Sino team Matthias dyan! taas kamay! Gagalawin na natin ang baso!
"Pinaplano kong gagawing run-away model si Sandra." Iyon ang unang narinig ni Sandra nang pumasok s'ya sa opisina ng kaibigan. Sumimangot s'ya nang mahagip ng paningin si Raffaelo. "Hindi ako makakapayag. Sinabi ko noon sa'yo na hindi na ako tumatanggap ng ganyang trabaho." "Bakit, nagsawa ka na bang ipakita ang flat mong dibdib sa harap? Hindi naman iyan ang basehan. Maganda ka kasi at nababagay sa'yo ang bagong spring collection. Pumayag ka na," mabilis na sabi ni Raffaelo. Syempre, mabilis din niyang na-catch up iyon. Magagalit sana siya na tinawag siyang flat pero binawi niya nang maranig ang salitang maganda. Tila sinusundot ng kilg ang pwet s'ya. "Pwede ako maging model sa magazine, sa advertisement at kung saan-saan pa, maliban sa pagiging run-away model." Hindi na nag-usisa si Raffaelo tungkol sa totoong dahilan nito. Prenteng nakaupo si Aella, napabuga ng hangin gamit ang ilong at nilapat-lipat ang tingin sa pagitan ng dalawa. Pakiramdam niya tuloy
Napakurap si Aella nang tumunghay sa kanya ang inosenteng mukha ni Raffaelo. Kanina pa s'yang nakasandal sa swivel chair niya, tulalang nakatitig sa kisame. Sa pag-o-overthink ay di n'ya napansin ang pagpasok ng kaibigan. "What's the problem of Maria? Sabihin mo lang kung nahihirapan ka sa New Aurelia. Willing naman akong bawiin iyon," pabirong saad nito matapos s'yang layuan. Napamulsa itong sumandal sa lamesa malapit sa dingding, kumuha ng jelly worms at mabagal na kinain. "'Wag kang magbiro ng ganyan. Wala akong problema sa kompanya. Ang totoo, sinubukan kong umidlip pero hindi ko magawa. Ba't ka naparito?" wala sa sarili n'yang tanong. "Ni-request mo akong pumunta rito tapos iyang ang itatanong mo?Kung ibang tao ako, malamang sinigawan na kita." Nagtaka si Raffaelo sa kakaibang kinikilos nito. Ito pa nga ang nagsabi na pupunta s'ya rito pero parang biglang nagka-amnesia. Kilala n'ya si Aella kapag may problema, na-zo-zoom out palagi. Ganyan tuwing may problema sa
"Cheap? Nakalimutan mong mas cheap ka kesa sa akin! Pwede bang tigilan mo na kami? Wala na tayong dapat pag-usapan pa kaya utang na loob, umalis ka na," hirit ni Aella. Umuusok ang ilong habang pinalilisikan si Theodore. Kating-kati na siyang pumasok kaso hinarangan ulit s'ya. "Akala mo siguro hindi ko kilala ang lalaking naghatid sa inyo? I don’t give a damn if he’s stronger, richer, or more powerful than me — I will never, ever let him take my child," mataimtim na protesta nito. Kumislap ang ningas sa mga mata. "Sira-ulo ka," mahina n'yang angil, tinangkang pihitin ang pinto pero pinigilan nito ang kamay niya. "Please... don't go," pagsusumamo nito. Naiinis siya sa pagbabago ng ugali nito, dati akala nito kung sino itong god and all-mighty, pero ngayon parang na-outcast ito sa cast ng pelikulang Les Misérables. "Matagal mo na akong pinaalis. Simula noong bumuntot-buntot ka sa kalaguyo mo at iniwan ang anak mo. So, please move on and let me go!" she snapped. Ma
Sumusukong yumuko si Theodore habang nakaluhod pa rin sa malamig na sahig ng pasilyo ng hospital. Kanina pa nawala sa paningin niya si Aella kasama ang anak nila. Dumagdag din ang mga taong mahinang tumatawa at nagbubulungan. Desperado s'yang humugot ng hangin bago tumayo. Lilisanin n'yang may malaking kabiguan ang hospital ngunit muli s'ya nagkaroon ng pag-asa nang maisipan himasukin ang bahay nito mamaya. Nakangisi s'yang umalis. Sa kabilang daku naman, nakasakay na si Aella sa magarang kotse ng doctor ng anak niya. Kanina pa n'ya pinipiglan uminit ang pisngi ngunit bumibilis ang tibok ng puso n'ya tuwing magtatagpo ang mga mata nila. Hindi rin niya namalayan na nakahiga si Angelica sa kandungan nito at kanina pa nakaidlip. Kumibo s'ya nang tumunog ang cellphone nito. "What, Denise?" bulalas nito, saka kaagad na hininaan nang mapansin ang natutulog na bata. May isang parte sa puso niya ang kumirot. Why she's liking a wrong man again? Palagi na lang iyong mga 'taken' na. Mal
Nanakit ang gilid ng mga mata ni Theodore nang pinigilan niya ang mga luha. Muntik nang masagasahan ang kanyang mag-ina pero mabuti nailigtas n'ya ang mga ito. Agaran n'yang sinugod sa hospital ang mga ito maski mahigpit na tumutol si Aella. Nakatamo ito ng ilang gasgas sa siko. Samantala s'ya ay nagkaroon ng sugat sa tuhod at siko. Katatapos lang lagyan ng band aid ang siko n'ya nang mahagit si Aella at Angelica—nagmamadali umalis. Lumukso s'ya sa kama at inisang hakbang ang silid para habulin ang mga ito. "Aella, teka lang!" nagkukumahog n'yang tawag. Hindi ito kumibo o lumingon. Basta, tuloy-tuloy na umalis. Nagawa n'yang abutan ito, hinablot ang kamay at sapilitang pinihit ito paharap sa kanya. Maang na nakatitig si Angelica sa kanya pero kagaya nito ang ekpresyon sa ina nito—malamig. "Ano ba'ng kailangan mo? Dahil sa'yo ay muntik na kaming masagasahan. Pabayaan mo na kami, okay?" Muli siyang tinalikuran pero hinila n'ya ulit. "Hayaan mo naman akong makasama ang anak ko
Natuod at napanganga si Aella. Kung ganoon tama ang hinala niya na may espesyal na relasyon si Denise kay Matthias. Lumapit sa kanya, matalim s'yang inirapan na parang kutsilyo. "He's my fiancé." Tila binuhusan siya ng malamig na tubig na may sandamakmak na yelo. Tinapos na mismo nito ang pagdududa niya. "Alam ko na ikaw ang babaeng dinala niya sa hospital noong isang araw. Sino ka ba sa kanya at bakit ganoon kayo kalapit sa isa't isa?" Mahigpit nitong nilapat ang mga ngipin. "M-Mama ako ng pasyente ginagamot niya. H'wag kayong mag-aalala dahil walang namamagitan sa amin," tapat niya, sinikap maging matatag. Nanliit ang mga mata nito na may mahabang fake eyelashes. "I don't believe you. The way he caressed and carried you was as if you were his dream girl. I'm warning you—don't you dare go near him again." "P-Pero magkaibigan kami—" Tinulak nito ang balikat niya gamit ang daliri, tila mabubutas ang balat niya sa taas ng pekeng kuku nito. "Bawal ka rin makipagkaibigan sa