Maraming salamat po sa pagbabasa. Sana walang iwanan. Nagsusulat ako mula umaga hanggang gabi alam niyo ba hahaha. Tatagos na po sa pader hehe Basta ang importante mapasaya ko po kayo naks! :))
Mula pagkabata ay namumukod tangi ang talento ni Aella sa mundo ng fashion design. Ang kanyang ningning ay hindi pwede balewalain. S'ya lamang ang napiling disciple ng 'Phantom Couturier', ang isang alamat na binubulong lamang sa pasilyo ng mga pinaka-prestihiyosong Fashion Academy. Habang ang iba ay nahihirapan habulin ang pabago-bagong trend, siya ang lumikha ng bagong pamantayan. Hinahangaan siya ng lahat dahil mahusay n'yang mga disenyo. Grumadwyet siya na may maraming parangal. Naging sentro s'ya ng inggit ng lahat, lalo na ang kanyang mga kaklase at guro. Laman palagi s'ya ng usapan noong pinapatayo niya ang sariling clothing line. She is the pride of her parents and her relatives. Kaya naging maligaya ang mga ito noong nalaman na bumalik s'ya sa dati niyang mundo. Alam n'ya ang nararamdaman ng mga magulang niya at nakokonsensiya s'ya. Sinuway n'ya ang mga ito sa nakaraan, pero ngayon, hindi na! "Pinapangako ko sa inyo na magpo-pokus na po ako sa sarili ko sa susunod a
Sinalubong agad si Aella ng katiwala niyang kasambahay nang dumating sila ng mansyon. "Ma'am, umuwi po si Sir kanina at hinahanap kayo. Parang gusto niyo ho kayong kausapin," imporma nito. Hindi na bago sa kanya 'yon, malamang pinadala na ng abogado ang subpoena rito. "May dinala ba siyang dokumento para pirmahan ko?" Umiling ito. "Wala po." Sumimangot s'ya. Hindi na s'ya intersado magsayang ng mga salita rito, at pumayag siyang makipaghiwalay at iiwanan niya ang mansyon na walang dala, pero bakit ayaw pa rin nito? "Tutal wala ka ng feelings sa pamilyang ito, bakit ayaw ka na pa nilang pakawalan?" nalilitong tanong ng Mama niya. "Sigurado ka bang wala kang binanggit na property sa agreement? Hindi nating gusto ang pera nila, at tanging si Angelica lang ang gusto natin! Ano ba ang gusto nila?" Naiinis na sigaw ng Papa n'ya. Automatikong napatango si Aella. "Tama kayo, hindi ko kailangan ng pera niya," sang-ayon niya. "Eh, walang rason para hindi ka n'ya pakawalan. Sa
Gusto niya talaga magpa-annull? How dare she? Sa isip-isip ni Theodore habang binabasa ang dokumento. Binalot siya ng lungkot at kaba. Lumala pa nang mabasa ang nakalista niyang kasalanan. Halimabawa doon ay ang long-term cold violence laban sa asawa niya, ang hindi pagtupad ng kanyang resposibilidad at obligasyon ng edukasyong ng kanyang anak bilang ama nito at ang hindi pagiging tapat sa kasal nito. Nanginginig sa galit ang kanyang kamay at may bagyong lumitaw sa kanyang mga mata. Good job, Aella. Ang lakas ng loob mo. Sumandal palapit sa kanya si Scarlet dahil napansin nito ang pagsimangot n'ya. "Ano'ng nangyayari, Theo? Bakit ang sama ng tingin mo? Ano'ng dokumento ba 'yan?" Sunod-sunod nitong tanong. Nagtanggaka itong silipin pero mabilis niyang sinara. "Nothing. May gagawin lang ako, kaya uuwi muna ako. Bumalik ka na sa trabaho mo at pagbutihin mo." Matapos nitong sabihin, ni hindi binigyan ng tamang eksplenasyon ang babae ay kinuha niya ang coat at nilisan ang opisina.
"Mas mainam na idadaan namin sa korte! Sa ayaw niya't sa gusto, wala na siyang magagawa!" ani Aella sa determinadong tono. "Hindi ko hahayaan na baliwalain niya ulit ito. Sisiguraduhin kong magsisisi s'ya sa ginawa niya amin ng anak ko." Masayang tumango si Sandra, sumubo muna ng pizza at pinakita ang one hundred percent support sa kanya. "Teka, pagkatapos nito ay pupuntahan natin ang pisan kong abogado," anito at sumubo ulit. "Salamat," anas niya. "Sana magtagumpay ka this time," bulong ng kaibigan. Tipid na ngti lamang ang ginanti niya. Sandali muna silang kumain. Inibos ang malaking pizza at dumiretso na sa opisina ng pinsan nitong abogado. "S'ya si Attorney Raymundo Laxamana, ang matandang huktuban kong pinsan," imporma nito. "Alam na niya ang tungkol sa sitwasyon mo, siya kaya ang gumawa ng drafts noon. Wala ng maraming introduction, meet and greet agad kayo." Hindi n'ya mapigilan ngumiti, sadyang pinagpala siya ng kaibigan na may motto na 'you only live once, kaya dapat in
"Paano niyo..." nawawalan siya ng hangin. Hindi niya kayang ipagpatuloy ilabas ang nasa isip n'ya. Lumukot ang mukha ng kanyang ina, hayagan ang iritasyon nito at tila gustong magwala. "Anong akala mo, hindi namin nakikita ang galawan niyo rito? Kung totoo ka niyang mahal, bakit wala s'yang paki at madistansya siyang tao? Hindi naman siya ganito dati. Naniwala ako noong sinabi mo na abala lang s'ya kanyang trabaho." Suminghap ito, "pero ngayon na bumisita kami, bumakas ang lungkot sa mukha mo. You were obviously unhappy, but you still had to put on a force smile to us. Sa katawan mo pa lang, alam namin na may problema na. Nagbubulag-bulagan ka lang!" Hinipo nito ang balikat niya. "How can it be like this when you truly love someone? Ako nga, tuwing masakit ang ulo ko o may lagnat ako, mag-aalala agad ang Papa mo, pero itong asawa mo, ni sulyap sa'yo ay hindi magawa at wala rin siyang pakialam sa apo ko!" Nabasag ang boses nito at sumisinghap na lumapit sa kanyang ama. "Kaninang ta
They're so disgusting, sa isip-isip n'ya. Kinuyom niya ang mga palad at nanginginig ang buong katawan sa iritasyon. Nahihirapan siyang pakalmahin ang sistema sa mahabang panahon. Napigilan niya ang sarili nang tinawag siya ng kanyang ina, bumuga ng hangin at bumalik sa lamesa nila. Katatapos lang kumain ng kanyang mga magulang noong dumating siya. Agad n'yang niyaya umuwi ang mga ito upang hindi makita ang nakakalungkot na eksena ngayon. Alas dos ng hapon, niyaya niyang mamasyal ang dalawa sa Luneta para makalimutan saglit ang asawa. Umuwi rin agad sila nang mapagod ang dalawa. Nadatnan niya ang sarili na tinitimplahan ng kalamansi juice ang dalawa. Nasa salas ang mga ito at abala sa pagpaplano kung bibisitahin ba ng mga ito ang mga magulang ni Theodore. "Minsan lang tayo nadadayo rito. Kung hindi natin sila bibisitahin, baka sabihin nilang ang babastos natin," anang ni William. "Tama ka, kailangan natin dumaan sa kanila," pagpayag ni Clarissa, "sabihan natin si Aella na tawagan