LOGINUmepekto agad ang pagbabago sa mansyon. Ramdam na ramdam ko. Wala nang bulungan. Lahat parang takot mapatingin sa akin.
Sa opisina niya na ako nagtatrabaho, taga-ayos ng mga file, ng iskedyul niya.
Taga-hintay, at taga-sunod sa bawat dikta at utos niya.“Sir…” sabi ko nang makapasok sa opisina niya.
Laging ganito ang set-up. Papasok lang ako kapag tinawag niya. Magsasalita lang kapag kinakausap niya.
“Sit,” sabi niya, sabay turo sa sofa.
Sumunod ako. Walang tanong.
Nakatayo siya sa may bintana, may kausap sa phone niya.
“No. I don’t care how long they’ve been working with me. Remove them.”Napatitig ako sa kanya, hindi sadya.
“Yes,” dagdag niya, sumulyap sa akin. “Immediately.”
Natapos ang tawag, saka siya humarap. Bitbit pa rin ang seryoso, malamig na ekspresyon na sanay na akong makita.
“They’re fired.”
Kumurap-kurap ako. Saglit nag-isip kung sino ang tinanggal at ano ang dahilan.
Then naalala ko ang mga house staff. Tumayo ako. “Hindi niyo po kailangang tanggalin sila dahil sa akin.”
“I didn’t,” sagot niya, isinuksok ang mga kamay sa bulsa niya. “They simply forgot their place.”
“At ako?” mahina kong tanong, nakatingala sa kanya.
“You’re exactly where you’re supposed to be. Nothing has changed.”
Tumalikod siya, bumalik sa mesa niya.
Muli rin akong umupo nang makaupo siya.
Binaling ko ang tingin sa labas, tumitig lang sa makulimlim na ulap hanggang uwian na.
Saktong makauwi kami, bumuhos ang malakas na ulan. Maya’t maya kumikidlat, kumukulog. Naging balisa ang buong bahay. Lahat ng ilaw binuksan. Lahat ng kailangan hinanda.
Tumayo ako sa may bintana ng kwarto ko, tinatanaw ang malupit na bayo ng hangin sa labas. Walang kurap sa kada guhit ng kidlat sa ulap.
Hanggang may kumatok. Lumingon ako. Binuhol ko ang tali ng suot kong manipis na robe, saka binuksan ang pinto.
“Pinatawag ka ni Sir,” sabi ni Mrs. Alfonzo, sabay talikod.
Agad akong sumunod. Kapag ganitong pinapatawag ako, naka-damit man o wala, kailangan agad sumunod.
“Nasa study siya,” sabi ni Mrs. Alfonzo nang makababa kami.
Kumatok ako isang beses bago pumasok. Nakaupo siya sa swivel chair. Pikit ang mga mata, naka-cross ang mga kamay sa dibdib. Lukot na nakataas ang manggas ng polo niya, bagay na ngayon ko lang nakita.
Kung gaano kalukot ang manggas niya, ganoon din ang tensyong nakapulupot sa mukha niya.
“Pinatawag mo po ako, sir?” halos pabulong kong sabi.
Dumilat siya. “Over there,” sabi niya, sabay turo.
Natiim ko ang labi ko habang nakatingin sa carpet malapit sa fireplace na walang apoy, saka mabagal na kumilos papunta roon.
Dahan-dahan akong lumuhod.
“No.” Madiin ang boses niya. “On the chair.”
Tumingala ako, gulat. Napatayo nang maayos at tumingin sa upuan sa likuran ko.
“I never told you to kneel,” dagdag niya. “Don’t make assumptions.”
Mabilis akong lumipat, umupong tuwid ang likod, pinapakalma ang kabog ng puso ko habang mahigpit na kumakapit sa suot kong robe.
Habang si Marc, kuyom ang kamao, at sa tuwing kumikidlat, kumikislot.
Maya maya ay tumalikod siya, hinagod ang buhok niya, saktong kumalampag ang casement window nang humampas ang malakas na hangin.
Dali-dali akong tumayo, tinakbo ang bintana. Pumapasok ang ulan dahil sa hangin.
Ngunit hindi ko masara. Kahit anong diin ko, ayaw kumapit ng lock.
Lumingon ako kay Marc. Gusto ko siyang tawagin, magpatulong, ngunit nakatalikod pa rin siya.
Nangangalay na ang mga braso ko. Basa na rin ako.
“Let go,” biglang sabi niya sa likuran ko. Tumama ang labi ko sa dibdib niya, pero hindi ko binigyang pansin.
Bumitiw ako, bumalik sa kinauupuan ko kanina.
Na-lock na rin niya ang bintana.
Humarap siyang muli, saka bumaba ang tingin niya sa mga kamay kong maayos na nakapatong sa kandungan ko na parang hindi napagod sa pakikipagbuno sa bintana kanina.
Mula sa mga kamay, dahan-dahang umakyat ang tingin niya sa puson ko, sa dibdib, sa mukha ko.
Saka umangat ang sulok ng labi niya. “Why didn’t you ask for help?”
“Kasi alam ko kung ano ang lugar ko.”
Dahan-dahan siyang humakbang palapit. “Stand up.”
Tumayo ako. Huminto rin siya sa harap ko. Saka tumingin sa carpet na inaapakan ko.
“Then why did you kneel?”
“Akala ko—”
“The carpet is meant to be stepped on, not knelt on.”
Mas lumapit siya. “Unless I specifically ordered you to kneel.”
Nanunuyo ang lalamunan ko. Ito ang unang beses na wala akong maisagot.
“You are not meant to kneel.” Mas bumangis ang hitsura niya sa tuwing matatamaan ng liwanag ng kidlat.
“Go back to your room,” bigla niyang sabi.
Saglit kumunot ang noo ko. Hindi gumalaw. Pinatawag niya lang ba ako para umupo at tingnan siya?
“That’s an order,” umatras siya ng ilang hakbang.
Kumilos din ako, kahit litong-lito.
“Yes, sir.”Mabagal ang lakad ko hanggang malampasan siya, pero napahinto nang hawakan niya, saka pinihit niya ako paharap.
"Sir..." Napigil ko ang hininga ko nang dahan-dahan niyang ibinaba ang ulo niya at inilapat sa balikat ko.
Nanigas ako.
Anong nangyayari?
Ano itong ginagawa niya?Tahimik ako habang kumakain. Si Mama gano’n din. Pero si Ate, panay salita pa rin. Parang normal lang sa kanya na magkita-kita kami matapos niyang iwan kami noon.“Marc, tell me… paano kayo nagkakilala?” Napaangat ako ng tingin. Napahigpit din ang hawak ko sa tinidor.Pero si Ate, ngiting-ngiti pa rin. Excited sa kuwentong gusto niyang marinig.Nagpalipat-lipat ang tingin niya sa amin ni Marc na hindi agad sumagot. Ilang beses pa siyang napalunok at napahaplos sa batok na parang nag-iisip ng tamang isasagot.Inilapag ko ang tinidor at pinunasan ko ang labi ko. “Imposibleng hindi mo alam, Ate… imposibleng hindi kinuwento ni Papa sa’yo.” Sinadya kong diinan ang boses ko.Awtomatikong nawala ang ngiti niya. “I’m sorry, Calessia. Hindi ko alam na sensitive pala sa’yo ang topic na ’to…” Pumiyok ang boses niya. Napayuko rin siya.“Calessia…” Hinawakan ni Marc ang kamay ko. “I don’t think your sister meant any harm. I think she’s just curious.”Napatingin ako kay Marc. Mapang-unawa ang tingin
Calessia“Ma, ito po… bagay sa’yo,” sabi ko kay Mama habang pinapakita ko sa kanya ang bag na napili ko para sa kanya.Nandito kami sa mall ngayon. Namili ng mga supplies at mga outfit na rin para sa school. Next week na kasi ang pasukan, at lahat ng damit ko ay puro pang-corporate at mga designer gowns.Kahit alam ng marami ang status ko, mas gusto ko pa ring manatiling low profile. Para iwas na rin sa mga mata ng mga tao.“Anak, hindi na kailangan. Ang dami ko nang bag. Hindi ko na nga nagagamit lahat.” Kinuha niya ang hawak ko, pero ibinalik din sa istante.“Why don’t you buy something for your husband instead?” suhistiyon ni Mama.Napaisip naman ako. Ano nga ba ang puwedeng ibigay sa taong parang nasa kanya na ang lahat?Humawak si Mama sa kamay ko. Hinila niya ako papunta sa luxury boutique. “Nalilito ka kung ano ang ibibigay mo, ‘di ba?” natatawang tanong ni Mama.Tumango ako habang nakanguso. “Marami kang puwedeng ibigay. Belt, necktie, cufflinks, o kaya brooch.” Tumingin-tingin
Marc Dahan-dahan kong isinara ang pinto. Ingat na ingat akong hindi makagawa ng ingay at magising si Calessia. Kakabalik lang namin sa bansa. Ako, dumiretso agad sa headquarters para tingnan ang mga trabahong naghihintay sa akin. Si Calessia naman, pinauwi ko agad para makapagpahinga. Heto nga, at himbing na himbing ang tulog niya. Sabi niya kanina, hihintayin niya ako, pero natagalan ako sa pag-uwi dahil sa nagkapatong-patong na trabahong kailangan ng approval ko. Napangiti ako habang nakatingin sa kanya. Tahimik kong hinubad ang mga suot ko bago dumiretso sa banyo. Mabilis lang akong naligo. Pagkatapos, pinunasan ko ang buhok ko saka bumalik sa kama. Suot ang bathrobe, humiga ako sa tabi ni Calessia. Maingat kong inangat ang ulo niya at ipinatong sa braso ko. “Asawa ko…” mahinang sabi niya sa antok na boses. Hinalikan ko siya sa noo. “Go back to sleep…” Niyakap ko siya. Mas lalo naman niyang idiniin ang pisngi niya sa dibdib ko habang nakayakap din sa akin. Kahihiga ko pa l
“Asawa ko…” lambing kong sabi kay Marc na abala sa laptop niya.Nandito kami ngayon sa isang luxury cliffside terrace sa Positano. Ang ganda rito. Overlooking ang dagat. Malamig ang hangin at tahimik.“Yes, my wife…” sagot niya nang hindi man lang tumitingin sa akin. Tuloy-tuloy pa rin ang pagtipa niya sa keyboard.Napangiti na lang akong kinunan siya ng litrato. Nasa gilid niya ako, kaya kitang-kita ang tangos ng ilong niya.Diniin ko ang siko ko sa mesa at ipinatong ang pisngi ko sa palad habang nakangiting nakatingin sa kanya.Na-miss ko rin ang side niyang ’to. Seryoso, tahimik, at sobrang focused sa trabaho.Puro kasi sa akin umiikot ang atensyon niya nitong mga nakaraang araw. Totoong wala siyang kapaguran. Kahit saan kami abutan, hala tira. Nakatayo man o nakaupo, hala bira.Ikalawang linggo na namin rito. Ang akala ko talaga, isang linggo lang kami. Halos lahat ng magagandang pasyalan dito ay napuntahan na namin.At sapat na ’yon sa akin.Kasi sa loob ng dalawang linggo na ’yon
Calessia“Good morning, my wife…” nakangiting bati ni Marc pagdilat pa lang ng mata ko. Sinabayan niya pa iyon ng mabagal at matamis na halik.“Good morning, asawa ko…” sagot ko, pero sumuklob naman sa kumot.Kasi naman… naalala ko ’yong ginawa ko kagabi. Ni minsan hindi ko naisip na kaya ko pa lang gawin ‘yon… kaya ko pa lang magpaungol ng gwapong CEO.Kagat-kagat ko ang daliri ko sa ilalim ng kumot, pero sumiksik din siya sa loob.Hinila niya ako palapit sa kanya. Tawang-tawa ang loko. “Ngayon ka pa nahiya matapos ang ginawa mo sa akin kagabi?” Hinalikan na naman niya ako. Malalim. Parang may balak na naman.Bago pa siya tuluyang pumatong, inalis ko ang kumot na nakatabon sa amin.“Behave ka nga. Ang aga-aga pa…” Sinimangotan ko siya. “At saka… ang sakit pa ng balakang ko…”Agad naman siyang umatras. “Sorry…” sabi niya at hinalikan ako sa noo. Hinaplos niya rin ang pisngi ko.Pero maya maya, pinadapa niya ako sa kama.“Marc, ano naman ang—”“Massage lang kita,” sabi niya na parang in
Namula ang mukha ni Calessia. “I-I’m…”Hindi na niya natuloy ang sasabihin nang isuksok ko ang kamay ko sa likod ng baywang niya at dahan-dahan ko siyang pinadapa sa kama.Hinawi ko ang buhok niya sa isang tabi bago ko siya hinalikan sa batok.Napasinghap siya nang marahan kong sinipsip ang balat niya habang idinidiin ko ang sarili ko sa likod niya. Kaunting diin lang, saktong maramdaman niya ang init ko. Ang pananabik ko.“Marc…” hingal niyang sambit habang pilit akong nililingon.“Yes, my wife…” paos kong bulong bago ko inangkin ang labi niya.Habang magkahinang ang mga labi namin, kinapa ko ang zipper ng suot niya at dahan-dahang ibinaba iyon. Isa-isa kong inalis ang damit niya bago ko siya muling hinarap sa akin.Napakagat-labi ako habang tinititigan siya… pababa… hanggang sa dibdib niyang ngayon ay hawak ko na.Magaan kong hinulma iyon sa palad ko, minasahe, at paminsan-minsang nilalaro ang tuktok niyon.Napaawang ang labi niya. Napapikit siyang kumapit sa batok ko. “Marc…” mahi







