Share

Chapter 4

last update Last Updated: 2023-03-20 18:16:55

LIYANNA'S POV

"Maaga ka ba uuwi mamaya?" Tanong ko sa asawa ko. Naghahanda na ito sa pagpasok sa opisina.

"Hindi ako sure, why?" Parang wala lang na sagot niya sa akin.

"Gusto ko sana na sabay tayong magdinner mamaya." Saad ko sa kanya. Hindi kasi kami nagkakasabay kumain dahil palagi itong late umuwi. Minsan ay madaling araw na pero madalas hindi na talaga ito umuuwi ang dahilan niya ay sa opisina na daw siya natutulog.

"Maybe next time. I have a lot of works in the office." aniya sa akin.

"Okay, naiintindihan ko." Malungkot na sabi ko sa kanya.

"Babawi ako ako sa 'yo." Ganito siya palagi pero hindi naman nangyayari ang mga sinasabi niya.

"Okay lang alam ko na busy ka sa trabaho mo. Ingat ka sa pagmamaneho." Sabi ko sa kanya.

"Okay," tanging sagot niya sa akin at nagmaneho na palabas sa gate.

Kahit na sinasabi niya na subukan namin ay pakiramdam ko wala pa rin nagbago. Kasing lamig pa rin siya ng yelo. Tuwing kausap ko siya ay parang napipilitan lang siya sa akin. Pinipilit kong paniwalain ang sarili ko na kaya ko dahil mahal ko siya. Mahal na mahal ko ang bestfriend ko at hindi ko siya kayang iwan.

Naalala ko na hindi pa pala ako nakainom nang gamot na binigay sa akin ni Ate Cathy. Kaagad akong umakyat sa silid namin. Kinuha ko sa drawer ang vitamins na binigay niya. Kumuha ako ng isa at ininom ko ito.

Ang sabi niya ay maganda raw ito sa kalusugan ko. Buong araw ay naglinis ako ng buong bahay. Hapon na at nakalimutan ko ng kumain ng lunch. Nagring ang phone ko kaya mabilis ko itong sinagot.

"Hello mom," sagot ko sa mommy ko.

"How are you anak? Kumusta ang buhay mo?" Malambing na tanong sa akin ni mommy.

"I'm happy mom," pagsisinungaling ko sa mommy ko.

"Masaya ako na masaya ka anak. Basta kapag may kailangan ka tumawag ka lang. Mahal na mahal ka namin ng daddy mo. Miss na miss na kita anak ko."

"Ako rin po mommy, hindi ko lang po alam kung kailan ako makakadalaw d'yan sa US." Sabi ko sa kanya.

"It's okay anak, ganyan talaga kapag may asawa kana. Lalo napakahard-working ng asawa mo."

"Sige na po mom, ingat po kayo palagi d'yan. Love you po." Malambing na sabi ko bago ko pinutol ang tawag.

Hindi ko man nais na magsinungaling ay wala akong magawa. Hindi mo nais na maging masama ang tingin nila sa asawa ko. Palagi kong iniisip na baka kailangan pa ng time ni Carlos para matanggap niya ako ng lubusan.

Pumunta ako sa kusina para tignan kong ano ang puwedeng kong iluto pero kaunti na lang pala ang stocks namin. Umakyat ako sa silid namin para kunin ang wallet ko. Balak kong magrocery. May isang sasakyan dito kaya ako na ang magmamaneho. Naging abala ako sa pag-iikot at binili ko ang lahat ng kailangan ko. May sarili akong pera kaya hindi ko kailangang humingi sa kanya.

Pagkatapos kong mamili ay nagcrave ako bigla sa cakes kaya pumasok ako sa isang coffee shop. Masaya akong namimili ng cakes. Mukhang masarap kasi lahat kaya nahihirapan akong mamili. Nang may napili na ako ay pumila na ako pero habang hindi pa ako ay tumingin muna ako sa paligid. Nahagip ng paningin ko ang asawa ko. Nakaupo ito sa isa sa mga table at may kasama siya. Walang iba kundi si Sammy.

Parang sinaksak ang puso ko sa nakikita ko. Lalo na nakangiti ito kay Sammy. Habang sa akin ay hirap na hirap siyang ngumiti. Hindi ko inaasahan na lilingon siya sa puwesto ko. Halatang nagulat ito na makita ako. Ito ba ang busy siya. Busy sa babae niya. Gusto ko man bumili nang cake ay hindi ko na ginawa.

Kaagad akong lumabas sa coffee shop at nagmaneho pauwi. Walang tigil sa pag-agos ang mga luha ko. Hindi ko rin alam kung paano ako nakauwi sa bahay namin. Ang buong akala ko ay nagbago na ito pero nagkamali ako. Hindi pa rin niya ako mahal. Ang sakit pero hindi niya ako mahal.

Hindi na ako nagluto dahil alam ko na hindi naman siya uuwi. Nagkulong ako sa silid ko. I always ended up comforting myself. Umiyak ako nang umiyak. Inilabas ko ang lahat ng sakit pero ang bigat pa rin nang dibdib ko. Nagulat ako sa lakas ng kalabog ng pintuan ko. Alam ko na dumating na siya at siya ang kumakatok. Tumayo ako at binuksan ko ang pintuan.

"May kailanggan ka ba?" Tanong ko sa kanya na para bang wala akong alam sa nangyari kanina. Gusto kong umarte na wala akong alam kahit na alam kong niloloko ko lang ang sarili ko.

Hindi ito sumagot pero may iniaabot siya sa akin. Natatakot akong kunin. Alam ko kasi kung ano 'yun. Umiling ako sa kanya para alam niya na ayaw ko. Nagsimula na naman umagos ang mga luha ko.

"Ayoko, Please Carlos ayusin natin 'to. Sabi mo susubukan natin diba? Bakit mo gustong pumirma ako d'yan? Please, 'wag naman ganito." umiiyak ako sa kanya at hinawakan ko ang kamay niya.

"Hindi kita mahal, sinubukan ko pero wala talaga eh." Seryosong siya habang sinasabi ang mga salitang 'yon. Ang mga salitang sumaksak sa puso ko.

"Subukan mo ulit, kaya kong tanggapin na nambababae ka. Huwag mo lang akong iwan. Please, Carlos, bigyan mo ako ng chance." Paulit-ulit akong humihingi ng pagkakataon sa kanya.

Wala akong pakialam kahit nagmumukha akong desperada sa paningin niya. Mahal na mahal ko siya at naniniwala ako na mamahalin rin niya ako. Hahayaan ko siyang magsawa sa pambabae niya basta ang mahalaga sa akin pa rin siya uuwi.

Ako pa rin ang uuwian niya. Kaya kong tanggapin ang lahat ng pagkakamali niya. Kahit na ang kapalit no'n ay paulit-ulit akong masaktan. Simula noon ay siya lang ang pangarap ko. Siya lang ang lalaking alam kong nagmamay-ari ng puso ko.

"Bakit ba ang tigas mo? Bakit mo ba ipinagpipilitan ang sarili mo?" Sunod-sunod na tanong niya sa akin.

"Dahil mahal kita, sobrang mahal kita Carlos. Na kahit sinasaktan mo ako, na kahit ayaw mo sa akin ay mahal kita. Kay please, 'wag mo akong hiwalayan. Gagawin ko ang lahat, ang lahat ng gusto mo. Kahit ano pa 'yan, gagawin ko, 'wag mo lang akong iwan." Humagulgol na sabi ko sa kanya.

"Sigurado ka? Gagawin mo ang lahat?" Biglang tanong niya sa akin kaya napatingin ako sa kanya.

Continue to read this book for free
Scan code to download App
Comments (8)
goodnovel comment avatar
Rosalina Perez
abu ba yan umpisa pa lang nakakainis na yung bidang babae maistress ako dito kaya lang naupisahan ko na hay
goodnovel comment avatar
Jocelyn Pioquinto Armario
naku huwag ka namang magpaka martir liya,dahil bukod kay sammy meron pa syang pia yong bestfriend mong ahas
goodnovel comment avatar
Jake D Tan
Nakuuu liya.. mahalin mo naman sarili mo wagkang tanga sa taong wlang pakialam sayo.. kagigil ka..
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • Hiding the Miracle Heiress    SPECIAL CHAPTER

    CARLOS POVNoong isinama ako ng asawa ko sa loob ng delivery room ay grabe ang kaba ko. Nilalamig ang mga daliri ko sa paa ganun rin ang mga kamay ko. Ang makita na nahihirapan ang asawa ko ay parang torture sa akin. Doon ko lalong hinangaan at minahal ang asawa ko ganun rin ang mommy ko.Tumulo ang luha ko ng makita ko ang anak ko. Sobrang saya ng puso ko. Sa wakas ay naranasan ko ng maging isang ama, naranasan ko ang mga ganitong pangyayari sa buhay ko. Kaya ipinangako ko sa aking sarili na ako ang mag-aalaga kay baby. Na kahit mapuyat ako ay gagawin ko ang lahat. Gusto kong bumawi sa mag-ina ko. Alam ko ang hirap niya sa pagbubuntis at ngayon nais ko na ako naman ang maghirap sa pag-aalaga. Hindi ko ito nagawa kay Mireya kaya bumabawi ako kay Baby Inzio. Kaya kong tiisin ang pagiging moody ng asawa ko. Nalaman ko na nangyayari pala talaga ito. Ang nagbabago ang ugali niya. Postpartum ang tawag nila kaya sinabi rin sa akin ni Dok na lawakan ko pa ang pag-unawa ko sa asawa ko dahil hi

  • Hiding the Miracle Heiress    WAKAS

    LIYANNA'S POVHawak ni Carlos ang kamay ko. Pawis na pawis at ramdam ko ang sobrang sakit. Kung gaano ako nahihirapan ay ganun rin kalamig ang kamay ni Carlos. Ramdam ko na nilalabanan niya ang takot niya. "Uhmmmm.....!" Nakatikom ang bibig ko habang patuloy na umiire. Sabi kasi sa akin ni Dok ay mas makakakuha ako ng lakas kaysa sa sumigaw ako. Lahat ng sinasabi ni Dok ay ginagawa ko."1, 2, 3 push.." utos sa akin ni Dok na ginawa ko naman."Uhmmmmmm!" Tumutulo na ang luha ko sa mata ko. Pero naka-set na sa isipan ko na kahit anong mangyari ay ilalabas ko ang baby ko ng maayos. Ngayon ko naranasan ang hirap ng mag ina na iluwal ang kanilang mga anak. Normal delivery o cesarean delivery ay pareho na mahirap. Paulit-ulit ang utos sa akin ni Dok hanggang sa narinig ko ang iyak ng baby ko. "Congratulations, Liya." Sabi sa akin ni Dok."I love you," bulong ni Carlos sa tainga ko at nakita ko na umiiyak siya. Paulit-ulit rin niya akong hinalikan sa noo.Pagod na pagod ako pero sobrang

  • Hiding the Miracle Heiress    Part || — Chapter 13

    LIYANNA'S POVIto na ang pinakahihintay naming araw. Ang gender reveal party. Pagkagaling namin sa simbahan ay tumuloy kami sa venue. Napili nila sa open grounds. Hindi ko alam pero ang mga kaibigan ng asawa ko sa racing club ang may pakana. Gusto ko sana sa bahay na lang pero mas gusto daw nila doon.Pumayag naman ako dahil alam ko na namiss nilang mag-race. Hapon na ginanap para hindi gaanong mainit. "Kinakabahan ako, babe." Pabulong na sabi ni Carlos sa akin."Vava, dapat masaya ka. Kasi ito na pinakahihintay mo, natin. Sa wakas ay hindi kana magpupuyat, hahaha!" Pabiro na sabi ko sa kanya."Sorry, babe. Alam ko na napupuyat ka sa akin." Nakangisi na sabi niya sa akin."Hahaha! Sinusulit mo talaga dahil ilang buwan ka rin bago ka ulit makakapasok." Natatawa na sabi ko sa kanya."I love you and thank you for understanding me, for loving me and for carrying our child." Nakangiti na sabi niya sa akin."I love you too and I'm always willing to carry our child." Malambing na sagot ko s

  • Hiding the Miracle Heiress    Part || — Chapter 12

    LIYANNA'S POVMabilis na lumipas ang mga araw at halos hindi ko na namalayan. Nagising ako dahil naririnig ko ang asawa ko. Kaya mabilis akong pumunta sa banyo para silipin siya. "Vava, are you okay?" Nag-aalala na tanong ko sa asawa ko.Bigla na lang kasi itong nagsuka ngayong umaga. Hindi ko alam pero napansin ko na palagi siyang inaantok kaya isang linggo na siyang hindi pumapasok sa trabaho. "Nahihilo ako, babe. At nangangasim ang sikmura ko." Sagot niya sa akin."Magpacheck-up na kaya tayo?" Saad ko sa kanya."Okay lang ako, itutulog ko lang ito," sagot niya sa akin at mabilis na bumalik sa kama namin para matulog ulit.Inayos ko ang kumot niya at hinalikan ko siya sa labi. Lumabas naman ako sa silid namin para puntahan si Mireya at Prexie. Oo sa amin na nakatira si Prexie. Dahil hiniling rin niya kay daddy habang si Precious ay doon pa rin sa mansyon. Masaya ako dahil magkasundo ang dalawang bata. Nakakatuwa dahil si Prexie ang madalas ba nag-aasikaso kay Mireya. Pero may hil

  • Hiding the Miracle Heiress    Part || — Chapter 11

    LIYANNA'S POV"Babe, hindi ito totoo diba? Hindi pa patay si Ate?" Umiiyak na tanong sa akin ni Carlos."Vava," umiiyak ako at niyakap ko siya."Okay na siya eh, noong dinalaw ko siya ay nakangiti na siya at nakakausap na siya ng maayos. Hindi ito, hindi ito ang nais ko. Mahal na mahal ko ang ate ko, kahit na ano pa ang naging kasalanan niya." Umiiyak na saad sa akin ng asawa ko. Ramdam ko ang sakit na nararamdaman niya."I'm sorry, alam ko na ako ang may kasalanan ng lahat kung bakit naging ganun si ate. Sorry, Vava sana hinayaan ko na lang siya." Sabi ko sa kanya dahil sinisisi ko ang sarili ko."No, babe. It's not your fault, hindi mo kasalanan. Kagustuhan ito ni ate, nakakalungkot lang dahil tinapos niya na kaagad ang buhay niya." Saad sa akin ng asawa ko.Kaagad kaming umuwi sa Pilipinas dahil sa natanggap naming balita. Ate Cathy ended her own life. Nagpakamatay siya at nagluluksa ang buong pamilya namin. Kaya kahit na may magandang balita kami sa kanila ay hindi namin magawang s

  • Hiding the Miracle Heiress    Part || — Chapter 10

    LIYANNA'S POVHindi ko maintindihan ang mga cravings ko ngayon. Ibang-iba sa cravings ko noon kay Mireya. Alam ko na nahihirapan ang asawa ko pero hindi ko mapigilan ang sarili ko. Kapag hindi niya naiibigay ang gusto ko ay mabilis na sumama ang loob ko. Sobrang maraming nangyayari sa akin lalo na sa ugali ko.Mabilis akong mainis sa kahit na maliit lang na bagay. Ang sabi ko ay uuwi na kami pero nagbago ang isip ko lalo na mabilis akong magalit tapos sobrang init pa sa Pilipinas. At masasabi ko rin na maganda rin talaga na dito na lang ako manganak dahil sa kakagaling ko pa lang naman sa sakit ko at under observation pa rin ako.Ngayon ang araw ng check-up ko. Actually hindi pa naman talaga sana ngayon kaya lang makulit lang talaga si Carlos. Kasama namin si Mireya dahil na rin sa wala siyang kasama sa bahay at excited rin itong marinig ang heartbeat ng kapatid niya.Pagdating namin sa hospital ay sobrang excited na ang mag-ama ko. Kahit na ako ay excited rin na marinig ang heartbeat

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status