LIYANNA'S POV
"Pirmahan mo 'to," utos niya sa akin.Umiling ako sa kanya. Dahil hindi ko kaya."Diba sabi mo gagawin mo ang lahat?" Tanong niya sa akin habang wala akong nababanaag na emosyon sa mga mata niya. Kagaya pa rin ito nang dati. Malamig at may kasamang pagkasuklam."Hilingin mo lang ang kahit ano, 'wag lang 'yan. Hindi kita papakiilaman sa mga ginagawa mo. Hindi ako magtatanong, basta ang mahalaga sa akin ka uuwi. Carlos, kaya kong tanggapin ang lahat. Gagawin ko ang lahat pero 'wag lang 'yan." Umiiyak na sabi ko sa kanya."Desperada kana," 'yon lang ang sinabi niya bago niya nilisan ang silid ko. Nasaktan ako sa sinabi niya pero tama siya desperada na ako. Kung 'yon ang tingin niya sa akin ay tatanggapin ko 'wag lang niya akong iwan.Alam ko na umalis ito dahil narinig ko ang kotse niya na lumabas sa gate. Dinampot ko ang annulment paper at itinago ko ito. Alam ko na hindi pa niya ako kayang mahalin ngayon pero hindi ako nawawalan ng pag-asa. Buong gabi akong dilat, hindi ako nakakaramdam ng antok. Hindi na rin siya umuwi kaya ako lang mag-isa ang nandito sa bahay.Araw-araw ay paulit-ulit lang ang nangyayari sa amin. Nagpapaubaya ako sa kanya kapag kailangan niya ako. Kahit na gaano siya kalamig sa akin ay pinipilit ko na tanggapin. Hanggang sa naging normal na sa akin ang lahat. Tinatanggap ko kahit na pangalan ng ibang babae ang sinasambit niya tuwing ginagalaq niya ako. Umiiyak ako pero ginusto ko ito kaya wala akong masisi kundi ang sarili ko."Okay ka lang ba?" Tanong sa akin ni Charles.Nandito kasi ako ngayon sa bahay ni ate Cathy. Kinuha ko ang gamot na binigay niya sa akin. Naubos ko na kasi 'yong mga binigay niya sa akin noon."Oo naman, wala namang dahilan para hindi ako maging okay." Sagot ko sa kanya."Parang namayat ka. Hindi ka ba kumakain? Please Liya, alagaan mo naman ang sarili mo." Sabi nito sa akin."Pangit na ba ako Charles?" Wala sa sariling tanong ko sa kanya.Nakita kong nagulat siya sa naging tanong ko sa kanya. Siguro ay pangit talaga ako sa paningin ni Carlos. Mas gusto pa kasi niyang kasama ang kabit niya kaysa sa akin. Ni minsan kasi ay hindi niya ako pinuri."No, you're not. Ikaw ang pinakamaganda sa lahat Liya." Sagot niya sa akin.Ngumiti na lang ako sa kanya. Hindi naman kasi ako naniniwala sa sinasabi niya sa akin. Alam ko na sinasabi lang niya 'yon para hindi ako masaktan. At alam ko na may pagtingin siya sa akin noon."Kung may problema ka, puwede mong sabihin sa akin.""Thank you Charles, but I'm totally fine. Wala kang dapat ipag-alala. Masaya kami ng asawa ko." Pagsisinungaling ko sa kanya."Kung masaya kayo, bakit hindi ka pa niya ipinapakilala sa iba? Bakit mas gusto niya na sikreto ang status niyo? Liya, alam ko na nambabae siya, bakit mo ba siya pinagtatakpan? Ikaw lang ang nagmamahal sa inyo. One sided love lang ang meron sa pagsasama niyo."Naiyak ako sa sinabi niya sa akin. Dahil tama siya, tama ang lahat ng sinabi niya. Ako lang ang nagmamahal sa amin."Mahal na mahal ko siya Charles. Naniniwala ako na mamahalin rin niya ako. Masaya ako na sa akin siya umuuwi." Umiiyak na pahayag ko kay Charles."Hindi ka niya deserve. Liya know your worth.""Ano sino ang deserving sa akin? Ikaw? Charles, hayaan mo na lang ako. Dahil kaya ko ang sarili ko." Naiinis na sabi ko sa kanya."Liya, alam ko na hindi mo ako kayang mahalin. Pero sana ay mahalin mo rin ang sarili mo." aniya sa akin bago umalis sa tabi ko.Binalewala ko ang mga sinabi niya. Pinunasan ko ang luha ko at nagmaneho ako pauwi sa bahay namin. Pagdating ko ay nagulat ako dahil nakauwi na ang asawa ko. Ang aga niya yata umuwi ngayon."Saan ka galing? Bakit ngayon ka lang?" Kalmadong tanong niya sa akin pero ramdam ko na galit ito."Sa bahay nila ate Cathy," sagot ko sa kanya."Anong ginawa mo do'n?""Kinuha ko lang ang vitamins na binibigay niya sa akin." Sagot ko sa kanya."Magsabi ka ng totoo! Gamot ba talaga o ang lalaki mo ang pinuntahan mo?!" Nanlilisik ang mga mata na tanong niya sa akin."Carlos na sasaktan ako," saad ko sa kanya dahil ang higpit ng pagkakahawak niya sa braso ko."Masasaktan ka talaga kapag hindi ka nagsabi sa akin ng totoo." Galit na asik niya sa akin."P-Pero nagsasabi naman ako ng totoo." Naiiyak na sabi ko sa kanya."Hinayaan kita dahil ayaw mong pumirma sa annulment paper. Pero huwag na huwag mo akong lolokohin dahil mapipilitan akong papirmahin ka." Seryosong sabi niya sa akin."Alam ko naman 'yon. Maniwala ka hindi kita kayang lokohin. Mahal kita kahit na hindi mo ako kayang mahalin." Sabi ko sa kanya. Pero umiwas siya ng tingin sa akin. Binitawan rin niya ang braso ko.Iniwan niya ako at pumasok ito sa opisina niya dito sa bahay. Napahawak na lang ako sa braso ko. Sa tingin ko ay magkakapasa ako sa ginawa niya. Umakyat muna ako para magpalit ng damit. Pagkatapos ay bumaba ako ulit para magluto ng hapunan. Kahit na hindi ako sure kung kakain siya ay niluto ko pa rin ang paborito niyang steak.Hindi na ako nag-abala pang tawagin siya dahil baka magalit lang siya sa akin. Iniwan ko na lang sa kusina ang pagkain niya at bumalik ako sa silid ko. Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako. Nagising lang ako dahil nakaramdam ako ng pagka-uhaw.Bumaba ako sa kusina para uminom ng tubig. Pero napangiti ako dahil mukhang kinain niya ang niluto ko para sa kanya. Napatingin ako sa sink. Naroon ang mga plato. Kaya hinugasan ko muna bago ako umakyat ulit sa silid ko. Maaga akong gumising pero nakita ko na wala na ang sasakyan niya. Maaga siguro siya umalis.Alam ko na ayaw niyang pumunta ako sa opisina niya pero balak ko siyang dalhan ng lunch mamaya. Masaya ako habang nagluluto ng dadalhin ko sa kanya. Nabuhayan ako dahil kinain niya ang niluto ko kagabi. Dati kasi ay wala man lang itong pakialam.Habang papasok ako sa loob ng building ay nakatingin sa akin ang ibang mga empleyado. Kilala nila ako bilang bestfriend ni Carlos at substitute secretary. Sumakay ako sa elevator at nang makarating ako floor kung saan ang opisina niya ay tuloy-tuloy lang ako sa paglalakad.Kung may bago siyang secretary nasaan ito? Bakit wala siya sa table niya? Hinayaan ko na lang at dumiretso ako papunta sa pintuan. Pero hindi ko na nagawang kumatok dahil nakabukas na ito. Maingat ko itong itinulak at hindi ako makapaniwala sa nakita ko."Paano nila ito nagawa sa akin?"Hello po, kasali po ang story na ito sa contest. Feel free to leave some reviews and comments, malaking bagay po iyon. Thank you so much po and God bless po ❤️❤️
CARLOS POVNoong isinama ako ng asawa ko sa loob ng delivery room ay grabe ang kaba ko. Nilalamig ang mga daliri ko sa paa ganun rin ang mga kamay ko. Ang makita na nahihirapan ang asawa ko ay parang torture sa akin. Doon ko lalong hinangaan at minahal ang asawa ko ganun rin ang mommy ko.Tumulo ang luha ko ng makita ko ang anak ko. Sobrang saya ng puso ko. Sa wakas ay naranasan ko ng maging isang ama, naranasan ko ang mga ganitong pangyayari sa buhay ko. Kaya ipinangako ko sa aking sarili na ako ang mag-aalaga kay baby. Na kahit mapuyat ako ay gagawin ko ang lahat. Gusto kong bumawi sa mag-ina ko. Alam ko ang hirap niya sa pagbubuntis at ngayon nais ko na ako naman ang maghirap sa pag-aalaga. Hindi ko ito nagawa kay Mireya kaya bumabawi ako kay Baby Inzio. Kaya kong tiisin ang pagiging moody ng asawa ko. Nalaman ko na nangyayari pala talaga ito. Ang nagbabago ang ugali niya. Postpartum ang tawag nila kaya sinabi rin sa akin ni Dok na lawakan ko pa ang pag-unawa ko sa asawa ko dahil hi
LIYANNA'S POVHawak ni Carlos ang kamay ko. Pawis na pawis at ramdam ko ang sobrang sakit. Kung gaano ako nahihirapan ay ganun rin kalamig ang kamay ni Carlos. Ramdam ko na nilalabanan niya ang takot niya. "Uhmmmm.....!" Nakatikom ang bibig ko habang patuloy na umiire. Sabi kasi sa akin ni Dok ay mas makakakuha ako ng lakas kaysa sa sumigaw ako. Lahat ng sinasabi ni Dok ay ginagawa ko."1, 2, 3 push.." utos sa akin ni Dok na ginawa ko naman."Uhmmmmmm!" Tumutulo na ang luha ko sa mata ko. Pero naka-set na sa isipan ko na kahit anong mangyari ay ilalabas ko ang baby ko ng maayos. Ngayon ko naranasan ang hirap ng mag ina na iluwal ang kanilang mga anak. Normal delivery o cesarean delivery ay pareho na mahirap. Paulit-ulit ang utos sa akin ni Dok hanggang sa narinig ko ang iyak ng baby ko. "Congratulations, Liya." Sabi sa akin ni Dok."I love you," bulong ni Carlos sa tainga ko at nakita ko na umiiyak siya. Paulit-ulit rin niya akong hinalikan sa noo.Pagod na pagod ako pero sobrang
LIYANNA'S POVIto na ang pinakahihintay naming araw. Ang gender reveal party. Pagkagaling namin sa simbahan ay tumuloy kami sa venue. Napili nila sa open grounds. Hindi ko alam pero ang mga kaibigan ng asawa ko sa racing club ang may pakana. Gusto ko sana sa bahay na lang pero mas gusto daw nila doon.Pumayag naman ako dahil alam ko na namiss nilang mag-race. Hapon na ginanap para hindi gaanong mainit. "Kinakabahan ako, babe." Pabulong na sabi ni Carlos sa akin."Vava, dapat masaya ka. Kasi ito na pinakahihintay mo, natin. Sa wakas ay hindi kana magpupuyat, hahaha!" Pabiro na sabi ko sa kanya."Sorry, babe. Alam ko na napupuyat ka sa akin." Nakangisi na sabi niya sa akin."Hahaha! Sinusulit mo talaga dahil ilang buwan ka rin bago ka ulit makakapasok." Natatawa na sabi ko sa kanya."I love you and thank you for understanding me, for loving me and for carrying our child." Nakangiti na sabi niya sa akin."I love you too and I'm always willing to carry our child." Malambing na sagot ko s
LIYANNA'S POVMabilis na lumipas ang mga araw at halos hindi ko na namalayan. Nagising ako dahil naririnig ko ang asawa ko. Kaya mabilis akong pumunta sa banyo para silipin siya. "Vava, are you okay?" Nag-aalala na tanong ko sa asawa ko.Bigla na lang kasi itong nagsuka ngayong umaga. Hindi ko alam pero napansin ko na palagi siyang inaantok kaya isang linggo na siyang hindi pumapasok sa trabaho. "Nahihilo ako, babe. At nangangasim ang sikmura ko." Sagot niya sa akin."Magpacheck-up na kaya tayo?" Saad ko sa kanya."Okay lang ako, itutulog ko lang ito," sagot niya sa akin at mabilis na bumalik sa kama namin para matulog ulit.Inayos ko ang kumot niya at hinalikan ko siya sa labi. Lumabas naman ako sa silid namin para puntahan si Mireya at Prexie. Oo sa amin na nakatira si Prexie. Dahil hiniling rin niya kay daddy habang si Precious ay doon pa rin sa mansyon. Masaya ako dahil magkasundo ang dalawang bata. Nakakatuwa dahil si Prexie ang madalas ba nag-aasikaso kay Mireya. Pero may hil
LIYANNA'S POV"Babe, hindi ito totoo diba? Hindi pa patay si Ate?" Umiiyak na tanong sa akin ni Carlos."Vava," umiiyak ako at niyakap ko siya."Okay na siya eh, noong dinalaw ko siya ay nakangiti na siya at nakakausap na siya ng maayos. Hindi ito, hindi ito ang nais ko. Mahal na mahal ko ang ate ko, kahit na ano pa ang naging kasalanan niya." Umiiyak na saad sa akin ng asawa ko. Ramdam ko ang sakit na nararamdaman niya."I'm sorry, alam ko na ako ang may kasalanan ng lahat kung bakit naging ganun si ate. Sorry, Vava sana hinayaan ko na lang siya." Sabi ko sa kanya dahil sinisisi ko ang sarili ko."No, babe. It's not your fault, hindi mo kasalanan. Kagustuhan ito ni ate, nakakalungkot lang dahil tinapos niya na kaagad ang buhay niya." Saad sa akin ng asawa ko.Kaagad kaming umuwi sa Pilipinas dahil sa natanggap naming balita. Ate Cathy ended her own life. Nagpakamatay siya at nagluluksa ang buong pamilya namin. Kaya kahit na may magandang balita kami sa kanila ay hindi namin magawang s
LIYANNA'S POVHindi ko maintindihan ang mga cravings ko ngayon. Ibang-iba sa cravings ko noon kay Mireya. Alam ko na nahihirapan ang asawa ko pero hindi ko mapigilan ang sarili ko. Kapag hindi niya naiibigay ang gusto ko ay mabilis na sumama ang loob ko. Sobrang maraming nangyayari sa akin lalo na sa ugali ko.Mabilis akong mainis sa kahit na maliit lang na bagay. Ang sabi ko ay uuwi na kami pero nagbago ang isip ko lalo na mabilis akong magalit tapos sobrang init pa sa Pilipinas. At masasabi ko rin na maganda rin talaga na dito na lang ako manganak dahil sa kakagaling ko pa lang naman sa sakit ko at under observation pa rin ako.Ngayon ang araw ng check-up ko. Actually hindi pa naman talaga sana ngayon kaya lang makulit lang talaga si Carlos. Kasama namin si Mireya dahil na rin sa wala siyang kasama sa bahay at excited rin itong marinig ang heartbeat ng kapatid niya.Pagdating namin sa hospital ay sobrang excited na ang mag-ama ko. Kahit na ako ay excited rin na marinig ang heartbeat