Hindi ipinaalam sa media ang nangyari sa Batangas. Ayon sa police report, simpleng vehicular accident lamang iyon. Walang binanggit tungkol sa mga armadong lalaki, sa lumang bahay, o kay Don Andres Villareal. Nang dumating ang mga pulis sa lugar, wala na ang matanda at ang mga tauhan nito. Nawala rin si Rigo. Tatlong araw na itong hindi nagpapakita. Nasa private hospital room si Eve habang hinihintay ang operasyon. Nasa tabi niya si Celine. Nasa labas naman sina Will, Gabriel, Liam, at Hunter. Pinilit ni Eve na huwag makita ng bunso ang takot niya. "Kapag gising mo," sabi ni Hunter kanina, "nandito pa rin ako." "I know." "Hindi ka mamamatay, right?" Hinawakan niya ang mukha ng anak. "Lalaban si Mommy." "But will you win?" Hindi niya masagot iyon. Kaya niyakap na lamang niya ang bata. Ngayon, habang tahimik ang kuwarto, inilabas ni Celine ang isang lumang envelope mula sa bag nito. "Ibinigay ito ng papa mo bago siya namatay." Tumingin si Eve sa envelope. "Bakit ngayon mo lang ibinibiga
Huling Na-update : 2026-10-21 Magbasa pa