“MOMMY, you are spacing out again!”
Napakurap ako ng magsalita si Kylie na kaharap ko nga pala ngayon.Naiwan kaming dalawa sa hapagkainan dahil wala na si Kayla at Ivan at mayroon ‘daw panonoorin sa TV. Linggo ngayon at naisip ko na ‘wag na munang maghanap ng trabaho dahil pagod pa ako, pagod sa mga nalaman ko.“S-sorry anak, iniisip ko lang kung matatanggap ba ako sa trabaho ko,”Well, half true naman ang sinabi ko. Sana lang talaga matanggap ako sa mga pinag-applayan ko, ang dami kaya nu’n! Kapag ni isa walang tumawag saakin ipapasunog ko kumpanya nila, joke lang.“Do not worry mommy! Alam ko pong matatanggap ka, ikaw pa po ba?! Bukod sa maganda na matalino pa! Sa inyo nga po ako nagmana ng kagandahan at katalinuhan,”Natawa ako sa sinabi niya at pinisil ang ilong nito. Kahit kailan talaga ang ang taas ng self confidence ng anak ko, ayos lang naman ‘yun dahil alam ko na walang mang-aapi sa kaniya kapag pumasok na sila.Mabuti nalang tinuruan namin silang magtagalog ni Kayla, pero kahit ganoon mas lamang pa ‘rin pag-eenglish nila e.“Tama ka jan anak, saakin ka nga nagmana!”Natawa kami parehas sa sinabi niya lalo na’t kamukang-kamuka ko talaga siya. Si Ivan kasi ay walang nakuha saakin kahit isa, siguro ang ugali ko nakuha niya. Ewan ko kung kanino namana ni Kylie ang ugali niya, siguro sa daddy nila?Speaking off, naalala ko nanaman tuloy si Eugene Alvarez. ‘Yung lalaking naka one-night-stand ko, ayon kay Kayla kamuka niya talaga si Ivan. Gusto kong i-search kung totoo ba pero natatakot ako.Tyaka baka kamuka lang talaga siya ni Ivan. Hindi ba may mga kamuka tayo sa buong mundo? Impusible na si Eugene ang ama ng kambal, ano namang ginagawa ng isang bilyunaryong tao sa ganoong bar hindi ba?Natigilan ako sa sinabi ko, oo nga pala naka one-night-stand ko siya sa bar kagabi lang! Ibang bar man ‘yun pero bar pa ‘rin!Hindi! Siguradong hindi siya ang ama ng kambal!Pero paano kung siya nga?!Baka kunin niya ang anak ko! Lalo na ngayon na naghahanap siya ng mapapangasawa, syempre kailangan niya ng tagapagmana!Hindi! Impusible talaga na siya ang ama ng kambal!“Huy nababaliw ka nanaman!”Napalingon ako sa nagsalita at nakita ko si Kayla.“Naiisip mo si Eugene noh? Yiee in love ka na ba girl?”Sinamaan ko siya ng tingin at binato sa kaniya ang potholder na nasa tabi ko.“Tumigil ka nga! Kasalanan mo kung bakit ako ganito tsk!”Iniwan ko na siya sa kusina at rinig ko pa ang malakas na tawa niya kaya napailing nalang ako.Kailangan kong alisin sa isip ko si Eugene, layuan mo ang utak ko pakiusap lang!---“MOMMY?”Napalingon ako kay Ivan ng magsalita ito. Kinukusot pa nito ang kaniyang mata dahil sa biglaang pagkagising, magkakatabi kasi kaming tatlo dito sa higaan at nasa gitna nila akong dalawa.Hindi kasi sila nakakatulog ng hindi ako katabi at kayakap.“Baby, why did you wake up? Did you have nightmare?”Tanong ko habang inilalapit siya payakap saakin na ikinatango naman niya.“Yes po mommy, kinuha ‘daw po kami ng isang lalaki na kamuka ni ko,”Natigilan ako sa sinabi niya at nanlaki ang mata kasabay ng pag pintig ng mabilis ng puso ko.“Sabi niya po siya ‘daw po si daddy,”“A-ano bang sinasabi mo anak? Panaginip lang ‘yan ibig sabihin hindi totoo. Sige na matulog ka na ulit nandito lang si mommy,”Hinimas ko ang buhok niya para makatulog na siya pero bigla siyang tumingin saakin at nagtagpo ang mata naming dalawa.Kahit anong tignan ko kay Ivan wala talaga siyang nakuha saakin. Ganito ‘din ba ang itsura ni Eugene? Naka sunglasses kasi siya ng makita—teka anong sinasabi ko?!Hindi siya ang ama ng kambal!“Mommy, what if daddy comes back tapos kunin niya kami sa'yo? Hindi po kami papayag! Tyaka napapansin ko po na tulala ka lagi, kung tungkol po ito sa trabaho mo sure po ako na matatanggap ka mommy,”Hindi ko alam kung ngingiti ba ako o ngigiwi dahil sa sinabi ng anak ko pero sa huli pinili ko nalang na ngumiti sa kaniya.“Do not worry anak, hindi ‘rin papayag si mommy na malayo kayo saakin okay? Tyaka thank you sa pag-motivate kay mommy, kailangan ko talaga ‘yan ngayon. Sige na anak, sleep na gabi pa,”Ngumiti naman siya sa sinabi ko at yumakap saakin ng mahigpit.“Ikaw ‘din mommy tulog ka na po. Good night and I love you,”“I love you too, Ivan.”Hindi Irene panaginip lang 'yon at walang ibang kahulugan!Sana nga...---“BE a good boy and good girl, okay? Iiwan na kayo ni mommy,”Hinalikan ko sa noo ang kambal matapos kong sabihin iyon.Ngayon ang unang araw nila sa bago nilang school, muka namang mababait ang mga bata doon ‘yun nga lang napansin ko na sila ang katangkaran sa mga ito.Natatakot ako na ma-bully ang mga anak ko dahil naiiba sila, tapos alam ko na mag-eenglish pa sila ng madalas.“Mommy, do not worry, okay? We will be fine, right Kylie?” ngiting sabi ni Ivan at tumingin sa kambal niya.“Kuya is right mommy, we will be fine!”Napabuntong hininga ako dahil sa sinabi nila, Sana lang talaga.Tumingin na ako sa teacher nila na nag-aabang na matapos kaming magpaalam sa isa’t-isa. Nakangiti ito saakin kaya nginitian ko ‘din siya.“Teacher, please kayo ng bahala sa mga anak ko. Kapag may nangyari po pakitawagan ako agad,”“Do not worry mommy, ako pong bahala sa anak niyo. Unang tingin ko palang sa kanila alam ko na hindi sila mahirap alagaan lalo na mukang matured na silang dalawa,”Napangiti ako sa sinabi niya at tumango.Pumasok na sila sa loob at nagpakilala sa harapan, hinintay ko na matapos silang magpakilala at pinalakpakan naman sila ng mga bata doon.Buntong hininga akong umalis na, iyon ang unang beses na nag-alala ako para sa mga anak ko. Alam ko na matured na sila at hindi papasok sa isang gulo pero ang inaalala ko kasi ang mga kaklase nila, sana lang walang makukulit doon.“Ms. Irene Legazpi,”Natigilan ako sa paglalakad ng marinig ko ang buong pangalan ko.Napalingon ako sa tumawag saakin at nakita ko ang isang familiar na lalaking may katandaan na. Hindi ko siya makakalimutan! Siya ‘yung papasok sa loob ng tinutuluyan namin ni Eugene noong isang araw!“I know you recognize me, and I am here to offer you a job,”Napakunot ang noo ko dahil sa sinabi niya. Mukang alam ko na kung sinong nag-utos sa kaniya!“Mawalang galang na po, kung si Eugene po ang nagpadala sa inyo para kausapin ako at i-offer nanaman saakin ang kasal hindi po ang sagot ko. Kahit bayaran pa niya ako ng milyon-milyon hindi na po, masaya na ako sa buhay ko. Sige na po at may pupuntahan pa ako,”Pagkasabi ko niyon ay pumara agad ako ng taxi at sumakay doon.Ngiting tagumpay ako habang nasa loob ng taxi, pakiramdam ko natapakan ko ang napakataas na pride ni Eugene.Ha! Dapat lang sa kaniya ‘yun, anong akala niya saakin bayarang babae? Porket may nangyari saamin ganoon na siya maka-asta tsk.NAKASIMANGOT akong lumabas sa pinasukan kong kumpanya nang ma-reject ako ng malaman nilang hindi ako graduate.Ano bang problema sa hindi nakatapos?! Kapag nakatapos ka naman hahanapan ka ng experience! Ako nga maraming experience pero hindi naman nakatapos, kainis!“Akala mo naman isa sa malalaking kumpanya!” inis na bulong ko at naglakad papunta sa sakayan ng taxi.Ngunit napakunot ang noo ko ng mayroong humintong sasakyan sa harapan ko. Kulay itim ito na Porsche!Nakita ko na napapatingin na saakin ang ibang kasabayan ko na nag-aabang ng masasakayan, wala akong pakialam kung mainit pa dahil magtatanghali na. Kailangan ko pang tumuloy sa susunod na pag-aaplayan ko.“Hop in Irene,”Nagulat ako ng pagbaba ng bintana ng kotse na iyon ay nakita ko si Eugene!Hindi ko alam pero agad akong kinabahan dahil doon, kahit na may suot siya na sunglasses ay hinding-hindi ko makakalimutan ang sinabi ni Kayla! Kapag inalis niya ba 'yan makikita ko si Ivan?No! Stop thinking nonsense Irene!Napatingin ako sa paligid at narinig ko ang impit na tili nila na ikinatigil ko. Mayaman siya diba?!Baka makilala nila si Eugene at ma-issue pa kami!“A-anong ginagawa mo, umalis ka na Eugene! Kapag may nakakilala sa’yo siguradong—”“Sure what? Mas okay pa nga ‘yun para makilala nila ang mapapangasawa ko,”Ngisi niyang sabi na ikinapula ko naman hindi sa kilig kundi dahil sa galit!Ang lakas talaga ng hangin nitong isang ‘to! Buong-buo ang loob na papayag ako?!“Shut up Eugene! Hindi sabi ako papayag! Kung ayaw mong umalis, ako ang aalis!”Pagkasabi ko niyon ay naglakad na ako palayo sa kotse niya pero nakita kong sumusunod pa ‘rin ang sasakyan.Sinamaan ko sila ng tingin lalo na alam ko na ‘yung kumausap saakin na may katandaan nang lalaki ang nagmamaneho.Pero napahinto ako ng mayroon akong matanggap na tawag.Huminto ako at nang makitang unknown number iyon ay nabuhayan ako, baka isa na sa mga pinag-applayan ko!“Hello, Irene Legazpi speaking—Yes, of course!”Sagot ko sa tawag at nakita ko ang muka ni Eugene sa harap ko, huminto kasi ang kotse niya sa gilid ko.“Yes, please—I will be there—yes thank you for your consideration!”Malaki ang ngiti ko ng ibaba ko ang tawag at hinarap si Eugene.“Narinig mo ba? Natanggap ako sa trabaho! Hindi ko kailangan ng alok mo okay at pwede ba maghanap ka ng ibang babae dahil hindi na ako pwede! Jan ka na nga,” Irap kong sabi sa kaniya at iniwan na siya doon.---MASAYA kong binalita kila Kayla ang tungkol sa pagkakatanggap ko sa trabaho at tuwang-tuwa naman ang mga ito.Nalaman ko ‘din mula sa kambal na mababait naman ‘daw ang mga classmates nila at walang nang aaway sa kanila kaya nakahinga ako ng maluwag.Pero dahil sa sobrang excited ko para sa first day ko kinabukasan ay hindi ako nakatulog ng maayos. Pero kahit ganoon ay marami pa ‘rin akong energy lalo na ngayon ang unang araw ko sa trabaho.Matapos kong ihatid ang kambal sa eskwelahan ay dumeretsyo agad ako sa kumpanya na pagtatrabahuhan ko.Masaya kong binati ang guard na naroroon at sinabi kong katatanggap ko lang sa trabaho kaya wala pa akong ID. Pinapasok naman niya at pinapunta sa pinakang office sa lobby.“Ms. Irene Legazpi?”Napatayo ako ng tawagin ako ng isang lalaking may katandaan na at dali-daling lumapit dito.“Yes, sir?!” malaking ngiti kong sabi.“Sorry but our company made a mistake, hindi ka pala namin pwedeng i-hire sa kumpanya. I am sorry,”“What?”Hindi makapaniwala kong sabi sa kaniya pero muli lang siyang humingi ng sorry at pumasok na ulit sa loob ng office nito.Naiwan ako na hindi makapaniwala doon at bagsak ang balikat na lumabas sa kumpanya.Made a mistake?! Grabeng mistake naman ‘yun? Napaka-paasa naman nila! Tuwang-tuwa pa naman ako dahil may bago na akong trabaho!“Seems like your sad, Irene?”Napatingin ako sa nagsalita at katulad kahapon ay nakababa lang ang salamin ng kotse nito at nakadungaw siya sa bintana habang suot ang kaniyang sunglasses.Agad na nag-init ang ulo ko dahil doon, based sa tono ng boses niya may alam siya kung bakit ako ganito ngayon!Tyaka paano niya nalaman na nandito ako diba?!“May kinalaman ka ba kung bakit bigla akong hindi tinanggap sa trabaho, Eugene?!”“KYLIE!” Dali-daling lumapit si Eugene sa anak nang makita niya itong umiiyak sa sulok ng higaan na naroroon. “Anak ayos ka lang ba?! Nasaan si mommy?!” Doon lang napaangat nang tingin si Kylie dahil hindi niya nabosesan ang ama sa sunod-sunod na putok ng baril sa paligid. Nang makilala si Eugene ay mas lalong napaiyak ang bata at niyakap ang ama. “D-daddy! Nakaka-alala na po ako! Kinuha ni kuya Elijah si mommy! Tinutukan po siya ng baril sa ulo!” Natigilan si Eugene dahil sa narinig. Una nalaman niya na naaalala na siya ng anak at masaya siya doon, pero nang sabihin nito ang ginawa ni Elijah sa asawa ay mas lalong sumiklab ang galit sa puso niya. “Eugene! Ako nang bahala kay Kylie! Kailangan mong iligtas si Irene!” “Tito Keith!” Napalingon sila pareho sa nagsalita at agad na niyakap ni Kylie ang tito na matagal na niyang hindi nakikita. Niyakap naman siya pabalik ni Keith pero tumingin ito kay Eugene. “Eugene tumatakbo ang oras!” Dahil doon ay napatango si Eugene a
BUMALIK na si Irene sa trabaho. Ang daming nagulat na employees dahil sa pagdating niya at nagsimula nanaman ang mga bulong-bulungan pero wala siyang pakialam doon. Ang mahalaga sa kaniya ay ang makapasok. Ilang beses pa nilang pinagtalunan ni Eugene ang pagpasok niya sa trabaho at kasama na doon ang plano nila na tapusin na ang kasamaan ni Elijah. Alam ni Irene na hindi siya titigilan ng lalaki kaya nga sinadya niya na pumasok dahil maaaring makuha siya nito. Dahil naging busy na sina Eugene sa pagligtas kay Irene noong isang linggo itong nawala ang dami na nitong tambak na trabaho. Katulad nang normal na araw nila ay hindi na sila halos magkitaan dahil sa daming kailangan gawin. Nalaman niya mula sa asawa kung kanino nito nalaman kung nasaan siya, kay Keith. Nagtataka pa ‘rin siya kung bakit biglang nawala si Keith. Ayon kay Eugene ay kasama pa nila ang lalaki na iligtas siya pero bigla nalang itong naglaho na parang bula. Alam niya na may nangyayari kay Keith ngunit hindi niya
Napahinto si Elijah sa paglalakad at napatingin muli sa kaniya. “Anong plano?” Sinabi niya dito ang naiisip niya na ikinangiti ng malaki ni Elijah at hinawakan ang magkabilang balikat ng tauhan niya na iyon. “Magaling! Sabi ko na nga ba at ikaw ang pinakang pinagkakatiwalaan ko sa lahat!” Napangiti ng malaki ang tauhan ni Elijah dahil sa papuri niya na iyon at yumuko ng bahagya dito bilang paggalang. “Now go! Dalhin mo siya saakin!” Nagpaalam na ang lalaki kay Elijah at naiwan siya mag-isa doon. Iyon nalang ‘din ang naiisip niyang huling plano para makuha si Irene. Dinadalangin niya na sana makuha na niya ang mahal niya dahil kung hindi niya ito makukuha sisiguraduhin niya ‘din na hindi ito makukuha ni Eugene. Maya-maya pa ay bumalik na muli ang tauhan niya at tinulak nito papasok sa loob si Hannah na nanghihina dahil hindi pa siya kumakain at pinapahirapan pa siya ng mga ito. “Well, well! Welcome again Hannah!” Napatingin si Hannah sa nagsalita at napakuyom ng kamao ng makit
“H-hindi kami naniniwala na ikaw ang dahilan kung bakit wala na si Jess!” Napaangat ako ng tingin ng biglang magsalita si RC. “Tama si RC! Biktima lang kayo! Diba sabi mo may kumuha sa inyo? Malamang na sila ang may kasalanan kaya ‘wag kang himingi ng tawad saamin Ms. Violet—I mean Irene,” segunda na sabi ni Lyn na ikinailing ko. “H-hindi niyo naiintindihan—” “They are right mommy! Wala kang kasalanan!” Napahinto ako sa pagsasalita ng sumabat ang kambal. Lalo akong naiyak dahil doon, hindi ko maiwasan na sisihin ang sarili ko. Naramdaman ko na mayroong humawak sa magkabila kong balikat at paglingon ko kay si Eugene iyon. “Wife, I already told you that it is not your fault. Kung mayroon mang dapat sisihin dito ay si Elijah iyon. Kung nandito si Jess alam ko na yun din ang sasabihin niya kaya please lang ‘wag mong sisihin ang sarili mo.” Napayakap ako kay Eugene dahil sa sinabi niya at umiyak sa dibdib niya. Ilang minuto ‘din kami na nasa ganoong ayos hanggang sa kusa akong humiw
IRENE NANG idilat ko ang mga mata ko ay sumalubong saakin ang kisame na familiar saakin. “’Wag kang maingay Kylie baka magising si mommy,” “Anong ako? Ikaw kaya ang maingay kuya!” Napalingon ako sa nagsasalita at nakita ko ang kambal. Hindi ko na napigilan ang pagtulo ng luha ko dahil isang linggo ko silang hindi nakita, akala ko nga ay hindi na ako makakauwi sa kanila dahil kay Elijah. “Mommy!” Nakita ako ni Kylie na gising na kaya dali-dali itong lumapit saakin at niyakap ako. Kita ko na nagulat ‘din si Ivan pero agad ‘din itong sumunod sa kambal niya at niyakap ako ng mahigit. Nagsimula na silang umiyak kaya maging ako ay lalong napaiyak dahil doon. “M-mommy bakit ang tagal mong nawala! Hindi ko po kaya na wala ka!” iyak na sabi ni Kylie kaya hinimas ko ang likuran niya. “I-I’m sorry mommy, I’m not strong enough to save you…” mahina namang sabi ni Ivan ngunit sapat na para marinig ko dahil sa leeg ko siya nakasuksok habang umiiyak. Si Kylie naman ay nasa bewang ko nakayaka
“W-WALA na si Jess…” Paulit-ulit na sinasabi ni Irene ‘yan sa kaniyang sarili matapos niyang marinig ang pinag-uusapan ni Elijah at nag tauhan nito. Isang linggo na ‘rin ang nakakaraan magmula nang kunin siya nito. Sinubukan niyang tumakas ngunit hindi niya magawa, nahuhuli pa nga siya. Mabuti at hindi siya sinasaktan ni Elijah kapag nahuhuli siya dahil nagpapalusot lang siya na naiinip na doon. Sinakyan niya ang gusto ni Elijah, sasakyan niya ito hanggang sa makakuha na siya ng pagkakataon na makatakas. Pero lahat ng iyon ay nasira nang malaman niyang wala na ang kaibigan. Bumalik sa kaniya ang huling araw na magkasama sila ni Jess. Nangako pa siya dito na magkikita pa sila ulit. “My love? Umiiyak ka ba?” Agad na napalingon si Irene sa nagsalita at sumiklab ang galit niya ng makita si Elijah. “W-wag kang lalapit saakin! You liar! Sinungaling ka at mamamatay tao Elijah!” Natigilan sandali si Elijah dahil sa sinabi ni Irene pero sinubukan pa ‘rin niyang lapitan ang babae