." Sabay iwas nang tingin at tumingin sa bintana. 

"Ma'am, hindi ko rin alam ang sasabihin ko dahil hindi ako makapaniwalang umuwi kayo rito. Kinakabahan lang ako para sa inyo, pero ang pangako ko noon ay tinupad ko. Inilihim ko kay boss ang tungkol kay Neon, pero sa ngayon hindi ko na alam. Galit na galit sa inyo si boss Leonel at hanggang ngayon ay hindi pa rin siya nagbabago at mas lalo siyang lumalala."

Bawat salitang binibitawan ni Samuel ay nagbibigay nang hindi magandang pakiramdam kay Wynter. Siya ay agad napayakap sa katawan at siya ay kinikilabutan. Alam niya na kapag siya ay umapak dito, hindi na siya magtataka na malalaman din nito ang tinatago niya. 

"How's Leonel?" tanong ni Wynter, sabay kagat sa pang-ibabang labi niya. "He's getting married." 

Kumunot bigla ang noo ni Wynter at may parte sa dibdib niya na kumirot. Siya ay nagtataka at hindi siya makapaniwala. Paano ikakasal ang isang Leonel Remington, kung hindi niya ugali ang bumuo ng pamilya? Tapos ikakasal pa siya? Bakas ang pagtataka sa mukha ni Wynter at palaisipan ito sa kanya. 

"Kung makikita ka ni madam at senyor. Sigurado ako na baka magbago ang isip ng mga 'yon. Alam mo naman kung gaano ka nila ka-gusto kay boss, pero para aa akin ay huwag na kayo magpakita ma'am. Natatakot ako na baka kung ano ang gawin sa inyo ni boss sa sobrang galit n'ya sa inyo. Maging ako ay kinikilabutan kapag naiisip ko na inilihim ko sa kanya na may anak kayo." 

Maging si Wynter na nakaupo lang sa shotgun seat ng kotse ni Samuel ay hindi rin makapagsalita. Ang takot niya ay mas lalong lumala at hindi niya alam kung tama bang umuwi siya. Kaya naman tumahimik na lang siya at saka lumipas ang isang oras at nagawang ihatid ni Samuel si Wynter, kung saan sila nagkita kanina. 

"Ito ang numero ko at i-save mo. Tawagan mo ako kung sakali na may kailangan ka at gusto ko sana makita si Neon... kung pwede lang naman." 

Ayaw itong ipagkait ni Wynter at saka tumango. Malaki ang naitulong sa kanya ni Samuel at saka nawala na nga nang tuluyan ang sasakyan nito sa harap niya at hinarap si Olivia. 

"I will come here tomorrow and if you want to work with me, then I will pay you." 

"Masaya akong maging boss kayo ma'am Wynter," sambit ni Olivia at saka kinuha na ni Wynter ang titulo at saka nagpaalam sa mga ito. 

Sa kanyang pagsakay sa kotse, ang kanyang katawan ay nakaramdam agad nang pagod. Hindi naman gano'n katindi ang ginawa niya, pero siya ay pinagpawisan talaga ng makita niya si Samuel at makwento nito ang about kay Leonel. 

Napahawak siya sa kanyang dibdib at sobrang bilis ng tibok nito. Kahit na limang taon na ang lumipas, hindi maipagkakaila ni Wynter na mahal pa niya ang lalaki, dahil ito lang naman ang lalaking minahal niya. Ito lang ang lalaking pinagkatiwalaan niya, kahit na hindi proud si Leonel sa kanya. Tanging mga magulang lamang ni Leonel ang nakakaalam ng about sa kanila ni Wynter. Palibhasa ay ayaw nito na masira ang imahe niya sa publiko at talagang ayaw ng responsibilidad. 

Kaya ng makarating sa bahay si Wynter, siya ay napangiti. Napawi agad ang pagod niya nang salubungin siya ni Neon at saka seryosong-seryoso ang mukha nito, pero alam niya na masaya itong makita siya. 

"Mom," tawag ni Neon at saka binuhat ito ni Wynter papasok. "Nakahanap ka na ba? O ihahanap ka pa namin?" tanong ni Wenna at saka inabot nito ang isang envelope na naglalaman ng titulo. 

"Nakahanap na ako mom, kaya magiging busy ako bukas at plano ko ng ayusin 'yon bukas na bukas. Gusto ko na rin magsimula para hindi ako magstay sa bahay," paliwanag ni Wynter at sumangayon naman si Jeremiah. 

"How about me? Am I going to be left alone?" 

Pinisil ni Wynter ang pisngi ng anak at saka hinalikan ito sa noo. "Isasama na kita kapag tapos na, pero sa ngayon ay rito ka muna sa bahay. Nagkakaintindihan ba tayo?" tanong niya at saka tumango naman si Neon. 

Napangiti nang malaki si Wynter dahil talagang hindi mahirap pakiusapan ang anak. Maintindihin ito at kahit minsan ay gusto niyang mapag-isa, mas pinipili pa rin niya na makasama ang ina. Kaya naman nagsimula na ang lahat na kumain dahil nagluto ng miryenda ang katulong nila sa bahay.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status