Share

Chapter 08

Ilang araw na ang lumipas simula noong makilala ng kambal ang papa nila. Matapos noong linggong iyon ay naging busy si Xzavier dahil inumpisahan na nila 'yong paggawa ng hotel. Sa pagkaka-alam ko ay sobrang laki raw ng hotel na iyon kaya sigurado akong aabutin ng ilang buwan 'yon bago matapos.

Pero kahit na sobrang busy niya ay nagagawa pa rin niyang sumamang magsimba. Naging hobby na namin iyong apat. At habang tumatagal din ay unti-unti nang nasasanay si Aislinn sa presensya ni Xzavier. Kung dati ay tumitingin pa siya sa akin para sabihan na lapitan niya si Xzav, ngayon naman ay kusa na siyang tumatakbo upang lapitan ang papa niya.

Natutuwa akong makita silang masaya kapag kasama nila ang papa nila.

["Eh kayo ni Xzavier, okay na kayo?"] Tanong ni Lina mula sa kabilang linya.

"Oo naman, okay na kami." Sagot ko.

["So, may chance?"] Kumunot naman ang noo ko.

"Chance?" Takang tanong ko.

She sighed. ["Na maging kayo ulit, duh!"]

"Mukhang malabong mangyari 'yan." Sabi ko.

["Hindi mo sure,
Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status