Iris"Roger, boss!" Saad ko at binabaan na siya ng tawag. Malakas na lamang akong bumuntong hininga at inilagay ang cellphone sa bulsa ko. Akmang lalabas na sana ako sa kwarto ng anak ko ay tumigil ako saglit at pinagkatitigan mabuti ang mukha niya. Tipid akong ngumiti dahil mas lamang ang nakuha niyang features sa Ama niya."Kamukhang-kamukha mo talaga ang Daddy mo, Draixon." Mahinang usal ko at dahan-dahan ng isinara ang pinto ng kwarto niya. Dumiretso naman ako sa kwarto ko at kinuha lahat ng kakailanganin para sa misyon ko mamaya. Nilabas ko ang black leather jacket ko at mabilisan itong sinuot. Kinuha ko na rin ang isa bag para ilagay ang iilang baril na gagamitin ko.Nang masiguro kong ayos na ang lahat ay lumabas na ako ng kwarto bitbit ang bag, helmet, at susi ng motor ko. Pagkababa ko ay nakita ko si Lance ang kaisa-isang body guard ni Draixon na may kausap sa earpiece kaya tumigil ako at hinintay siya na matapos dahil bibilinan kong bantayan maigi si Draixon sa pagtulog."
IrisTUMIGIL ang pagtibok ng puso ko miski na rin ang paghinga ko ng makita ko ang taong limang taon ko ng hindi nakikita. Mas lalong naging maangas ang hitsura niya, nagkaroon na rin ng kakaunting balbas at bigote ang mukha niya, at higit sa lahat ay hindi ko na mabasa ang emosyong nakapaloob sa mga mata niya. Ibang-iba na ngayon ang isang Sebastian Craixon Buenavista.Halos manlambot ako at mahilo sa nasaksihan ko. Gusto kong tumakbo pero hindi na makagalaw ang mga paa ko dahil sa panlalambot na nararamdaman ko. "Iris!" Napatingin ako kay Leo na kararating lang at kitang-kita sa mga mata niya ang labis na pagaalala kaya tumakbo siya papunta sa direksyon ko.Nang makarating na siya ay hinawakan niya ang dalawang braso ko at inalog ako ng kaunti para bumalik sa huwisyo. Pero mas lalo lamang akong nanlambot at nahilo ng makita kong nasa harapan na namin mismo si Sebastian na ngayon ay umiigting ang panga at madilim na madilim ang mukha."Ayos ka lang ba? Anong masakit sa'yo?" Sunod-
Iris"MOMMY thank you! I love you," bulong ng anak ko habang pinapatulog na siya sa higaan niya. Napangiti naman ako at hinalikan ang noo niya bilang tugon sa sinabi niya."I love you too, baby. Sleep ka na." Mahinahong saad ko kaya napatango naman siya at dahan-dahan niyang ipinikit ang mga mata. Wala pang kalahating oras ay lumalim na ang paghinga ni Draixon indikasyon na tulog na ito.Dala na rin ng matinding pagod kaya siguro mabilis nakatulog ang anak ko. Kaya inayos ko ang kumot niya at muling hinalikan ang noo niya. Tahimik na akong umalis sa kwarto niya at dumiretso naman ako sa kwarto ko.Matapos kong maligo at magpalit ng damit ay binagsak ko na ang katawan ko sa malambot na kama. Bigla akong napahawak sa labi ko ng maalala kong hinalikan ako ni Sebastian. Napasigaw at napasabunot na lang ako sa buhok ko dahil nakaramdam ako ng kakaiba ng maalala ko iyon. Kulang na lamang ay batukan ko ang sarili ko para mawala lang sa isip ko ang ginawang paghalik niya sa akin.Bwiset, bak
IrisTUMAWA lamang si Storm sa narinig kaya nagtataka ko naman siyang tiningnan. Gusto yatang mamatay ng isang 'to ng 'di oras. Akamang lalapitan ko na sana siya para paalisin pero napatigil muli ako sa paghakbang ng muling hawakan ni Sebastian ang braso."Hindi ka aalis sa tabi ko," pagbabanta niya dahilan para panlamigan ako at muli siyang tiningnan. Ganoon pa rin ang hitsura niya, akala mo ay kanina pa siya nagpipigil ng galit. Ano bang problema ng lalaking 'to?Kaya sinamaan ko siya ng tingin at malakas na binaklas ang kamay niya sa braso ko. Dahil sa ginawa ko ay pumikit siya ng mariin at malakas na bumuntong hininga. "Pumasok ka sa loob, Iris." Matigas na sambit niya kaya napakuyom naman ako ng kamay at matapang siyang hinarap. "Ano bang problema mo? Kakausapin ko lang 'tong kaibigan ko. Ikaw ang pumasok sa loob." Mataray kong sagot at wala na akong pakialam kung pinapanood na kami ng iba kong kasamahan.Matapos kong sabihin 'yon ay humarap na ako kay Storm na ngayon ay tuwan
IrisNANLAMIG agad ako sa sinabi ng anak ko kaya marahan ko siyang binaba at hinawakan ang mukha niya."Dito ka lang, baby ha? Kakausapin lang ni Mommy ang naghahanap sa akin." Nakangiting sambit ko kaya kahit nakikitaan ko ng pagtataka sa mga mata ng anak ko ay sumunod na lang siya sa akin.Pero bago pa ako lumabas sa kusina ay muli kong tiningnan si Devron na ngayon ay nakamasid sa amin na tila inaabangan ang gagawin kong hakbang. Nang mapansin niya nakatingin ako sa kaniya ay ngumiti siya sa akin."Isama mo na si Draixon. Para sa anak mo gawin mo'to, Iris. Naghahanap na rin ng kalinga ng Ama si Draixon, sabihin mo na sa kaniya ang totoo," saad ni Devron kaya nanghina ako at napahawak sa gilid ng lamesa dahil napuno ng takot ang buong sistema ko.Hindi ko ito napaghandaan."Mommy, siya po ba talaga ang daddy ko? 'Yung man na naghihintay sa atin?" Napabalik na lang ako sa sarili ko ng marinig ko ang boses ni Draixon na ngayon ay nakatitig sa mga mata ko.Kaya umupo ako para pantayan
IrisINILIBOT ko ang mata ko sa kabuuan ng bahay. Masasabi kong maaliwalas at maganda ang naging disenyo. Napangiti na lang ako dahil ito ang design na pinag-usapan namin ni Sebastian bago magkandaleche-leche ang lahat.Naaalala pa pala niya ang lahat. Miski ang mga maliliit na detalye na sinabi ko sa kaniya noon. Pero sa mga oras na'to nalilito pa rin ako sa nangyari limang taon na ang nakakalipas. Alin ba talaga ang totoo? Naging totoo ba talaga sa akin si Sebastian noong magkasama pa kaming dalawa? Kaya ko bang sumugal ngayon lalo na at may anak na kami? Kaya mo na ba, Iris? Handa ka na ba ulit? Pero nawala ang lahat ng katanungan ko sa sarili ko ng maramdaman ko ng may yumakap sa bewang ko at hinalikan ako sa pisngi dahilan para magulat ako."Good morning, Wife." Bulong sa akin ni Sebastian kaya nakaramdam ako ng kakaiba sa tiyan ko at muli na namang bumilis ang tibok ng puso ko. Akmang aalis na sana ako sa pagkakayakap pero bigla naman akong pumasok si Draixon at tuwang-tuwa sa
IrisGUSTO KONG MAGWALA sa mga oras na'to. Hanggang ngayon ay hindi pa rin mag-sink in sa utak ko ang mga nabasa kong impormasyon limang taon na ang lumipas. Muli kong pinulot ang mga pictures na nakita ko at napansin kong may mga sulat ito sa likod. Sulat kamay ni Devron. Nang basahin ko ito ay mas lalong lumakas ang paghagulgol ko.Ang unang litrato ay noong mga panahong buntis ako. Malapit na akong manganak kay Draixon sa litratong 'to. Binasa ko ang sulat at 'di ko maiwasang mapangiti."Sebastian, ganda ng kapatid ko, 'no? Malapit ng manganak 'yan kaya bilisan mong lumabas diyan sa kulungan. Bahala ka 'di mo makikita ang mag-ina mo."-DAng pangalawang litrato naman ay hawak-hawak ko na si Draixon sa mga bisig ko at kitang-kita ko ang saya sa mga mata ko."Pare, isang taon ka na diyan sa kulungan. Baka puwede namang ipakiusap sa kanila na saglit mo lang sisilipin ang mag-ina mo. Kailangan ka rin ng kapatid ko."-DAng pangatlong litrato naman ay noong nag-isang taon na si Draixon
Iris"ALAM MO PWEDE KA NG MAGING ARTISTA. Ang galing mong magpanggap, eh." Saad ko kay Devron ng magkaharap kami ngayong umaga. Naandito kami ngayon sa isang cafeteria malapit sa building ng headquarters namin. Tinawagan ko siya para sabihin sa kaniya na alam ko na ang nangyari sa limang taon na lumipas.Nginisian niya langa ako at pinag-krus niya ang dalawang braso niya dahilan para pagtaasan ko siya ng kilay sa ipinapakita niya sa akin ngayon."Pasensya na, napag-utusan lang." Nakangiting saad niya kaya tumawa ako at muli siyang sinamaan ng tingin."Napag-utusan. Ang sabihin mo ayaw mo lang malaman ko. Pero kuya..." Pinutol ko ang sasabihin ko ng tumayo ako at lumipat sa tabi niya. Nakita ko pang parang iiwas pa siya kaya hindi ko mapigilang ngumiti ng palihim.Bigla ko na lamang siyang niyakap ng sobrang higpit at hinalikan ang pisngi niya. Kitang-kita ko pa ang gulat sa mga mata niya dahil sa ginawa ko. Taranta siyang humiwalay sa akin at nabigla na lamang ako ng pagtaasan niya a