Thank you so much sa inyong lahat! Itutuloy ko po ang story. Sana nandyan pa rin kayo.
Napangiwi si Sandra nang matanaw si Raffaelo. Malapad ang ngiti, masiglang naglalakad at may bitbit na isang supot. Sa palagay niya ay isda ang nasa loo n'on.Kumibit-balikat siya. Umagang-umaga'y mukha agad nito ang bubungad sa kanya. Kahit anong gawin niyang paraan ay di siya pinapayagan ng tadhana na walain ito sa buhay niya. Pasalamat ito dahil may amnesia kundi binulyawan at binugbug na niya."Good morning!" bati nito. "Nag-jogging lang ako, nakalibre ng isda pa. Para sa inyong dalawa ito ni Antoine."She gritted her teeth. "Sigurado kang binigay sa'yo ng libre, di mo ninakaw?" Naatat siyang alipustahin ito. Nangigigil siyang isubsob ang mukha ng lalaking minsan niyang minahal.Napalis ang ngiti nito at pinalitan ng makulimlim na ekspresyon."Hindi magnanakaw. Masamang magbintang ng tao, alaahanin mo. Ang totoo, may nakilala akong ilang mababait na mangingisda at binigyan nila ako ng mga sariwang isda," katwiran nito, may lungkot sa tono.Tinaas-baba niya ang tingin pero walang b
Madilim na mukha ang sinalubong ni Sandra kay Raffaelo. Kahit na magpanggap siya ay di nito maitago ang hinanakit sa kanya. Masama ang loob nito dahil lamang sa misunderstanding. "Nagluto ako. Siguradong gutom ka kasi dinadagsa ng turista ngayon ang resort," aniya, iyon na ang pinakabanayad at masuyo niyang boses. Ngumuso ito. "No, thanks. Busog ako. Nasaan si Dale? Baka mamaya may ginawa ka sa anak ko." "Ba't ko naman sasaktan ang anak mo? Hindi naman ako masamang tao. Nadoon siya kanyang silid," saad niya, may lungkot sa kanyang tono. Gigil na gil na siyang ipagsisigawan ang 'sorry' kaso lalong sasama ang kalooban ni Sandra kapag malaman nitong nagsisinungaling siya. For the meantime, he needs to practice his patience. "Ano ba'ng ginagawa niya?" asik nito, kulang na lang ay mag-transform na itong ampalaya sa sobrang pait ng mukha at asal. "Kanina pa nagda-drawing. Hindi ka ba talaga kakain?" kaswal niyang tugon. Humigpit ang pagkunot ng noo nito. "Sinabi kong busog ako. Nas
Kanina pa masama ang tingin ni Sandra. Mahigpit niyang binabantayan ang anak habang kasama si Raffaelo. May amnesia nga ito pero tila alam ang iilang detalye tungkol sa kanya. Katulad ng paborito niyang gulay at kulay. "Kailangan mong kumain ng ampalaya para lumaki ka kaagad. Alam mo ba'ng paboritong gulay ito ng Mama mo?" pang-iinganyo nito sa bata. Malakas niyang hinampas ang kamay sa lamesa dulot para huminto ang dalawa. Naasar siya panoorin ang dalawa na parang mag-ama. "Ma, galit po ba kayo?" Kumikinang ang mga mata na tanong ni Antoine Dale. Napalunok siya. Nagkamali siya sa inasal. Iiyak kasi ito kapag makita siyang galit. "No, anak, na out of balance lang si Mama kaya nahampas ko ang lamesa. Kumain ka na." Tinabihan niya ito sa pag-upo. Sinikap na balewalain si Raffaelo na nakaupo sa kabilang bahagi. Umaasta itong ignorante at palaging na ko-curious sa lahat ng bagay. "Sandra, tikman mo naman ang nilito kong adobong pusit. Masarap iyan," presinta nito. Masam
"Raffaelo? Sino 'yon?" sunod-sunod na tanong ni Raffaelo. Bagamat kinakabahan na baka mabuking ang pagpapanggap ay nanatili siyang kalmado at inosente. Hindi siya magaling sa umakto at unang beses niyang gawin ito. Noong nasilayan si Sandra ay nangigili siyang yakapin ito, pero biglang pumasok sa isipan niyang magpanggap upang alamin ang dahilan ng paglayas at pagtatago nito. Dapat niya munang pigilan ang pagkasabik dito. Lalo umakyat ang pagkasabik niya nang malaman na may anak sila. Kung ganoon buntis pala ito noong iniwan siya. Gusto niyang magwala. Sa kagagawan ng madrasta niya ay nasira ang payapa nilang pamumuhay at pinagkaitan siya ng anak. Humugot siya ng malalim na hininga para pigilan ang pag-iyak. "Ikaw si Raffaelo Conti, isang multimillionaire CEO ng Conti Luxury Brand," paliwanag nito. "Okay," walang gana niyang tugon. Nauubusan ng pasensiya itong hunugot nf malalim na hininga. "Bahala ka kung ayaw mong maniwala. Basta alam ko na iyon ang pangalan mo." "Bakit alam
"Tingnan niyo kung buhay pa 'yan," pahayag ng isa sa mangingisda. "May pulso pa siya pero kailangan natin tumawag ng ambulansya!" tugon ng isa. "Nasaan na ba si Sandra? Baka kakilala niya!" "Paano kung asawa niya!" "Ang advance mo naman mag-isip. Paano kung kapatid niya." "Hindi naman sila magkamukha!" "Tumahimik nga kayo!" Saway ng isa na kinatahimik ng lahat. Napailing si Sandra na nilapitan ang kanyang asawa. Nakahalata sa dalampasigan, walang malay. Kahit labag sa loob niya ay nagpanggap siyang mabuti. Pipi siyang nananalangin na sana'y hindi siya makikilala nito. "Hindi ko siya kilala. Hindi ko siya asawa o kapatid. Isa lamang siyang dayo na nawalan ng malay—hindi ko alam kung inanod ng dagat o biniktima ng mga tulisan. Tsaka wala rin akong ideya kung bakit sinasambit niya ang pangalan ko," kalmado at matatag niyang saad. Napatango ang lahat pero maiilan na ayaw maniwala. Inayos niya ang tindig, akmang talikuran ang lalaki pero bigla nitong hinawakan ang paa ni
"It's been five years but I still didn't find my wife," naiiyak na saad ni Raffaelo sabay luhod sa harap ni Aella. "Ikaw na lang ang pag-asa ko. Nagsusumamo ako, tulungan mo ko." Napatutop ng bibig ang kaibigan niya. Umabot na sa limitasyon ang pasensiya niya at hindi na niya kayang magtiis. Ito na lamang ang natitirang pag-asa niya. Matalik na kaibigan ito ni Sandra kaya may posibilidad na may alam ito kung nasaan ang kaibigan. "Raffaelo, please don't it," tila nasisindak na wika nito. Luminga-linga si Aella at nakita niyang nakapamulagat sa gulat ang kanyang asawa na si Matthias. Payapa silang kumakain ng tiramisù nang dumating si Raffaelo at nagmakaawa sa kanya. Pinangako niyang poprotektahan niya ang kaibigan at bawal niyang sabihin kung saan ito. "To tell you honestly, I was framed by my stepmother. Pinadala niya ang babaeng humahabol noon sa akin para gumawa ng kalokohan—" "Yeah, yeah. I already know that story," pamumutol ni Aella, "tumayo ka muna. Tinitingnan na tayo