Tumingin si papa sa akin at napailing bago ipaliwanag kung bakit inatake ng sakit si Buknoy."Naglaro ang kapatid mo ng basketball. Natuwa dahil minsan lang may magyaya sa kaniyang maglaro kaya hindi nakatanggi. Tinatanong ko nga kung sino dahil mukhang hindi taga saatin." Pagkukwento ni papa."Alam mo namang sa lugar natin kilalang bawal mapagod ang kapatid mo. Alam nilang lahat na bawal ito sa mga ganun kaya imposibleng taga saatin ang magyayaya sa kanyang maglaro." dagdag pa ni mama. "Kung ganon sino yung nakalaro mo?" lingon ko kay Buknoy. "Ewan ate, pero wala naman silang kasalanan...Ginusto ko naman ang makipaglaro ate..." mahinang boses niyang sagot kaya wala na kaming nagawa kundin tumango na lang dahil ayaw na naming pilitin pa siyang magpaliwanag. Kung iisipin ay hindi naman talaga niya kasalanan. Natuwa lang siya dahil totoong wala ni isa sa lugar namin ang gustong makipag laro sakaniya, dahil nga sakitin siya. Kaya masyado lang sigurong natuwa ang kapatid ko nang may ma
"Hala! Nalampasan natin yung bahay ni Sir Cairo." natataranta kong sabi sa dalawa."Wala sila diyan Ma'am. May mga dadaanan po muna tayo bago pumunta kung nasaan sila Boss." sagot ni Greg saakin bago iliko sa sasakyan."Saan naman?" nagtatakang tanong ko habang pinagmamasdan ang pinasukan naming street. Marami akong nakikitang malalaking shop ng mga damit, bags at kung ano-ano pa, nakakalula. Hindi ko alam na may ganito pala sa lugar na ito. "Nandito na po tayo." deklara ni Greg. "Okay. Let's do this." si Brent naman na agad ding lumabas ng sasakyan para pagbuksan ako ng pinto. "Let's go ma'am shana." Kahit litong-lito ay bumaba narin ako ng sasakyan. Tiningala ko ang napakalaking shop na puro magagarang damit ang naka-display sa salamin. "Saan ba tayo una?" dinig kong tanong ni Greg kay Brent. "Believe me bro. I don't have a fucking Idea about this stuff." si Brent naman habang nakapamulsang palinga-linga sa paligid. "Bakit naman kasi tayo pinadala ni Boss sa ganito." "Maybe
Nang makarating sa huling eskinita patungo saaming bahay ay agad kong hinigpitan ang hawak sa supot ng tinapay at gatas para mas bilisan pa ang paglalakad. Pero agad rin akong napapikit at napilitang huminto nang makarinig ng sigaw. Boses na siyang iniiwasan kong marinig. "Nakalabas na ba sa hospital ang kapatid mo Shana?" sigaw ni Aling Martha na nakaupo at naglalaba sa harap ng kanilang bahay. "Opo Aling Marites—este Aling Martha. Nakalabas na po si Buknoy kaninang umaga lang." sagot ko naman, nakapaskil ang pekeng ngiti sa labi. "Mabuti naman. Naku at balita ko nga ay nabaon nanaman sa utang iyang Tatay mo para lamang makabayad muli sa hospital." Tipid lamang muli akong ngumiti. Ngiti lang Shana, Ano naman ang dapat kong isagot? hay naku, dapat ay mas binilisan ko pa talaga ang lakad ko nang hindi ako naharang ng isang to. Akala mo lang sa una ay mangangamusta pero heto na at chismis at kung ano-ano nang sasabihin. Sa buong baryo siguro ay siya ang pinaka-pakialamera sa lahat.
"Akala ko ay napaano ka na. Mabuti at natuntun mo itong lugar na ito?" tanong ni Ate Del. Siya ang may ari ng apartment na uupahan ko habang nandito ako sa Maynila, kakilala siya ng amo nila Tatay sila Don Miguel. "May napagtanungan po babae tapos nagulat ako taxi driver po siya kaya siya po ang tumulong saaking mahanap tong apartment. Pwede na po palang maging driver ang babae dito Ate Del?" namamanghang tanong ko pa nang maalala ang babaeng driver. "Ipasok niyo na sa loob yung mga gamit, doon sa isang kwarto na may double deck," utos niya muna sa mga lalaking may karga sa gamit ko bago ako hinarap at pinaupo sa maliit na sala. "Ang mga babae dito sa Maynila kahit pagdedeliver at pagda-driver ay pinapatos na dahil sa hirap ng buhay. Wala ka ng karapatang maging choosy sa paghahanap ng trabaho ngayon." paliwanag nito, tumango naman ako at saka lamang binigyan ng pansin ang kabuuhan ng lugar. "Halika at ililibot kita," yagak ni Ate Del saakin kaya dali-dali akong tumayo at sumunod
"Ay ano kasi baby, hindi ako Mommy mo.""No! You're my Mommy! Mommy!" nagsimula ng magtubig ang mga mata nito kaya natataranta na akong napaluhod sa harap ng bata."Shh sige na huwag ka na umiyak huhu naiiyak narin ako eh." palinga-linga nako sa paligid at napansing pinagtitinginan na kami."Grabe namang Nanay yan dinala pa sa trabaho ang anak." "Kaya nga, mukhang bata pa yung Nanay. Hay naku kabataan talaga"Kebago-bago ko lang dito sa Maynila may chismis na ko, grabe ba. Hello mga Marites hindi ko naman to anak no! mga judger tong mga to."Mommy..."Halos matunaw ako nang lumapat ang maliit na kamay niya sa pisngi ko nang hawakan niya ang mukha ko. Ngayong magkatitigan kami, napansin ko lalo ang pagiging magandang bata nito."Mommy wag ka na po alish, wag mo na iwan shi Lilly mommy..." nagsimula na itong humikbi kaya no choice ako kundin kargahin ang bata."Shh tahan na baby, nasaan ba ang bantay mo? sino kasama mo pumunta dito?" marahan kong tanong habang karga siya at dahan-dahan
Napapikit ako nang makarinig ng kalansing ng mga baso at kutsara sa kusina. Kahit hindi ko makita si Erica at Angie ngayon ay alam kong parehong aligaga ang dalawa. Paano ba namang hindi? Nandito lang naman yung taong kanina lang ay pinag-uusapan namin. Hindi ko na alam kung saan ko ba ilalatag ang mga mata ko. Naiilang akong tingnan siya na ngayon ay nakaupo sa maliit naming sofa at talagang nakatitig lang saamin ng batang kalong ko. "Ehem. Fafa—este Sir eto po kape ka muna hihi" napayuko na lamang ako nang marinig ang ipit na ipit na boses ni Angie. Nakita ko pa kung paanong mapilantik niyang inilapag ang tasa ng kape sa harap ni Cairo. "Thanks." "You're always welcome!" halos lumundag na sagot ni Angie na siyang nagpatawa na saakin at kay Erica na hinila na siya papalayo. "Ah, sige mauuna na kami sa loob hehe papainumin ko pa ng gamot." ngiwing sabi ni Erica habang pilit hinihila si Angie na hindi na maalis ang malagkit na tingin kay Cairo. "Goodnight po," kahit antok na anto
Tahimik akong sumunod habang hila niya ang kamay ko. Grabe yung kamay niya... sobrang lambot nakakahiyang ikumpara sa kamay kong batak sa trabaho. Pero bakit ba kailangan hawak pa niya kamay ko? Pasmado pa naman ako nakakahiya!May pa linga-linga pa ako sa paligid dahil parang kinakabahan akong may makakita saamin. Ewan ko ba. Parang nahihiya ako na ewan. Nasapo ko rin ang dibdib ko nang makaramdam ng paghahabol ng hininga dahil sa lakas at bilis ng pintig ng puso ko. Bumaba ang tingin ko sa kamay naming dalawa nang maramdaman kong bibitaw na siya."Let's sit and talk" sabi niya sa malalim na tinig. Pero hindi ko alam kung anong kalandian ang sumapi saakin at nagawa ko ang ganitong kahihiyan.Nung mabibitawan na niya ang kamay ko ay hinabol ko pa ng hawak ang kamay nya na para bang sabik pa ako sa hawak niya, pastilan! "Ah s-sige!" taranta kong sagot, ramdam ang pag-usok ng tainga ko sa sobrang kahihiyan. Nadagdagan pa ang hiya ko nang marinig ang mahina niyang tawa na halatang nan
"What ish this Mommy?" Nilingon ko si Lilly sa kanan ko kung saan siya nakaupo. Nangingiti kong hinaplos ang buhok niya bago damputin ang pandesal."Pandesal ang tawag dito Lilly ito naman ay peanut butter." pagpapaliwanag ko habang pinupunasan ng palaman ang tinapay. "Eto tikman mo." binigay ko sakaniya ang tinapay at nakangiti siyang pinanood na kagatan iyon."Yum!" tuwang-tuwa niyang sabi matapos matikman ang pagkain. "Hahaha tuwang-tuwa ka naman bebe Lilly. Wala bang ganiyan sa house niyo? mukha naman kayong rich ah?" tanong ni Erica na kasabay naming nag-aalmusal. "Loka loka! syempre rich nga diba? tingin mo ba kumakain ng pandesal ang mga rich? syempre imported bread ang mga yan tapos pa-oatmeal and yogurt" singhal ni Angie kay Erica . "Diba baby girl?" "Uhm, yesh?" alangang pagsang-ayon ni Lilly na wari ko ay nalito sa kung ano-anong mga sinabi ni Angie.Nandito kaming apat ngayon at sabay-sabay na naga-agahan. Hindi ko alam kung nasaan ang tatay ni Lilly dahil simula ng