Share

05: Interview

ANOTHER day passed by in a blur. Kunot noong bumaba ng jeep si Ruby matapos siyang salubungin ni Cedric. Awtomatiko niya itong iniwasan at dire-diretsong nagpunta sa convenience store.

“Ruby, kausapin mo naman ako. Hanggang kailan mo ba ako iiwasan?” tanong sa kanya nito nang sumunod ito sa kanya. Napahigpit siya ng hawak sa strap ng bitbit niyang bag at malalim na bumuntong hininga bago lumingon dito. She’s certain he wouldn’t do anything since maraming tao sa paligid.

“Cedric, sinabi ko na sa ‘yo na tapos na tayo, tigilan mo na ko.” Irita niyang sabi nang harapin niya ito nang maayos. Umagang-umaga ay mukhang masisira na agad ang araw niya.

“Bigyan mo pa ko ng second chance.” aniya.

“Nawala mo na lahat ng chances the moment na pinagbuhatan mo ko ng kamay, Cedric. Kung nagawa mo ‘yon ng isang beses, hindi malabong magawa mo ulit.” sabi niya bago lumingon sa convenience at nakitang nakatingin sa kanila si Jenna, bakit sa dami ng araw ay ngayon pa sila nagkapalitan ng shift. Ever since mangyari ang insidente ay hindi na sila nag-uusap, ni hindi nga humingi ng tawad sa kanya ang katrabaho.

“Hindi ko na nga uulitin, paulit-ulit ko nang sinabi sa ‘yo na hindi na mangayayari ‘yon, bakit ayaw mo kong paniwalaan? Mukha na kong tanga kahahabol sa ‘yo kahit na may kasalanan ka rin naman sa ‘kin.” ani Cedric, dahilan para bumalik sa kanya ang atensyon ni Ruby. He’s attempting to gaslight her, but she’s not having it. She’s far too intelligent for that.

“Ayon na nga, eh. Paulit-ulit mo nang sinabi, paulit-ulit ko na ring sinabi na ayoko na. Anong rason ba ang kailangan mo para tigilan mo na ko?” kunot noong tanong niya, nauubos na ang pasensya. As much as possible ay gusto niyang makipag-usap sa kanya nang kalmado para maiwasan na magtalo sila ngunit kapag ganitong paulit-ulit ay hindi niya maiwasan ang marindi.

“Bakit kasi hindi mo na lang aminin na may bago ka na kaya ayaw mo kong bigyan ng chance? Kayo na ba ng naka-one night stand mo?” tanong ni Cedric at hindi niya maiwasan ang kabahan nang bigla nitong hawakan ang braso niya. Marahas siyang lumunok dahil nararamdaman niyang galit ito but she had enough, if she let herself be afraid of him, nothing good would come of it. She knew she couldn’t continue living with the fear of standing up for herself. This isn’t her, kailangan niyang bumalik sa normal.

“Paniwalaan mo ang gusto mong paniwalaan, Cedric. Kahit ano pang gawin mo, hindi ako makikipagbalikan sa ‘yo.” Marahas na tinabig ni Ruby kamay niya at balak na sanang pumasok ng convenience ngunit tinawag pa siya nito, inis siyang lumingon ngunit nabigla siya nang makitang likod ng lalaking naka-suit ang bumungad kanya. Hawak nito ang palapulsuhan ni Cedric na tila pinipigilan niya ito sa binabalak na gawin sa kanya.

“May problema ba?” tanong ng lalake. Lumingon ito kay Ruby at agad niya itong namukhaan. Siya iyong bumili ng tatlong pack ng sigarilyo, iyong lalaking may peklat sa bandang mata.

“Sino ka naman?” tanong ni Cedric ngunit hindi siya pinansin ng lalake dahil tila inaabangan niya ang sagot ni Ruby. She couldn’t help but purse her lips and nodded; he’s intimidating, but not malicious, at least in her opinion.

“Kinukulit niya ako.” sagot niya bago tingnan si Cedric na tinapunan siya nang masamang tingin. Balak pa sana nitong magsalita ngunit itinulak siya ng lalaking naka-suit kasabay nang pagbitaw nito sa palapulsuhan niya. Doon napansin ni Ruby na may itim na mamahaling sasakyan ang nakaparada sa tapat ng convenience, she wasn’t sure but she felt like someone was watching her inside.

“Sige na, miss. Pumasok ka na sa loob.” wika ng lalake nang hindi lumilingon sa kanya. Wala siyang ideya kung anong nangyayari ngunit sinunod niya pa rin ang sinabi sa kanya at mabilis na pumasok ng convenience store. Nagkatinginan pa sila ni Jenna, halatang gusto siyang kausapin pero umiwas siya at inilagay na ang gamit sa staff room at nagpalit ng uniporme.

Gabi na noong makauwi siya at pagdating sa bahay ay nakatanggap siya ng message mula sa kumpanya kung saan siya nag-send ng resume noong nakaraang araw. They’ve asked her to come to their office tomorrow morning for an interview. Napangiti siya at agad na nag-message kay Shan para ipaalam ang tungkol sa good news.

Mabuti na lang at wala siyang lakad bukas kaya dali-dali siyang pumasok sa kwarto para maghanap ng pwedeng suotin. The company’s offer is only for full-time employment, and if she pass the interview, she will have a stable job. That means, hindi na niya kailangan pumasok sa iba’t ibang part time.

She needs to ace the interview despite her lack of experience in a secretarial position, is what she told herself, but she became concerned when she saw that people from wealthy families were also applying for the position.

Maaga siyang dumating sa kumpanya ngunit marami nang mga applicants, ang iba pa sa kanila ay pamilyar sa kanya dahil mga ka-batchmate niya ito sa university na pinasukan bago siya huminto ng pag-aaral. There’s nothing wrong with the secretarial position, but she didn’t expect them to apply for it over other departments like sales, audit, and so on.

Hindi pa man din siya pamilyar sa Ferreira Group since she was too preoccupied with making ends meet pero ayon sa kaibigang si Shan ay isa ito sa top ten large companies sa bansa. Marami itong subsidiaries company; restaurant, hotel, casino, mall, even the entertainment industries, and a lot more.

“Huh?” Mabilis siyang napalingon nang marinig ang boses na iyon. Halos namilog pa ang mata niya nang makita kung sino iyon.

‘What the hell?!’

“You were the server at the reception the other day, right?” tanong ni Gren habang inaayos niya ang suot na necktie. Marahas na napalunok si Ruby at napatingin sa paligid dahil nakuha niya ang atensyon ng ibang aplikante na nasa waiting area. Nagsimula silang magbulungan kaya naman ibinalik niya ang tingin sa lalake.

“Y-yes, sir.” tumango siya at napalingon nang may tumawag sa pangalan niya.

“Ruby Elizalde? You’re next, please stand by.” paalala sa kanya ng assisstant. Tumango siya at binalik ulit ang atensyon kay Gren dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin ito umaalis. Obviously, he works there, but what exactly does he do in the human resources department?

“Hmmm.” Hinawakan niya ang baba niya habang nakatingin kay Ruby. Natandaan niya na nakuha ng babaeng iyon ang atensyon ng kaibigan kaya naman may kung anong ideya ang pumasok sa isip niya.

‘H-he’s creepy.’

Nagsitayuan ang mga balahibo sa katawan ni Ruby dahil nginingitian lang siya ni Gren na para bang may binabalak itong masama.

“Good luck.”

“T-thank you, sir.” mahinang sambit niya at tila nakahinga nang maluwag nang sa wakas ay umalis ito. Napahawak siya sa dibdib at napatingin sa mga kapwa aplikante na halatang iba na ang iniisip sa kanya. Lahat sila ay hinuhusgahan na siya sa pag-aakalang may koneksyon siya sa isa sa mga empleyado. Hindi na lamang niya iyon pinansin at ni-ready ang sarili sa interview.

“HOW was it?” tanong ni Shan pagkaupo na pagkaupo niya sa shotgun seat. Sabi ni Ruby ay hindi na siya nito kailangan sunduin pero nag-insist pa rin ang kaibigan since he was within the vicinity at saktong break ni Shan.

“Well, they told me to wait for their call.” Nagkibit siya ng balikat habang nagsusuot ng seatbelt. “Saan tayo kakain?”

“Hmm, what do you want to eat?” balik tanong sa kanya ni Shan nang magsimula na itong magmaneho. In the end, pinili nilang kumain na lang sa fastfood since kailangan din nitong bumalik agad sa trabaho.

“Do you think makakapasa ako sa interview?” nag-aalalang tanong ni Ruby habang inikot-ikot niya ang maliit na kutsara sa sundae na hawak.

“Of course, as soon as I saw that their company was hiring for a secretarial position, ikaw agad ang naisip ko. You have excellent communication skills, are fluent in English, are hardworking, and have a strong personality. Lahat ng qualifications na hinahanap nila ay meron ka.”

“Well, sabihin na natin na meron nga ako ng mga qualities na ‘yon but what about my academic credentials? Won’t that affect my evaluation? I mean, may mga kasabayan akong applicants na ka-batchmate natin and I’m sure na lahat sila ay grumaduate.” tanong niya.

“Don’t worry, the Ferreira Group focuses more on the potential of its employees. It is simply a plus to have good credentials.” Shan gave her assurance, so she just nodded and finished their meals.

After nilang kumain ay bumalik din agad ang kaibigan sa trabaho kaya hindi na siya nakapagtanong about sa Ferreria Group. Umuwi na lang din siya at nagpahinga dahil napapansin niya na madalas siyang mapagod. Her body seems to be begging for a break as a result of her continuous work, malapit na rin kasi ang bayaran sa hospital kaya todo trabaho siya nitong mga nakaraang araw.

“Ate,”

“Ate Ruby,” Marahan niyang minulat ang mga mata nang maramdaman na inaalog ni Alex ang balikat niya para gisingin.

“What’s wrong?” tanong niya habang nagkukusot pa ng mata at mapansin na nakasuot pa ng uniform ang kapatid. Tumingin siya sa bintana at nagulat nang makitang papalubog na ang araw. She overslept.

“May tumatawag sa phone mo.” Mabilis siyang napatingin sa cellphone niya at sinagot iyon, somehow she’s getting nervous.

“Hello?”

“Hi, Ms. Ruby Elizalde. This is Monic from the Ferreira Group HR department. I conducted the interview with you earlier this morning. I just wanted to let you know that you passed the assessment; do you think you’ll be able to come to the office for training tomorrow?”

Literal na napanganga si Ruby at napatingin kay Alex habang namimilog ang mga mata, halatang nagulahan ang kapatid sa naging reaksyon ng mukha niya pero hindi niya iyon pinansin at binalik ang atensyon sa phone.

“Y-yes, of course. May I ask what time you require me to arrive?”

“The training will begin at 9 a.m. I’ll send you the details and some of the requirements you’ll need to submit before working with us on a regular basis.”

“I’ll take note of that, Ms. Monic, thank you for the opportunity.”

Nanginginig niyang ibinaba ang cellphone at mabilis na tumayo ng kama bago yakapin ang kapatid na hanggang ngayon ay nasa kwarto pa rin. Hindi maiwasan ni Ruby ang kiligin sa saya at mapatili. She was overjoyed to finally have a stable job after years of working multiple part-time jobs.

“W-what happened?” nalilitong tanong ni Alex kaya naman kumalas siya sa pagyakap at hinawakan ang magkabila nitong balikat. Ang ngiti ay umaabot hanggang tainga.

“I landed a full-time job!” masayang sambit niya at mabilis na napangiti si Alex. He is absolutely delighted for his sister.

“Does this mean you don’t have to work multiple jobs any longer?” tanong nito at sunod-sunod na tumango si Ruby. Dahil doon ay mahigpit nilang niyakap ang isa’t isa, ngunit ang sayang iyon ay nawala agad nang mayroong sunod-sunod na kumatok sa pintuan. Natigilan sila sa pagsasaya at sabay na nagkatinginan bago bumaba para tingnan kung sino iyon.

“Nasaan ang tatay mo?” Mabilis niyang itinago ang nakababatang kapatid nang bumungad sa kanya si Emilio, isa sa mga loan shark na madalas pumunta sa bahay nila para mangolekta ng utang.

“Anong kailangan mo? Naibigay ko na ‘yong kalahati ng bago niyang inutang sa ‘yo.” sagot ni Ruby ngunit tinawanan lang siya nito na akala mo’y nakarinig ito ng joke.

“Nabigay mo na nga, pero mukhang wala kang alam na dinagdagan na naman niya ang utang niya.” nakangising sambit ni Emilio bago nito bugahan ng usok ng sigarilyo si Ruby. Sunod-sunod siyang naubo dahil doon at nang balak nang umalis ni Alex sa likuran niya ay agad niyang hinarang ang braso para pigilan ito sa binabalak.

“Magkano?” tanong niya, pilit ikinakalma ang sarili. As much as possible, she doesn’t want to spoil her mood. Minsan na nga lang siya maging masaya ay mauudlot pa.

“Tatlong milyon.”

“What?!” Namilog ang mga mata niya at tila nanlamig ang buong katawan. She went pale. Ang dami niyang gustong sabihin noong mga oras na iyon ngunit ni isang salita ay wala nang lumabas sa bibig niya. She was frozen in place because she couldn’t believe what Emilio had just said.

“Sabi niya ay magtatayo raw siya ng negosyo.” natatawang sabi pa nito, “Pero ‘wag ka mag-alala, Ruby. Hindi ako nagpunta rito para maningil, may dokumento lang na kailangan pirmahan ang tatay mo.”

“B-binigay niyo na ba sa kanya ang pera?” nauutal niyang tanong, ang boses niya ay hindi maiwasang manginig.

“Ibibigay namin kapag napiramahan niya ang kontrata. Oh siya! Kami na lang ang bahalang mag-usap ng tatay mo.” ani Emilio at nanatili lang na nakatayo sa pintuan si Ruby. Pilit niyang pinoproseso sa utak niya kung ano ang nangyari, wala sa sarili niyang tiningnan ang nakababatang kapatid na si Alex at pilit na ngumiti para sabihin na magiging okay ang lahat, na okay siya.

She thought the news about her father’s debt was terrible, but she wasn’t prepared for anything more worst.

“Huh?” tanong niya sa HR trainer na kasalukuyan niyang kausap during her first training period. She had already discussed some of her responsibilities, as well as the rules and regulations that she must follow, and when she asked the trainer who she would be working for, the name she gave her did not immediately sink in. “S-sorry, can you repeat that?”

“You’ll be working for the CEO, Mr. Cassis Ferreira.”

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status