Share

Chapter 2

last update Last Updated: 2022-12-28 22:06:09

"Diyos ko! Saang kamay ako kukuha nang ganitong kalaking halaga? One million?" Pabagsak akong naupo sa lumang sofa ng maliit naming apartment.

Kulang na lang ay umiyak ako dahil sa tindi ng problemang dumating sa akin. Lumabas na ang result ng check-up ng anak ko, may sakit siya sa puso. At malala, kailangan nang mahigit isang milyon para maoperahan siya.

"Kung ano-ano na ngang trabaho ang pinasok ko, para lang may mailagay na pagkain sa lamesa namin. Pagkatapos ngayon, isang milyon?"

Puno ng awa ang mga mata ng kaibigan kong si Wena. "Sana kaya kitang tulungan diyan sa problema mo."

"Anong gagawin ko, Wena? Ang sabi ng doctor, kailangan maagapan agad ang sakit ng anak ko. Kailangan niyang maoperahan as soong as possible."

Tumayo ako at nagpabalik-balik ng lakad sa harap niya. Hindi ko alam kung saan ako tatakbo para makahingi ng tulong. Ulilang lubos na ako, sina Wena at Thalia na lang ang pamilya ko.

"Paano kung magbenta na lang kaya ako ng kidney?" dahil sa desperasyon ay bigla ko na lang nasabi iyon.

"Gaga!" Tumayo siya at pumunta sa harap ko. "Baka ubos na ang mga laman-loob mo, hindi ka pa rin nakakalikom nang isang milyon!"

"Then, what would I do! Alangan naman katawan ko ang ibenta ko! Wala rin bibili!"

Marahas siyang napakamot sa ulo. Napansin kong hindi siya mapakali. Para bang may gusto siyang sabihin ngunit nag-aalangan siya.

"Alam natin pareho ang sagot sa problema mo!" asik niya na ikinatigil ko.

"Ano?"

"Hindi ano, sino!"

Matagal ko siyang tinitigan. Bakas ang pagkalito sa mukha ko, pero nang maisip ang ibig niyang sabihin, mabilis ko siyang inilingan.

"Wena, no!"

"Tanya, yes!" Pinandilatan niya ako ng mga mata. "Pumili ka—ang pride mo o ang anak mo!"

"Pero kukunin siya sa akin ni Dylan!"

"Hindi mo pa alam iyan."

Umiiling akong bumalik sa pagkakaupo sa sofa. "Kilala ko na ang pagkatao niya, Wena! At saka, may pamilya na sila ni Dayana. Baka kapag nalaman niya ang tungkol kay Thalia, baka kunin niya lang sa akin ang anak ko!"

"Puwes, ipaglaban mo ang karapatan mo! Gumawa ka ng kasunduan! Ikaw pa rin ang ina, papanigan ka ng batas. At isa pa, karapatan din naman ng inaanak ko na makilala niya ang papa niya, ano?"

"Ano po, Ninang Wena? Buhay pa ang papa ko?"

Pareho kaming natigilan ni Wena nang marinig ang boses ni Thalia mula sa hagdan. Mabilis akong napatayo.

Nagkatinginan kami ni Wena nang lumapit sa amin ang anak ko. Nakahawak sa mga labi si Wena na para bang nagi-guilty sa nangyari.

"Mama, is that true? Buhay pa po ba talaga si Papa? Why did you lie, mama?"

Nanlumo ako nang makita ang mga mata ni Thalia. Para hindi siya maghanap ng ama, sinabi kong namatay sa aksidente ang ama niya. Hindi ko naisip na malalaman pa niya ang totoo.

"Baby, ano kasi, e..."

"Mama, I want to meet papa."

Halos madurog ang puso ko nang makita ang pinaghalong lungkot at pananabik sa mga mata niya. God, what will I do?

Hindi pa ako nakakasagot, hinila ako ni Wena sa isang sulok. "Pagkakataon mo na ito! Magsabi ka na nang totoo. Parehong kailangan ng anak mo at ama niya ang isa't isa. Isipin mo si Thalia, Tanya."

Matagal ko siyang pinagmasdan bago lumingon sa anak kong nakatingin lang sa amin, naghihintay ng kasagutan mula sa akin.

Labag man sa loob ko, wala akong nagawa kundi ibigay sa tadhana ang gusto nitong mangyari... ang muling magtagpo ang mga landas namin ni Dylan.

Nilapitan ko si Thalia at lumuhod sa harap niya. "Anak, I'm sorry mama lied to you."

"But you said it was bad to lie."

"Yes, kaya nagso-sorry ako." Hinagod ko ang buhok niya bago siya hinila para yakapin.

"Ibig sabihin, mama, may papa pa ako?"

Umalpas ang isang luha sa pisngi ko nang marinig ang sinabi niya. Yakap ko pa rin siya kaya hindi ko nakikita ang mukha niya.

"Yes, baby."

"Kung ganoon, may complete family na ako?" Kumalas siya sa yakap ko at masayang nagtatalon. "Yehey! May papa na ako! Hindi na ako kukutyain ng mga kalaro ko kasi complete na rin ang family ko! Yehey!"

Napatingin ako kay Wena nang dahil sa narinig. Gusto kong maluha noong mga sandaling iyon. Hindi ko alam kung paano ko ipapaliwanag kay Thalia ang lahat.

***

"When will I meet him, mama?"

Mula sa pagtutupi ng mga damit, lumapit ako sa kama at binuhat si Thalia. Nakatayo siya sa ibabaw ng kama at paulit-ulit na nagtatalon.

"Soon, baby."

"Kailan po ang soon? I want to meet him right now! I'm so excited!"

Napangiti ako nang makita ang pananabik sa mukha ng anak ko. Naupo naman ako sa gilid ng kama at sinandal ang likod sa headboard. Yakap ko pa rin si Thalia at nakakandong siya sa akin.

Kanina pa niya mukambibig ang tungkol sa ama niya. Mabuti na lang dahil hindi na siya masyadong nag-usisa pa. Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko kapag nagsimula siyang magtanong-tanong.

I just wish everything would turn out well. Ang hindi ko alam, pagdating ng umaga ay isa pang problema ang darating sa akin.

"Aling Sita naman, nagbayad kami para sa buwang ito. Hindi mo kami puwedeng palayasin!"

Galit akong pinamaywangan ng landlady namin. "Ilang beses ko na bang sinabi sa iyo? Ibinibenta ko na ang lupang kinatitirikan ng apartment na ito! Hindi ako nagkulang ng paalala!"

"E, di sana ho, hindi mo na kinuha ang perang ipinambayad ko!"

"Hindi ba nga, ayaw kong tanggapin? Ikaw lang naman itong panay pagmakaawa at pagpupumilit na huwag kayong palayasin! Ah, basta! Bukas na bukas din, lumayas na kayo!" May kinuha siya sa loob ng bulsa niya at inis na itinapon sa akin. "Ayan ang pera mo! Kung makapagsalita, akala mo'y nagbabayad sa tamang oras!"

Napalunok ako matapos marinig ang mga sinabi niya. Napatingin ako sa ibang taong nakasaksi sa alitan namin ni Aling Sita. Nagbubulungan pa ang iba sa mga ito.

Pinulot ko ang pera at mabilis na pumasok sa bahay. "Napakasama! Walang konsiderasyon!"

Gusto kong maluha sa sobrang galit. Kung may iba lang kaming malilipatan, hindi ako magtitiis sa apartment niyang kamahal ng bayad, pero madalas naman maputulan ng kuryente!

Mabilis akong nagbihis at iniwan muna sa pangangalaga ni Wena si Thalia. Lulan na ako ng taxi at papunta na sa Aragon Corporation, ang kompanya na pag-aari ng pamilya ni Dylan.

Continue to read this book for free
Scan code to download App
Comments (8)
goodnovel comment avatar
Adora miano
Ang muling pagtatagpo
goodnovel comment avatar
Dasa Cusipag Geralyn
nice story
goodnovel comment avatar
Jenny Low
subrang ganda Ng story
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • Hiding the Billionaire's Daughter    Epilogue

    Luci's POVNAKAUPO ako sa pinong buhangin habang pinanonood si Luna Marie na magtatakbo sa paligid. Kanina pa ito naglalaro sa front beach ng resort namin, parang hindi napapagod sa kakatakbo."Baby, dahan-dahan lang. Baka madapa ka na naman."Malakas na pagtawa ang itinugon nito sa akin. Dali-dali siyang lumapit sa tubig at nag-umpisang magtampisaw."Mama, ang lamig ng dagat! Ang sarap maligo!" Umahon ito at patakbong lumapit sa akin. Kinuha niya ang kamay ko at pilit akong hinihila papunta sa tubig. "Mama, ligo tayo! Sige na!""Baby, hindi puwedeng mabasa si Mama. Ikaw na lang. Tapos mamaya, papaliguan kita.""E, wala akong kasama! Nasaan na kasi sina Tita Linda at Lolo Ernesto at Lola Guada?""Busy sa resort si Tita Linda mo, baby. Ang dami natin guest ngayong buwan.""Sina Lolo at Lola, busy rin?"Napangiti ako nang makitang sumimangot na ito. "Hindi sila busy, pero di ba, dinalaw nila si Tita Laura?""Ah, iyong kakambal mo?""Yes, baby ko!"Sumimangot ito lalo. "Paano iyan? Wala

  • Hiding the Billionaire's Daughter    Damon & Luci 20

    Luci's POVUNTI-UNTING bumagsak sa lupa si Damon. Dinaig ko pa ang tinakasan ng malay sa nasasaksihan. Gising ako pero ayaw nang tumakbo nang maayos ng utak ko.Nakita ko kung paano umalis ang kotseng kinalululanan ng lalaking bumaril sa amin. Nang mawala ito sa paningin ko ay pabagsak akong lumuhod sa tabi ng mag-ama ko."D-Damon... ""L-lumayo na k-kayo... " Bigla siyang umubo ng dugo kaya lalong nagbagsakan ang mga luha ko. "Si Luna... take our b-baby... ""Damon, no! Please, stop talking!"Mahigpit kong niyakap ang baby namin habang hawak ang kamay ni Damon. Luminga ako sa paligid, umaasa na may makitang tao at mahingian ng tulong."Tulungan n'yo kami! Maawa kayo! Tulungan n'yo kami!"Nang muli kong tingnan si Damon, putlang-putla na ang mukha niya. Halos wala nang kulay."Oh, God! T-tulong! Please, maawa kayo sa amin!"Narinig kong tumunog ang cellphone ni Damon sa loob ng bulsa nito. Nanginginig ang kamay na kinuha ko iyon.I saw Nico's name on the screen. Agad ko itong sinagot,

  • Hiding the Billionaire's Daughter    Damon & Luci 19

    Luci's POV"Mama!"Hindi ko napigilan ang paglunok nang marinig ko siyang tawagin akong 'mama'. I never thought a single word from her would make me this happy."Luna Marie."Lumapit ako sa kaniya with open arms. Nagmamadali siyang bumaba mula sa kinauupuan niya at patakbong lumapit. Agad niyang itinaas ang dalawang kamay para sa akin."Mama!"I tried so hard not to cry, pero nanakit lang ang lalamunan ko sa pagpipigil ng luha.Luna Marie. Anak. Baby ko."Baby, I'm sorry, ngayon lang bumuti ang lagay ni Mama. Ngayon lang kita nabisita."Nakaluhod na ako sa sa sahig habang yakap siya. Oh, God, thanks for healing me. Thank you for keeping us safe all these years. Ngayon, yakap ko na ang anak ko. Her body is so tiny. Kumakain kaya siya nang maayos dito? Nakikipagkaibigan ba siya sa ibang bata?Ang dami kong gustong malaman. Ang dami ko rin gustong ibigay sa kaniya. At una na roon ang kaligtasan.Natuon ang paningin ko sa picture namin dalawa na nakadikit sa pader sa harap ng maliit na ta

  • Hiding the Billionaire's Daughter    Damon & Luci 18

    Damon's POVNASA labas ako ng bahay ng mga Herrera, nakatanaw sa bintana ng kuwarto ni Luci. Paulit-ulit na naglalaro sa isip ko ang mga sinabi nito kanina. She wants us to divorce, she wants to leave me and she's planning on marrying Andrew.Isipin pa lang na hindi na siya akin at pag-aari na ng ibang lalaki, halos mabaliw na ako sa galit. Hindi ako makakapayag. Gagawin ko ang lahat para lang bumalik siya sa akin. Kahit idaan ko pa sa dahas.Sumakay ako ng kotse ko at nag-drive papunta sa pinakamalapit na bar. Kanina pa tawag nang tawag si Mama at maging si Nico, pero wala akong ganang sagutin ang tawag ng kahit na sino.Pagdating ko sa bar, sinalubong agad ako ng nakabibinging ingay ng tugtog, makakapal na usok, iba't ibang kulay at mga tao sa paligid. Wala akong pakialam sa paligid ko. Naupo ako sa isang metal stool at um-order ng alak.Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko. Bumalik nga si Luci, pero ngayong bumalik siya sa akin, tuluyan na niya akong iiwan."I should've treate

  • Hiding the Billionaire's Daughter    Damon & Luci 17

    Luci's POV"Miss Luci!"Hindi ko pinansin ang boses na tumawag sa akin. Agad akong sumakay sa taxing huminto sa gilid ng daan at nagpahatid sa bahay namin.Isa-isang nagbagsakan ang mga luha ko habang iniisip ang gabi kung kailan iniwan ako ni Damon para sumama sa sekretarya niya.Pagod na pagod na akong maghabol sa taong walang balak na huminto o lumingon man lang sa akin. If he still loves my best friend, then I will let go of him.Hindi niya ako kailangan sampalin ng katotohanan na mas pipiliin pa niya ang ibang babae kaysa sa akin na asawa niya. I'm now ready to let go of this toxic love. Ang pag-ibig na unti-unting lumason sa akin dahilan para mamatay ako."L-Luci?"Parang nakakita ng multo si Daddy nang makapasok ako sa double wooden doors ng aming bahay. He stopped in front of the kitchen's door and stared at me for a long time."I'll explain everything later, daddy. Let me rest for now.""W-what? Explain everything?" Sinundan ako nito hanggang sa makapasok ako sa kuwarto ko.L

  • Hiding the Billionaire's Daughter    Damon & Luci 16

    Damon's POV"False alarm, sir. Naliligaw lang pala ang mga lalaki kanina at hinahanap nila ang resort para mag-check-in."Nakahinga ako nang maluwag nang marinig ang sinabi ng bodyguard na iniwan ni Nico para kay Luci. Natagpuan ko ang dalawang lalaking tinutukoy nito sa lobby ng resort.Mataman kong tinitigan ang dalawa. Mga lalaking mukhang vlogger dahil parehong may bitbit na camera sa mga kamay at nagsasalita sa harap nito.Pinabalik ko na sa Maynila sina Nico at ang mga tao nito. Agad ko naman pinuntahan sa cottage ko si Luci. Naabutan ko itong nanonood ng cartoon habang nakahiga sa kama."I'm back.""Damon!" Napasinghap ito, malapad na ngumiti. Nagmamadali siyang bumangon at patakbong lumapit sa akin.Punong-puno ang puso ko nang mahigpit akong yakapin ni Luci. I hugged her back and rested my chin on the top of her head."Wife... " I hugged her forehead. "Siguradong-sigurado na ako, Luci. Akin ka. Ikaw ang asawa ko."Hindi umuwi sa kanila si Luci noong gabing iyon. Muli siyang n

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status