Share

Chapter 1

ALLYZA POV

Hanggang ngayon hindi padin ako makapaniwala na magiging isa akong baby maker.

FLASHBACK

"We both in needs and God already answered our prayers. Be my son's baby maker." Bigla nyang sabi.

"P–po ba–baby maker?" na otal kong sabi.

"Yes all you have to do is to bear his child, and if you agree to it bibigyan kita ng 10 million for this job," sabi niya at tumingin sakin nanlaki naman ang mata ko ng marealize kong gano kalaki ang ibabayad nya sa trabahong to.

"10 Mi–Million?" otal ko ulit na tanong tumango naman sya at ngumiti hala totoo bato?.

Ito naba ang kasagutan sa hiling ko sa inyo Jesus? Pero kaya ko ba?.

"Yes is it a deal?" bigla ulit nyang tanong tumango lang ako hinawakan naman nya ang kamay ko.

"You will not regret this here," sabi nya ulit at May sinulat sya sa papel.

Tas tulala lang akong nakatingin sakanya pagkatapos niyang sulatan yun eh lumapit sya ulit sakin.

"Here 2 million paunang bayad ko sayo for your father's operation, then 2nd payment is when you and my son meet so I trust you won't disappoint me okay?" sabi nya lang ulit napatingin naman ako sa binigay nya.

Cheque na nagkakahalaga ng 2 million lumaki naman ang mata ko, shit totoo nga napa kurot naman ako sa braso ko at masakit yun so totoo nga.

Nakatingin lang sakin yung May katandaan babae.

"Nag offer po kayo agad eh di nyo naman po ako kilala," sabi ko lang napangiti lang din sya.

"Nah your face won't lie for the fact that you need this and I'm Celestina Evans nice to meet you dear," bigla nyang offer sa kamay nya see nauna pa ang cheque kaysa pagpapakilala ang weird din.

End of flashback.

Diko alam kung sasaya ba ako na pumayag ako pero kailangan na kailangan ko ito eh, napa iling nalang ako at napatingin sa cheque na hawak-hawak ko ngayon.

Malungkot naman akong nakatingin kay papa, natutulog na sya ng maka uwi ako sinuklay ko naman ang buhok ni papa gamit ang mga daliri ko.

"Oh anak naka uwi kana pala," bigla itong nagising at napatingin sakin.

Ngumiti naman ako,"Opo papa at bukas pala po pupunta na ulit tayo sa hospital, para naman po ma alagaan kayo dun." sabi ko nagtaka naman sya.

"May pera naba tayo anak? alam kong malaki ang babayaran natin kahit dimo pa sabihin," tanong nya napangiti lang ako at umiling, ayoko syang mag alala kaya diko talaga sinabi sakanya ang totoong babayaran.

Hinawakan ko ang kamay nya, "Di ah kaya ko yung bills papa ako pa ba kaya ikaw papa, laban tayo okay?" ngumiti lang ako tumango naman sya.

Tinulungan ko syang mag kumot ng na pag desisyon na syang matulog ulit, tumulo ang luha ko nang makitang nahihirapan na sya na a apektohan na kasi ang buong katawan nya kaya nahihirapan na syang kumilos.

Kina umagahan naghanda na akong makipag kita kay Mrs. Evans ang sabi nya umaga nya ako kikitain sa nasabi nyang hotel.

Naka simpleng t-shirt at pants lang ako ginising ko muna si papa sasamahan ko muna sya sa hospital para e confine siya ulit dun.

.

.

.

Nang makarating kami sa hospital ay inasikaso agad sya ng mga nurse. Dina nagtanong yung doctor pero natuwa sya na ini confine ko agad ulit si papa.

Nag paalam naman ako kay papa na mag tra-trabaho na pero ang totoo e pupunta lang naman ako sa nasabing hotel.

Nang makarating ako sa D.E hotel isa itong 5 star hotel dito sa Pinas, nalula ako sa laki nito papasok palang ako e humarang agad yung guwardiya.

"Hindi kami hiring ngayon," harang nya sakin kumunot naman ang noo ko, seryoso? mukha ba akong mag a apply? sabagay Naka simpleng t-shirt at short lang naman kasi ako.

Nag isip naman ako ng isasagot. "Naka check in po ako jan and you want to get fired po ba for stoping me? My mom is waiting there," straight face kung sabi ginaya ko lang ang mukha ni tita when she is talking to me.

Buti nalang talaga at mukha akong mayaman at pang best actress talaga yung pang mayaman conyo ko.

Nakita ko namang na shock yung guwardya at nag sorry agad gusto kong matawa pero straight face padin akong pumasok.

Walang lingon-lingon na pumunta ako sa receptionist, continue with the straight face Allyza dika inaapi ngayon pero jusko mahirap pala maging si tita.

"May I help you ma'am?" Ask agad ng receptionist.

Ngumiti naman ako English Allyza kaya moto. "Hmmm is Mrs. Celestina Evans check in here perhaps?" tanong ko with a soft smile oh diba plastic yan?

"Hmmm your name po?" tanong nya iwan ko ha pero sobrang bait nang aura nya, siguro ganyan talaga pag nasa receptionist kailangan approachable yung aura.

"Allyza Shane Chu po," magalang koring sagot tumango sya at may tinawagan.

Nakita ko namang tumingin sya sakin at May sinasabi sa ka tawag bigla pang lumaki ang mata nito ng napatingin sakin. Hala ano kayang meron?

Pag tapos nyang makipag usap e lumapit sya ulit sakin, "Ju–jusko po buti di kita tinarayan anyway po May susundo po sa inyo dito sa baba," sabi nya para syang na hugotan ng tinik nung sinabi nya yun sakin.

"Okay kalang?" tanong ko para kasi syang kinakabahan.

"I'm okay po," sabi lang nya.

"Ms Chu?" May biglang nagsalita sa kaliwa ko napatingin naman ako.

Isang lalaking Naka tuxedo ang tumambad sakin, "ah yes po?" turo ko sa sarili ko tumango sya at parang tinuro ang daan.

"This way Ms." sambit nya.

Tumango naman ako at dahan-dahang sumunod, pumasok kami sa elevator tas ni click nya sa pinakataas at nasa 60 floor yun di naman ako umangal at tahimik lang.

*Ting*

Pagkadating namin sa 60th floor lumabas sya at sumunod naman ako, ang galing connected sya agad sa isang buong floor yung kwarto.

Namangha naman ako sa ganda ng buong kwarto na para nang bahay, tapos yung pader is glasses na kitang kita yung view sa labas.

May tawag sa ganito, pero diko lang alam pang mayaman yun e.

"Hello my beautiful Allyza!" biglang May nagsalita napangiti naman ako ng makita si Mrs. Evans.

Nakipag beso-beso sya sakin ang ganda nya talaga for old woman, para talaga syang si tita kung manamit yayamanin.

"Hi po Mrs.Evans," bati ko.

Hinila nya naman ako bigla, "Come come you need a make over you'll meet my son and Mr. Diovani would help you," biglang turo nya sa bakla.

Parang isang fashion designer yung aura nya at alam mong sa pananamit din nito, kahit hindi sya mukhang babae pero alam mong bakla dahil sa pa cross arm nyang parang babae.

"Oh hello dear, ay maganda madam kaya pala gustong-gusto mo," arte nitong sabi napa ngiti lang ako.

"I know right," agree naman ni Mrs.Evans.

Di nalang ako nag react ng pina upo nya ako sa upuan at May malaking salamin sa harap with the lights pa sa gilid, parang pang make up artist sa mga artista back stage mga ganun.

_______________

"Okay madam May I present to you the ever beautiful Allyza Shane Chu," biglang sabi Mr.Diovani sa labas.

Andito kasi ako sa loob ng fitting room diko din makita ang sarili ko dahil wala nang salamin. Tinulungan nila ako kanina na maisuot tong long dress na binigay nila.

Tapos biglang nagbukas yung kurtina at tumambad si Mrs.Evans sakin.

Nung nakita nya ako ay nagpalakpak pa sya sa saya.

"Oh my god! Di ako nagsisi na ikaw ang pinili ko oh gosh look at you–" sabi niya at tinignan ako mula ulo hanggang Paa, napangiti naman ako.

"–Ang ganda mong bata iha," sabi nya ulit at ni guide niya ako sa malaking salamin.

At dun ko nakita ang sarili ko pati ako ay napahanga. "Eh sino to?" bigla kong natanong ng malakas natawa naman sila.

"It's you iha you are so beautiful," compliment ulit ni Mrs. Evans bigla namang tumulo ang luha ko.

Nag panic naman sila, "iha bat ka umiiyak,".

"Eh kasi po ang ganda kopo," iyak ko sabay tawa pinahiran ko naman ang mukha ko at napangiti, natawa din sila at napangiti ulit.

My mom is Elegant and Beautiful when she was alive ganito sya kaganda gaya ng sakin, diko alam buong buhay ko kasi diko na ayusan ang sarili ko.

Matangos ang ilong ko gaya ni papa and nakuha ko ang mata ni mama na blue, then yung dimples ko kay mama sobrang dami kong nakuhang features kay mama.

Then dumating ang lunch diko alam na umabot pala kami ng lunch time, tinawagan ko din si papa kung okay lang sya at pati yung nurse na nag aalaga sakanya is tinawagan ko din.

*Ting*

habang Naka upo kami sa dinning table e may narinig akong pagbukas ng elevator.

Baka si Damon nayon na kwento kasi ni Mrs. Evans na sa lunch time daw dadating ang anak nyang si Damon.

Bigla namang tumambad samin ang lalaking Naka tuxedo. He has will build body then sobrang taas nya mga 6 footer ata buti nalang 5'7 ako.

Nakakunot noo naman syang tumingin sa paligid at napa dako ang tingin nya sakin. Grabe naman yung tingin pero yung mata nya sobrang ganda kahit ang sungit ng aura.

Trim build, hindi masyadong muscular. Itim na itim na buhok Matingkad na kulay abo na mga mata Malakas na panga Romanesque na ilong.

Nahiya naman ako bigla ng magsalita si Mrs.Evans.

"Hello my handsome son. have a sit," biglang sabi ni Mrs. Evans.

Nang matapos syang titigan ako umupo sya sa tabi ko opo tumabi sya sakin.

"So what is this all about mom?" bigla nitong tanong.

Di ako nakapag aral pero nakaka intindi naman ako ng English.

Ngumiti lang si Mrs.Evans at tinignan ako. Napatingin din si Damon sakin.

"Allyza is here to conceive your future child." seryosong sabi ni Mrs.Evans.

"She's what mom? That's how desperate you are, mom? to find a carrier to my future child?" galit nitong sabi.

Sabi na e di ito papayag pwede naman kasi syang makahanap, sa mukha niyang yan.

"I am Damon. I am desperate and if you think this is too much then go left. I'm not getting any younger and your at the right age to marry but no you're like a stone, I'm tired of fixing dates with you then you always giving that woman a cold shoulder," galit na sabi ni Mrs.Evans.

"And I will disowned you if you keep on disagreeing with me,"

Nakita ko namang napa iling nalang si Damon.

"But you know I have Nathalie mom she's –," sabi bigla ni Damon.

"She's a bit*h," pinutol ni Mrs.Evans ang sinabi ni Damon, napa iling naman si Damon dahil dun at sino naman tong si Nathalie?.

"The Nathalie that left you? The Nathalie that rejects your proposal? The selfish bit*h who always requested luxury things to you I get it that you love her you are so blind that you didn't even know she is seeing other guys—," hinto bigla ni Mrs.Evans nakita ko ding naka yuko na si Damon.

"And we didn't even talk about how disrespectful she is to me, if you want to wait for her go but I won't hesitate to disowned you this time. I'm so sick of your choices son."

Napakapit ako sa lamesa dahil sa tension nilang dalawa.

"Okay mom but this woman needs to marry me first," cold nitong sabi.

Nabigla naman ako ano kasal?.

"No! Just carrying the baby would be enough!" galit na sabi ni Mrs.Evans.

Baby bearer lang naman ako dapat ako walang kasalan na magaganap.

"Yeah I know but she would be carrying my child, but don't worry mom it would be a fake papers just in case and the news about the marriage will be public so yeah and that's final," tugon naman nito yung boses nya parang boss e.

Yung parang na ki-kipag business transaction lang.

Napatingin naman si Mrs.Evans sa akin.

"Okay lang ba sayo iha?" malungkot nitong tanong.

Ngumiti lang ako,"okay lang naman po fake lang naman e, chaka pinasok kona po ito panindigan ko nalang din,".

Tumango naman sya sa narinig nakita koding nakatingin si Damon sakin.

"Sorry sir Damon ah trabaho lang din po kailangan ko lang din," sabi ko sakanya.

"It's fine woman are beggars and gold diggers anyway. So better be ready wife," cold nitong sabi.

Bigla naman itong tumayo at diri diretsong sumakay ng elevator.

"Pag pasensyahan Mona iha ah," sabi bigla ni Mrs.Evans.

Tumango lang ako at ngumiti, Dina bago sakin ang mga ganyang ugali mga anak ni tita lalo na ang pinsan kong sobrang yabang na akala mo hawak niya yung mundo.

I won't back down gold digger na kung gold digger, masasaktan paba ako dun e binabayaran naman talaga ako.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status