Chapter 10
Mabilis pa sa alas kwatro kong dinaluhan si Aki. Pinantayan ko siya bago siya ihinarap sa akin. Madungis ang mukha niya, may mga saboy nang buhangin ang damit niya at iyong isang paa niya ay medyas na lamang ang natira. Maging ang plantsado niyang damit ay para ng ginusot na papel."Anong nangyari sa 'yo?" mangiyak ngiyak kong tanong kahit pa nakita ko naman ang nangyari."Can I do it?" tanong niya at wala akong kahit na anong ideya sa kung ano man iyon.Hindi manlang siya umiyak sa kabila ng dumudugo niyang tuhod. Dala nang pagaalala at taranta ay pagtango na lang ang nagawa ko, kahit pa hindi ko alam ang tinutukoy niya.Nanlaki ang mga mata ko nang ambahan niya nang suntok iyong bata, mabuti na lamang at mabilis ang mga kamay ko at nahawakan kaagad siya sa baywang.Doon ko lang rin napansin ang itsura nang batang kaharap niya. Hindi ko alam kung matutuwa ba akong mas malala ang itsura niya kaysa kay Aki. KumparaChapter 64Mabilis ko siyang itinulak. Napaupo si Rivaill sa lamesa ng gawin ko iyon. He then, crossed his arms and stared at me intently. Nanatili siyang tahimik ani mo’y hinahayaang mag-sink in sa akin ang mga sinabi niya kanina. Marahas akong tumayo dahilan para tingalain niya ako. “Hindi ako naniniwala sa ’yo. Imposible ’yan.” No—what he’s saying could be true. Ngunit may parte sa akin na ayaw maniwala. I don't believe I loved someone other than him. Kinuha ko iyong litrato sa wallet niya at saka ibinalandra sa mukha niya. “This picture? This picture could be photoshopped!” Umaawang ang mga labi niya, ngunit walang nasabing salita. Bumuntong hininga siya at saka tumango tango. “Fine, I never expect for you to believe me anyways,” “Mabuti naman at alam mo, you’ve fooled me countless times before. Hindi mo na uli ako mapapaikot diyan sa palad mo.” Matapos kong sabihin iyon ay iniwan ko siya roon. Habang naglalakad at tinatahak ang daan papunta sa mismong kalsada ay sige ang pu
Chapter 63“P’wede mo ba akong saluhan?” Nakakabingi ang pagkabog ng dibdib ko sa mga oras na ito. Hindi ko alam ang mararamdaman, kung matutuwa ba ako o ano. Inilipat ko ang paningin kay Henry at tumango ito sa ’kin bago naglakad palayo. Dahan-dahan ay lumapit ako sa lamesa at naupo sa bakanteng upuan katapat nang sa kaniya. She has a smile, at umaabot iyon sa mga mata niya. Hindi ko magawang suklian pagkat hindi naman ako sigurado kung siya nga ba talaga ang tunay kong nanay. “You’ve grown so much, iyong huling nagkasama tayo ay siyam na taon ka pa lamang. I still remember you holding my hand each time.” Nakikinig lamang ako sa mga sinasabi niya, hindi ko naman kasi alam ang sasabihin. Kinuha niya ang kamay ko at pinisil iyon. Ilang segundo ang lumipas ay binawi ko ang kamay ko. “Paano?” naguguluhan kong tanong. Lumabas ang mumunting kulubot sa kaniyang noo’t pisngi nang ngumiti siya. Sinundan ko siya ng tingin matapos niyang tumayo. Naglakad siya, nakakailang habang pa lamang
Chapter 62 “Happy Fiesta!” Sari-saring tunog ng tambol at lyre ang maririnig kahit saan ako lumingon. Kahit hindi pa ako lumabas nang bahay ay rinig na rinig ang mga hiyawan at kantyawan sa labas. Sa kabila nga ay naririndi na ako dahil kahapon pa lang ay nagsusumigaw na iyong Videoke. “Pakibantayan mo muna ito anak mga niluto ko, makikihingi akong ube roon kay Aling Tasing. Isasama ko na rin itong si Lake dahil narinig ko may mga palaro raw doon makikisali kami.” Tumango tango ako ngunit bago pa man ako makasagot ay binuhat na niya si Lake at nagdire-diretso palabas. Iyong totoo? Pusta ko ay dadalaw lamang siya roon sa hinaharot niyang lalaki, idadamay niya pa iyong anak ko. Patakbo akong sumunod palabas. “Ma! Sabihin mo kay Henry pakidamihan ang ube!” hirit ko. Kaagad akong humagalpak ng tawa nang umasim ang mukha niya tila ba nahuli sa ginawa niyang krimen. Inirapan lamang ako nito at saka tumuloy paalis. Nitong mga nakalipas na araw kasi ay pinagbawalan ko siyang pumunta ro
Chapter 61 Nabalik ako sa ulirat nang marinig ko ang mahinang pagubo ni Mama Elle para kuhain ang atensyon ko. Inginuso niya ang plato kong hindi manlang nabawasan ang pagkain mula nang maupo kami sa hapag. “Anong problema, anak? Sa lalim ng iniisip mo kulang na lang malunod kami rito.”Sandali akong natigilan at kapagkuwan ay umiling. “Wala ho, ma. Iniisip ko lang ho kasi ’yong trabaho ko pagbalik ko,” “Gano’n? At satingin mo naman maniniwala ako sa ’yo?” Napanguso ako dahil sa tinuran niya. Kilalang kilala niya talaga ako. Bukod kay Tita Pat siya na talaga ang nakasama ko mula noong nagsimula ako sa showbiz hanggang sa malaos ako, bumalik at malaos ulit. “You know that I’m always here for you, p’wede mo akong. . .” Mabilis akong napatulala sa sinabi niya. Hindi ko na narinig pa iyong iba dahil nagsimulang sumakit ang ulo ko. Wala akong ibang nadidinig kung hindi ang matinis at nakakabinging tunog sa ulo ko. It was a long ring, hindi ko maipaliwanag pero parang sasabog ang utak
Chapter 60“M-Mama?” Mabilis akong natigilan nang marinig ko ang mahihinang d***g ni Lake. Kaagad kong nilingon ang food court at ilang metrong na ang layo namin doon. “Are you okay?” Sa kabila nang nakakunot na noo ng anak ko ay nakuha pa nitong himasin ang kamay ko at itanong kung ayos lamang ba ako. Kaagad na napawi ang tensyon na nararamdaman ko at yumuko para kalungin siya. “Mama’s fine,” naisagot ko na lamang habang nagpipilit ng ngiti. “It’s okay, you don’t have to cry.” Mabilis na lumamlam ang mga mata ko nang kasalungat sa sinabi ko ay sunod-sunod na tumulo ang luha sa mga mata niya. How careless of me, para sa pansarili kong kapakanan ay hinayaan kong matakot ang anak ko ng ganito. It’s true that I'm not ready to face him again but not like this, hindi dapat madamay si Lake roon.Hinapit ko siya sa dibdib ko at saka pinara ang taxi na saktong dumaan sa harapan namin. Ilang minutong biyahe at nakatuon lamang ang dalawang mata ko kay Lake, natutulog na ito sa hita ko, I'm
Chapter 59 Hinawakan ko ang magkabilang dulo ng sintas at saka pinagbuhol iyon, nang matapos ay tinapik ko ang paa niya.“Tapos na anak, come here.” Kaagad namang naghiwalay ang dalawang kamay niya at kumapit sa batok ko. Bumuka ang bibig ko at kumawala ang tawa nang maging ang dalawang paa niya ay ikapit sa baywang ko na parang unggoy. “Lake, your feet. Madudumihan ang damit ni mama.” Kunot noong saway ko sa kaniya pero humagikhik lamang siya at mas hinigpitan pa ang kapit. Napairap na lamang ako at sinubukang maglakad kahit nahihirapang humakbang dahil sa ginagawa niya. Isinukbit ko ang bag na naglalaman ng wallet at ibang pang mahahalagang bagay sa balikat ko bago tinungo ang pintuan. Sinigurado kong na-lock ko iyon ng maigi bago pumunta sa elevator. Ala syete palang at inagahan talaga namin dahil maghihintay pa kami ng bus. Extended naman kasi ang bakasyon ko ng isang linggo. I can’t even count how many times Lake asked if she wasn’t dreaming, medyo masakit iyon para sa ’kin