Share

His Baby MAKER - Damon Evans
His Baby MAKER - Damon Evans
Author: Lord Shinji

SIMULA

ALLYZA POV'

"Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa Allysa. Kinakailangan ng papa mo ng kidney transplant sa loob ng isang buwan, kung hindi ay maari itong ikamatay ng papa mo kapag 'di niya na ito nakaya," paliwanag sa akin ni Dr. Francis ang gumagamot kay papa.

Noong nakaraang dalawang linggo lang ay nagrereklamo si papa na masakit ang tiyan niya at kahapon lang ay bigla na lang siyang nahimatay kaya mabilis ko siyang dinala sa ospital para malaman ang kalagayan nito.

Ito na nga ang resulta sa dinaramdam nito hindi ko alam na malala na pala ang kalagayan niya. Kapag kasi may nararamdaman si papa kahit na malala na ang sakit nito ay hindi ito nagsasabi saka na lang malalaman kapag may nangyari ng masama sa kanya. 

"Kung gano'n po doc, magkano naman po doc ang gagastusin ko sa kidney transplant ng papa ko?" tanong ko.

"1.9 million, pero hindi pa sigurado ang chansa na magiging matagumpay ang operasyon ng papa mo."

"Ano po?" 

"Sa kadahilanan na malala na ang sakit nito sa atay kaya't konektado na rin ito sa buong katawan. Kaya hindi magiging madali ang operasyon niya."

"Ilang persyento po doc?" Halos nagmamakaawa na ang tuno ng aking boses.

"10%."

Nanlambot ang aking mga tuhod kung magkano ang aabutin sa kidney transplant ni papa lalo't mababa rin ang persyento na magiging matagumpay pero kahit na gano'n para sa akin na desperado ay mataas na ito. 

Subalit, saan naman ako kukuha ng ganun kalaking halagang pera para sa pang opera niya?

Kahit 'ata magtrabaho ako buong buhay ko 'di ko ito kayang kitain ang gano'ng kalaking halaga para lang sa kidney transplant lalo't pa't tagalinis lang ako sa Jollibee. Napabuntong hininga na lang ako at tanging tango na lang ang naisagot ko sa kanya.

"Sige po doc, gawin mo po ang lahat para gumaling ang papa ko at ang pambayad ako na pong bahala roon basta po gumaling lang ang papa ko. Kahit magkano handa ako magbayad," puno nang pagsusumo kong saad.

Nilabas ko na si papa sa ospital matapos siya icheck up dahil ayaw rin manatili roon ni papa kasi dagdag gastusin pa raw ito. Hindi ko na nga rin sinabi ang presyo ng operasyon niya dahil sigurado ako ay hindi ito papayag sa gano'n kalaking halaga. 

Nang makauwi kami sa bahay ay nagtatanong si papa kung anong pinag-usapan namin ni Dr. Francis pero pinili kong 'di na sabihin sa kanya.

Nagpaalam mo na ako kay papa na may pupuntahan lang. Dadalaw ako kay tita na kapatid nang yumao kong ina. Mayaman ang mga tita ko lalo na si mama kaso lang nang pumanaw ito ay tinakwil kami ni papa dahil sa galit na mas pinili ni papa na mabuhay ako kaysa kay mama. Tinanong ko 'yon kay papa pero ang sabi niya, hindi ko raw iyon kasalanan dahil kahit piliin niya si mama ay mamatay pa rin ito kaya ako ang pinili nito. 

Nang makarating ako sa mansyon ng tita kung saan nakatira kami dati si papa kasama si mama. Sa labas pa lang ng gate ay hinarang na ako ng guwardya na nagbabantay sa labas ng mansyon. 

"Kuya kakausapin ko lang po ang tita ko. May mahalaga lang po talaga akong sasabihin sa kanya," pagmamakaawa ko habang hawak-hawak ko ang braso nito pero marahas niya lang 'yon hinawi rason para mapalayo ako sa kanya. 

"Ma'am Allysa kabilin-bilinan po ni Madam na huwag po kayo papasukin. Pasensya na po sumusunod lang po ako sa ito," mahinahon na paliwanag nito. 

Pero hindi ako nagpatalo at nagpupumilit pa rin ako pumasok sa loob. Wala akong pakialam kung mababa man ang tingin sa akin ng tao pero buhay ni papa ang nakasalalay dito. Kung kailangan kong lunukin ang pride ko gagawin ko kung ito lang ang tanging paraan para maligtas si papa ay balewala ito. 

Sa nangyari kay mama ay hindi niya kami magawang patawarin kaya rin kami pinalayas sa mansyon na ito kahit si papa ang asawa ay wala pa ring laban siya sa mga ito. Hindi naman talaga ako pupunta rito kung wala lang akong kailangan kaso kung hindi ko ito gagawin ay maaring ikamatay 'yon ni papa. 

Malakas na busina ang nagpatigil sa akin na kulitin ang guwardiya kaya naman lumayo ito sa akin at binuksan ang gate kaya gumilid ako para makadaan ang BMW kung saan nando'n si tita. 

Huminto ang sasakyan sa tapat ng guardhouse at binaba nito ang binta sa backseat. "What's happening here?" stirktang tanong ni tita sa gwardiya kaya bago pa makasagot si kuya agad akong lumapit sa nakabukas na binta para makausap ito. 

"Tita ako ito si Allysa," bungad ko rito. 

Tinaasan niya lang ako ng kilay. "What are you doing? Didn't I say I don't want to see your face here?"

"Alam ko pa 'yon kaso nagkaroon po kami ng problema ni papa. Kanina lang nadala siya sa ospital at sabi ng doctor kailangan niyang operahan sa loob ng isang buwan kung hindi ay mamatay si papa. Kaya po ako naglakas ng loob para pumunta rito kahit alam kong hindi niyo po ako gusto," mahabang lintaya. 

Natawa ito ng sarkastiko. "I do not care? Even if it takes away life. It's out of my concern and I also, when I begged him to spare my sister's life to choose her even though I knew there was little chance that she would also survive but what did your dad say to me? He said, no. I won't take a risk. Now, you are asking me to save your fathers life? Who is he to ask me that? Ask, God for that. Let's go. " Pagtapos tapos niyang sabihin no'n ay pinaharurot na ng drayber ang sasakyan at naiwan akong tulala habang ang mga luha ko ay tuloy lang sa pagpatak. 

Bagsak ang balikat na naglakad na lang ako 'di ko na alam kung saan ako patungo.  May nakita akong chapel doon na lang muna ako nagpalipas ng sakit na nararamdaman ko. Wala nang tao dahil hapon kaya lumuhod akong naglalakad patungo sa altar at nagdadasal sa panginoon na bigyan ako ng lakas at pag-asa na magpatuloy pa. Dahil kung hindi ako makakahanap ng pera sa loob ng isang buwan ay baka magbenta na lang ako ng katawan o kahit ano basta mabayaran ko lang ang operasyon ni papa. 

Habang nagdadasal may babaeng lumapit sa akin at narinig 'ata nito ang pagsusumamo ko at desperada kong dasal. 

"I can help you with your dad's operation but you have to do me a favor." Seryoso ang boses niyang nakatingin sa pigura ni Jesus na nakapako sa kross.

"Po??" Nagtatakong tanong at napasinghot dahil sa pag-iyak. Kaya nagpunas ako ng aking mga luha habang nakatingin sa kanya. 

"We both in needs and God already answered our prayers. Be my son's baby maker."

Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Chloe Rose
qng cno man po my full story ni2 p avail nman po
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status