LOGINTahimik si Celine nang buksan ni Eve ang p***o ng kanilang bahay. Iyon ang unang senyales na alam na nito ang nangyari. Karaniwang hindi nauubusan ng sinasabi ang kanyang ina. Mula sa reklamo tungkol sa presyo ng sibuyas hanggang sa kuwento ng kapitbahay nilang bumili ng aso ngunit takot naman pala rito, kayang gawing mahaba ni Celine ang pinakasimpleng usapan. Ngunit ngayon, nakatayo lamang ito sa sala. Namumula ang mga mata. "Mama," mahinang sabi ni Eve. Lumapit si Celine at niyakap siya. Walang tanong. Walang sermon. Walang Bakit hindi mo agad sinabi sa akin? Yakap lamang. At sa simpleng pagdikit ng mukha ng kanyang ina sa balikat niya, muntik nang bumigay si Eve. Muntik lang. Hindi siya sanay umiyak sa harap ng ibang tao. Pitong taong gulang pa lamang siya nang una niyang natutuhan na lunukin ang luha. Labindalawa siya nang tuluyan niyang nakalimutang ilabas iyon. "Sinabi ba ni Gabriel?" tanong niya. Umiling si Celine. "Hindi niya sinabi kung ano. Pero nang tawagan niya ako at sabihing huwag iwan si Hunter, alam kong hindi maganda." "Nasaan siya?" "Sa kuwarto. Gumagawa ng project. Akala niya overtime ka." Huminga nang malalim si Eve. "Huwag muna nating sabihin." "Hanggang kailan?" "Hangga't hindi ko alam ang buong diagnosis." "Anak, hindi mo kailangang akuin lahat." Napangiti siya nang mapait. "Hindi ba iyon naman ang ginagawa ko buong buhay ko?" Mas humigpit ang yakap ni Celine. Sa likod nila, bumukas ang p***o. "Mom!" Mabilis na tumakbo si Hunter mula sa hallway. Wala pang isang segundo ay nakayakap na ito sa baywang ni Eve. "Mabagal," reklamo nito. "Sabi ni Lola, matagal ka raw sa doctor." "Maraming pasyente." "Are you sick?" Parang biglang nawala ang hangin sa kanyang baga. Tumingala ang anak niya. Malalaki ang mga mata nito—kaparehong-kapareho ng mga mata ni Rigo kapag may gustong malaman. "Checkup lang," sagot niya. "Nothing to worry about." Isa na namang kasinungalingan. Ngunit ito ang uri ng kasinungalingang kayang patawarin ni Eve ang sarili. "Where's Dad?" "May meeting." "Again?" Hindi niya pinansin ang tanong. "Natapos mo na ang project mo?" Kumunot ang noo ng bata. "Almost." "Then finish it." "Yes, ma'am." Tumakbo itong pabalik sa kuwarto. Tahimik na pinanood iyon ni Celine bago tumingin kay Eve. "Hindi pa rin umuuwi si Rigo?"
"Hindi pa." "Alam ba niya?" "No." "Bakit?" Hindi agad nakasagot si Eve. Dahil hindi niya alam kung paano sasabihin sa kanyang ina na ang lalaking labis nitong minahal bilang manugang ay maaaring may ibang babae. Dahil ayaw niyang dagdagan ang sakit na dala nito. Dahil kahit halos apatnapung taon na siya, ayaw pa rin niyang biguin ang kanyang ina. "Pagod lang ako," sabi niya. "Maliligo muna ako." Hindi na siya pinigilan ni Celine. Pagpasok ni Eve sa master bedroom, sinalubong siya ng matamis at mamahaling amoy ng pabango ni Rigo. Malinis ang kama. Maayos ang mga unan. Walang bakas na nagmamadali itong umalis kaninang umaga. Inilapag niya ang bag sa dresser at napansin ang isang maliit na kahong kahoy sa ibabaw ng upuan. Nanikip ang kanyang dibdib. Kahon niya iyon. Regalo ng ama niya noong ikapitong kaarawan niya. Matagal niya iyong itinatago sa pinakailalim ng kanyang cabinet, sa likod ng mga lumang kumot. Hindi dahil mahalaga ang mga laman, kundi dahil iyon na lamang ang natitirang bagay na personal niyang natanggap mula sa ama. Lumapit siya. Bukas ang takip. Nasa loob ang lumang relo ng ama niya, ilang litrato, isang kupas na sulat, at ang maliit na brass key na hindi niya alam kung saan ginagamit. Ngunit may isang bagay na nawawala. Ang litrato nilang mag-ama sa lumang rest house sa Batangas. Kinunan iyon isang buwan bago mamatay ang kanyang ama. Doon din nangyari ang bagay na pilit niyang kinakalimutan mula pa noong pitong taong gulang siya. Mabilis niyang kinuha ang cellphone at tinawagan si Rigo. Sumagot ito sa ikalawang ring. "Hey, babe." May musika sa background. Hindi tunog opisina. "Nasaan ka?" "Office. Sabi ko sa message ko." "Bakit may music?" "May client event sa function hall. What's wrong?" Napatingin siya sa kahong bukas. "Binuksan mo ba ang cabinet ko?" Saglit itong natahimik. Isang segundo lamang. Ngunit sapat iyon para kabahan si Eve. "Anong cabinet?" "Sa bedroom. Iyong kahon ng papa ko." "I don't know what you're talking about." "Bukas ito." "Baka si Celine." "Hindi gagalawin ni Mama ang mga gamit ko nang walang paalam." "Then maybe Hunter." "Hindi alam ni Hunter kung saan ko itinago iyon." Mas lumakas ang musikang naririnig niya. May tumawa sa background—babae. "Eve, I'm in the middle of something. We'll talk when I get home." "May nawawalang litrato." "Anong litrato?" Hindi niya sinabi kung anong litrato iyon. Ngunit napakabilis ng tanong nito. Parang alam nitong larawan ang nawawala bago pa niya banggitin. "Umuwi ka," malamig niyang sabi. "I will." "Ngayon." "Don't start, Eve." Napahigpit ang hawak niya sa cellphone. "Ano ang sinabi mo?" "Pagod ka lang. You're making an issue out of nothing." "Umuwi ka bago ko gawing totoong issue ito." Pinatay niya ang tawag. Nanginginig ang mga daliri niya, ngunit hindi sa takot. Sa galit. Lumaki siyang mahal ng kanyang mga magulang. Hindi siya pinabayaan ni Celine. Hindi siya sinaktan ng kanyang ama. Ngunit may bahagi ng kanyang pagkabata na tila may madilim na kamay na pilit binubura sa kanyang isip. May mga alaala siyang putol-putol. Amoy ng alak. Tunog ng ulan sa bubong ng rest house. Isang kamay na tumatakip sa bibig niya. At ang boses ng isang lalaking paulit-ulit na nagsasabing walang maniniwala sa kanya. Hindi niya nakita nang malinaw ang mukha nito. O baka nakita niya. Baka ang isip niya lamang ang tumangging alalahanin. Naupo siya sa gilid ng kama at kinuha ang kupas na sulat ng kanyang ama. Ilang beses na niya iyong binasa, ngunit ngayon lamang niya napansin ang maliit na sulat-kamay sa likod. Kapag dumating ang panahong handa ka nang malaman ang totoo, hanapin mo ang bahay na walang numero. Nanlamig si Eve. Hindi niya alam kung ano ang ibig sabihin noon. Ngunit sa ibaba ng mensahe ay may simbolong iginuhit ng kanyang ama. Isang maliit na korona sa loob ng bilog. Kaparehong simbolo ng pendant na palaging suot ni Rigo.Nakaligtas si Rigo. Dumaan ang bala sa tagiliran nito at hindi tinamaan ang anumang mahalagang organ. Dalawang linggo itong nanatili sa ospital. Hindi araw-araw bumisita si Eve. Hindi rin siya nanatili sa tabi nito buong gabi. Nandoon siya nang magising ito, ngunit malinaw ang una niyang sinabi. "Ang pagligtas mo sa buhay ko ay hindi nagbubura sa mga kasinungalingan mo." "I know," sagot ni Rigo. "Kailangan ko ng panahon." "I'll give you as much as you need." "Kailangan ko rin ng space." Tumango ito. "The house is yours. I'll stay somewhere else." "Hindi ko gusto ang bahay." "Then I'll sell it." "Hindi ko kailangan ang pera mo." "I know." "Stop saying you know." Bahagya itong ngumiti. "Okay." Hindi siya ngumiti pabalik. Ngunit sa unang pagkakataon, hindi rin niya kinamuhian ang sarili dahil mahal pa rin niya ito. Maaaring mahalin ang isang tao at piliing lumayo. Maaaring patawarin at hindi agad ibalik ang tiwala. Maaaring kilalanin ang kabutihan nito nang hindi kinakalimutan ang sakit
Yumuko si Eve. May dalawang putok na umalingawngaw sa lobby. Nabasag ang ilaw sa kisame. Sa dilim, narinig niya ang sigaw ng tauhan ni Mateo at ang tunog ng katawan nitong bumagsak. May humawak sa braso niya. Mabilis siyang pumiglas. "It's me," bulong ni Rigo. "Hunter?" "Safe. Kasama ni Gabriel." Inakay siya nito sa likod ng konkretong haligi. "Stay here." "Nasaan si Papa?" "Hindi ko makita." Muling bumukas ang emergency lights. Sa mapulang liwanag, nakita ni Eve si Mateo na tumatakbo patungo sa hallway. May hawak itong baril. Sumunod si Rigo. "Rigo!" Hindi ito lumingon. Nakarinig sila ng mga sirena sa labas. Pumasok ang ilang pulis, kasama si Will. Agad nitong nilapitan si Eve. "Nasaan si Hunter?" "Safe." "Si Rigo?" "Hinabol si Papa." Nagmura si Will bago sumunod sa hallway. Hindi nanatili si Eve sa likod ng haligi. Buong buhay niya, iniwan siya ng ibang tao sa labas ng mga desisyong tungkol sa sarili niyang buhay. Hindi na ngayon. Sinundan niya sila. Sa dulo ng hallway ay may operat
VoteIniwan ni Gabriel si Eve dalawang kanto mula sa lumang medical center."May twenty minutes ka," sabi nito. "Kapag hindi ka lumabas, papasok kami.""Gab—""Hindi iyon negotiation."Tumango siya.Nakaalis na si Rigo upang hanapin ang underground entrance. Papunta na rin ang police team na tinawagan ni Will, ngunit hindi nila alam kung mapagkakatiwalaan ang lahat ng kasama roon.Naglakad si Eve patungo sa abandonadong gusali.Bawat hakbang ay masakit. Nanghihina pa ang katawan niya, ngunit pinilit niyang manatiling tuwid.Sa lobby ay naghihintay ang kanyang ama.Sa likod nito ay si Hunter, nakaupo sa isang lumang wheelchair. Hindi na nakatali ang mga kamay nito."Mom!"Tumakbo ang bata patungo sa kanya.Ngunit humarang ang isang armadong lalaki."Let him go," sabi ni Eve."Ang device," sagot ni Mateo.Ipinakita niya iyon ngunit hindi ibinigay."Una ang anak ko.""Hindi ka marunong tumupad sa usapan.""Kanino ko kaya natutuhan?"Nawala ang ngiti ng matanda.Sa malapitan, mas malinaw
Vote"Bakit mo inilagay sa laruan ni Hunter?" tanong ni Eve."Nakita ko iyon sa lumang gamit ni Rigo ilang araw bago ka manganak," sagot ni Celine. "Hindi ko alam kung ano ang laman, pero nakita ko ang marka ng foundation sa capsule.""Bakit hindi mo sinabi?""Dahil natakot akong kukunin niya iyon kapag nalaman niyang nakita ko.""So you hid it in my child's toy?""Akala ko iyon ang pinakaligtas na lugar. Hindi ko inisip na ilalagay ko siya sa panganib."Napatawa si Eve nang walang saya. "Lahat kayo, gumagawa ng desisyon para sa akin. Pagkatapos, ako at ang mga anak ko ang nagbabayad.""Sorry.""Hindi sapat ang sorry.""I know."Inilagay ni Eve ang device sa bulsa."Aalis na ako.""Ako ang magda-drive," sabi ni Gabriel."Sinabing mag-isa ako.""Ihahatid lang kita malapit sa lugar.""Gab—""Hindi ako papayag na mag-drive ka sa kondisyon mo. Puwede kang magalit sa akin pagkatapos."Sa normal na pagkakataon, makikipagtalo siya.Ngunit bawat minutong lumilipas ay isang minutong hawak ni M
Hindi tinapos ni Eve ang tawag. Ang linya ang unang naputol. Agad niyang tinawagan si Will. Walang sagot. Tinawagan niya si Dana. Wala rin. Sunod si Liam. Sa ikatlong ring, may sumagot. "Mom?" Napahawak si Eve sa mesa. "Liam, nasaan kayo?" "Nasa bahay ni Tito Will." "Nasaan si Hunter?" "Nasa kuwarto. Natutulog." "Is the house locked?" "Yes. May dalawang security guard sa labas." "Kunin mo ang kapatid mo. Dalhin mo sa kuwartong walang bintana. Lock the door." "Mom, anong nangyayari?" "Just do it." May narinig siyang yabag sa kabilang linya. "Mom?" "What?" "Wala si Hunter sa kuwarto." Parang tumigil ang puso ni Eve. "Hanapin mo." "I'm checking the bathroom." Narinig niya ang pagbukas ng mga pinto. "Hunter!" sigaw ni Liam. "Hunter!" Kinuha ni Eve ang bag niya. "Ano'ng nangyayari?" tanong ni Celine. "Wala si Hunter." Namutla ang matanda. "Ano?" "Sinabi ni Papa na nasa stuffed lion ang listahan." Agad itong napahawak sa bibig. "Alam mo?" "Hindi." "Stop lying!" "Hindi ko alam na nasa laruan
Hindi agad hinarap ni Eve ang kanyang ina. Pinakinggan niya ang recording nang pitong beses. Sa bawat ulit, umaasa siyang mali ang kanyang narinig. Baka kahawig lamang. Baka edited. Baka bahagi iyon ng panibagong panlilinlang. Ngunit walang ibang taong nagsasalita tulad ni Celine. Walang ibang may parehong mahinahong boses na kayang gawing parang pagmamahal ang kahit pinakamasakit na salita. Hindi dapat nakaligtas si Eve sa operasyon. Hindi niya alam kung alin ang mas masakit—ang posibilidad na totoo iyon o ang katotohanang may bahagi sa kanya na handang maniwala. Nasa kusina si Celine, naghahanda ng lugaw para sa kanya. "Anak, gising ka na pala," sabi nito. "Kumain ka muna bago ang gamot mo." Tiningnan ni Eve ang maliit na lalagyan ng mga gamot at supplements sa mesa. Mula nang umuwi siya, si Celine ang naghahanda ng lahat ng iniinom niya. "Nasaan sina Liam at Hunter?" "Nasa bahay nina Will. Sinundo sila ni Dana." "Good." Kumunot ang noo ng kanyang ina. "May problema ba?" Inilapag ni







