Share

01: Stripper

“SHET! Ang ganda mo, be!” napahawak ang dalaga sa kanyang braso nang hampasin iyon ni Dondon, ang baklang nag-aayos sa kanya. Tiningnan niya ang sarili sa salamin ngunit iniwas din agad dahil hindi siya komportableng makita ang itsura niya, lalo na ang suot niyang damit.

Her face was full of makeup, her lips were painted red, and her hair was pulled back into a high ponytail. She looks down at her legs and can’t help but feel embarrassed by the sexy bunny costume they’ve given her. She felt stupid for wearing it because the costume consisted of a black tube bodysuit that exposed her skin to the world, fishnet lace top thigh highs, and a pair of heels with a black and white bow around her neck.

‘I looked ridiculous.’

“Bakit hindi ka pinasok ni Manay Lucy rito sa bar? Sigurong papatok ka sa mga customㅡ”

“I am not that kind of woman.” Kalmado ang boses niya kahit na hindi niya nagugustuhan ang sitwasyon na mayroon siya ngayon. She chose it, so she must stand by it.

“Ay taray, English-era naman pala itong jowa mo, Cedric.” tumawa si Dondon at gano’n din si Cedric na nakatayo sa likuran at pinapanood ang nobya mula sa repleksyon ng salamin. Ang lagkit niyang tumingin dito at hindi maiwasan na pagpantasyahan ito dahil kahit na matagal na silang magkarelasyon ay ni isang beses ay wala pang nangyayari sa kanila. Napansin ni Ruby ang kakaibang tingin sa kanya ng nobyo at hindi maiwasan na ikuyom ang mga kamao niya. Tingin pa lang nito ay naiilang na siya, paano pa kapag nasa harap na siya ng mga estranghero na kailangan niyang i-entertain?

She couldn’t help but shudder just thinking about them staring at her with lust in their eyes.

“Tara na.” aya ni Cedric nang umalis ito sa pagkasasandal niya sa pader. Malalim na bumuntong hininga si Ruby at saka kinuha ang maigsing red velvet robe dress na inabot sa kanya ni Dondon. Hindi naman kasi siya pwedeng pumunta ng hotel suot ang costume, isa paㅡkailangan daw niya ang robe dahil huhubarin niya iyon sa harap ng kliyente para magbigay dagdag sa excitement.

Pinaliwanag na sa kanya ni Manay Lucy ang mga dapat niyang gawin, all she have to do is keep the bachelor’s party guests entertained. She’s required to dance in front of them and give the groom a dance lap, but she decided that she’s not going to do it. Kaya niyang sumayaw sa harapan nila pero ang mag-lap dance sa lalaking ikakasal na, never. She’s going to do things her way.

“Oh, ‘wag mo rin ‘to kalimutan.” napatingin siya nang iabot sa kanya ni Dondon ang headband na bunny ears. Hindi niya maiwasan ang mapangiwi at bumuntong hininga bago iyon kunin. Balak na sana niyang umalis ngunit nakakita siya ng itim na maskara sa isa sa mga vanity table, kinuha niya iyon at saka tuluyang umalis.

Pagsakay nila ng taxi ay hindi siya kumikibo kahit salita nang salita ang kasama niya. Cedric was complimenting her but it doesn’t make her happy, if anythingㅡshe feel disgusted.

“Sabi mo galing sa elite na pamilya ang kliyente, bakit kay Manay Lucy sila pumunta? I mean, there’s a lot of good strip clubs out there.” pagtataka ni Ruby.

“May nagrekomenda sa kanya. Alam mo naman na kahit hindi sosyal ang bar, marami pa ring mga mayayaman na nagpupunta dahil gusto nila ang mga alaga ni Manay.” Nagkibit ng balikat si Cedric at saka kinuha ang kamay ng nobya para hawakan iyon. Gusto man niyang bawiin ang kamay niya ay hindi niya ginawa dahil alam niyang mauuwi lang sila sa pagtatalo. As much as possible, ayaw niyang ipahalata ang pagkairita niya rito.

“Didiretso ba agad ako sa hotel room?” tanong niya nang makababa na sila ng taxi at makarating sa tapat ng isa sa pinakamalaki at sikat na hotel sa bansa. She’s already been there twice when she celebrated her parents’ anniversary and family reunion on her Dad’s side–now, she is here again but as a stripper.

“Hindi ko alam, may mag-a-assist sa ‘yo na taga-hotel. Hintayin natin siya na lumabas dahil hindi tayo pwedeng pumasok basta-basta sa loob.” ani Cedric na tinanguan lang ni Ruby bago suotin ang maskara para matakpan ang kalahati ng mukha niya. She knew it’s been years nang maghirap sila but that doesn’t mean na hindi na siya mahihiya kapag may nakasalubong siyang kakilala, especially nang ganoon ang getup niya. She doesn’t want them to look at her with a disgusting expression. Kahit paano ay gusto pa rin niyang protektahan ang imahe niya.

Kinurot-kurot niya ang mga daliri niya para pakalmahin ang sarili habang naghihintay at maya-maya lang ay may babae nang naka-uniform ang lumabas at pinakilala ang sarili niya bilang si Layla. Siya raw ang organizer ng bachelor’s party.

“Let’s go.” aya nito sa kanya at tumango naman siya bago tumingin kay Cedric dahil bigla siyang hinalikan nito sa labi.

“Galingan mo, ah?” Hindi niya pinansin ang sinabi ng nobyo at sumunod na kay Layla. She can’t believe he’s encouraging her for the job she’s about to do, lalo lang siya nitong binigyan ng rason para makipaghiwalay sa kanya.

“Claustrophobic ka ba?” tanong ni Layla nang habang naglalakad sila sa looby.

“Hindi.” naiilang na sagot ng dalaga dahil hindi maiwasan na tingnan siya ng mga taong nakakita sa kanya. Makapukaw atensyon naman kasi ang kanyang istura, lalo na ang suot niyang maskara.

“Good, kasi ipapasok kita sa malaking box na mukhang regalo. Maghihintay ka sa loob at lalabas ka lang kapag binuksan na ‘yon ng groom. Darating na sila in 30 minutes kaya didiretso na tayo sa penthouse.” paliwanag ni Layla na tinanguan lang ni Ruby bilang tugon.

Habang nasa loob sila ng elevator at palapit nang palapit sa penthouse ay siya ring pagbilis ng tibok ng puso niya. Pakiramdam niya ano mang oras ay lalabas iyon sa dibdib niya sa sobrang kaba. She always give her all in any job she takes on, so hindi siya natatakot na magkamali but this one is different. She wasn’t sure if she can do the job properly, may experience siya sa pagsasayaw dahil naging parte siya ng dance group during her high school days, but dancing lustfully in front of grown up men? She doesn’t think she can do it without trembling.

Ngayon pa lang ay grabe na ang kaba niya, paano pa kapag nasa harapan na siya ng mga kliyente?

“Iss…”

“Miss!” Sunod-sunod siyang kumurap at tumingin sa babae. Nasa labas na ito habang nakaharang ang kamay sa pinto ng elevator para hindi iyon sumara. “Hindi tayo pwedeng mag-aksaya ng oras, if you can’t do the jobㅡ”

“No, I can do it.” aniya bago mabilis na umapak palabas ng elevator. Marahas siyang lumunok at sumunod dito nang magsimula itong maglakad patungo sa pintuan kung saan may kalalabas lang na lalaking may dalang server tray.

“Naka-ready na ‘yong mga alak,” sabi ng katrabaho kay Layla bago siya tingnan nito at tanguan. Ngumiti lang siya nang tipid at pumasok sa loob para sundan ang babaeng nag-guide sa kanya. Gusto man libutin ni Ruby ang paningin sa buong penthouse, hindi niya nagawa dahil napukaw agad ng atensyon niya ang malaking itim na regalo sa harapan ng mga couch.

“Come here, I’ll give you at least five minutes to rest and then ipapasok na kita sa loob.” sabi ni Lalya at kinakabahan lamang siyang tumango. Niyakap niya ang sarili at lumingon sa paligid, mayroong second floor ang kwarto kung saan naroon ang pinaka-bedroom, sa ibabang parte kung saan siya nakatayo ay ang mga couch at ilang gamit, mayroon ding kitchen at gawa sa salamin ang buong wall ng kwarto. Kitang-kita niya ang ganda ng nightview sa labas and somehow, it calmed her down a little.

“Ready ka na ba? Baka dumating na sila,” napaigtad si Ruby nang marinig niya iyon. Pinanood niya nang hilahin nito ang gold na ribbon sa ibabaw ng regalo kung saan bumagsak ang apat na pader noon. Hindi niya naiwasan ang marahas na lumunok bago maglakad at nagdadalawang isip na tumapak sa gitna ng regalo, pinaupo siya ni Layla at ni-remind sa mga dapat niyang gawin.

Napahigpit siya ng hawak sa suot niyang robe nang tuluyang maisara ang regalo at tila makulong siya sa loob noon. Ramdam na ramdam niya ang pagkalabog ng dibdib, it’s true that she isn’t claustrophobic, but she’s becoming anxious, she could hardly breathe.

“Hey.” Kinatok ni Layla ang regalo para kunin ang atensyon niya. “Bubuksan ko na ‘yong music, make sure to entertain the guests well, VIP sila ng hotel and isa sa kanila ang may ari nitong penthouse.”

“Okay.” sa sobrang kaba ay iyon lang ang na-manage niyang isagot at nalimutan na niya itanong kung ano ang itsura ng groom. Napabuntong hininga na lamang siya at pumikit.

“You can do it, Ruby.” paulit-ulit niya iyong binulong sa sarili nang magsimula siyang makarinig ng tugtog sa labas. Sinuot na rin niya ang bunny ears bago pa niya iyon makalimutan. Hindi nagtagal ay nakarinig na siya ng ilang lalaking nagtatawanan sa labas, nagulat pa ito nang may gumalaw sa regalo. She could feel them circling outside the box, it was making her more anxious.

“What’s inside?” tanong ng isa sa mga groomsmen. Halatang wala silang ideya na magkakaroon ng stripper sa bachelor’s party.

“Siraulo ka! Hindi ‘yan para sa ‘yo.”

“Are you guys for real? You hired a stripper?”

“It’s okay, hindi naman para sa groom ‘yan.” tumawa ang lalaking nagsabi no’n. “I hired it for Cassis.”

“Dude, do you have a death wish? You are aware that man despises women.”

“I don’t care; gusto mo bang tumandang binata ‘yong kaibigan natin?”

Kinagat ni Ruby ang labi habang pinapakinggan ang mga nag-uusap sa labas. Nasa apat sila pero nadagdagan nang dumating pa ang dalawa.

‘Shit, what are they talking about? Who the hell is Cassis? Walang nagsabi sa akin ng tungkol doon!’

“Miss.” Halos mapamura siya sa gulat nang may kumatok sa bandang gilid niya. Marahas siyang lumunok at lumingon doon.

“Y-yes?”

“I’ll say this quickly, so listen carefully. My name’s Gren, I’m the one who hired you and your job is to entertain us but, besides that, I want you to focus on entertaining my friend, Cassis. He has long hair that’s styled in a half ponytail.” paliwanag ng binata, at kahit naguguluhan ay tumango pa rin si Ruby kahit hindi naman siya nakikita nito.

“He despises women so, he might be cold towards you but if you manage to make him flustered, kahit konti lang… Dadagdagan ko bayad sa ‘yo.” Gren added.

“O-okay.”

“Good, you have a nice voice by the way. Best of luck!” anito. Boses pa lang ng dalaga ay alam na niyang magiging interesado ang gabi para sa kanya at sa mga kaibigan niya.

Napangiwi na lang si Ruby dahil sa complimet na natanggap. Hindi niya mawari kung paanong naging nice ang boses niya gayong paos siya dahil kagagaling lang niya sa sakit. Pinagkibit balikat na lamang niya iyon at saka pinaypay ang kamay dahil nagsisimula nang uminit sa loob. She can’t believe she agreed to that but, she guess it works for her since ayaw rin niyang i-focus ang pag-entertain sa groom.

“Do you really need to do this shit here?” tanong ni Cassis pagkapasok na pagkapasok niya ng kwarto at makita na nagmistulang club ang sala niya. “And what’s with that massive gift?”

“Don’t ask questions, Cass. Hindi mo ‘to bachelor’s party.” pabirong sabi ni Gren at napailing na lamang siya. Kung hindi lang niya siya kaibigan ay baka nataniman na niya ito ng bala sa ulo. But because they were childhood best friends, he decided to be patient and ignore his antics.

“This is my place, bastard.”

“Who cares; let’s start! Hoy, Jericho i-shot mo na ‘to.” nagsimulang silang mag-ingay at paulit-ulit na sinisigaw ang bottom’s up. Now, Ruby’s getting curious what kind of people they are. She just hope they’re not some kind of perverts or bad guys.

“It’s okay, you can do it.” she muttered to herself habang pinapakinggan na magsaya ang mga nasa labas, pero maya-maya lang ay narinig niya ang boses ni Gren.

“Since it’s a bachelor’s party, hindi pwedeng walang surprise.” aniya bago tapik-tapikin ang ibabaw ng regalo. Mariing kinagat ni Ruby ang kanyang labi at napahawak sa dibdib niya nang bumilis ulit ang tibok ng puso niya. She tried to calm herself down by breathing deep and slow but it didn’t help at all.

“Gago ka ba, Gren? ‘Wag mong sabihingㅡ” hindi na naituloy ng groom ang sasabihin dahil tuluyan nang hinatak ng kaibigan ang ribbon. Malalim na huminga si Ruby nang tuluyang bumagsak ang apat ng wall at tila huminto ang tibok ng puso niya pagkatapos makita ang mga lalaki sa harapan. Lahat sila ay napatitig sa kanya, samantalang si Cassis ay nag-igting ang panga at halos magdikit na ang kilay sa sobrang pagkunot noon. Gusto niyang pagsabihan ang kaibigan ngunit hindi niya nagawa nang mapansing hindi gumagalaw ang babaeng nakamaskara.

Sinubukang tumayo ni Ruby pero namanhid ang paa niya sa tagal niyang nakaupo, dahilan para tingnan siya ng siyam na lalake na para bang na-entertain na sila agad kahit wala pa siyang ginagawa.

‘Fuck, this is embarrassing.’

“Uhm… What are you doing, miss?” tanong ni Gren na nasa gilid niya, lumingon siya rito at ngumiti nang pilit.

“I’m sorry, my legs fell asleep. I-I can’t stand up.” nahihiya niyang sabi at napapitlag nang tumawa ang binata. Inabot ni Gren ang kamay sa kanya at kahit nagdadalawang isip ay hinawakan niya iyon para maalalayan siyang tumayo.

“I-Is she a foreigner?” tanong ni Jericho na nakaupo sa couch. Lumingon si Ruby roon at nakita na lahat sila ay nakatingin pa rin sa kanya. For some reason, hinanap niya agad ang lalaking may mahabang buhok.

“H-hindi.” sagot niya kasabay nang pagkabigla dahil nagtama ang paningin nila ni Cassis. Agad niyang iniwas ang tingin sa kanya dahil kung nakamamatay lang ang pagtitig ay baka kanina pa siya nakaburol. He’s really intimidating, not to mention the tattoo of a snake encircling his right forearm.

“T-thank you.” mahina na lamang niyang sabi nang ibalik ang atensyon kay Gren. Tinanguan siya nito bago binitawan ang kamay niya at maupo na rin sa couch katabi ang kaibigan na agad siyang tinapunan nang masamang tingin.

“You really have a fucking death wish,” Cassis gritted his teeth ngunit hindi siya pinansin ni Gren dahil napasipol ito pagkatapos makitang ininom ni Ruby ang isang baso na puno ng alak. She needed some liquid courage kaya hindi siya nagdalawang isip na uminom kahit na lightweight siya. Pakiramdam niya tuloy ay nasunog ang lalamunan niya sa sobrang tapang ng alak na ininom.

“Wow, did she just down that strong liquor all at once?” komento ng isa sa mga groomsmen pero hindi niya iyon pinansin at bumalik sa pwesto niya nang hindi tumitingin mga lalaking nasa harapan. She wanted to run away, but the sight of her battered brother and father inside the jail made her reconsider.

Napapikit na lamang siya nang mariin at nanginginig ang kamay na inabot ang tali ng robe dress bago iyon dahan-dahang hinila.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status