Share

Hired

Habang binabagtas ang daan ay pilit ko ng ikinakalma ang sarili ko. Kailangan kong kumalma at patatagin ang sarili ko. Hindi ako pwedeng mahina at magi-iyak din dahil kailangan ako nila Mama, lalo na ng kapatid ko. Tama na muna ang kakaisip sa mga bagay na gusto kong patunayan at marating, tama na muna ang pagpupumilit na maabot ang pangarap kong abutin. Tama sila, kailangan kong maging praktikal. Umayos ako nang upo nang makapasok na kami sa tahimik at walang katao-taong daan. Ito ang daan papasok sa pribadong Subdivision.

Mabuti nga ay natatandaan ko pa kung saang lugar ang bahay niya. Bago rin kasi ako umalis noong nagpunta ako dito ay talagang tiningnan ko kung anong block number ang bahay, pati ang daan ay kinabisado ko rin. Hindi ko alam kung bakit ko ginawa yun, pero mabuti na lang din, dahil mapupuntahan ko siya ngayon.

"Manong sa tabi na lang po." aligaga kong sabi nang makita ang napakalaking puting gate. Hindi tanaw ang bahay sa loob dahil kailangan mo pang lakarin yun pag
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP
Comments (3)
goodnovel comment avatar
Leila Cabodil
Next po Ms A
goodnovel comment avatar
Che Palmes Cordero
Next plssss
goodnovel comment avatar
Maria Victoria Padel Belmonte
next episode please
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status