LOGINHINDI nagsalita si Savannah hangga’t wala sila sa parking area. Hindi dahil sa hindi niya gusto kundi dahil sa sandaling nakalabas sila ng café at nakalayo kay Kristoff ay agad niyang naramdaman ang hindi dapat – her body remembered things she’s trying to forget – his scent, his touch, the way his voice used to sound when he whispered things she pretended she didn’t miss.Naupo siya sa driver’s seat, humalukipkip at pilit itinago ang nararamdaman samantalang nanatili lang si Zach na nakatayo sa harap ng passenger window, naghihintay kung paaalisin niya ito o hindi.“Get in,” she said flatly. “Bago magbago ang isip ko.”At sumunod naman ito, binuksan ang kotse at tahimik na naupo.“Five minutes. Sabihin mo na ang lahat ng gusto mong sabihin.”Dahan-dahan siya nitong tiningnan. “You look good.”Naningkit ang mga mata niya. “Ano’ng ginagawa mo rito, Zach? Kung hindi ako nagkakamali, nasa Cebu ka na dapat ngayon, having the time of your life, hindi ba?"“Nagsinungaling ako.”“Wow, consis
THE past never knocks. It just barges in uninvited.Hindi inaasahan ni Savannah na makikita si Kristoff sa café na iyon. Lalong hindi niya inaasahang makita ito nang ganoon, looking that smug – pressed navy shirt, designer sunglasses tucked into his collar and a stare so sharp, it practically peeled her skin off.Katatapos lang niyang makipag-meeting tungkol sa mining site recovery, unang pagkakataon na hindi siya lutang tulad noong mga nakaraang linggo kaya ang sabi niya sa sarili, she deserves coffee and peace. Oh well, clearly, peace took a sick leave.Naupo si Kristoff sa tabi niya na parang wala lang. “Wow, fancy running into you here, Sav. Oh, I mean, Mayor Castello.”Ni hindi nagawang tapunan ng tingin ni Savannah ang dating kasintahan. Sure, fancy. “What do you want?”“Wala naman. May mga naririnig lang ako,” mahina nitong tugon. “Alam mo na, usap-usapan. Maliit ang San Quentin, Mayor. Halos magkakakilala ang mga tao at kapag may chismis, mabilis kumalat, alam mo ‘yan.”Of cou
IT had been nine days. Not that she was counting.Hindi niya alam kung ilang minuto na siyang nakatitig sa nakahaing breakfast sa kanyang harapan - eggs, toast, and coffee na noon ay si Zach ang nagdadala. Her mornings in her office used to start with schedules and phone calls pero ngayon, nagsisimula siya sa pagtitig sa kanyang cellphone habang pinipigilan ang sarili na tingnan kung may mensahe mula sa binata.She hated him. She hated how quiet everything became since he left. She hated how her body still turned when someone said “Zach” on TV. She hated herself more for missing him.A knock snapped her out of her haze.“Sav?” sumilip si Mikee sa pinto, dala ang paborito nitong iced latte at ang mukha nitong parang nagsasabing, I told you so.“Kung nandito ka para lecture-an ako-”“Narito ako para hilahin ka r’yan sa emotional grave mo, hindi para husgahan ka,” sabi nito matapos maupo sa harap niya. “Oh well, of course, may kaunting panghuhusga rin.”She rolled her eyes. “Okay lang ak
IT was almost nine in the evening when Savannah finally stepped inside her house. Pagod, gutom. At parang gusto na lang niyang mahiga agad at matulog nang buong isang linggo. Savannah kicked off her heels and sighed, rolling her stiff shoulders. Nakakapagod ang buong araw na iyon – pakikipag-coordinate sa iba’t-ibang departamento, pagharap sa mga galit na constituents at ngayon, paghahanda para sa hindi maiiwasang political backlash. Mabuti na lamang at sanay na siya sa ganoong pressure dahil kung hindi, baka matagal na siyang bumigay.Tatlong dahan-dahan at mahihinang katok ang nagpatigil sa kanya sa paghubad ng suot na blazer. Sino naman ang bibisita sa kanya nang ganoong oras? Huminga siya nang malalim, naglakad papunta sa pinto at dahan-dahan iyong binuksan.And there he was, Zach. Still wearing the same button-down shirt he had rolled up to his elbows earlier, sleeves now slightly wrinkled. Mukha itong mas relaxed ngayon kumpara kanina, nakangiti, na para bang hindi pagod.“Din
“SAAN ba tayo pupunta?” tanong ni Savannah habang inaayos ang hinanging buhok.“Kahit saan basta malayo sa stress,” nakangiting tugon ni Zach. “You look like you need coffee, or something stronger.”Napangiti siya. “Alas-dose pa lang ng tanghali, Mr. Aguirre, hindi pa p’wedeng uminom.”Totoo naman pero ikaw ang mayor so technically, p’wede kang gumawa ng sarili mong rules.” Nakangiti pa rin si Zach matapos buksan ang pinto ng isang maliit na coffee shop ilang hakbang lamang mula sa munisipyo.Pagpasok na pagpasok nila ay ramdam agad nila ang lamig dulot ng air conditioner at ang amoy ng bagong timplang kape ang unang bumati sa kanila. Tahimik ang cafe, may ilang estudyante at office workers na abala sa kani-kanilang ginagawa. “Order ka na, Mayor,” sabi ni Zach habang hawak nito ang kanyang siko nang palapit sila sa counter. “Sagot ko.”“Wow, thanks. Pero babawi ako sa susunod, ha.”“Sure, kapag mayor na rin ako,” biro nito, dahilan para mapa-irap si Savannah kahit pa nga hindi niya n
RAMDAM agad ni Savannah ang bigat ng presensiya ng mga miyembro ng konseho pagpasok niya sa conference room. Marami sa kanila ay may kani-kaniyang agenda, bawat isa’y may gusto at plano, at lahat ng mga mata ay nakatutok sa kanya. Si Savannah Marie Castello, bilang alkalde ng San Quentin, ay laging nasa gitna ng ganoong usapan – ang balansehin ang mga interes, at kung minsan, magbigay sa mga bagay na hindi kayang iwasan.“Magandang umaga po, Mayor Castello,” masiglang bati ni Konsehal Raymundo, isang middle-aged na lalaki na may matagal nang koneksiyon sa pulitika ng bayan. Tumayo ito at nakipagkamay kay Savannah.“Magandang umaga po,” tugon niya matapos tingnan ang lahat ng nakapaligid na mga miyembro ng konseho. Nakaramdam siya ng kaba pero pinilit niyang itago iyon at nagpanggap na ayos lang ang lahat. “Simulan na po natin ang agenda para sa araw na ‘to.”Habang nagsisimula ang pagpupulong ay tinatapunan niya ng tingin ang bawat isa na naroon – may nakangiti, may nakakunot ang noo,







