Thank you po sa inyong lahat ❤️❤️❤️. Ingat po kayo palagi ❤️❤️❤️
LIYANNA'S POVIto na ang pinakahihintay naming araw. Ang gender reveal party. Pagkagaling namin sa simbahan ay tumuloy kami sa venue. Napili nila sa open grounds. Hindi ko alam pero ang mga kaibigan ng asawa ko sa racing club ang may pakana. Gusto ko sana sa bahay na lang pero mas gusto daw nila doon.Pumayag naman ako dahil alam ko na namiss nilang mag-race. Hapon na ginanap para hindi gaanong mainit. "Kinakabahan ako, babe." Pabulong na sabi ni Carlos sa akin."Vava, dapat masaya ka. Kasi ito na pinakahihintay mo, natin. Sa wakas ay hindi kana magpupuyat, hahaha!" Pabiro na sabi ko sa kanya."Sorry, babe. Alam ko na napupuyat ka sa akin." Nakangisi na sabi niya sa akin."Hahaha! Sinusulit mo talaga dahil ilang buwan ka rin bago ka ulit makakapasok." Natatawa na sabi ko sa kanya."I love you and thank you for understanding me, for loving me and for carrying our child." Nakangiti na sabi niya sa akin."I love you too and I'm always willing to carry our child." Malambing na sagot ko s
LIYANNA'S POVHawak ni Carlos ang kamay ko. Pawis na pawis at ramdam ko ang sobrang sakit. Kung gaano ako nahihirapan ay ganun rin kalamig ang kamay ni Carlos. Ramdam ko na nilalabanan niya ang takot niya. "Uhmmmm.....!" Nakatikom ang bibig ko habang patuloy na umiire. Sabi kasi sa akin ni Dok ay mas makakakuha ako ng lakas kaysa sa sumigaw ako. Lahat ng sinasabi ni Dok ay ginagawa ko."1, 2, 3 push.." utos sa akin ni Dok na ginawa ko naman."Uhmmmmmm!" Tumutulo na ang luha ko sa mata ko. Pero naka-set na sa isipan ko na kahit anong mangyari ay ilalabas ko ang baby ko ng maayos. Ngayon ko naranasan ang hirap ng mag ina na iluwal ang kanilang mga anak. Normal delivery o cesarean delivery ay pareho na mahirap. Paulit-ulit ang utos sa akin ni Dok hanggang sa narinig ko ang iyak ng baby ko. "Congratulations, Liya." Sabi sa akin ni Dok."I love you," bulong ni Carlos sa tainga ko at nakita ko na umiiyak siya. Paulit-ulit rin niya akong hinalikan sa noo.Pagod na pagod ako pero sobrang
CARLOS POVNoong isinama ako ng asawa ko sa loob ng delivery room ay grabe ang kaba ko. Nilalamig ang mga daliri ko sa paa ganun rin ang mga kamay ko. Ang makita na nahihirapan ang asawa ko ay parang torture sa akin. Doon ko lalong hinangaan at minahal ang asawa ko ganun rin ang mommy ko.Tumulo ang luha ko ng makita ko ang anak ko. Sobrang saya ng puso ko. Sa wakas ay naranasan ko ng maging isang ama, naranasan ko ang mga ganitong pangyayari sa buhay ko. Kaya ipinangako ko sa aking sarili na ako ang mag-aalaga kay baby. Na kahit mapuyat ako ay gagawin ko ang lahat. Gusto kong bumawi sa mag-ina ko. Alam ko ang hirap niya sa pagbubuntis at ngayon nais ko na ako naman ang maghirap sa pag-aalaga. Hindi ko ito nagawa kay Mireya kaya bumabawi ako kay Baby Inzio. Kaya kong tiisin ang pagiging moody ng asawa ko. Nalaman ko na nangyayari pala talaga ito. Ang nagbabago ang ugali niya. Postpartum ang tawag nila kaya sinabi rin sa akin ni Dok na lawakan ko pa ang pag-unawa ko sa asawa ko dahil hi
LIYANNA'S POV"NO, hindi ako magpapakasal kay Liya. Hindi ko siya mahal." Galit na sigaw ni Carlos.Kasalukuyan kaming nandito sa sala nila. Hindi ko alam ang nangyari basta nagising na lang ako kanina na masakit ang gitnang bahagi ng aking katawan. Hindi ko rin inaasahan na nasa tabi ko ang matalik kong kaibigan at pareho kaming walang saplot sa katawan."Magpapakasal ka and that's final. Hindi mo puwedeng takasan ang ginawa mo kay Liya!" Galit na sabi ng daddy ko."Iho, bakit hindi mo subukan. Besides she's your bestfriend." Sabi ni Tita Rona kay Carlos."That's the point mom, she's my best friend at hindi ko kayang magpakasal sa kanya!" Kalmado pero may diin sa boses ni Carlos. Masaktan ako sa mga narinig ko buhat sa kanya."Sana naisip mo 'yan bago mo ginalaw ang anak ko. Hindi ako makakapayag na hindi mo pakasalan ang anak ko." Galit na galit na daddy ko kaya pinapakalma ito ni mommy. Ako naman ay walang ibang magawa kundi ang umiyak na lang. Nalilito ako, hindi ko alam ang sasa
WARNING MATURED CONTENT!LIYANNA'S POV "Liya..!""Liyanna, open this damn door!"Nagising ako sa lakas ng katok sa pintuan ko kaya mabilis akong bumangon. Bumungad sa akin ang asawa ko. Una kong naamoy ang alak. Sa tingin ko ay lasing ito dahil malamlam rin ang mga mata niya."May kailangan ka ba?" Tanong ko sa kanya."Wala kang silbi! Isinama kita sa company para tulungan ako at magkaro'n ka man lang sana ng silbi pero wala rin. Nagseselos ka ba kay Sammy?" Lasing na tanong niya sa akin."H-Hindi, bakit naman ako magseselos sa kanya?" Mahinang sagot ko sa kanya."Liar! Alam ko na nagseselos ka. Dapat kang magselos sa kanya. Alam mo ba kung bakit? Dahil, maganda siya, matalino at magaling sa kama. Na kahit kailan hindi mo mahihigitan." Sabi niya sa akin, nasaktan ako pero tama siya. Wala akong panama sa babae niya. Wala akong gaanong alam lalo na pagdating sa kama."Alam ko naman 'yon. Magpahinga kana ihahatid na kita sa silid mo." Hinawakan ko siya sa braso pero iniwaksi niya ang ka
LIYANNA'S POVNakaharap ako ngayon sa salamin. May bakat nang kamay ni Carlos sa pisngi ko. Maputi ako kaya kitang-kita ito. Wala akong balak na pumasok sa opisina. Nagkulong lang ako dito sa silid ko. Mamayang gabi ay family dinner namin sa bahay ng parents niya.Biglang nagring ang phone ko at si Carlos pala ang tumatawag."Hello," sagot ko sa tawag niya."Where are you? Bakit wala ka dito sa office?" Galit na tanong niya sa akin."Masama ang pakiramdam ko. Puwede ba akong hindi pumasok ngayon?" Tanong ko kay Carlos, naging tahimik sa kabilang linya kaya tinignan ko ang phone ko. Akala ko ay ibinaba niya pero hindi pala."Wala akong pakialam, pumasok ka dahil marami kang trabaho ngayon!" Galit na sabi nito bago ibinaba ang tawag.Napaiyak na lang ako. Alam ko sa sarili ko na hindi ko siya kayang suwayin. Ayaw ko man maglagay ng make-up pero tinakpan ko ang pasa ko sa pisngi. Ayoko rin ipakita sa iba ang pasa ko. Nagbihis ako at pumunta sa company niya. Pagdating ko sa opisina niya
LIYANNA'S POV"Maaga ka ba uuwi mamaya?" Tanong ko sa asawa ko. Naghahanda na ito sa pagpasok sa opisina."Hindi ako sure, why?" Parang wala lang na sagot niya sa akin."Gusto ko sana na sabay tayong magdinner mamaya." Saad ko sa kanya. Hindi kasi kami nagkakasabay kumain dahil palagi itong late umuwi. Minsan ay madaling araw na pero madalas hindi na talaga ito umuuwi ang dahilan niya ay sa opisina na daw siya natutulog."Maybe next time. I have a lot of works in the office." aniya sa akin."Okay, naiintindihan ko." Malungkot na sabi ko sa kanya."Babawi ako ako sa 'yo." Ganito siya palagi pero hindi naman nangyayari ang mga sinasabi niya."Okay lang alam ko na busy ka sa trabaho mo. Ingat ka sa pagmamaneho." Sabi ko sa kanya."Okay," tanging sagot niya sa akin at nagmaneho na palabas sa gate. Kahit na sinasabi niya na subukan namin ay pakiramdam ko wala pa rin nagbago. Kasing lamig pa rin siya ng yelo. Tuwing kausap ko siya ay parang napipilitan lang siya sa akin. Pinipilit kong pan
LIYANNA'S POV"Pirmahan mo 'to," utos niya sa akin.Umiling ako sa kanya. Dahil hindi ko kaya."Diba sabi mo gagawin mo ang lahat?" Tanong niya sa akin habang wala akong nababanaag na emosyon sa mga mata niya. Kagaya pa rin ito nang dati. Malamig at may kasamang pagkasuklam."Hilingin mo lang ang kahit ano, 'wag lang 'yan. Hindi kita papakiilaman sa mga ginagawa mo. Hindi ako magtatanong, basta ang mahalaga sa akin ka uuwi. Carlos, kaya kong tanggapin ang lahat. Gagawin ko ang lahat pero 'wag lang 'yan." Umiiyak na sabi ko sa kanya."Desperada kana," 'yon lang ang sinabi niya bago niya nilisan ang silid ko. Nasaktan ako sa sinabi niya pero tama siya desperada na ako. Kung 'yon ang tingin niya sa akin ay tatanggapin ko 'wag lang niya akong iwan.Alam ko na umalis ito dahil narinig ko ang kotse niya na lumabas sa gate. Dinampot ko ang annulment paper at itinago ko ito. Alam ko na hindi pa niya ako kayang mahalin ngayon pero hindi ako nawawalan ng pag-asa. Buong gabi akong dilat, hindi ak