LOGINMabilis kong natutunan ang galaw ng bahay. Hindi lang mga dapat at hindi dapat gawin ang sinasaulo ko, pati ugali ng mga katrabaho ko.
Alam ko kung sino ang umiiwas sa akin. Kung sino ang mapanuri ang tingin. Kung sino ang bumibigkas ng pangalan ko na parang nakakain ng mapait.Mabagal, tuwid, at taas-noo akong naglalakad sa hallway papunta sa kwarto ko.
Kalalabas ko lang mula sa study ni Marc. Naghahatid ng mga dokumentong kailangan niya.Kada hakbang ko, parang may ritmo. Hindi halos lumapat ang takong ng sapatos ko sa sahig.
“Akala niya special siya,” bulong ng isang kasambahay habang dumaraan ako.
“Kung kumilos parang isang prinsesa,” mahina namang sabi ng isa pa. “Utusan lang din naman siya.”Mahina silang nagtawanan, pero hindi ko pinansin. Ni tingnan sila, hindi ko ginawa.
“Zerdan siya… malaki ang utang nila sa mga Belmonte.”
Nakuyom ko ang kamay ko. Saglit na huminto sa paglalakad.
“Kaya, ‘wag na kayong magtaka kung bakit malapit ang kwarto niya kay sir, siya ang ginawang bayad-utang.”
Nanginig ang mga tuhod ko. Pati labi ko, pero mas humigpit ang kuyom ng kamao ko.
"Bayad-utang."
Sumiksik sa utak ko ang salitang ‘yon. Saglit akong pumikit at nagpatuloy na parang walang narinig.
Maingat kong isinara ang pinto. Sinigurong walang ingay na maririnig, saka dahan-dahang lumakad at dumausdos pababa.
Tumama ang mga tuhod ko sa sahig. Ang emosyong pinigilan ko kanina, tuluyang lumabas.
Nanginginig ang mga balikat, umaagos ang luha habang takip ang palad ko sa bibig. Umiiyak ako, pero walang tunog.
Walang dapat makarinig.
Paulit-ulit kong sinasabi sa sarili ko na pansamantala lang ito. Na may katapusan din ang pagtitiis ko. Makakalaya rin ako.
Mabilis kong pinunasan ang mukha ko nang may papalapit na yabag.
Akmang tatayo, pero huli na.
Bumukas na ang pinto.
Napahinto si Marc nang makita niya akong nakaupo sa sahig.
Nagmadali akong tumayo, hiyang-hiya. Nangako akong hindi mababasag.
Pero nakita niya ako. Namumula, maga ang mata. Basag.“I’m sorry—”
“Don’t.” Matalim ang boses niya, kaysa dati. Mga mata niya mapanuri.
Gusto kong iiwas ang mukha ko, itago ang mata ko. Itago ang kahinaan ko.
Pero humakbang siya palapit.
“What happened?” Hinawakan niya ang baba ko. Inangat, saktong magtama ang mga mata namin.
“Wala po,” awtomatiko kong sagot.
Matagal niya akong tinitigan. Pinihit ko pakaliwa ang mukha ko.
“Look at me.” Malamig ang boses niya na parang nanuot sa balat ko.
May kumislot sa dibdib ko nang muntik magdikit ang mukha namin. Ramdam ko ang init ng hininga niya sa mukha ko. Hindi ako komportable.
“Who said something to you?” Ayon na naman ang boses niyang parang nanghahalukay ng bituka.
“No one,” pagsisinungaling kong ikinakunot-noo niya.
Malinaw na hindi siya naniniwala sa sinabi ko. “Kasalanan ko. Hindi dapat ako—”
Hinila niya ako. Mas malapit na ngayon.
“Who,” ulit niya.
Nanigas ang mga daliri ko sa kamay. Pero hindi ko inalis ang pagkakatitig sa kanya kahit nakakaduling na. “Hindi na mahalaga.”
“It does to me.”
Sabay kaming kumurap. Bahagya ding lumuwag ang hawak niya sa baba ko. Tipong pati siya, nagulat sa nasabi niya.
“Sir…” tawag kong parang pumukaw sa kanya.
Dahan-dahan niyang ibinaba ang kamay niya, ikinuyom sa gilid ng hita niya.
Umatras ako, saktong distansyang hindi niya ako maabot.
Pero humakbang din siya palapit.“Umiiyak ka.” Mata niya, parang pinapasok ang kaloob-looban ko. “Nasasaktan ka.”
Kanina, malamig ang boses niya. Ngayon, mainit, may angil na. Pati tingin niya, mas tumalim.
“Hindi ako umiyak dahil nasasaktan ako, umiyak ako kasi totoo ang sinasabi nila,” bulong ko.
Bigla siyang tumalikod.
Napayuko ako naman ako, sabay ang pagkawala ng hangin sa dibdib ko.
“You are not here to be humiliated,” sabi niya. “Anyone who forgets that will be held accountable.”
Tumingala ako, gulat na napatitig sa likod niya.
“Walang kailangang managot—”
“I said anyone,” singhal niya, at saka muli akong hinarap, “Including yourself.”
Nabalot ng katahimikan ang silid.
“I’m assigning you to different duties,” basag niya sa katahimikan. “Away from staff who forget their place.”
“Yes, sir.”
Lumakad siya papunta sa pinto, at huminto nang nasa bungad na.
“You are not a clown,” sabi niya nang hindi lumilingon. “Don’t let them treat you like one.”
Tuluyan siyang umalis. Ako, nanatiling nakatayo sa gitna ng kwarto, kumakabog ang dibdib.
Tumatak sa utak ko ang salitang iniwan niya. Hindi ako payaso.
Kung gano’n, ano ako?
Tahimik ako habang kumakain. Si Mama gano’n din. Pero si Ate, panay salita pa rin. Parang normal lang sa kanya na magkita-kita kami matapos niyang iwan kami noon.“Marc, tell me… paano kayo nagkakilala?” Napaangat ako ng tingin. Napahigpit din ang hawak ko sa tinidor.Pero si Ate, ngiting-ngiti pa rin. Excited sa kuwentong gusto niyang marinig.Nagpalipat-lipat ang tingin niya sa amin ni Marc na hindi agad sumagot. Ilang beses pa siyang napalunok at napahaplos sa batok na parang nag-iisip ng tamang isasagot.Inilapag ko ang tinidor at pinunasan ko ang labi ko. “Imposibleng hindi mo alam, Ate… imposibleng hindi kinuwento ni Papa sa’yo.” Sinadya kong diinan ang boses ko.Awtomatikong nawala ang ngiti niya. “I’m sorry, Calessia. Hindi ko alam na sensitive pala sa’yo ang topic na ’to…” Pumiyok ang boses niya. Napayuko rin siya.“Calessia…” Hinawakan ni Marc ang kamay ko. “I don’t think your sister meant any harm. I think she’s just curious.”Napatingin ako kay Marc. Mapang-unawa ang tingin
Calessia“Ma, ito po… bagay sa’yo,” sabi ko kay Mama habang pinapakita ko sa kanya ang bag na napili ko para sa kanya.Nandito kami sa mall ngayon. Namili ng mga supplies at mga outfit na rin para sa school. Next week na kasi ang pasukan, at lahat ng damit ko ay puro pang-corporate at mga designer gowns.Kahit alam ng marami ang status ko, mas gusto ko pa ring manatiling low profile. Para iwas na rin sa mga mata ng mga tao.“Anak, hindi na kailangan. Ang dami ko nang bag. Hindi ko na nga nagagamit lahat.” Kinuha niya ang hawak ko, pero ibinalik din sa istante.“Why don’t you buy something for your husband instead?” suhistiyon ni Mama.Napaisip naman ako. Ano nga ba ang puwedeng ibigay sa taong parang nasa kanya na ang lahat?Humawak si Mama sa kamay ko. Hinila niya ako papunta sa luxury boutique. “Nalilito ka kung ano ang ibibigay mo, ‘di ba?” natatawang tanong ni Mama.Tumango ako habang nakanguso. “Marami kang puwedeng ibigay. Belt, necktie, cufflinks, o kaya brooch.” Tumingin-tingin
Marc Dahan-dahan kong isinara ang pinto. Ingat na ingat akong hindi makagawa ng ingay at magising si Calessia. Kakabalik lang namin sa bansa. Ako, dumiretso agad sa headquarters para tingnan ang mga trabahong naghihintay sa akin. Si Calessia naman, pinauwi ko agad para makapagpahinga. Heto nga, at himbing na himbing ang tulog niya. Sabi niya kanina, hihintayin niya ako, pero natagalan ako sa pag-uwi dahil sa nagkapatong-patong na trabahong kailangan ng approval ko. Napangiti ako habang nakatingin sa kanya. Tahimik kong hinubad ang mga suot ko bago dumiretso sa banyo. Mabilis lang akong naligo. Pagkatapos, pinunasan ko ang buhok ko saka bumalik sa kama. Suot ang bathrobe, humiga ako sa tabi ni Calessia. Maingat kong inangat ang ulo niya at ipinatong sa braso ko. “Asawa ko…” mahinang sabi niya sa antok na boses. Hinalikan ko siya sa noo. “Go back to sleep…” Niyakap ko siya. Mas lalo naman niyang idiniin ang pisngi niya sa dibdib ko habang nakayakap din sa akin. Kahihiga ko pa l
“Asawa ko…” lambing kong sabi kay Marc na abala sa laptop niya.Nandito kami ngayon sa isang luxury cliffside terrace sa Positano. Ang ganda rito. Overlooking ang dagat. Malamig ang hangin at tahimik.“Yes, my wife…” sagot niya nang hindi man lang tumitingin sa akin. Tuloy-tuloy pa rin ang pagtipa niya sa keyboard.Napangiti na lang akong kinunan siya ng litrato. Nasa gilid niya ako, kaya kitang-kita ang tangos ng ilong niya.Diniin ko ang siko ko sa mesa at ipinatong ang pisngi ko sa palad habang nakangiting nakatingin sa kanya.Na-miss ko rin ang side niyang ’to. Seryoso, tahimik, at sobrang focused sa trabaho.Puro kasi sa akin umiikot ang atensyon niya nitong mga nakaraang araw. Totoong wala siyang kapaguran. Kahit saan kami abutan, hala tira. Nakatayo man o nakaupo, hala bira.Ikalawang linggo na namin rito. Ang akala ko talaga, isang linggo lang kami. Halos lahat ng magagandang pasyalan dito ay napuntahan na namin.At sapat na ’yon sa akin.Kasi sa loob ng dalawang linggo na ’yon
Calessia“Good morning, my wife…” nakangiting bati ni Marc pagdilat pa lang ng mata ko. Sinabayan niya pa iyon ng mabagal at matamis na halik.“Good morning, asawa ko…” sagot ko, pero sumuklob naman sa kumot.Kasi naman… naalala ko ’yong ginawa ko kagabi. Ni minsan hindi ko naisip na kaya ko pa lang gawin ‘yon… kaya ko pa lang magpaungol ng gwapong CEO.Kagat-kagat ko ang daliri ko sa ilalim ng kumot, pero sumiksik din siya sa loob.Hinila niya ako palapit sa kanya. Tawang-tawa ang loko. “Ngayon ka pa nahiya matapos ang ginawa mo sa akin kagabi?” Hinalikan na naman niya ako. Malalim. Parang may balak na naman.Bago pa siya tuluyang pumatong, inalis ko ang kumot na nakatabon sa amin.“Behave ka nga. Ang aga-aga pa…” Sinimangotan ko siya. “At saka… ang sakit pa ng balakang ko…”Agad naman siyang umatras. “Sorry…” sabi niya at hinalikan ako sa noo. Hinaplos niya rin ang pisngi ko.Pero maya maya, pinadapa niya ako sa kama.“Marc, ano naman ang—”“Massage lang kita,” sabi niya na parang in
Namula ang mukha ni Calessia. “I-I’m…”Hindi na niya natuloy ang sasabihin nang isuksok ko ang kamay ko sa likod ng baywang niya at dahan-dahan ko siyang pinadapa sa kama.Hinawi ko ang buhok niya sa isang tabi bago ko siya hinalikan sa batok.Napasinghap siya nang marahan kong sinipsip ang balat niya habang idinidiin ko ang sarili ko sa likod niya. Kaunting diin lang, saktong maramdaman niya ang init ko. Ang pananabik ko.“Marc…” hingal niyang sambit habang pilit akong nililingon.“Yes, my wife…” paos kong bulong bago ko inangkin ang labi niya.Habang magkahinang ang mga labi namin, kinapa ko ang zipper ng suot niya at dahan-dahang ibinaba iyon. Isa-isa kong inalis ang damit niya bago ko siya muling hinarap sa akin.Napakagat-labi ako habang tinititigan siya… pababa… hanggang sa dibdib niyang ngayon ay hawak ko na.Magaan kong hinulma iyon sa palad ko, minasahe, at paminsan-minsang nilalaro ang tuktok niyon.Napaawang ang labi niya. Napapikit siyang kumapit sa batok ko. “Marc…” mahi







