"Hello, good morning! I'm here to see Mr. Dylan Aragon. Is he in his office?" bungad ko sa babaeng nasa front desk ng company building.
Nang mag-angat ito ng mukha, agad na umarko ang isa niyang kilay. "Do you have an appointment?"
"No, but this is important—"
"I'm sorry, miss. Kailangan ng appointment bago makausap ang CEO. Come again if you already have an appointment."
Bruhang empleyado. Mukha ba akong nakikipag-away para tarayan ako at taasan ng kilay niyang mukhang ginuhit gamit ang pilot pen?
Huminga ako nang malalim at pilit na pinakalma ang sarili. "Miss, can you at least tell him his ex-wife is here?"
Biglang natigilan sa ginagawa ang babae. Mabilis siyang nag-angat ng mukha sa akin habang ang mga labi ay nakaawang.
"Oh, I'm sorry, ma'am. Please, give me a minute." Kinuha niya ang telepono sa tabi niya at dinala sa tainga.
Naghintay lang ako nang ilang minuto bago niya ako tinanguan nang nakangiti. Tumayo pa siya at nilahad ang elevator.
"Puwede na po kayong umakyat. He's in the 13th floor, ma'am."
Nang makarating ako sa 13th floor, natigilan pa ako nang makita ang table na dating work desk ni Dayana. May kaunting kirot ang naramdaman ko sa puso ko.
Matagal na panahon na ang lumipas, pero aaminin kong nandito pa rin ang kaunting sakit. Minahal ko nang sobra si Dylan, sampung taong walang ibang laman ang puso ko kundi siya lang.
"You may come in, ma'am." Lumabas ang babaeng sa palagay ko ay secretary ni Dylan. Sa tantiya ko, nasa early twenties nito ang dalaga.
Pumasok ako sa nag-iisang pinto sa floor na iyon. Malaki at malawak ang office niya. The floor-to-ceiling window has a breathtaking view of the entire Manila. Sa gitna ng window ay naroon ang desk table ng CEO. Tumikhim ako bago lumapit dito.
Nakaharap sa view sa labas ang upuan kung nasaan si Dylan, kaya hindi ko siya magawang makita. Naghintay ako nang ilang minuto. Alam ko namang alam na niyang nandito ako.
I waited for another minute until he finally turned to me. May hawak siyang mga papeles sa kamay na marahan niyang ibinaba bago nag-angat ng paningin sa akin.
Ilang ulit akong napalunok nang magtama ang mga mata namin. Hindi pa rin siya nagbabago, guwapo pa rin. Mas nag-mature lang nang kaunti ang hitsura niya ngayon at bahagya naging tan ang kulay ng balat niya, pero lalo siyang gumwapo. Mas naging lalaking-lalaki.
"Long time no see, Tanya." Banayad ang mga matang nginitian niya ako.
Hinanda ko na ang sarili ko para sa muling pagkikita namin, but why am I getting nervous? I can feel my heart beating faster, and my hands are getting sweaty.
Tinanguan ko siya at pilit na ngumiti. "Hey."
"Take a seat." Sandali niyang tinapunan ng tingin ang silya sa harap ng desk table niya.
Inipit ko ang ilang hibla ng buhok sa likuran ng tainga ko bago naupo sa silya. Muli niyang ibinalik ang atensyon sa mga papeles sa harap niya kaya nagkaroon ako ng pagkakataon pagmasdan ang kaniyang mukha.
Hindi katulad noon, may bigote na siya ngayon at kaunting balbas. Kulot pa rin ang buhok niya, kagaya kay Thalia. Nakita ko na siya last week sa isang grocery store, pero hindi ko nagawang pagmasdan nang mabuti ang hitsura niya. Naunahan ako ng takot.
"So, what can I do for you?" Matapos ayusin ang mga papel sa mesa niya, tuluyan siyang humarap sa akin.
Huminga ako nang malalim. Tanya, get to your senses. Nandito ka para sa kapakanan ng anak mo. This is for Thalia.
"I have a daughter."
Napansin kong natigilan siya bigla. Hindi yata inaasahan ang lalabas sa bibig ko, pero sandali lang iyon. Dahil biglang naging matigas ang anyo niya.
"Oh, really? And what's that supposed to do with me?"
Matapang kong sinalubong ang mga mata niya. "And she's also yours."
Muli na naman siyang natigilan sa sinabi ko. Sa pagkakataong ito, bahagyang nagsalubong ang natural na niyang makakapal na kilay.
"Are you saying... she's my daughter?"
Sa pagkakataong iyon, binuksan ko ang dala kong bag at inilabas ang ilang mga papeles na nagpapatunay na anak nga namin dalawa si Thalia.
"Yes."
Bumaba ang paningin niya sa mga dokumentong nasa ibabaw ng mesa. Isa-isa niyang kinuha ang mga ito.
"And you think I'd believe you that easily just because you showed me what? These birth certificates?"
"Magtatalong taon na ang anak ko. I am three months pregnant when I left the mansion four years ago!"
"Tatlong buwan na rin bago ka umalis mula nang magkakilala kayo ni Timothy."
Natigilan ako sa sinabi niya. Hindi makapaniwalang tinitigan ko siya. "Are you serious? Hanggang ngayon ba, iyon pa rin ang iniisip mo?"
Blanko ang mukha niya nang salubungin niya ang mga mata ko. Hindi siya nagsalita, pero nararamdaman ko ang galit na mayroon siya para sa akin.
"Dylan, wala kaming relasyon ni Timothy! I never cheated on you!"
Nginisian niya ako sa sinabi. "You know what? It's not important anymore. Wala na si steffi, at may sarili na akong pamilya."
Napalunok ako nang marinig ang sinabi niya. Hindi ako dapat nagpadala sa emosyon ko. Hindi na dapat pang naungkat ang nakaraan.
"What do you want from me?" Hindi ko nagawang sumagot agad. Nilalamon pa rin ako ng mga emotion mula sa nakaraan. "I don't have all day, Tanya."
Mariin akong lumunok. "Panagutan mo ang anak ko."
Lalong nagsalubong ang mga kilay niya sa sinabi ko. Sandali siyang nanahimik. Sa muling pagbuka ng bibig niya ay kulang na lang, mapamura ako sa inis.
"Bakit ko pananagutan ang hindi akin?"
"Iniisip mo bang si Timothy ang ama ng anak ko?"
Nagkibit siya ng balikat. "Kung wala ka nang naging ibang lalaki."
"How dare you! Ikaw ang nakipag-affair sa iba! Ikaw ang nakabuntis ng ibang babae!"
Natahimik siya sa mga narinig. Nakita ko siyang ilang ulit na lumunok bago inayos ang pagkakaupo.
Nanginginig ang mga nakakuyom kong kamao. Gusto kong umiyak at magwala sa sakit. How dare he accused me of something I would never do!
"Tanya... "
Muli akong nag-angat ng tingin nang sambitin niya ang pangalan ko. Ang tono ng boses niya, kakaiba. Parang narinig ko na noon... bago pa kami maghiwalay. Bago nawala sa amin si Steffi.
"I want you back."
Luci's POVNAKAUPO ako sa pinong buhangin habang pinanonood si Luna Marie na magtatakbo sa paligid. Kanina pa ito naglalaro sa front beach ng resort namin, parang hindi napapagod sa kakatakbo."Baby, dahan-dahan lang. Baka madapa ka na naman."Malakas na pagtawa ang itinugon nito sa akin. Dali-dali siyang lumapit sa tubig at nag-umpisang magtampisaw."Mama, ang lamig ng dagat! Ang sarap maligo!" Umahon ito at patakbong lumapit sa akin. Kinuha niya ang kamay ko at pilit akong hinihila papunta sa tubig. "Mama, ligo tayo! Sige na!""Baby, hindi puwedeng mabasa si Mama. Ikaw na lang. Tapos mamaya, papaliguan kita.""E, wala akong kasama! Nasaan na kasi sina Tita Linda at Lolo Ernesto at Lola Guada?""Busy sa resort si Tita Linda mo, baby. Ang dami natin guest ngayong buwan.""Sina Lolo at Lola, busy rin?"Napangiti ako nang makitang sumimangot na ito. "Hindi sila busy, pero di ba, dinalaw nila si Tita Laura?""Ah, iyong kakambal mo?""Yes, baby ko!"Sumimangot ito lalo. "Paano iyan? Wala
Luci's POVUNTI-UNTING bumagsak sa lupa si Damon. Dinaig ko pa ang tinakasan ng malay sa nasasaksihan. Gising ako pero ayaw nang tumakbo nang maayos ng utak ko.Nakita ko kung paano umalis ang kotseng kinalululanan ng lalaking bumaril sa amin. Nang mawala ito sa paningin ko ay pabagsak akong lumuhod sa tabi ng mag-ama ko."D-Damon... ""L-lumayo na k-kayo... " Bigla siyang umubo ng dugo kaya lalong nagbagsakan ang mga luha ko. "Si Luna... take our b-baby... ""Damon, no! Please, stop talking!"Mahigpit kong niyakap ang baby namin habang hawak ang kamay ni Damon. Luminga ako sa paligid, umaasa na may makitang tao at mahingian ng tulong."Tulungan n'yo kami! Maawa kayo! Tulungan n'yo kami!"Nang muli kong tingnan si Damon, putlang-putla na ang mukha niya. Halos wala nang kulay."Oh, God! T-tulong! Please, maawa kayo sa amin!"Narinig kong tumunog ang cellphone ni Damon sa loob ng bulsa nito. Nanginginig ang kamay na kinuha ko iyon.I saw Nico's name on the screen. Agad ko itong sinagot,
Luci's POV"Mama!"Hindi ko napigilan ang paglunok nang marinig ko siyang tawagin akong 'mama'. I never thought a single word from her would make me this happy."Luna Marie."Lumapit ako sa kaniya with open arms. Nagmamadali siyang bumaba mula sa kinauupuan niya at patakbong lumapit. Agad niyang itinaas ang dalawang kamay para sa akin."Mama!"I tried so hard not to cry, pero nanakit lang ang lalamunan ko sa pagpipigil ng luha.Luna Marie. Anak. Baby ko."Baby, I'm sorry, ngayon lang bumuti ang lagay ni Mama. Ngayon lang kita nabisita."Nakaluhod na ako sa sa sahig habang yakap siya. Oh, God, thanks for healing me. Thank you for keeping us safe all these years. Ngayon, yakap ko na ang anak ko. Her body is so tiny. Kumakain kaya siya nang maayos dito? Nakikipagkaibigan ba siya sa ibang bata?Ang dami kong gustong malaman. Ang dami ko rin gustong ibigay sa kaniya. At una na roon ang kaligtasan.Natuon ang paningin ko sa picture namin dalawa na nakadikit sa pader sa harap ng maliit na ta
Damon's POVNASA labas ako ng bahay ng mga Herrera, nakatanaw sa bintana ng kuwarto ni Luci. Paulit-ulit na naglalaro sa isip ko ang mga sinabi nito kanina. She wants us to divorce, she wants to leave me and she's planning on marrying Andrew.Isipin pa lang na hindi na siya akin at pag-aari na ng ibang lalaki, halos mabaliw na ako sa galit. Hindi ako makakapayag. Gagawin ko ang lahat para lang bumalik siya sa akin. Kahit idaan ko pa sa dahas.Sumakay ako ng kotse ko at nag-drive papunta sa pinakamalapit na bar. Kanina pa tawag nang tawag si Mama at maging si Nico, pero wala akong ganang sagutin ang tawag ng kahit na sino.Pagdating ko sa bar, sinalubong agad ako ng nakabibinging ingay ng tugtog, makakapal na usok, iba't ibang kulay at mga tao sa paligid. Wala akong pakialam sa paligid ko. Naupo ako sa isang metal stool at um-order ng alak.Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko. Bumalik nga si Luci, pero ngayong bumalik siya sa akin, tuluyan na niya akong iiwan."I should've treate
Luci's POV"Miss Luci!"Hindi ko pinansin ang boses na tumawag sa akin. Agad akong sumakay sa taxing huminto sa gilid ng daan at nagpahatid sa bahay namin.Isa-isang nagbagsakan ang mga luha ko habang iniisip ang gabi kung kailan iniwan ako ni Damon para sumama sa sekretarya niya.Pagod na pagod na akong maghabol sa taong walang balak na huminto o lumingon man lang sa akin. If he still loves my best friend, then I will let go of him.Hindi niya ako kailangan sampalin ng katotohanan na mas pipiliin pa niya ang ibang babae kaysa sa akin na asawa niya. I'm now ready to let go of this toxic love. Ang pag-ibig na unti-unting lumason sa akin dahilan para mamatay ako."L-Luci?"Parang nakakita ng multo si Daddy nang makapasok ako sa double wooden doors ng aming bahay. He stopped in front of the kitchen's door and stared at me for a long time."I'll explain everything later, daddy. Let me rest for now.""W-what? Explain everything?" Sinundan ako nito hanggang sa makapasok ako sa kuwarto ko.L
Damon's POV"False alarm, sir. Naliligaw lang pala ang mga lalaki kanina at hinahanap nila ang resort para mag-check-in."Nakahinga ako nang maluwag nang marinig ang sinabi ng bodyguard na iniwan ni Nico para kay Luci. Natagpuan ko ang dalawang lalaking tinutukoy nito sa lobby ng resort.Mataman kong tinitigan ang dalawa. Mga lalaking mukhang vlogger dahil parehong may bitbit na camera sa mga kamay at nagsasalita sa harap nito.Pinabalik ko na sa Maynila sina Nico at ang mga tao nito. Agad ko naman pinuntahan sa cottage ko si Luci. Naabutan ko itong nanonood ng cartoon habang nakahiga sa kama."I'm back.""Damon!" Napasinghap ito, malapad na ngumiti. Nagmamadali siyang bumangon at patakbong lumapit sa akin.Punong-puno ang puso ko nang mahigpit akong yakapin ni Luci. I hugged her back and rested my chin on the top of her head."Wife... " I hugged her forehead. "Siguradong-sigurado na ako, Luci. Akin ka. Ikaw ang asawa ko."Hindi umuwi sa kanila si Luci noong gabing iyon. Muli siyang n
Damon's POVUMIBIS ako ng sasakyan nang marating ang bahay namin ni Luci. Sandali akong pumasok para kunin ang toothbrush na gamit noon ng asawa ko."Dumiretso ka na sa hospital. I need to get the DNA test result today." Inabot ko sa kaniya ang panyo kung nasaan ang toothbrush at ang isang strand ng buhok ni Luci na palihim kong kinuha kanina."Yes, sir."Nang mawala na sa paningin ko ang kotse nito, agad akong bumalik sa loob ng bahay. Dumiretso ako sa built-in closet namin at binuksan ang jewelry box ni Luci."It's still here."Kinuha ko ang kwintas nito na kapareho ng kay Laura. Magkatulad na magkatulad ang dalawa. Gintong kwintas na may initials at mga pangalan nila.***"What are you doing here! I thought I told you to never show your face again!"Lumabas mula sa wooden doors ng malaking bahay si Tito Tobias. Matalim ang mga mata nitong nakatingin sa akin."I need to talk to you.""Well, I don't wanna talk to you. Ang kapal ng mukha mo! Matapos mong patayin ang anak ko?""This is
Damon's POVMARAHAN kong hinahaplos ang buhok ni Luci habang nakaupo sa gilid ng kama sa tabi niya.Ngayon, sigurado na akong siya ang asawa ko. Hindi siya si Laura, siya si Luci. Ngayong may patunay na ako, babawiin ko na siya. Maraming bagay akong gustong ihingi ng tawad, maraming bagay rin ang gusto kong gawin para sa kaniya. Lahat ng pinagsisihan kong hindi nagawa noon, magagawa ko na ngayon. Natigil ako sa malalim na pag-iisip nang gumalaw ito dahil sa pag-ihip ng malakas na hangin mula sa dagat. Unti-unting bumukas ang mga mata niya."Good morning." I smiled at her as I held her hand."D-Damon?""Yes? Are you hungry?"Nagtatakang bumangon ito kaya dumulas ang puting kumot mula sa hubad niyang katawan. I chuckled as I gave her my blue polo shirt. Pinasuot ko iyon sa kaniya at inakay siya papunta sa wooden table."Hindi ka galit?"Naupo ako sa silya at hinila siya paupo sa kandungan ko. "I'm sorry sa mga inasal. Wala ako sa sarili ko kahapon.""Hindi ka na g-galit?" Umiling siya
Damon's POVSA PANGALAWANG pagkakataon, para akong mababaliw nang isipin na wala na nga talaga si Luci. Na ito ang bangkay ng babaeng natagpuan namin noon at ito ang inilibing namin.Kung hindi... kung hindi ito si Luci, ano ang nakita ko kanina? Sigurado akong walang ganoong pilat ang asawa ko. At sapat nang patunay iyon para masabing ang babaeng palagi kong kasama ay ang anak nina Mang Ernesto at Aling Guada. Kahit sabihin pang taliwas ang nararamdaman ko.Siya si Laura, hindi ang aking asawa. Hindi ang Luci ko.***"Damon! Gising, Damon! Gising!"Naalimpungatan ako nang yugyugin ng kung sino ang balikat ko. Ang nakangiting mukha ni Luci ang bumungad sa akin."Luci?""Amoy alak!" Nagtakip ito ng ilong matapos ngumiwi.Matagal akong natigilan habang nakatitig sa mukha niya. Natawa ako kasabay nang pag-iling."Hindi nga pala ikaw si Luci. You're Laura."Tumango ito. "Ako Laura, hindi Luci."Tumayo ako at dumiretso sa shower. Buong gabi akong naglasing kagabi. Kung hindi pa ako ginisin