Share

Kabanata 35: Boss

Iris

"Roger, boss!" Saad ko at binabaan na siya ng tawag. Malakas na lamang akong bumuntong hininga at inilagay ang cellphone sa bulsa ko.

Akmang lalabas na sana ako sa kwarto ng anak ko ay tumigil ako saglit at pinagkatitigan mabuti ang mukha niya. Tipid akong ngumiti dahil mas lamang ang nakuha niyang features sa Ama niya.

"Kamukhang-kamukha mo talaga ang Daddy mo, Draixon." Mahinang usal ko at dahan-dahan ng isinara ang pinto ng kwarto niya.

Dumiretso naman ako sa kwarto ko at kinuha lahat ng kakailanganin para sa misyon ko mamaya. Nilabas ko ang black leather jacket ko at mabilisan itong sinuot. Kinuha ko na rin ang isa bag para ilagay ang iilang baril na gagamitin ko.

Nang masiguro kong ayos na ang lahat ay lumabas na ako ng kwarto bitbit ang bag, helmet, at susi ng motor ko. Pagkababa ko ay nakita ko si Lance ang kaisa-isang body guard ni Draixon na may kausap sa earpiece kaya tumigil ako at hinintay siya na matapos dahil bibilinan kong bantayan maigi si Draixon sa pagtulog.

"
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status