Share

chapter 2–Angelica

Author: Winter Red
last update Last Updated: 2025-06-13 08:14:03

Aella stood in awe, overwhelmed with joy, as she surrendered herself—body and soul—to the one man who had captured her heart.

Ang lalaking pinakasalan niya dahil sa kahilingan ng lola nito at ang lalaking bumuntis sa kanya. Ang ama ni Angelica Marie Larson na tatlong taong gulang na ayaw tanggapin ng lahat dahil sa sakit nito maliban sa yumao nitong lola.

Tiniis niya ang ilang sandaling pag-alipusta ng mga ito.

Theodore's cold eyebrows moved and finally paid some attention to her. Matalim siyang tinitigan bago ito lumapit sa kanya. "Bantayan mo ng maigi ang anak mo dahil maraming media ngayon dito. I don't want anything to be wrong at grandma's funeral. Do you get it?"

Magaling lang ito magbigay ng reminders at warnings pero walang ambag sa anak nito.

Binalewala niya ang nagmamasid na mga tao, na para bang normal na sa lahat na may kabit ito at tinik lang siya sa relasyon ng dalawa.

Ang malambing nitong mga mata kanina ay naging malamig at malayo sa kanya. Tila dinudurog ang puso niya habang nakipagtagisan ng tingin dito. Kinagat niya ang ibabang labi at piniling tumahimik.

Iniwas niya ang tingin at bumaling sa puntod ng yumao niyang grandmother in-law at nanalangin na sana payapa itong tumungo sa piling ng Diyos.

Mayamaya'y kinuha niya ang kamay ni Angelica. Nais niyang magpakalayo para humugot ng sariwang hangin. Akma siyang aalis nang bumuntong hininga si Theodore. Kumunot ang noo nito at halata ang pagkadismaya. Saglit ay bumalik ito sa tabi ni Scarlet. Natilihan siya nang mapuna ang mapupulang mata nito dahil sa pag-iyak at mukhang kawawa.

Inabot ni Theodore ang malinis nitong panyo sa dalaga na nakangiti naman nitong tinanggap. Hayagan ang pagiging sweet ng dalawa sa harapan ng madla kaya nakuha ang atensyon ng lahat. Sa pagkatulala niya ay di niya napansin na binitawan niya ang anak at tumakbo ito. Gulat niyang hinabol pero huli na ang lahat nang mabangga nito ang paparating na batang lalaki.

Nanginig ito, halatang natakot. Hinatak niya patayo ang anak at inirapan ang bata na masama silang pinasadahan ng tingin. Then, he opened his mouth and said, "kilala kita... anak ka ni Dad 'di ba? Sabi nila, may problema ka daw sa utak, tama?"

Nanlaki ang mga mata niya, hindi niya inaasahan na ganito ka bungangero ang isang three years old. "Sino ka ba? Ang talas ng dila mo ha!"

"Anak lang naman ako ni Scarlet Dixon! May problema?" Kumibit balikat ito. "And my dad... is Theodore Larson!"

Bumilis ang tibok ng puso niya. So, matagal na pala siyang tinatrayidor ng dalawa at may anak pa.

"Abnormal ba ang anak niyo? Ba't di makapagsalita? P**e ba? Tanga? O may sayad sa utak?" Matapos siya tadtarin ng tanong ay muli ito nagsalita. "No wonder everyone dislikes her..."

"You..."

Muntik na niya itong sigawan ngunit biglang nag-tantrum si Angelica.

"No... hindi... totoo 'yan..." hiyaw nito.

"Angelica..." mangiyak-ngiyak niyang pinantayan ang anak at niyakap ito para patahanin. "Tahan na anak, 'wag ka maniwala sa sinasabi niyan. Ikaw kaya ang pinakamatalino at masunurin kong baby sa buong universe."

Imbes na kumalma ay lalo itong umiyak dahil hindi nito naririnig ang sinasabi niya. Iyon din ang dahilan para makuha ang atensyon ng media. Nagkarerahan ang mga ito na lumapit sa kanila at tinutok ang camera. Saka niya natanto noong tumikhim si Theodore. Nawala sa isip niya na nasa libing pa pala siya.

He looked down at her and yelled angrily. "Ano'ng kalokohan ito? Kasasabi ko lang sa'yo na bantanyan mo 'yang anak mo. Kahit kailan ay wala talaga kayong ginawang matino!"

Mas hinigpitan niya ang pagyakap sa kanyang anak, itinago ang magkahalong galit at pangamba. "Hindi naman sinasadya ni Angelica."

"Hindi sinasadya? Halata naman na gumagawa kayo ng eksena eh. Sa dami-dami ng araw ngayon pa talaga nag-tantrum iyan!"

"Ininsulto ng batang iyan ang anak mo! Sa palagay mo hindi siya maiirata sa ginawa nito?!"

"Away bata lang iyan. Pinapatulan mo pa!"

"Ang talas ng dila ng bata—"

Kumunot ang noo nito at malamig na pinutol ang pagsasalita niya. "Kakauwi lang ni Jaspher sa Pilipinas at ngayon niya lang nakilala si Angelica. Ba't niya naman ito iinsultuhin? If you want to find an excuse, find a reasonable one!"

"Nagsasabi lang ako ng totoo, Theo." Tumayo siya't binuhat ang anak.

"Tapos na ang libing ni lola, mabuti pa umuwi na kayo kaysa gumawa ulit kayo ng eskandalo rito!"

Naiinis siya sa pagiging walang tiwala nito sa kanya. Mayamaya'y dumating ang masasahol nitong kamag-anak.

"Oy, nagpapasikat ulit?" sabad ni Tyler Larson—ang nakababatang kapatid ni Theodore. Isa rin ito na may matinding hinanakit sa kanya. Nakapamulsa itong lumapit sa kanya at muling nagsalita. "Saka bilib ako sa talent mo ha. Para mapansin ni kuya ay ginagamit mo pa mismo ang anak mo. Alam mo nagbibigay ka lang ng kahihiyan sa libing ni Lola. Tama si Kuya, umuwi ka na at pagnilayan ang kalokohan mo."

"Hindi ako—"

Hindi niya natapos ang pagsasalita nang bigla siyang tinalikuran at padabog na nilampasan ang mga tao.

Bumuntong hininga si Aella. Kahit saan siya magpunta ay sinusundan pa rin siya ng mga taong ayaw sa kanya.

"Ano'ng tinutunganga niyo? Umuwi na kayo!" taboy ni Theodore bago sila tinalikuran.

Tiniis niya ang kirot habang marahan na humahakbang palayo ng sementeryo. Wala rin siyang masakyan na kotse kaya napilitan siyang lumabas at maghintay ng taxi.

Sa kasamaan palad ay naabutan siya ng ulan. Bagaman nangangatog hatid ng malamig na hangin at ulan ay tiniis niyang maghintay sa gilid ng daan hanggang sa may humintong taxi.

Nanginginig din ang kanyang anak na pulang-pula ang mga mata. Hinalikan niya ito sa ulo bago sumakay ng kotse. Mahimbing itong natutulog dahil sa sobrang pagod sa pag-iyak kanina.

Di niya inaakala na ang pamilya ng matandang kumupkop at nagmahal sa kanya ay mas masahol pa sa hayop ang ugali. Nais niya lamang magpaalam sa matanda, hindi ang masaksihan kung paano siya pagtaksilan at bitawan ng masasakit na salita ng kanyang asawa sa harap ng ibang tao.

Pipi siyang umiyak habang pinagmamasdan ang tanawin sa labas.

Continue to read this book for free
Scan code to download App
Comments (2)
goodnovel comment avatar
Winter Red
thank you po hindi ko po kayo bibiguin
goodnovel comment avatar
Gemma Andrade Celoso
Sana maganda ang kwento na to..susubaybayan ko po ito gang dulo...️
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • His Abandoned Wife Sweetest Comeback    Chapter 199—It's been a while

    "Angelica, namiss ka ni daddy. Pwede ba kitang makasama kahit isang araw lang?" pakiusap ni Theodore.Sinubukan niyang kunin ang anak mula kay Aella subalit tumalikod ito at nilibing ang mukha sa balikat nito. Nakakasulasok s'yang pinagkatitigan ng dating asawa."Kung iniisip mo na sinusundan kita—""Don't talk to us casually. Nakalimutan mong malaki ang atraso mo sa anak mo. Wala rin akong pakialam kung hindi mo kami sinusundan o sinusundan. Get out of our way, Mr. Larson." umaalab na singhal ni Aella, nilampasan ito sabay bangga sa balikat. Nilakasan niya para maramdaman nito na totoo siyang galit.Naikuyom ni Theodore ang mga palad, pumait ang hilatsa ng mukha at sinundan ito. "Aella, you can hate me forever but give a chance to be with my daughter."Napatiim bagang s'yang huminto. "Kung gusto mong makasama ang anak mo, pwes magkita tayo sa husgado. Pero siguraduhin mong ipanalo mo ang kaso.""Oo gagawin ko mismo 'yun. Hihintay ko lang ang hudyat mo."Nabagot s'ya at minabuti niyan

  • His Abandoned Wife Sweetest Comeback    Chapter 198—New Love Interest

    Chapter 198—New Love InterestKanina pa masama ang tingin ni Sandra kay Aella. Hindi na siya komportable lalo na bala siya sa pagtatahi. Nalampasan niya ang confession ni Raffaelo kanina, aminado siyang nalungkot siya na saktan ang kaibigan pero kesa paasahin ito ay mabuti pang sabihin niya ang totoo. Matagal na pala itong may gusto sa kanya pero hindi niya magawang mahalin ito. Para sa kanya ay nakakatandang kapatid niya lamang ito. She will never be romatically attractive to him. Kahit ganoon ang nangyari ay tinanggap nito ang rejection niya at naging profesyonal ito. Sisikapin nitong hindi maaapektuhan ang trabaho. Nanatili s'yang nonchalant at aminado siyang may internal struggles siya. She can't figure out what her true feeling is to Matthias now. Ibang-iba ito tuwing makikita niya. Mas higit pa ang nararamdaman niya rito kesa kay Theodore.Speaking of his ex-husband, nabalitaan niyang sinisante nito si Scarlet."Aella, kaka-hiwalay mo lang. Nag-a-I love you ka na agad sa iba. T

  • His Abandoned Wife Sweetest Comeback    Chapter 198—As A Friend

    Sinundo ni Raffaelo si Aella sa apartment nito. Nakipagbangayan ulit s'ya kay Sandra nang makita ito. Dadaling siyang hinila palabas at nagpaalam sa anak nito. Lumipas ang ilang sandali ay nasa simbahan na sila. Panay ang sulyap ng lahat dahil nagkataon na matching ang suot nilang damit. Wala silang imikan sa seremonya ng kasal hanggang sa venue. Kinagabihan, hindi mapigilan ni Raffaelo na magpakalasing. Kumakanta s'ya habang pasuray-suray na naglalakad nang masalubong ni Aella. Nag-aalala ito sa kanya. Wala siya sa sarili na pinulupot ang mga kamay sa beywang nito at sininghot ang leeg nito.Nadatnan ni Aella ang sarili na naglalakad sa mabatong bakuran ng bahay ni Raffaelo. Malakas ang tibok ng puso n'ya, naiinis siya sa kalasingan ng kaibigan pero at the same time ay naaawa siya. Ibibigay niya sana ito sa sekretaryo nito subalit ayaw siyang pakawalan ng binata. "Naisip mo rin ba minsan kung... paano magtagpo ang lalaki at babae?" anito sa makapal na boses, makintab ang mga mata h

  • His Abandoned Wife Sweetest Comeback    Chapter 197—Raffaelo's Feelings

    Lumipas ang isang linggo, gaya ng dati ay abala pa rin si Aella. Pero ibang proyekto na ito. Hindi kasi bigat gaya noong ini-sponsor ni Mr. Vandervilt. Isang simpleng christmas fashion gala na gaganapin sa Okada Manila bilang selebrasyon sa opening ng Aurelia Luxury Perfume and skin care collection.Abot tenga ang ngiti n'ya habang pinapanood ang bestfriend na todo bigay ang pagpo-pose sa picturial para sa advertisement ng Aella Perfume's Collection. "Kahit kailan ang OA ni Sandra," naiinis na wika ni Raffaelo. Muntik s'yang umiktad sa pagsulpot nito sa tabi n'ya na parang kabuti. "Mabuti na lang may maganda siyang mukhang ipagmamayabang."Mataman n'yang inirapan ito. "H'wag mo talagang iparirinig sa kanya kung ayaw mong ipakulam ka n'ya," biro niya."Ha!" pakli nito, saka siningkitan s'ya ng mga mata. "Available ka ba mamaya?"Kumunot ang noo niya. May kutob s'ya na may masama itong gagawin. "Samahan mo kong pumili ng damit para sa kasal ng kaibigan ko. Akala ko hindi n'ya ako inim

  • His Abandoned Wife Sweetest Comeback    Chapter 195-Paying Special Attention

    Napaisip ng malalim si Matthias matapos marinig ang saloobin ng best friend niya. Biglang tumindig si Andrew nang mapuna ang pagiging tahimik niya. Iniisip ni Andrew na si Matthias na mismo ang magsasabi ng totoong nararamdaman nito, hindi na niya kailangan sumawsaw pa. Mayamaya'y nagpaalam siya dahil marami pa siyang importanteng gagawin.Pagkaalis ng kaibigan, tinaas ni Matthias ang paningin kay Prescott at tinanong ito. "What do you think of what Andrew said to me just now? Talaga bang binibigyan ko ng special attention si Miss Ramirez?"Palagi s'yang naniniwala dahil ganito lang siya kay Angelica. Hindi inaasahan ni Prescott na mahahantong siya sa ganoong problema. Paano ba niya sasagutin ito? Saka, anong sagot naman ang gusto nito? Ilang sandali siyang nalilito at hindi niya alam kung paan magsisimula.Naging matalas ang mga mata ni Matthias. "Mahirap ba talagang sagutin? Kailangan ba talagang maging hesitant ka? Just say what you want to say," nauubusang pasensiya niyang angi

  • His Abandoned Wife Sweetest Comeback    Chapter 194—He Care for them

    Sinara ni Andrew ang bibig nang matauhan. Alam n'ya ang tungkol sa contract marriage na ito. Isang antikong alyansa sa pagitan ng Sullivan Family at Marasigan Family. Nakakatawa ito para sa kanya. Anong era na ba sila ngayon? At bakit nauuso pa rin ang arrange marriages? Gayunpaman, mataas ang estado ng pamilyang sullivan at masyadong binibigyan halaga ang pagtitiwala kaya seryoso ang mga ito sa ganitong bagay. Kilala ni Matthias, hindi agad-agad nitong tatanggapin at hahayaan na manipulahin ng pamilya nito. His bestfriend never had any girlfriend due to this reason. Naka-lima na s'ya at heto single pa rin ito. Inikot n'ya ang mga mata at walang ginawa kundi ibahin ang usapan. "Bumubuti na ang kondisyon ni Angelica, huh. She's interacting now with those people she knows on a daily basis, almost like a grown up child. Salamat sa treatment mo." Huminto siya, naningkit ng mga mata. "Ah, napansin ko... napahaba yata ang stay mo sa Manila. May tatanungin sana ako pero hindi ako sigurad

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status