Thank you po sa pagbabasa. Comment po kayo pampa-inspired :)
"Get out of my way!" Umugong ang malakas na sigaw ni Scarlet sa buong banquet hall. Natigilan ulit ang mga bisita. Wala na talagang mukha ihaharap si Theodore ngayon sa sunod-sunod na panghihiya ng asawa niya."Hindi mo ba ako naiintindihan, Miss?" Matulis itong binatuhan siya ng tingin, "Hayaan niyo akong ipaliwanag ito ng maayos, your son threatened the dog just now, so natural lang na lumaban ang aso at saka bago siya umatake ay binigyan niya ito ng warning. Kayo ang nagsimula nito, hindi niyo dinidisiplina ang anak niyo, pero ngayon gusto niyong disiplinahin ang wala kamuwang na aso?"Namula sa galit si Scarlet. "Mas mahalaga ang anak ko kesa sa aso. Hindi ako naniniwala na bawal kong saktan ang hayop na iyan!"Tinulak niya si Andrew, mabilis na nilapasan ito, inangat ang hawak na kahon at kaunti na lang ay mahahampas na ang aso. Nahindakutan si Aella dahil katabi ng aso ang kanyang anak. Sakali man natamaan ni Scarlet ang aso ay pati ang anak niya ay madadamay. Mabilis pa siya s
Hindi maitago ni Gisella ang disgusto niya habang pinapanood ang apo. Kumbit balikat siya. "Aso lang naman iyan, ano bang ikagugulat natin d'yan? Tignan mo ang sarili mo, Aell. Pinalaki mo ang anak mo para maging ignorante!"Awtomatikong dumilim na parang gabi ang mga mata ni Aella. Nasa dulo na ng dila ang mga salita niya nang umiksena si Andrew."H'wag mong maliitin ang asong ito, Madam. Ito ang pinakaespesyal na breed ng asong militar. Binagbabawal ito ibigay sa mga ordinaryong mga tao, pero dahil espesyal ang apo niyo sa kaibigan ko ay pinayagan siya."Nalula si Gisella. "What? Espesyal na military dog?" Aniya.Gaya niya ay natutula rin ang lahat. Pwede pala pangregalo ang military dogs? Sinong mabait naman ang nagbigay nito? Malaki ba ang ranko nito sa milatry? Saan ba talaga galing si Aella?Iyon ang sunod-sunod na tanong ng mga bisita sa mahinang boses.Sa gitna ng kaguluhan, pagtataka, pagtitsimis ay tanging si Angelica ang hindi naapektuhan. Buong atensiyon niya ay nandoon sa
Kagaya ng pamilya Larson, bilyonaryong pamilya rin ang mga Vandervilt. Mahahalintulad sila mga maharlika at hindi basta-basta magtitiwala o lalapitan ng iba. Sa ganoong rason kaya nangagalaiti si Gisella pati ang asawa niya. Matagal na nilang narinig sa mga tsismis na may magandang relasyon ang pamilya Vandervilt kay Aella ngunit hindi sila naniwala dahil wala namang patunay. Labis ang kanilang pagsisisi nang masaksihan ang kaganapan ngayon. Nagulat si Gisella at sinampal ng malaking selos. Tumikhim si Salvatore Larson. Humakbang palapit sa bisita ng manugang, dapat niyang batiin ang mga ito bilang head ng pamilya. Kabado s'ya pero nilakasan ang loob. "Mr. Vandervilt, hmm... I didn't expect you to come to our family's banquet tonight. Minsan lang nangyayari ang ganito, sana hayaan mong paunlakan namin kayo," magaling niyang bati. Lumapit din si Gisella, at pinilit ngumit. "Oh yes, what a tremendous honor it is to have you grace us with your presence, Mr. Vandervilt. Do join him f
Inangat ni Aella ang ulo nang maranig ang pamilyar na boses, bahagya s'yang napangnga nang matukoy ang dalawang bulto na taas noong naglalakad sa gitna ng ibang mga bisitaAng isa ay si Mr. Luhan Vandervilt. Simpatikong-simpatiko sa suot na black suit, maaliwalas ang matigas na mukha, nakahawi patalikod ang puting buhok na halatang nilantakan ng sandamak-mak na gel. Kahit matanda na ay naayon pa ri sa trend ang suot. Walang duda kasi fashion desinger at self-made millioniare ng luxury clothing line. Wala ito sa wheelchair, at tanging sungkod ang dala.Simula noong makilala n'ya ang matanda ay bumubuti ang kalagayan nito. Tinuraan n'ya kasi na magpa-acupuncture ito. Bagamat paika-ika ito ay hindi maikukubli ang mala-dugong maharlika nitong kilos.Nasa tabi nito si Luella, nakasuot ng dark blue starry sky dress at nakalugagay na kulot nitong buhok na hanggang balikat. Parehong elegante ang mag-lolo. Nagkagulo ulit ang mga tao. "'Di ba si Luella Vandervilt iyan? Nandito rin s'ya. At
Nag-uuyam na ngumisi lamang si Sandra sabay balik sa posisyon niya kanina. Samantala si Theodore ay di na matiis ang panghihiya nito. Nasa publiko sila at malaking kasirain ito ng reputasyon ng pamilya at negosyo niya. Matalim niyang pinasadahan ng tingin ang asawa saka nilipat kay Raffaello. "Mr. Conti, I don’t care what your relationship is now. Aella is still my wife. You’d better know your place and act accordingly." Pilyong tumawa si Raffaelo na tila isang biro ang narinig. "You're so kind to remind others that they should have a sense of moderation? Bilang kasadong lalaki, bakit hindi mo alamin kung paano pigilan ang sarili kapag gumagawa ka ng kabalastugan sa iba? Pinapalabas mo na si Aella lang ang may kabit dito." Sumalpok ang kilay ni Aella at matapang itong hinarap ang asawa. "I won't be your wife soon, Mr. Larson, so don't talk about this," nagyeyelo n'yang bwelta. "Pagkatapos nito, pirmahan mo agad ang agreement. Ayoko ng magkaroon ng kahit anong kaugnayan sa pamilya n
Hindi inaasahan ng lahat na may matapang na tatayo sa harap at pagalitan ang pamilya Larson. Malaking kahihiyan iyon. May iilan na ngumiwi sa inis, may iba rin tumango bilang pagsang-ayon sa sinabi ni Sandra. Maliban sa myembro ng pamilya ni Theodore. Nagmumura sa isip si Gisella at gustong ipakaladkad ang babae palabas. Lalapitan sana nito pero biglang may umugong na baritonong boses. "Perfetto!" Sabi nito sa Italian na ibig sabihin ay perpekto. Awtomatikong kinilig ng lahat ang ulo sa entrada ng banquet hall. Tumunghay sa mga ito ang makisig, matangkad, may malapad na dibdib at gwapong lalaki. Nakasuot ng tailored black suit, itim din ang makintab na shirt at may burguny tie. Mukha itong dugong-bughaw at elegante at nakapakaskil ang tipid pero mapanganib na ngiti sa mukha nito. Nanliit ang kumikinang na mga mata nito. "Is that... Raffaello Conti, the CEO of Conti Group?" "Nakakamangha naman, imbitado pala siya rito. Sa pagkakaalam ko madalang siya dumalo sa ganitong okasyon."