Home / Romance / Hired to Serve, Forbidden to Love / Chapter 47 — Unintended Lines

Share

Chapter 47 — Unintended Lines

Author: sweetjelly
last update publish date: 2026-04-04 01:23:01
Marc

Nakasandal ako sa swivel chair ko, habang ang tingin ko ay nakatuon lang sa kisame. Pero kahit anong tagal kong tumitig doon, wala naman akong ibang nakikita kundi puro eksena lang sa party.

Ang sinabi ko kay Calessia. Hindi ko dapat ‘yon sinabi. Pero huli na. Naibulalas ko na.

Hindi ko makakalimutan kung paano niya ako tiningnan. Naguguluhan. Nagtataka. At ako… Para mabura ang sinabi kong ‘yon.

Hinila ko siya. Mabilis na lumabas sa hotel na ‘yon.

Hindi ako nagsalita hanggang makauwi kami.
sweetjelly

Goodnighty...

| 5
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (2)
goodnovel comment avatar
Lyn Magada
amin m na marc na nahulog kana kay calessia
goodnovel comment avatar
Nan
Talagangahuhulog kana kay Calessia dahil mabait siya lalo sa kanyang family kahit masama ang papa nya,kabaliktaran sa mga magulang mo Marc
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • Hired to Serve, Forbidden to Love   Chapter 48—Closer

    MarcHawak ko pa rin ang kamay ni Calessia hanggang makalabas kami ng elevator.Hindi man lang siya nagtanong kung saan kami pupunta. Sumasabay lang siya sa paglalakad ko.Tumingin ako sa kanya, pero siya, diretso lang ang lakad na para bang sanay na sanay na siya sa ganito.Hindi niya ba napapansin? Sawang-sawa na ako sa ganito. Daig niya pa ang robot na hindi makaramdam.Dinaig niya pa ako.Sa bagay, ito ang gusto ko.Susunod lang siya sa lahat ng gusto ko nang walang reklamo, pero ako rin pala ang unang magsasawa sa setup na ganito.“Where do you want to go?”Awtomatikong pumihit ang leeg niya sa direksyon ko.“Ako ang tinatanong mo?” Turo niya ang sarili. Mukha niya, hindi makapaniwala. Kitang-kita ko paano saglit na nawala ang composure niya.Tumingin-tingin ako sa paligid, saka ibinalik ang tingin sa kanya. “There’s no one else here. Of course I’m asking you.”Lumunok siya. Inilihis ang tingin sa akin. “You said you had something important to do—”“I do… you—” Itiniim ko ang lab

  • Hired to Serve, Forbidden to Love   Chapter 47 — Unintended Lines

    MarcNakasandal ako sa swivel chair ko, habang ang tingin ko ay nakatuon lang sa kisame. Pero kahit anong tagal kong tumitig doon, wala naman akong ibang nakikita kundi puro eksena lang sa party.Ang sinabi ko kay Calessia. Hindi ko dapat ‘yon sinabi. Pero huli na. Naibulalas ko na.Hindi ko makakalimutan kung paano niya ako tiningnan. Naguguluhan. Nagtataka. At ako… Para mabura ang sinabi kong ‘yon.Hinila ko siya. Mabilis na lumabas sa hotel na ‘yon.Hindi ako nagsalita hanggang makauwi kami. Hanggang sa oras ng pagtulog.Bumuga ako ng hangin.Ipinikit ang mga mata. Pinilit kong alisin ang eksenang ‘yon sa isip ko.Kaya lang, hindi ko maalis. Maging ang mukha ni Giselle na alam kong napahiya, hindi ko makakalimutan.Hindi ko rin ‘yon intensyon. Ang intensyon ko lang, dumalo sa party na ‘yon para makita nilang lahat si Calessia. Maging maingay ang pangalan niya. Ang relasyon namin.Pero sa ginawa niya kay Calessia na pamamahiya, umakyat agad ang init sa ulo ko.Wala siyang karapatang

  • Hired to Serve, Forbidden to Love   Chapter 46—At the Party

    Dumating kami bandang alas-siyete ng gabi.Hindi ko agad napigilan ang pagtingin sa paligid.Masyadong marangya ang venue. Mahabang driveway na puno ng mamahaling sasakyan. May mga valet na nakaayos ang postura, parang bawat galaw nila pinagpraktisan. Pagpasok namin, sinalubong agad kami ng mga crystal chandeliers na nakasabit sa mataas na kisame.Sa gilid, may live band. Mahina pa ang tugtog, parang pinaparamdam lang na magsisimula pa lang ang gabi. May mga waiter na paikot-ikot, dala ang tray ng champagne at kung anu-anong pagkain na hindi ko na kilala ang pangalan.Napahigpit ang hawak ko sa clutch ko.Bigla kong naramdaman ang kamay ni Marc.Hinawakan niya ang kamay ko. Mahigpit. Hindi basta hawak lang. Parang sinisigurado niyang hindi ako mawawala sa tabi niya.Hindi na ako kumontra.Tuluyan kaming pumasok sa ballroom. May iilan agad na lumapit.“Marc.”“Good evening, Mr. Belmonte.”Sunod-sunod ang bati. Ngumiti siya. ‘Yong ngiting alam kong bilang paggalang lang. Hindi totoong

  • Hired to Serve, Forbidden to Love   Chapter 45—Not Yours to Touch

    Napigil ko ang hininga ko. Parang natutuyo rin ang lalamunan ko. Ni ang laway ko, hindi ko malunok.Hindi ko rin alam kung saan ko dapat ituon ang mga mata ko.Sa mukha niya ba?Sa zipper niya?O, sa sahig na gusto kong lamunin na ako.Napakurap ako nang marinig ko ang singhap niya.“Kaya mo naman pala… nagpatulong ka pa,” mahina kong sagot.Hindi ako umalis, pero ang mata ko, sa mga daliri ko sa paa, napako.Hanggang sa narinig ko ang mahinang tunog ng zipper. Hindi ko alam kung ibinaba o tinaas niya.Mas lalo akong napayuko.“Next time, don’t touch or meddle with things that aren’t yours.”Wala akong naisagot.Pero sa isip ko, pinagmumura ko siya. Kung hindi niya ako inutusan, hindi ko ’yon mahahawakan.At saka, alam ko namang hindi ’yon akin. Hindi kailanman magiging akin.“Calessia...”“Hmm?” sagot ko. Napapikit pa ako sandali bago ko inangat ang ulo ko.Pero hindi ako sa mukha niya tumingin. Sa balikat niya. Mas safe ’yon. Hindi ko nakikita ang ekspresyon niya.“Breathe. You look

  • Hired to Serve, Forbidden to Love   Chapter 44—Careful What You Touch

    CALESSIABawat hakbang ni Marc palapit, napapaurong din ako.Hindi ko na rin mabilang kung ilang beses akong kumurap, baka sakaling mawala ang nagbabagang talim ng tingin niya.Hanggang sa hindi ko namalayang nasa likod na ako ni Lola.Doon ako nagtago. Ikinubli ang mga mata kong pilit niyang sinasalubong.Napahawak pa ako sa mga balikat ni Lola.“Come with me, Calessia…” Mababa ang boses niya, pilit na pinapakalma, pero bumabakas pa rin ang galit.Hindi ako kumilos. Napahigpit pa ang kapit ko sa balikat ni Lola nang makita kong umangat ang kamay niya.Gustong hawakan ako.“Marc!”Pumutok ang boses ni Lola sa pagitan namin. Hindi malakas, pero sapat para mapahinto siya.Hindi ko nakikita ang mukha ni Lola, pero alam kong tinaasan niya si Marc ng kilay.Kumurap-kurap si Marc, sinusubukang burahin ang maasim na ekspresyon sa mukha niya.“Bakit ka ganyan makatingin kay Calessia?” tanong ni Lola.Napalunok si Marc. Hinuhuli na naman ang mga mata ko habang pinipisil ang tiyan niya.“Masakit

  • Hired to Serve, Forbidden to Love   Chapter 43—His Weak Spot

    Pinilit kong pumantay sa bilis ng lakad ni Marc para hindi niya ako mahila habang napapalingon sa babaing iniwan namin na nakanganga pa rin.Nang tuluyan kaming makalayo, saka ko marahang iginalaw ang kamay ko.Namamawis na ako sa sakit.Doon lang siya napalingon sa akin. Niluwagan niya lang ang hawak sa kamay ko; hindi bumitiw.“Let’s just transfer to another restaurant,” sabi niya. Hindi lumingon sa akin.Nanahimik lang ako.Kaya lang, imbes na sa restaurant kami pumasok, sa isang fast food kami napunta.Hindi ko alam kung aware ba siya. Lutang siya, eh.Pagkaupo namin, saka lang siya napatingin sa paligid. Nanlaki ang mga mata niya.“Why are we here?” tanong niya, halatang hindi komportable sa dami ng tao.Nagkibit-balikat lang ako. “Sumusunod lang ako sa’yo.”Bigla siyang tumayo. Pero agad kong hinawakan ang kamay niya.“Nandito na rin lang tayo. Dito na lang tayo kumain. Gutom na rin ako.”Napilitan siyang umupo.Ako naman ang tumayo para um-order.Panay ang sulyap ko sa kanya hab

  • Hired to Serve, Forbidden to Love   Chapter 32 — His Fear

    CalessiaDahan-dahang bumaling si Marc sa akin.Matiim ang titig niya, para bang nagulat siya sa biglang paghawak ko, sa pagpigil ko sa kanya, o sa boses ko na halatang kinakabahan.“Were you worried about me?”Bahagyang tumigil ang paghinga ko.Hindi agad ako nakasagot. Parang naghahanap ng tamang

    last updateLast Updated : 2026-04-05
  • Hired to Serve, Forbidden to Love   Chapter 29 — An Awkward Night

    CalessiaHindi ko alam kung saan ako titingin.Sa sahig ba, sa dingding o sa salamin ng ICU?Kahit saan na nga lang, basta hindi kay Marc.Kaya lang, ramdam ko naman ang tingin niya sa tabi ko at lalo lang uminit ang mukha ko. Parang nagbabaga ang pisngi ko sa sobrang init. Gusto ko tuloy takpan ng

    last updateLast Updated : 2026-04-02
  • Hired to Serve, Forbidden to Love   Chapter 31 — A Dangerous Taste

    CalessiaPagbalik namin sa ICU, tahimik na ulit ang buong floor.Hindi na kagaya kanina na may mga nurse na naglalakad at may maririnig kang mahihinang usapan sa station. Ngayon, halos kontrolado na ang lahat ng galaw. Maliwanag pa rin ang ilaw sa hallway, pero parang mas lumamig ang buong paligid

    last updateLast Updated : 2026-04-04
  • Hired to Serve, Forbidden to Love   Chapter 30 — One Wrong Kiss

    CalessiaDalawang daliri lang ni Marc ang nakalapat sa ilalim ng chin ko, pero parang nakokontrol nito ang buong katawan ko.Napilitan akong tumingala sa kanya.Matiim ang tingin niya. Hindi halos kumurap at walang bakas ng biro sa mga mata.Mas hinila niya pa ako palapit sa kanya hanggang tuluyan a

    last updateLast Updated : 2026-04-03
More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status