Home / Romance / His Beautiful Lie / Chapter 1: Ang Tawag na Ayaw Niyang Sagutin

Share

His Beautiful Lie
His Beautiful Lie
Author: castrojasmin4

Chapter 1: Ang Tawag na Ayaw Niyang Sagutin

Author: castrojasmin4
last update publish date: 2026-10-20 20:48:52

Talong beses nang nag-vibrate ang cellphone ni Eve Dela Cruz sa ibabaw ng mesa.

Hindi niya iyon pinapansin.

Nakaupo siya sa pinakadulong bahagi ng maliit na cafe sa tapat ng ospital-malayo sa p***o, malayo sa counter, at lalong malayo sa grupo ng mga babaeng nagkukuwentuhan sa kabilang mesa.

Ganoon naman siya palagi.

kapag may pagpipilian, lagi niyang pinipili ang lugar na hindi matao. Ayaw niya ng ingay. Ayaw niya ng mga estrangherong masyadong malapit. At higit sa lahat, ayaw niyang may taong nakatingin sa kanya nang matagal.

Sa edad na tatlumpu't siyam, natutuhan na niyang hindi lahat ng ngiti ay ligtas.

Muling umilaw ang screen ng kanyang cellphone.

RIGO CALLING

Napapikit siya.

Dalawang oras na ang lumipas mula nang lumabas siya sa clinic ng oncologist. Dalawang oras mula nang maupo sa tapat niya ang doktor at sabihin ang mga salitang hanggang ngayon ay tila paulit-ulit na umiikot sa kanyang ulo.

The biopsy confirmed it.

Malignant.

We need to begin treatment as soon as possible.

Cancer.

Isang salitang anim na letra lamang, ngunit sapat upang hatiin ang buhay niya sa dalawa- ang buhay bago niya ito nalaman at ang buhay pagkatapos.

Huminga siya nang malalim bago pinatay ang tawag.

Hindi pa siyang handang kausapin si Rigo.

Hindi dahil natatakot siyang sabihin dito ang resulta.

kundi dahil hindi niya alam kung nasaan ang asawa niya nang kailangan niya ito.

" Hindi mo pa rin sinasagot? "

Napatingala siya.

Nakatayo sa harap niya si Gabriel Reyes, ang una niyang asawa. May hawak itong dalawang paper cup ng kape at isang maliit na supot mula sa bakery sa tabi ng ospital.

"Hindi kita pinabili, " sabi ni Eve.

"Alam ko. "

"I don't want coffee. "

" Alam ko rin. "

Inilapag nito sa harap niya ang isang cup. " Chamomile tea. "

Napatingin si Eve sa takip ng cup.

" May honey? "

"Two packets. Hindi ko hinalo. Alam kong ayaw mong may ibang humahawak ng iniinom mo. "

Hindi niya napigilang ngumiti ng bahagya.

Labingwalong taon na silang magkakilala ni Gabriel. Ikinasal sila noong dalawampung taong gulang pa lamang siya- parehong bata, parehong nangangapa, at parehong naniniwalang sapat ang pagmamahal para maitawid ang anumang problema.

Hindi pala.

Mabuting lalaki si Gabriel. Mabuting ama. Ngunit dumating ang panahong naging mahina ito sa tukso ng ibang babae.

Nasaktan siya. Nagalit. Umalis.

Hindi niya ipinagkait dito ang kanilang anak. Hindi rin niya hinayaang ang isang pagkakamali ay burahin ang lahat ng mabuting nagawa nito sa buhay nila.

Matagal bago niya muling pinagkatiwalaan si Gabriel, Ngunit sa paglipas ng mga taon, naging magkaibigan sila - hindi dahil nakalimutan niya ang pagtataksil nito, kundi dahil pinatunayan nitong karapat-dapat pa rin itong pagkatiwalaan bilang ama.

At ngayong kailangan niya ng kasama sa ospital, si Gabriel ang dumating.

Hindi ang kasalukuyan niyang asawa.

" Nasaan si Liam? " tanong niya.

" Nasa university. May exam. Hindi ko muna sinabi. ”

" Good. "

" Pero kailangan niyang malaman. "

" Alam ko. "

" Pati si Hunter. "

Napatitig si Eve sa tsaang hindi niya pa rin iniinom.

"Nine years old lang si Hunter. "

" Anak mo siya. Mararamdaman niyang may mali. "

"Hayaan mo muna siyang maging bata. "

Umupo si Gabriel sa tapat niya.

Hindi ito nagsalita agad. Isa iyon sa mga bagay ng ipinagpasalamat ni Eve tungkol dito. Hindi nito pinupuno ng mga salitang walang kabuluhan ang bawat katahimikan.

Si Rigo ang kabaliktaran.

Noong una silang magkakilala, kayang gawing masaya ni Rigo ang kahit pinakamasamang araw. Marami itong kuwento, maraming kaibigan, at palaging may dahilan para magdiwang.

Si Eve na ang tumatahimik.

Si Rigo ang tumatawa para sa kanilang dalawa.

"Anong sabi ng doktor?" mahinang tanong ni Gabriel.

"Kailangan pa ng scans para malaman ang stage. Pero gusto nilang magsimula agad."

"Kailan?"

"Next week, kung okay ang lahat."

Tumango ito. "Sasamahan kita."

"Hindi mo responsibilidad iyon."

"Hindi kita sinasamahan dahil responsibilidad kita." Tumingin ito sa kanya nang diretso. "Sasamahan kita dahil kaibigan kita. At ikaw ang nanay ng anak ko."

Bago pa siya makasagot, muling nag-vibrate ang kanyang cellphone.

Hindi na tawag ni Rigo.

Message iyon mula sa kanyang ina.

MAMA: Anak, nasa bahay na ako. Nasundo ko na si Hunter. Kumain ka muna bago ka umuwi. Mahal ka namin.

Biglang uminit ang mga mata ni Eve.

Si Celine Dela Cruz ang pinakamaalagang taong nakilala niya. Kahit nasa hustong gulang na ang kanyang dalawang anak, araw-araw pa rin nitong tinatanong kung nakakain na ba sila. Hindi ito natutulog hangga't hindi nito alam na ligtas silang lahat.

Hindi sinabi ni Eve rito na kukunin niya ngayong araw ang biopsy result.

Ngunit kilala siya ng kanyang ina.

Marahil ay naramdaman nitong may mali.

"Tumawag ka kay Mama," sabi niya kay Gabriel. "Pero huwag mo munang sabihin ang resulta."

"Eve—"

"Please."

Tumango ito.

Muling tumunog ang cellphone niya.

Isang message mula kay Rigo.

RIGO: Sorry. I missed your appointment. Emergency meeting.

Makalipas ang ilang segundo, may sumunod na mensahe.

RIGO: What did the doctor say?

Nakatitig lamang si Eve sa screen.

Gusto niyang sabihin ang totoo. Gusto niyang marinig ang boses ng asawa niya at maramdaman na hindi niya kailangang harapin nang mag-isa ang pinakamalaking laban ng kanyang buhay.

Ngunit may napansin siya sa larawang ipinadala ni Rigo kaninang umaga.

Selfie iyon mula sa opisina—nakangiti, maayos ang suot, at may caption na Big day ahead.

Sa unang tingin, walang kakaiba.

Ngunit sa salamin sa likuran nito, may repleksiyon ng isang babaeng nakatayo malapit sa kanya.

At sa kamay ng babae ay ang scarf na iniwan ni Eve sa kotse ni Rigo noong nakaraang linggo.

"May problema ba?" tanong ni Gabriel.

Mabilis na pinatay ni Eve ang screen.

"Wala."

Kasinungalingan iyon.

At sa araw na nalaman niyang may cancer siya, nagsimulang mabuo sa isip ni Eve ang isang mas nakakatakot na tanong:

Kung nagsisinungaling si Rigo tungkol sa kinaroroonan nito, ano pa ang hindi niya alam tungkol sa lalaking pinakasalan niya?

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • His Beautiful Lie   His Beautiful Lie - Chapter 20: Ang Buhay na Siya ang Pumili - Page 2

    Nakaligtas si Rigo. Dumaan ang bala sa tagiliran nito at hindi tinamaan ang anumang mahalagang organ. Dalawang linggo itong nanatili sa ospital. Hindi araw-araw bumisita si Eve. Hindi rin siya nanatili sa tabi nito buong gabi. Nandoon siya nang magising ito, ngunit malinaw ang una niyang sinabi. "Ang pagligtas mo sa buhay ko ay hindi nagbubura sa mga kasinungalingan mo." "I know," sagot ni Rigo. "Kailangan ko ng panahon." "I'll give you as much as you need." "Kailangan ko rin ng space." Tumango ito. "The house is yours. I'll stay somewhere else." "Hindi ko gusto ang bahay." "Then I'll sell it." "Hindi ko kailangan ang pera mo." "I know." "Stop saying you know." Bahagya itong ngumiti. "Okay." Hindi siya ngumiti pabalik. Ngunit sa unang pagkakataon, hindi rin niya kinamuhian ang sarili dahil mahal pa rin niya ito. Maaaring mahalin ang isang tao at piliing lumayo. Maaaring patawarin at hindi agad ibalik ang tiwala. Maaaring kilalanin ang kabutihan nito nang hindi kinakalimutan ang sakit

  • His Beautiful Lie   His Beautiful Lie - Chapter 19: Ang Huling Kasinungalingan - Page 2

    Yumuko si Eve. May dalawang putok na umalingawngaw sa lobby. Nabasag ang ilaw sa kisame. Sa dilim, narinig niya ang sigaw ng tauhan ni Mateo at ang tunog ng katawan nitong bumagsak. May humawak sa braso niya. Mabilis siyang pumiglas. "It's me," bulong ni Rigo. "Hunter?" "Safe. Kasama ni Gabriel." Inakay siya nito sa likod ng konkretong haligi. "Stay here." "Nasaan si Papa?" "Hindi ko makita." Muling bumukas ang emergency lights. Sa mapulang liwanag, nakita ni Eve si Mateo na tumatakbo patungo sa hallway. May hawak itong baril. Sumunod si Rigo. "Rigo!" Hindi ito lumingon. Nakarinig sila ng mga sirena sa labas. Pumasok ang ilang pulis, kasama si Will. Agad nitong nilapitan si Eve. "Nasaan si Hunter?" "Safe." "Si Rigo?" "Hinabol si Papa." Nagmura si Will bago sumunod sa hallway. Hindi nanatili si Eve sa likod ng haligi. Buong buhay niya, iniwan siya ng ibang tao sa labas ng mga desisyong tungkol sa sarili niyang buhay. Hindi na ngayon. Sinundan niya sila. Sa dulo ng hallway ay may operat

  • His Beautiful Lie   His Beautiful Lie - Chapter 18: Ang Tunay na Mercy - Page 2

    VoteIniwan ni Gabriel si Eve dalawang kanto mula sa lumang medical center."May twenty minutes ka," sabi nito. "Kapag hindi ka lumabas, papasok kami.""Gab—""Hindi iyon negotiation."Tumango siya.Nakaalis na si Rigo upang hanapin ang underground entrance. Papunta na rin ang police team na tinawagan ni Will, ngunit hindi nila alam kung mapagkakatiwalaan ang lahat ng kasama roon.Naglakad si Eve patungo sa abandonadong gusali.Bawat hakbang ay masakit. Nanghihina pa ang katawan niya, ngunit pinilit niyang manatiling tuwid.Sa lobby ay naghihintay ang kanyang ama.Sa likod nito ay si Hunter, nakaupo sa isang lumang wheelchair. Hindi na nakatali ang mga kamay nito."Mom!"Tumakbo ang bata patungo sa kanya.Ngunit humarang ang isang armadong lalaki."Let him go," sabi ni Eve."Ang device," sagot ni Mateo.Ipinakita niya iyon ngunit hindi ibinigay."Una ang anak ko.""Hindi ka marunong tumupad sa usapan.""Kanino ko kaya natutuhan?"Nawala ang ngiti ng matanda.Sa malapitan, mas malinaw

  • His Beautiful Lie   His Beautiful Lie - Chapter 17: Ang Lalaking Nagsinungaling Para Mabuhay

    Vote"Bakit mo inilagay sa laruan ni Hunter?" tanong ni Eve."Nakita ko iyon sa lumang gamit ni Rigo ilang araw bago ka manganak," sagot ni Celine. "Hindi ko alam kung ano ang laman, pero nakita ko ang marka ng foundation sa capsule.""Bakit hindi mo sinabi?""Dahil natakot akong kukunin niya iyon kapag nalaman niyang nakita ko.""So you hid it in my child's toy?""Akala ko iyon ang pinakaligtas na lugar. Hindi ko inisip na ilalagay ko siya sa panganib."Napatawa si Eve nang walang saya. "Lahat kayo, gumagawa ng desisyon para sa akin. Pagkatapos, ako at ang mga anak ko ang nagbabayad.""Sorry.""Hindi sapat ang sorry.""I know."Inilagay ni Eve ang device sa bulsa."Aalis na ako.""Ako ang magda-drive," sabi ni Gabriel."Sinabing mag-isa ako.""Ihahatid lang kita malapit sa lugar.""Gab—""Hindi ako papayag na mag-drive ka sa kondisyon mo. Puwede kang magalit sa akin pagkatapos."Sa normal na pagkakataon, makikipagtalo siya.Ngunit bawat minutong lumilipas ay isang minutong hawak ni M

  • His Beautiful Lie   His Beautiful Lie - Chapter 16: Ang Laruang Leon - Page 2

    Hindi tinapos ni Eve ang tawag. Ang linya ang unang naputol. Agad niyang tinawagan si Will. Walang sagot. Tinawagan niya si Dana. Wala rin. Sunod si Liam. Sa ikatlong ring, may sumagot. "Mom?" Napahawak si Eve sa mesa. "Liam, nasaan kayo?" "Nasa bahay ni Tito Will." "Nasaan si Hunter?" "Nasa kuwarto. Natutulog." "Is the house locked?" "Yes. May dalawang security guard sa labas." "Kunin mo ang kapatid mo. Dalhin mo sa kuwartong walang bintana. Lock the door." "Mom, anong nangyayari?" "Just do it." May narinig siyang yabag sa kabilang linya. "Mom?" "What?" "Wala si Hunter sa kuwarto." Parang tumigil ang puso ni Eve. "Hanapin mo." "I'm checking the bathroom." Narinig niya ang pagbukas ng mga pinto. "Hunter!" sigaw ni Liam. "Hunter!" Kinuha ni Eve ang bag niya. "Ano'ng nangyayari?" tanong ni Celine. "Wala si Hunter." Namutla ang matanda. "Ano?" "Sinabi ni Papa na nasa stuffed lion ang listahan." Agad itong napahawak sa bibig. "Alam mo?" "Hindi." "Stop lying!" "Hindi ko alam na nasa laruan

  • His Beautiful Lie   His Beautiful Lie - Chapter 15: Ang Taong Dapat Patay Na - Page 2

    Hindi agad hinarap ni Eve ang kanyang ina. Pinakinggan niya ang recording nang pitong beses. Sa bawat ulit, umaasa siyang mali ang kanyang narinig. Baka kahawig lamang. Baka edited. Baka bahagi iyon ng panibagong panlilinlang. Ngunit walang ibang taong nagsasalita tulad ni Celine. Walang ibang may parehong mahinahong boses na kayang gawing parang pagmamahal ang kahit pinakamasakit na salita. Hindi dapat nakaligtas si Eve sa operasyon. Hindi niya alam kung alin ang mas masakit—ang posibilidad na totoo iyon o ang katotohanang may bahagi sa kanya na handang maniwala. Nasa kusina si Celine, naghahanda ng lugaw para sa kanya. "Anak, gising ka na pala," sabi nito. "Kumain ka muna bago ang gamot mo." Tiningnan ni Eve ang maliit na lalagyan ng mga gamot at supplements sa mesa. Mula nang umuwi siya, si Celine ang naghahanda ng lahat ng iniinom niya. "Nasaan sina Liam at Hunter?" "Nasa bahay nina Will. Sinundo sila ni Dana." "Good." Kumunot ang noo ng kanyang ina. "May problema ba?" Inilapag ni

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status