Share

Chapter 4

last update Terakhir Diperbarui: 2022-12-28 22:08:11

"What are you talking about? Stop saying nonsense. Matapos mo akong hiwalayan?"

"Don't flatter yourself. I only want your egg cell."

Natigilan ako sa narinig. "My egg cell? Ano bang pinagsasabi mo?"

Nagbuga siya ng hangin at muling sinandal ang likod sa kinauupuan. Kalmado niyang sinalubong ang mga mata ko.

"Ako ang namamahala sa kompanyang ito, pero ayaw pa rin ibigay sa akin ni Lolo ang full authorization. Sa madaling salita, hindi pa nalilipat sa pangalan ko ang buong kompanya."

"And? Ano naman ang kinalaman ng egg cell ko sa company n'yo?"

"Ayaw ni Lolo ng ibang apo."

Lalong lumalim ang kunot sa noo ko. "What?"

"Matagal na kitang pinahahanap, pero magaling kang magtago. Alam natin pareho na matalik na magkaibigan ang mga lolo natin. Ayaw niya ng apo mula sa ibang babae. Ang gusto niya, mula sa angkan ng mga Gaviola."

Nakaramdam ako ng matinding inis sa sinabi niya. Mabilis akong tumayo. "At gusto mo akong buntisin dahil apo ako ni Cosme Gaviola?"

"Yes."

"Baliw!"

Gusto kong damputin ang makapal na glass kung saan nakaukit ang pangalan niya at ibato ito sa kaniya. Pero naisip ko, bakit pa ba ako magagalit? Pabor sa akin itong gusto niya, may anak kami.

Kinalma ko ang sarili ko at muling naupo. "Hindi mo na ako kailangan buntisin, may anak na tayo."

"No. Hindi akin ang batang iyan. That child is Timothy's."

Masama ko siyang tiningnan. Hindi ako makapaniwala sa mga naririnig. Ganoong klaseng babae ba talaga ang tingin niya sa akin? Sabagay, pinagbintangan niya nga akong pabayang ina. At sa akin niya isinisisi ang pagkamatay ng anak namin.

"Ano bang kailangan kong gawin para maniwala ka? Anak mo siya!"

Itinuon niya sa akin ang buong atensyon niya. Nakangisi niya akong tinitigan gamit ang namumungay na mga mata.

"Bakit ngayon lang?"

"Huh? What do you mean?"

"Kung magtatatlong taon na siya, bakit ngayon mo lang sinabi? You said you were pregnant when you left, why didn't you tell me?"

Matagal kaming nagtitigan. Hindi ako nakasagot agad sa tanong niyang iyon. Bakit nga ba? Bakit hindi ko nagawang sabihin sa kaniya?

Lumapad ang ngiti sa mga labi niya. "Because that child is not mine—"

"Because Dayana's pregnant." Mariin akong lumunok nang maramdaman ang bikig sa lalamunan ko.

Mabilis na nag-init ang gilid ng mga mata ko nang maalala ang araw kung kailan kami naghiwalay.

"I asked you, didn't I? Tinanong kita kung magiging masaya kapag umalis ako," mapait akong ngumiti, "and you said yes."

Lumamlam ang mga mata niya nang makita ang pag-agos ng luha sa pisngi ko. Mabilis ko itong pinunasan at umiwas ng tingin.

"Paano ko sasabihin sa iyo na buntis ako, kung wala ka nang ibang gusto kundi ang makita akong umalis? You want me gone, because you were having a baby with my friend. How can I stay?"

Nakita ko ang paggalaw ng adam's apple niya tanda ng kaniyang paglunok. Bakit pa ba ako nagda-drama? It's all over between us.

"I'm here because your child needs you. Gusto ka niyang makilala."

Muli kong nakuha ang atensiyon niya sa sinabi ko. Hindi ako aalis hangga't hindi niya natatanggap si Thalia.

"May sakit siya sa puso... katulad mo. Kailangan niyang maoperahan."

Nagpakawala siya ng hangin. Nakita kong natahimik siya at ilang sandaling nag-isip.

"Hindi porke may sakit siya sa puso, anak ko na siya."

"Then let's have a DNA test. Siguro naman, kapag napatanuyan sa iyong kadugo mo siya, maniniwala ka na."

Marahan siyang umiling habang mataman na nakatingin sa akin. "It would take a week or two to get the result. I want your answer, now."

"My answer?"

Muling sumeryoso ang mukha niya. "I need a son from you."

***

"Oh, kumusta? Nagkausap na ba kayo?"

Agad na bumungad sa akin ang mukha ni Wena nang makapasok ako ng apartment.

"Where's Thalia?" Hinanap ng mga mata ko ang anak ko.

"Ayon, nakatulog na sa paghihintay. Gusto mong gisingin ko?"

Umiling ako sa kaniya bago pumasok sa loob. Dumiretso ako sa kitchen at uminom ng tubig. Sinabi ko na rin kay Wena ang naging usapan namin ni Dylan.

"E, anong sagot mo?"

"Sabi ko, pag-iisipan ko."

"Diyos ko naman! Bakit pag-iisipan mo pa? Ang ganda na pala ng inaalok sa iyo ng gago!"

Hinarap ko siya, panay akong iling. "I can't do it, Wena. Magsisiping kami para makagawa ng baby? That's absurd!"

"Anong absurd doon? Bakit paano ba ginagawa ang baby?"

"Wena, naman!" Inis akong bumalik sa sala at naupo sa sofa. "Maliban sa ayaw niyang tanggapin si Thalia bilang anak, gusto niyang may mangyari sa amin para magkaanak kami ng lalaki! He's married! At ano? Pagkatapos kong umanak, ano? Kukunin niya sa akin ang anak? No way!"

Dali siyang naupo sa tabi ko. "Malay mo naman, magkabalikan pa kayo!"

Nalukot ang mukha ko sa mga sinabi niya. "Okay ka lang? Anong tingin mo sa akin? Mang-aagaw? Isa pa, ayokong maging kabit!"

"E, iyo naman si Dylan! Inagaw lang ng plastic na Dayana na iyon! Hay, ewan ko ba sa babaeng iyon! Tatahi-tahimik, nasa loob naman pala ang kulo!"

Nakita ko ang pamumula ng mukha niya. Tumayo siya at nakakrus ang mga kamay sa dibdib nang pumuwesto sa bungad ng pintuan.

"Walang utang na loob! E, halos wala na silang makain ng mga kapatid niya noong umiiyak siyang humingi ng tulong sa iyo! Binigyan mo na ng trabaho sa kompanya ni Dylan, inahas pa ang asawa mo!"

Napapikit ako nang dahil sa narinig. "Ayaw ko nang maalala pa ang mga nangyari noon, Wena. Hindi na iyon ang problema ko ngayon."

"Tanggapin mo!" Nakapamaywang siyang bumalik sa harap ko.

"Pero, Wena—"

"It's a win-win situation, Tanya! Mapapagamot mo na si Thalia, makikilala pa niya ang tatay niya!"

"Pero ayaw ko nga sa hinihiling na kapalit ni Dylan! Hindi naman ako inahing baboy na paaanakin at saka kukuhanan ng anak! Hindi ko kaya iyon!"

"Oh, e anong gagawin mo? May pera ba tayo para sa pampaopera ni Thalia?"

Natahimik ako sa narinig. "Wala."

"Oh, iyon naman pala! Give and take lang iyan, Tanya."

"E, puro na lang ako bigay, wala naman akong nakukuha na kapalit maliban sa sama ng loob."

Naupo siya sa ibabaw ng coffee table sa harap ko saka mataman akong pinagmasdan. "Give and take, sister. Bigyan mo ng junior iyang ex-husband mo, at kunin mo ang pera niya para kay Thalia. Ibinigay mo siya noon kay Dayana, ngayon, kunin mo ulit."

Natigilan ako sa mga narinig. Ibang klase talagang mag-isip itong babaeng ito. Kaya siguro hanggang ngayon, wala pa rin jowa.

Buong araw akong hindi mapakali habang nag-iisip sa dapat kong gagawin. Wala na akong pakialam kina Dayana at Dylan, ang gusto ko lang, maoperahan si Thalia. Pero magagawa ko bang sumiping sa dati kong asawa para sa pera niya?

Paano kapag nabuntis na ako nanganak? Makakaya ko ba talagang ipamigay sa kanila ang anak ko? Makalipas ang mahabang oras, pagdating ng hapon ay bumalik ako sa company ni Dylan.

"Sir, bumalik na po si Ma'am Tanya," saad ng secretary niya sa intercom.

"Let her in."

Kabado akong pumasok sa office. Alam kong hindi tama itong gusto niyang mangyari, pero walang tama o mali kapag buhag na ng anak ko ang nakasalalay. Nakahanda na akong gawin ito.

"I've been waiting for you."

Napalunok ako nang makapasok sa opisina niya. Nakatayo siya sa unahan ng kaniyang table at nakapamulsa.

Tumango ako. "Pumapayag na ako, pero sa isang kapalit."

Humakbang siya palapit sa akin. "What is it?"

"Kapag napatunayan nating anak mo nga si—"

"Oo na, ipapagamot ko siya. Of course, I would do that."

"At hihingi ka ng tawad sa akin."

"Paano kung hindi ako ang ama?"

"Talong mo lang ang nakapasok sa pechay ko! Imposibleng hindi ikaw ang ama!"

Sandali siyang natigilan sa sinabi ko, nang makabawi ay mahina siyang tumikhim. "Paano nga kung hindi?"

Puno ng pagnanasang tinitigan niya ako sa mukha. Umangat pa ang kamay niya at marahan akong hinaplos sa pisngi.

"Papayag ka bang maging akin... habang-buhay?"

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Komen (10)
goodnovel comment avatar
JOBELL DE LA CUADRA
Taklesa Power...
goodnovel comment avatar
Adora miano
hahaha naunsa nani Hindi ko maintindihan hahaha,,Isang laro Ang pag ibig
goodnovel comment avatar
Dasa Cusipag Geralyn
hahahhah ilang round ba gusto mo dylan......
LIHAT SEMUA KOMENTAR

Bab terbaru

  • Hiding the Billionaire's Daughter    Epilogue

    Luci's POVNAKAUPO ako sa pinong buhangin habang pinanonood si Luna Marie na magtatakbo sa paligid. Kanina pa ito naglalaro sa front beach ng resort namin, parang hindi napapagod sa kakatakbo."Baby, dahan-dahan lang. Baka madapa ka na naman."Malakas na pagtawa ang itinugon nito sa akin. Dali-dali siyang lumapit sa tubig at nag-umpisang magtampisaw."Mama, ang lamig ng dagat! Ang sarap maligo!" Umahon ito at patakbong lumapit sa akin. Kinuha niya ang kamay ko at pilit akong hinihila papunta sa tubig. "Mama, ligo tayo! Sige na!""Baby, hindi puwedeng mabasa si Mama. Ikaw na lang. Tapos mamaya, papaliguan kita.""E, wala akong kasama! Nasaan na kasi sina Tita Linda at Lolo Ernesto at Lola Guada?""Busy sa resort si Tita Linda mo, baby. Ang dami natin guest ngayong buwan.""Sina Lolo at Lola, busy rin?"Napangiti ako nang makitang sumimangot na ito. "Hindi sila busy, pero di ba, dinalaw nila si Tita Laura?""Ah, iyong kakambal mo?""Yes, baby ko!"Sumimangot ito lalo. "Paano iyan? Wala

  • Hiding the Billionaire's Daughter    Damon & Luci 20

    Luci's POVUNTI-UNTING bumagsak sa lupa si Damon. Dinaig ko pa ang tinakasan ng malay sa nasasaksihan. Gising ako pero ayaw nang tumakbo nang maayos ng utak ko.Nakita ko kung paano umalis ang kotseng kinalululanan ng lalaking bumaril sa amin. Nang mawala ito sa paningin ko ay pabagsak akong lumuhod sa tabi ng mag-ama ko."D-Damon... ""L-lumayo na k-kayo... " Bigla siyang umubo ng dugo kaya lalong nagbagsakan ang mga luha ko. "Si Luna... take our b-baby... ""Damon, no! Please, stop talking!"Mahigpit kong niyakap ang baby namin habang hawak ang kamay ni Damon. Luminga ako sa paligid, umaasa na may makitang tao at mahingian ng tulong."Tulungan n'yo kami! Maawa kayo! Tulungan n'yo kami!"Nang muli kong tingnan si Damon, putlang-putla na ang mukha niya. Halos wala nang kulay."Oh, God! T-tulong! Please, maawa kayo sa amin!"Narinig kong tumunog ang cellphone ni Damon sa loob ng bulsa nito. Nanginginig ang kamay na kinuha ko iyon.I saw Nico's name on the screen. Agad ko itong sinagot,

  • Hiding the Billionaire's Daughter    Damon & Luci 19

    Luci's POV"Mama!"Hindi ko napigilan ang paglunok nang marinig ko siyang tawagin akong 'mama'. I never thought a single word from her would make me this happy."Luna Marie."Lumapit ako sa kaniya with open arms. Nagmamadali siyang bumaba mula sa kinauupuan niya at patakbong lumapit. Agad niyang itinaas ang dalawang kamay para sa akin."Mama!"I tried so hard not to cry, pero nanakit lang ang lalamunan ko sa pagpipigil ng luha.Luna Marie. Anak. Baby ko."Baby, I'm sorry, ngayon lang bumuti ang lagay ni Mama. Ngayon lang kita nabisita."Nakaluhod na ako sa sa sahig habang yakap siya. Oh, God, thanks for healing me. Thank you for keeping us safe all these years. Ngayon, yakap ko na ang anak ko. Her body is so tiny. Kumakain kaya siya nang maayos dito? Nakikipagkaibigan ba siya sa ibang bata?Ang dami kong gustong malaman. Ang dami ko rin gustong ibigay sa kaniya. At una na roon ang kaligtasan.Natuon ang paningin ko sa picture namin dalawa na nakadikit sa pader sa harap ng maliit na ta

  • Hiding the Billionaire's Daughter    Damon & Luci 18

    Damon's POVNASA labas ako ng bahay ng mga Herrera, nakatanaw sa bintana ng kuwarto ni Luci. Paulit-ulit na naglalaro sa isip ko ang mga sinabi nito kanina. She wants us to divorce, she wants to leave me and she's planning on marrying Andrew.Isipin pa lang na hindi na siya akin at pag-aari na ng ibang lalaki, halos mabaliw na ako sa galit. Hindi ako makakapayag. Gagawin ko ang lahat para lang bumalik siya sa akin. Kahit idaan ko pa sa dahas.Sumakay ako ng kotse ko at nag-drive papunta sa pinakamalapit na bar. Kanina pa tawag nang tawag si Mama at maging si Nico, pero wala akong ganang sagutin ang tawag ng kahit na sino.Pagdating ko sa bar, sinalubong agad ako ng nakabibinging ingay ng tugtog, makakapal na usok, iba't ibang kulay at mga tao sa paligid. Wala akong pakialam sa paligid ko. Naupo ako sa isang metal stool at um-order ng alak.Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko. Bumalik nga si Luci, pero ngayong bumalik siya sa akin, tuluyan na niya akong iiwan."I should've treate

  • Hiding the Billionaire's Daughter    Damon & Luci 17

    Luci's POV"Miss Luci!"Hindi ko pinansin ang boses na tumawag sa akin. Agad akong sumakay sa taxing huminto sa gilid ng daan at nagpahatid sa bahay namin.Isa-isang nagbagsakan ang mga luha ko habang iniisip ang gabi kung kailan iniwan ako ni Damon para sumama sa sekretarya niya.Pagod na pagod na akong maghabol sa taong walang balak na huminto o lumingon man lang sa akin. If he still loves my best friend, then I will let go of him.Hindi niya ako kailangan sampalin ng katotohanan na mas pipiliin pa niya ang ibang babae kaysa sa akin na asawa niya. I'm now ready to let go of this toxic love. Ang pag-ibig na unti-unting lumason sa akin dahilan para mamatay ako."L-Luci?"Parang nakakita ng multo si Daddy nang makapasok ako sa double wooden doors ng aming bahay. He stopped in front of the kitchen's door and stared at me for a long time."I'll explain everything later, daddy. Let me rest for now.""W-what? Explain everything?" Sinundan ako nito hanggang sa makapasok ako sa kuwarto ko.L

  • Hiding the Billionaire's Daughter    Damon & Luci 16

    Damon's POV"False alarm, sir. Naliligaw lang pala ang mga lalaki kanina at hinahanap nila ang resort para mag-check-in."Nakahinga ako nang maluwag nang marinig ang sinabi ng bodyguard na iniwan ni Nico para kay Luci. Natagpuan ko ang dalawang lalaking tinutukoy nito sa lobby ng resort.Mataman kong tinitigan ang dalawa. Mga lalaking mukhang vlogger dahil parehong may bitbit na camera sa mga kamay at nagsasalita sa harap nito.Pinabalik ko na sa Maynila sina Nico at ang mga tao nito. Agad ko naman pinuntahan sa cottage ko si Luci. Naabutan ko itong nanonood ng cartoon habang nakahiga sa kama."I'm back.""Damon!" Napasinghap ito, malapad na ngumiti. Nagmamadali siyang bumangon at patakbong lumapit sa akin.Punong-puno ang puso ko nang mahigpit akong yakapin ni Luci. I hugged her back and rested my chin on the top of her head."Wife... " I hugged her forehead. "Siguradong-sigurado na ako, Luci. Akin ka. Ikaw ang asawa ko."Hindi umuwi sa kanila si Luci noong gabing iyon. Muli siyang n

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status