Home / Romance / His Abandoned Wife Sweetest Comeback / Chapter 59—Acupuncture is the key

Share

Chapter 59—Acupuncture is the key

Author: Winter Red
last update Last Updated: 2025-07-03 17:00:54

"Hindi ko alam pero hindi naman siguro masama kung subukan mo," ani Gibson na tila binibigyan si Aella ng pahintulot na gamutin ang dalawa.

Maski hindi siya doktor ay pwede niyang maibahagi sa iba ang sekretong natutunan niya mula sa ninuno nila. Ito rin ang ginamit niya noon kay Theodore kaya gumaling ito sa pagiging lumpo.

Kinuha niya sa bag ang acupuncture kit. "Medyo delikado po ito dahil hindi sa katawan pero kahit anong mangyari maniwala lang ho kayo sa akin," aniya.

Umigting ang panga nito pero hindi umimik.

Delikado ang acupuncture sa ulo pero minsan na niya itong ginawa kay Benigna noong nagkaroon ito ng migraine.

"Hindi ko alam. Wala kang permiso na gawin to pero bahala na..." alinlangan nito.

"Thank you for trusting," aniya.

Sinimulan niya ang treatment na tinagal ng ilang oras hanggang sa gumabi. Nasa tabi ngayon si Angelica at abala sa pagguhit ng kung anu-ano sa papel.

Nang matapos ang treatment ay biglang bumangon ang dalawa at ngumiti sa kanya. Halata na gumaan
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • His Abandoned Wife Sweetest Comeback    Chapter 78-First Day of School

    Dahil sa pagmamatigas ni Aella ay nagawa niyang mag-stay ang mga magulang ngayong gabi. Kinabukasan, nagising siya ng banayad na tugtong ng musika na galing sa labas. Matulin s'yang bumangon, binuksan ang kurtina ng bintana at tumigin sa ibaba. Bumilis ang tibok ng puso niya nang matuklasan na si Angelica ang nagpapatugtog ng harmonica. Nasa bakuran ito kasama ang kanyang mga magulang. At this time, her daughter seemed to have just finished playing a song, kaya todo palakpak ang dalawa sa apo. "Oh, ang husay-husay ng apo ko. Talagang nagmana sa akin. Akalain mo, perpekto niyang naitugtog iyon," malakas na saad ng ama niya. Sinundan ito ng ina niya. "Gustong-gusto ni Lola ang tugtug mo baby. My lovely Angelica is great! You're the next Bethoveen," kinikilig nitong saad. Lalong lumalim ang relasyon ni Angelica sa mga ito. Hindi na kasi natatakot ang apo at parang gusto nito makarinig ng maraming papupuri. Nahihiyang tinutop ng bata ang bibig at bumungisngis. Lumusot sa bintan ang

  • His Abandoned Wife Sweetest Comeback    Chapter 77- My Mom and Dad part 2

    Kumunot ang noo ni Theodore nang makita ang isang lalaki pagpasok n'ya ng mansyon. Hindi niya inaasahan na darating ang mga magulang ni Aella ngayon. Naiinis s'ya dahil hindi nito sinabi. Huminto ang biyenan niyang babae at una s'yang binati. "Andito ka na pala, Theodre. Nakakain ka na ba ng dinner?" Bumalik s'ya sa hwesyo at magalang itong sinagot. "Hindi pa ho. Kailan ho kayo dumating?" "Kaninang tangahi lang," sabat ni William. Tumango siya saka nilapitan ang anak para hipuin ang ulo nito. Lumamig ang boses niya nang muli s'yang nagsalita, "I still have some business to deal with. Sige mauuna na ho ako." Agad siyang dumiretso sa hagdan na di man lang hinitay na magsalita ang biyenan na lalaki. Nayayamot na siniklop ni Aella ang mga kamay niya, sumandal siya a tumingala sa kisame. Bumaling si Clarissa sa kanya, samantala, sumimangot lang si William na nasa tabi niya. "Nag-away ba kayo ng asawa mo, Aella?" Nag-aalalang tanong ng kanyang ina, "o baka may problema kayo?" Napans

  • His Abandoned Wife Sweetest Comeback    Chapter 76-My mom and dad part 1

    Umabot ng tanghali si Aella sa pag-iikot ng school ng anak, dumaan din s'ya ng mall para kompletuhin ang school supply nito. Papasok ng gate ng mansyon ay hindi n'ya inaasahan na makita ang kanyang mga magulang. May bitbit na malaki at maliit na bag ang eleganteng mag-asawa na nasa mid-fifties. Tahimik na nakatayo sa gilid ng gate at tila nagugutom na. Kumislap ang kanyang mga mata. "Pa, Ma, ba't nandito kayo?" Tawag n'ya. Mabilis pa sa alas kwartro lumingon ang dalawa nang marinig siya. Sumilay ang mapagmahal na ngiti ng mga ito. "Anak, pumunta kami rito para dalawin si Angelica. Saan ba kayo pumunta? Bakit ngayon lang kayo dumating?" Usisa ng Mama niya. Hindi agad siya nakasagot dahil nilapitan siya ni Clarissa Ramirez-ang kanyang mommy, para yakapn siya. Hindi mapaglagyan ang tuwa niya na makapiling ang kanyang mga magulang, pero at the same time, may lungkot sa kailaliman ng puso n'ya. Malaki ang pasasalamat niya sa Maykapal dahil biniyayaan siya ng mabuti, mapagmahal at maun

  • His Abandoned Wife Sweetest Comeback    Chapter 75-Stop Arguing Me

    Sandaling natulala si Aella sa inasta ng kanyang asawa. Nandito na naman sila sa eksena na mala-telenovela. Magbabangayan na wala naman magandang kahahantungan."Saan ang respeto mo? Mas matanda si Mom sa'yo, how dare you humiliate her like this?!" Bulyaw nito.Naging malamig ang buong katawan niya at pinigilan niyang tumawa. Baliktarin man n'ya ang mundo ay habambuhay na itong bulag at tanga!Nawalan s'ya ng gana kumain at tinamad magpaliwanag. "Humiliation? Wow, ang bait mo naman. Ina-elaborate ko lang ang totoong nangyari kanina. Ang problema sa'yo ay hindi mo ko binigyan ng chance magpaliwanag. Kung humiliation lang naman ang pag-uusapan... mas malala pa ang ginawa n'yo sa akin!Buhat noong namatay si Benigna Larson ay palagi na s'yang inaapakan ng pamilya nito. Ngayon na nangangatwiran s'ya ay todong depensa sa maling paniniwala nito. Binagsak n'ya ang kubyertos dahil tinatamad na s'yang ipapatuloy ang walang katuturan pag-uusap nila. Tinulak n'ya ang plato, tumayo at binuhat si

  • His Abandoned Wife Sweetest Comeback    Chapter 74—Wake her up

    "How dare you talk to me like this?" Pumailanlang ang galit at matinis na boses ni Gisella sa boung salas. "Akala ko mo siguro pwede ka pang mamuhay ng marangya sa piling ni Theo?!""Hindi ako interesado!" Singhal ni Aella. Matalim na titig ang binigay niya nang nilapitan ito. "Don't worry, I'll annull your beloved son! Tsaka, matagal ka ng atat na i-kick out ako sa bahay niyo, tama? Ngayon na bumalik ang first love niya, malaya na siyang makapiling ito. Kokontra ka rin ba?"Sinadya niya na puno ng sarcasm ang huling pangungusap para lalo itong kamuhian siya.Kumislap ang mga mata nito at tila may ibang bagay ang namuo doon. Nagpatay malisya ito at inatuloy na sinhalan siya. "Akala mo siguro maniniwala ako sa'yo? Bakit, alam mo ba ang iniisip ni Theodore? Ikaw, makipaghiwalay sa kanya? Iwan kung saan ka nakakuha ng lakas ng loob?!" Dinuro nito ang hintuturo na may matatas na pekeng kuku sa dibdib niya. "I'm warning you," naningkit ito, "you better behave yourself and show some respect

  • His Abandoned Wife Sweetest Comeback    Chapter 73-Since you're a special girl

    Naglaho ang ngiti sa labi ni Andrew matapos umalis ni Aella kasama ang anak at ang best friend nito. Umupo s'ya sa swivel chair ng kanyang opisina at dinukot ang cellphone sa bulsa. Hinanap n'ya ang number ni Matthias at tinawagan ito.Sa pagkakataong iyon ay namamahinga si Matthias. Dinilat n'ya ang mga mata nang tumunog ang paborito n'yang ringtone na killin it girl ni Jhope. "Drop the bomb," kaswal niyang usal sa paos na boses.Umaandar ang pagiging tsimoso ng kaibigan. "Tell me honestly kung ayaw mong ipa-lie detector kita bukas. Ano ang relasyon niyo?"Nagpatay malisya siya. "Pumunta ba siya ng school? Kamusta ang bata?""Pinasa ko si Angelica sa exam at bukas magpapa-enrol sila... hey! You haven't answered my question yet! Ano ba ang relasyon niyo? H'wag mong sabihin na normal lang kayong makaibigan! Buong buhay ko mag-bestfriend tayo, at ngayon ko lang nalaman na may interest ka rin pala sa buhay ng iba lalo na sa babae!"Matagal na katahimikan bago niya sinagot. "Has anyone ev

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status