Thank you for reading po. Hanggang dito muna sa ngayon. See you tomorrow! :)
"What's going on? Do you need to go to the hospital?" Nag-alalang tanong ni Matthias matapos niyang inangat ang ulo. Mistulang aakyat sa langit ang hilatsa ng kaibigan niya. Kinawag nito ang kamay, humihingal na umupo sa malapit na upuan at tumingala sa kisame. "May nakain yata akong bawal kaya umandar ulit ang gastrointestinal disease ko. Hindi ko naman siguro ito ikakamatay?" "Pero ang kilos mo ay parang mamamatay na," anas niya. Hindi nito pinansin sa halip ay bumaling ito kay Aella at nasa mata ang pagpapahumanhin. "I'm sorry, Miss Ramirez. Hindi ko in-expect ito, mabuti nandito si Matthias para tulungan ako. Pasensiya na talaga, sana hindi ko nasira ang stage play." "No, don’t worry..." Umiling si Aella. "Mahusay niyang nagampanan ang role niya kanina, kaya wala namang dahilan para mahirapan ako. Sa totoo lang, it was an honor to meet him." Dati, gusto n'yang ma-meet ito para sa anak niya pero nabigo siya. Kaya bakit naman siya maba-bother na makita ito ng di inaasahan? Maru
Bumalik si Aella sa backstage kasama si Angelica at ng lalaki matapos bumaba ang kurtina ng stage. Tinanggal niya kaagad and headscarf sa mukha. Tanging kalahati ng mukha niya ang makikita habang umaakto siyang lola ni Red Riding hood at makakahinga na siya ng maluwag matapos tanggalin iyon, binagsak ang itim na itim na buhok at bahagyang kinawag ang ulo saka ngumiti sa lalaki sa harap niya. "Thank you for accompanying us today, Teacher Andrew and for completing such a great performance. Ang saya ng anak ko. Kung hindi mo kami tinulungan malamang kalabasa ang performance namin. Pero, napansin ko, binago mo ba ng kaunti ang final performance? Naging simple eh," mahabang wika niya. Tila natigilan ang lalaki sa sinabi niya. Saka tinaas nito ang kamay upang tanggalin ang headgear. "Well, I changed it. Wala na kasi akong oras para i-memorize ang buong scriot. Pasens'ya na ko kung hindi ako pamilya. Sana hindi ka naapektuhan." Habang nagsasalita ito ay ibang tao ang tumambad sa kanyang
Napapayag din ni Aella si Andrew. Maaga silang dumating sa venue para i-polish ang final rehearsal. Ang kwento na ipe-perform nito ay Little Red Riding Hood. Si Aella ang lola, at si Andrew naman ang big bad wolf at magsusuot ito ng costume. Wala naging problema dahil handa na ang props at story script. Ngunit nangangaba siya na baka magka-stage fright o umandar ang sakit ni Angelica sa gitna ng performance. Laking gulat niya na kahit sa practice pa lamang ay confident ito at kabisado agad ang mga linya kahit dalawang beses pa lamang na itinuro rito. Lumipas ang ilang oras ay nasipagdatingan na ang ibang mga bata kasama ang mga magulang ng mga ito. Nagmali siya ng akala na baka makaramdam ng pagkatalo ang anak niya kapag makita ang performance ng iba pero taliwas ang reaksyon nito sa iniisip niya. Ito ang unang beses na nakapanood ng stage play ang anak at aliw na aliw. Napansin n'ya si Andrew na bala sa pag-alalay sa mga bata at may ilan na pinalapit kay Angelica para makausap nito
Umalingawngaw ang papuri ni Gisella Larson kay Scarlet. Inimbitahan nitong kumain ng hapunan kasama ang pamilya nila. Talagang mabait at talentado si Scarlet. She doesn’t just know how to handle the business, she got also real skills. Kung sino man ang mapangasawa niya ay talagang swerte!" Nahihiyang ngumiti si Scarlet," ang bait niyo po, Tita. Nakaka-flattered naman. It's also a blessing to have you in my life po." Natutuwa rin si Tyler sa kanya at pinuri si Jaspher na nasa tabi niya. "Kahit na bata ka pa, ang talino mo na! Marunong ka nang magbasa at tumulong. Ang galing mo," anito sabay pindot sa ilong ng bata. Lumaki ang ulo ni Jaspher at lalong nagmayabang. "Grandpa, I also draw a horse at school today, and guess what... nanalo po ako ng first prize. Sabi po ni Teache, ibibigay n'ya po ang certificate bukas." "Waah! You're so amazing! You're still young but you're already talent. Ipakita mo sa akin ang drawing mo ha," abot langit ang tuwa na saad ni Gisella sabay palakpak. T
Napansin ni Aella na naging speechless ang asawa kaya tinamad siyang sayanging ang oras dito at mabilis na lumapit kay Angelica. Nagpasalamat muna s'ya kay Andrew bago binuhat ng anak saka nilampasan si Theodore na naging bato sa tabi. Noong gabing iyon ay nagluto ng masasarap na pagkain si Yaya Helen. Sumali rin si Aella kahit na minsan lang siya nagluluto, sinadya niya para mapasaya si Sandra. Bitbit ang umuusok na sisig ay umupo siya sa round table nila. Maingat nilapag ang ulam saka tinawag ang yaya. "Sumabay na lang ho kayong kumain sa amin, hindi rin namin ito mauubos eh." Nataranta ang Ginang at nahihiyang winagayway ang kamay. "H-H'wag na ho. Nakakahiya naman." Nasa isip nito, kasambahay lang s'ya, ba't naman kakain kasama ang amo. Tumayo si Aella at hinatak siya paupo. "Wala na tayo sa mansyon ng mga Larson. Hindi na uso rito ang amo at katulong. Simula ngayon kakain ka kasama kami," banayad niyang wika. Namula ang pisngi ng ginang pero hindi nito kayang tanggihan ang
Tulalang nakaupo si Theodore sa gitna ng kanyang paperworks. Nandito s'ya ulit sa kanyang opisina, ang kanyang imperyo at minamahal na Larson Company. Napatid ang pagkatulala niya nang pumasok si Scarlet upang i-report ang trabaho nito. "The Larson Physical Mall has been rushed to completion. Do you want to go take a look?" Anito. Kumurap siya, humugot ng malalim na hininga upang baguhin ang masamang pakiramdam. Naging ganito s'ya simula noong umalis si Aella sa kanyang mansyon. Inayos niya ang suit saka nagsalita. "No need, just take responsibility." Umismid si Scarlet sa pagiging malamig at malayo nito. Ilang araw ng ganito ang lalaki sa kaya matapos buhat noong nangyari sa birthday party. Wala itong ganang makipag-usap o di kaya tinatapos agad ang usapan nila. Na-vaccinate na rin si Jaspher sa hospital, bumubuti na ang lagay nito ngayon pero hindi ito bumisita sa anak niya. Naaasar din s'ya sa pangungulit nito na makita ang lalaki. Nagpapansin siya nitong nakaraan pero parang h