Share

02: Impulsive

AGAD siyang napahinto sa binabalak na gawin nang marahas na inilapag ni Cassis ang hawak na baso sa center table at gumawa iyon ng ingay. He clenched his teeth and stared daggers at her; he dislikes her presence, it makes him uncomfortable.

“B-bakit?” nauutal na tanong ni Ruby, nagtataka kung may mali ba siyang ginawa. Samantalang ang ibang groomsmen ay kinakabahan na dahil lahat sila ay aware kung bakit bigla na lamang nagdabog ang kaibigan.

“Leave.” ani Cassis, dahilan para kumunot ang noo ng dalaga. She knew she said she wanted to leave but she’s already changed her mind. Nandoon na siya, they already saw her. Hindi niya pwedeng sayangin ang perang kikitain niya ngayong gabi, she badly need the money.

Bukas na bukas din ay gusto niyang makalabas na ang ama sa kulungan. Marami man itong atraso sa kanya, hindi pa rin niya ito matitiis. Bukod doon ay kailangan niya ibalik ang perang ibinayad ng kaibigan niya para sa hospital bills ni Alex.

Pagkatapos na pagkatapos niya kasing kausapin si Cedric sa phone kanina ay tinawagan din niya ang bestfriend niya para asikasuhin si Alex, mabuti na lang at day off ni Shan kaya nagawa nitong mapuntahan ang nakababata niyang kapatid at dalhin sa hospital para maipagamot ang mga sugat nito.

“Dude, come onㅡ”

“Shut it, Gren.” madiing sambit ni Cassis ng tapunan niya nang masamang tingin ang kaibigan, “You know Jericho’s going to marry my sister and you hired a stripper? Are you fucking stupid?! Lawyer ka pa man din! Hindi ka nag-iisip!”

“And you.” Hindi naiwasang mapapitlag ni Ruby nang sa kanya naman ibaling ng binata ang tingin. His eyes are like a predator locked on his prey, it made her shiver. “Leave before I drag you out.”

Marahas siyang lumunok at balak na sanang magsalita ngunit hindi niya nagawa nang bigla siyang mahilo. She knew she’s a lightweight, but she wasn’t expecting the alcohol to kick in right away.

‘Fuck, ganoon ba katapang ‘yong ininom ko o baka dahil walang laman ang tiyan ko?’

“I said leav–”

“Ayoko.” Hindi alam ng dalaga kung ano ang pumasok sa isip niya at sinabi niya iyon. Nagulat ang mga groomsmen na kasama niya sa kwarto at napatingin kanya na tila na-amaze sila sa ginawa niyang pagsagot. Iyon kasi ang kauna-unahan na may babaeng sumagot ng gano’n sa kaibigan, and they’re liking it.

“What?” Cassis scowled and glared at her.

“Bakit ako aalis? Hindi naman ikaw ang nag-hire sa akin.” tanong ni Ruby, nagtaas pa ito ng kilay but she took one step back when Cassis suddenly stood up; Gren, on the other hand, immediately stopped his friend from whatever he had planned to do to her.

“Let go, I will drag that woman out.”

“What an asshole,” Napapairap na bulong ni Ruby, ngunit wala siyang ideya na nasabi niya iyon nang malakas. Nagtataka siyang tumingin sa mga groomsmen dahil lahat sila ay nakanganga at namimilog ang mga mata, maging si Cassis ay nakatingin sa kanya na para bang na-offend ito. At that exact moment, na-realize niyang narinig nila ang sinabi niya.

‘Shit, what am I doing? I’m letting my frustration get the best of me.’

“Sorry, I didn’t mean–” Hindi niya naituloy ang sasabihin nang sa isang iglap ay nasa harapan na niya ang binata. It would be a lie kapag sinabi niyang hindi siya natakot sa ginawa nito, for a second, akala niya ay hihilahin siya nito nang marahas but noㅡhe just stood there, trying to threatened her with his death glare. He despises her gut; how could a mere stripper respond to him and call him an asshole?

Balak na sanang hilahin ni Gren ang kaibigan palayo kay Ruby ngunit nagulat ang lahat nang biglang hatakin ng dalaga si Cassis at itulak ito sa empty couch na nasa gilid. They were all taken aback by her unexpected action. Natakot sila para sa kanya ngunit wala siyang pakialam dahil naalala niya ang sinabi sa kanya kanina ni Gren. Na mag-focus siya sa pag-entertain kay Cassis at kapag na-manage niya na ma-flustered ang lalaking iyon kahit kaunti ay dadagdagan ang bayad sa kanya.

“What the hell do you think you’re doing?” malamig na tanong ni Cassis, dahilan para magsitayuan ang balahibo sa katawan ni Ruby. Marahas siyang lumunok at pilit nag-focus sa dapat niyang gawin. She just wants to get this over and done with, all she needs to do is to make him flustered and she’ll get a bonus payment.

“I’m here to entertain you, not the groom so, worry not.” Ngumiti siya nang tipid bago isandal ang isa niyang kamay sa sinasandalan ng lalake. Sinundan naman iyon ng tingin ni Cassis bago nagsalubong ang kilay niya at ibalik ang atensyon sa babaeng nakasuot ng maskara. He wasn’t sure what was going on, he could just easily drag her out but he was too stunned to do anything. It wasn’t like him.

“Do you have a death wish—”

“Shhh.” Mapangahas na nilapat ni Ruby ang hintuturo niyang daliri sa labi ni Cassis nang subukan siyang bantaan nito, dahilan para manahimik ang binata at mag-igting ang panga. Nahalata iyon ni Ruby and for some reason, the nervousness she felt earlier disappeared. She knows she’ll regret all the shit she’s about to do but there’s no turning back now.

“Wow, she’s bold.” komento ng isa sa mga groomsmen. Lahat sila ay pinapanood ang dalawa, wala silang ideya na magiging ganoon ka-entertaining ang bachelor’s party ng kaibigang si Jericho.

“What’s wrong, Cass? Bakit natahimik ka?” tila nagtatakang tanong ni Gren dahil usually ay hindi hahayan ng kaibigan na mayroong humawak sa kanya. Kaunting physical touch lang sa babae ay nagagalit na ito, he was expecting his friend to push the stripper but it didn’t happen.

‘What the hell? Who is this woman?’

Iyon ang tumatakbo sa isip ni Cassis noong mga oras na iyon. His skin crawls at even the slightest touch from a woman, and he finds it repulsive, but surprisingly, he doesn’t feel that now; rather, he found the stripper’s touch to be warm and pleasant which is ridiculous.

Nakakunot noo lang niyang pinanood kung paanong ipatong ng dalaga ang isa nitong tuhod sa couch sa pagitan ng hita niya. Sinundan niya iyon ng tingin at marahas na napalunok, dahilan upang mapangisi si Ruby. They say he despises women, but looking at him right now makes her think he’s not just used to dealing with them.

“Fuck!” mariing mura ni Cassis nang hindi na nito matiis ang tensyon na namamagitan sa kanila. Hinawakan niya ang palapulsuhan ni Ruby and before she knew it, he was already dragging her out. Tinawag ni Gren ang kaibigan at sinubukang pigilan ngunit pinagbantaan lang siya nito.

“Subukan mong sumunod, babasagin ko mukha mo kahit kaibigan kita.” napatikhim na lamang si Gren at itinaas ang dalawang kamay na akala mo’y sumusuko siya sa pulis. At that time, he realized that his friend have had enough and he refused to provoke him any further.

“Okay, dude, but don’t hurt her.” aniya. In the end, Cassis really dragged her out.

“Leave before I kill yoㅡ” hindi niya naituloy ang sasabihin nang lingunin niya ang babae at mabigla nang makitang tumutulo na ang luha sa ilalim ng maskara nito. Marahas niya itong binitawan pagkarating sa hallway at malalim na bumuntong hininga. Dahan-dahan siyang tiningnan ni Ruby habang nakahawak sa pisngi niya nang maramdam ang likidong tumulo roon.

‘Damn it, why am I crying?’

Gusto niyang hubarin ang suot na maskara ngunit hindi niya magawa.

“L-let me do my job, please.” Makaawa niya, hindi na rin sigurado kung ano ang dapat na gawin at maramdaman. She was being bold earlier, and now she’s acting pathetic. She’s a total mess. Was it the alcohol, or had she finally lost it? Stress and frustration are wreaking havoc on her mind.

“Leave, we don’t need you to entertain us. And to be honest? Halatang hindi ka sanay sa trabahong pinasok mo, aaksayahin mo lang ang perang ibabayad sa ‘yo ng kaibiㅡ”

“Excuse me?” biglang umatras ang luha ni Ruby at tila may kung anong nag-trigger sa kanya para tuluyang mapikon sa lalaking nasa harapan. Pakiramdam niya ay naging bipolar siya ngayong araw, ilang emosyon at ugali na ba ang ipinakita niya sa maigsing oras? Hindi na niya mabilang.

“It’s true that I’m not used doing this kind of job, it was my first time after all, but I’m not the kind of person to deliver crappy work. I mean...” Bumuntong hininga siya at napahawak sa ulo, bakit ba siya nag-e-explain sa kanya? Nasasayang ang oras niya. Kailangan niyang bumalik sa loob at tapusin ang trabaho, she has no time to waste.

“Kung nag-aalala ka na baka mag-cheat ang groom dahil sa akin, ‘wag ka mag-alala, wala akong balak na i-focus ang atensyon ko sa kanya.” ani Ruby bago balakin na bumalik sa loob ngunit nagulat siya nang bigla siyang hatakin ni Cassis sa palapulsuhan at isandal sa pader.

“Cassis?” Tawag ng babaeng dumating.

“A-anong ginagawa mo?” mahina tanong ni Ruby dahil sobrang lapit ng mukha ng binata sa kanya, malamang ay mukha silang naghahalikan dahil sa anggulo nila mula sa babaeng nakatayo sa hallway. Gusto niyang lingunin kung sino iyon pero hindi niya magawa dahil nakaharang ang ulo ni Cassis.

“I’ll hire you instead,” anito sa dalga, “I’ll pay you ten times your salary if you spend your time with me and help me get rid of that woman.”

Tila lumaki ang tainga ni Ruby nang marinig niya iyon, marahas siyang lumunok at tiningnan ang labi ni Cassis na halos dumikit na sa pisngi niya. Amoy na amoy niya ang pinaghalong alak, sigarilyo, at mentol mula rito—and she finds it very manly.

“Can I do whatever I want to get rid of her?” bulong niya, hindi pinapansin ang babae kahit ilang beses na nitong tinatawag si Cassis. Narinig niya ang tunog ng heels nito papalapit sa kanila kaya naman hindi siya nag-aksaya ng oras at hinawakan ang magkabilang pisngi ng binata and before she knew it, she was already kissing him impulsively. Nakapikit man siya ay alam niyang nagulat si Cassis sa ginawa niya dahil ramdam niya na nanigas ito sa kinatatayuan.

He was surprised that it caused him to freeze in place. His heart thuds in his chest, and he can feel the blood rushing to his ears. He has no idea what the fuck is going on, but one thing is certain: he does not hate it as much as he expected.

“What the hell, Cassi–”

“Nghh.” Ungol ni Ruby, dahilan para mapapitlag si Cassis. Dinilaan pa niya ang labi ng binata para buksan niya iyon dahil hindi siya nito hinahalikan pabalik, niyakap niya ang batok nito at nang sa wakas ay halikan siya ng binata pabalik ay tinulak niya ito nang marahan sa dibdib upang kumalas. She looked at him and almost laughed when she saw how disappointed he was, as if he had been betrayed by her.

“S-someone’s watching us.” nahihiya niyang sabi at noong mga oras na iyon ay na-realize ni Cassis na acting lang ang lahat. Napangisi siya at lumingon na sa gawi ng babae, gano’n din ang ginawa ni Ruby at nagulat nang makita na si Celestia iyon, isa sa mga sikat na artista sa bansa ngayon.

“Why are you here?” walang emosyong tanong ng binata.

“I heard Gren hired a stripper,” ani Celestia bago niya tapunan nang masamang tingin si Ruby, ang mapula niyang labi ay ngumisi kasabay ng pagtingin niya rito mula ulo hanggang paa, “I didn’t know na p****k pala ang tipo mo, Cass.”

“What?” tanong ni Cassis at iniwas naman ni Ruby ang tingin dahil nahihilo siya, hindi na pinansin ang insultong narinig.

“Hey,” tawag ni Ruby nang hatakin ang suot na button-down polo ng lalake sa harapan, agad itong lumingon sa kanya at mabilis siyang sinalo nang mawalan siya ng balanse. Nasa isip-isip ng binata na baka tumama na ang alcohol sa sistema niya, sino ba naman kasing tanga ang ibo-bottom’s up ang isang basong puno ng Devil’s Springs Vodka?

“Let’s get a room,” kunot noong sabi ni Cassis bago tingnan si Celestia na bumuka ang bibig, tila hindi makapaniwala sa narinig.

“H-huh? What are you doing?” tanong ni Ruby nang bigla siyang kargahin ng binata na tila bagong kasal at pumunta sa isa pang pinto na nandoon lang din sa palapag kung nasaan sila. Ilang beses tinawag ni Celestia si Cassis ngunit hindi siya pinansin nito, kinalampag pa niya ang pinto nang makapasok ang dalawa sa isang malaking office at maiwan siya sa labas.

“Fuck! Have you finally gone insane?!” Celestia yelled, clenching her fists and staring down the empty corridor. She couldn’t accept him hooking up with a stripper.

“Get lost, I’m busy.” iyon lang ang sinabi ni Cassis bago siya malalim na bumuntong hininga at tumingin sa babaeng lango sa alak. Parehong nagkalat ang pulang lipstick sa labi nilang dalawa at napansin iyon ni Ruby, nag-init ang pisngi niya dahil hindi siya makapaniwala sa ginawa.

“Open the door or I’m going to make scene!” ani Celestia na hindi pa rin umaalis.

“Hey, put me down. Tatapusin ko ang trabahong binigay mo sa ‘kin.” mahinang sabi ni Ruby kahit na umiikot na ang paningin niya. Tinaas ni Cassis ang dalawa niyang kilay, tila naguguluhan pero ibinaba niya pa rin ang dalaga at pinanood sa kung ano man ang binabalak nitong gawin.

“Help me,” bulong ni Ruby, “Itulak-tulak mo lang ‘yong pinto para gumalaw.”

“Why would I—”

“Just do it before she make a scene.” nag-aalangan man, ginawa pa rin iyon ni Cassis dahil gusto na niyang matapos ang kung ano mang nangyayari. Napailing siya at nilagay ang dalawa niyang palad sa nakasarang pinto at tinulak-tulak iyon. Malalim namang bumuntong hininga si Ruby at malakas na umungol, nagulat ang binata sa narinig at kunot-noong lumingon sa kanya. Mabuti na lang at nakamaskara siya kung hindi ay baka hindi na siya lumabas ng bahay sa sobrang kahihiyan dahil sa ginagawa niya.

“Ah y-yes! Harder!” pinalakpak niya ang kamay niya para magtunog na nagdidikit ang katawan nilang dalawa. Pumikit pa siya nang mariin dahil muntik na siyang matawa sa ekspresyon ni Cassis. She wants Celestia to think they’re having sex so she can get rid of her as she’s been instructed.

“Damn it! I’m going back tomorrow!” bulyaw nito at nang tuluyan itong umalis ay napaupo si Ruby habang nakatakip sa mukha niya. Naramdaman niya na huminto na rin ang binata sa pagtulak sa pinto at humarap sa kanya.

‘What the fuck was wrong with this woman? Is she crazy?’

Balak na sana niyang magsalita pero natigilan siya nang biglang tumawa si Ruby. Naalala kasi nito ang gulat na ekspresyon ng binata kanina. Inalis niya ang kamay niya sa mukha niya at awtomatikong huminto sa pagtawa nang makita ang nakaumbok na pantalon ni Cassis.

Dahan-dahan niyang inangat ang tingin sa mukha nito at nakita na maging ito ay namimilog ang mata na akala mo’y nakakita ng multo. He can’t believe he’s having an erection.

“What the hell?” he muttered.

Nang ma-realize ni Ruby ang nangyayari ay napalunok ito at dali-daling tumayo ngunit nawalan siya ng balanse, mabuti na lang at mabilis ang reflexes ni Cassis kaya nasalo siya nito.

“A-are you a pervert?” tanong niya dahil hindi siya makapaniwala na na-turn on ito sa kalokohang ginawa niya kanina. Now, she’s completely sober.

“Just so you know, I have ED so even I was surprised by what was happening.” ani Cassis. For some reason, he couldn’t control his urges so he tightened his grip on her waist and she was taken aback as he drew her closer to him.

“W-what are you doing?” nauutal na tanong ni Ruby. Medyo na-flustered dahil hindi niya maitatanggi na ang gwapo ng lalaking nasa harapan niya. She was supposed to push him but she doesn’t want to do it. Her mind’s going blank.

“Take responsibility.” tiningnan ni Cassis ang labi niya and she couldn’t help but squirm. She knew it was wrong pero wala siyang magawa kung hindi tingnan ang mga mata ng binata na talaga namang nakalulunod kapag tinitiganㅡbefore she realized it, they were already kissing.

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status