Home / Romance / His Beautiful Lie / His Beautiful Lie - Chapter 5: Ang Unang Bitak

Share

His Beautiful Lie - Chapter 5: Ang Unang Bitak

Author: castrojasmin4
last update publish date: 2026-10-21 07:26:18

"Stage two." Iyon ang sinabi ng oncologist. Maaga nilang natuklasan ang cancer, ngunit kailangan pa rin ni Eve ng operasyon at chemotherapy. Ipinaliwanag ng doktor ang treatment plan, mga posibleng side effect, at mga desisyong kailangang gawin sa susunod na mga linggo. Tahimik siyang nakinig. Nasa kaliwa niya si Celine. Nasa kanan niya si Gabriel. Wala si Rigo. Muli. "Nasaan ang asawa mo?" tanong ng doktor nang lumabas muna si Celine upang sagutin ang tawag ni Will. "Business trip," sagot ni Eve. Nagkatinginan sila ni Gabriel. Hindi iyon totoo. Nasa Maynila si Rigo. Nakita niya ang kotse nito sa driveway kaninang umaga. Ngunit sinabi nitong may emergency board meeting at hindi maaaring ipagpaliban. "May kailangan ka bang itanong?" tanong ng doktor. "Gaano katagal bago ako makabalik sa normal?" "Depende sa magiging response ng katawan mo." "I need a number." "Eve," mahinang saway ni Gabriel. Tiningnan siya ng doktor nang may pag-unawa. "Walang eksaktong timeline. Pero hindi ibig sabihin niyon na mawawala na ang kontrol mo sa buhay mo." Halos matawa siya. Hindi alam ng doktor na matagal nang iyon ang pinakamalaking takot niya. Ang mawalan ng kontrol. Sa katawan niya. Sa tahanan niya. Sa katotohanan. Paglabas nila ng ospital, inabutan sila ni Will sa parking lot. Apatnapu't dalawang taong gulang ang nag-iisa niyang kapatid, ngunit kapag kasama siya nito, bumabalik ang pagiging overprotective kuya nito. "Bakit hindi mo agad sinabi sa akin?" bungad nito. "Dahil nasa Cebu ka." "May eroplano." "May trabaho ka." "May kapatid ako." Niyakap siya ni Will. Mabilis lamang, dahil alam nitong ayaw ni Eve ng matagal na yakap kapag maraming tao sa paligid. "Anong kailangan mo?" tanong nito. "Wala." "Wrong answer." "Will—" "Ako ang bahala kay Mama kapag may treatment ka. Puwedeng tumuloy si Hunter sa amin ni Dana. Tutulungan ko rin si Liam sa school expenses kung kailangan." "Kaya ko." "Hindi ko sinabing hindi mo kaya." Bumaba ang boses nito. "Sinasabi kong hindi mo kailangang gawin mag-isa." Napayuko si Eve. Pareho iyon ng sinabi ni Celine. Pareho rin ng gustong iparamdam ni Gabriel. Ngunit ang taong nangakong magiging katuwang niya sa lahat ang paulit-ulit na wala. "Nasaan si Rigo?" tanong ni Will.

"Meeting."

"Sinabi niyang business trip."

Napatingin siya rito. "Kinausap mo siya?"

"Tinawagan ko kagabi. Sabi niya nasa Davao siya."

Nanlamig ang mukha ni Eve.

Kanina lamang ay nakita niya itong umalis mula sa kanilang bahay.

"Baka bumalik na," sabi ni Gabriel.

Ngunit kapwa nila alam na mahina ang paliwanag.

Tahimik silang naglakad patungo sa kotse.

Habang nagmamaneho si Gabriel, nag-message si Eve kay Rigo.

EVE: Nasaan ka?

Mabilis ang sagot.

RIGO: Davao. I told you.

Tinitigan niya ang screen.

EVE: Are you sure?

Lumipas ang dalawang minuto.

RIGO: What kind of question is that?

Hindi na siya sumagot.

Pagdating sa bahay, nadatnan niyang wala ang kotse ni Rigo. Maayos ang lahat sa loob. Nasa school pa si Hunter at nasa university si Liam. Sinama ni Celine si Will sa palengke upang bumili ng pagkain.

Nag-iisa siya.

Eksaktong gusto niya.

Ngunit sa pagkakataong iyon, ang katahimikan ay hindi nakapagpakalma sa kanya.

Pumasok siya sa kanilang kuwarto at sinimulang tingnan ang mga gamit ni Rigo.

Hindi ugali ni Eve ang mangalkal. Naniniwala siyang kapag kailangan mong halughugin ang cellphone o bulsa ng asawa mo, may problema na kayong hindi kayang ayusin ng simpleng paliwanag.

Ngunit nagsinungaling ito kung nasaan ito.

Binuksan niya ang bedside drawer.

Mga resibo. Charger. Isang mamahaling ballpen. Dalawang lumang business card.

Wala.

Sumunod ang closet. Wala ring kakaiba sa mga bulsa ng suit nito.

Nang kukunin niya ang maliit na travel bag sa itaas ng cabinet, may nahulog na susi.

Brass.

Luma.

Kinuha niya iyon at inilagay sa palad.

Mabilis siyang lumapit sa kahong regalo ng kanyang ama.

Wala na roon ang sariling brass key niya.

Magkapareho ang dalawang susi.

O baka iisa lamang ang mga iyon.

Umalingawngaw ang pagbukas ng front door.

Mabilis niyang ibinalik ang travel bag ngunit nanatili sa kanyang kamay ang susi.

"Eve?"

Boses ni Rigo.

Lumabas siya ng kuwarto.

Nasa hallway ang asawa niya, nakangiti at may dalang bouquet ng puting rosas.

"Surprise."

Hindi gumalaw si Eve.

"Akala ko nasa Davao ka."

"I came home early."

"Nakita kitang umalis kaninang umaga."

Saglit na nawala ang ngiti nito.

Then it came back.

"May kinuha lang ako rito bago pumunta sa airport."

"Bakit sinabi mong nasa Davao ka kung hindi ka pa nakakaalis?"

"Because I was on my way there."

"Nasaan ang luggage mo?"

"Sa kotse."

"Wala ang kotse mo."

"Driver took it."

Masyadong mabilis ang mga sagot.

Masyadong handa.

Lumapit ito at iniabot ang mga bulaklak. "How did the appointment go?"

"Stage two."

Dahan-dahang bumaba ang bouquet sa kamay nito. "Eve..."

"Kailangan kong operahan."

Lumapit si Rigo at niyakap siya.

Nanatiling tuwid ang mga braso ni Eve sa kanyang tagiliran.

"Malalampasan natin ito," bulong nito. "I promise."

Pumikit siya.

Naroon na naman ang amoy.

Lumang kahoy. Alak. Basang lupa.

Mabilis siyang kumawala.

"What's wrong?"

Ipinakita niya ang brass key.

Tuluyang nawala ang kulay sa mukha ni Rigo.

"Saan mo nakuha ito?" tanong niya.

Sa halip na sumagot, tinangka nitong kunin ang susi.

Mabilis na umurong si Eve.

"Bakit nasa gamit mo ang susi ng papa ko?"

"It's not his."

"Then bakit magkapareho?"

"Maraming ganitong lumang susi."

"Nasaan ang litrato?"

"What picture?"

"Iyong kinuha mo sa kahon."

Hindi sumagot si Rigo.

Tumunog ang cellphone nito.

Pareho silang napatingin sa screen na bahagyang nakausli mula sa bulsa ng suit nito.

Isang message preview ang lumitaw.

UNKNOWN NUMBER: Nakita na ba niya ang susi? Kapag nalaman ni Eve ang ginawa mo sa ama niya, tapos na ang lahat.

Hindi huminga si Eve.

Hindi rin gumalaw si Rigo.

Sa loob ng ilang segundo, tanging ang mahinang tunog ng ulan sa bintana ang naririnig nila.

Dahan-dahang itinaas ni Eve ang tingin.

"Ano ang ginawa mo sa papa ko?"

"Eve, listen to me."

"Ano ang ginawa mo?"

Walang sagot.

Lumapit siya, ngunit mabilis na hinawakan ni Rigo ang kanyang pulsuhan.

Hindi iyon mahigpit.

Ngunit sapat upang bumalik sa kanya ang isang alaala.

Isang madilim na silid.

Ulan sa bubong.

Maliit na kamay niya na pinipigilan ng isang mas malaking kamay.

At isang boses na bumubulong sa kanyang tainga.

Huwag kang sisigaw.

Napatitig siya kay Rigo.

Hindi niya maalala ang mukha ng lalaking iyon.

Ngunit naalala niya ang boses.

At sa unang pagkakataon mula nang makilala niya ang kanyang asawa, naisip ni Eve na baka hindi bagong tao si Rigo sa buhay niya.

Baka matagal na silang nagkita.

Noong pitong taong gulang pa lamang siya.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • His Beautiful Lie   His Beautiful Lie - Chapter 20: Ang Buhay na Siya ang Pumili - Page 2

    Nakaligtas si Rigo. Dumaan ang bala sa tagiliran nito at hindi tinamaan ang anumang mahalagang organ. Dalawang linggo itong nanatili sa ospital. Hindi araw-araw bumisita si Eve. Hindi rin siya nanatili sa tabi nito buong gabi. Nandoon siya nang magising ito, ngunit malinaw ang una niyang sinabi. "Ang pagligtas mo sa buhay ko ay hindi nagbubura sa mga kasinungalingan mo." "I know," sagot ni Rigo. "Kailangan ko ng panahon." "I'll give you as much as you need." "Kailangan ko rin ng space." Tumango ito. "The house is yours. I'll stay somewhere else." "Hindi ko gusto ang bahay." "Then I'll sell it." "Hindi ko kailangan ang pera mo." "I know." "Stop saying you know." Bahagya itong ngumiti. "Okay." Hindi siya ngumiti pabalik. Ngunit sa unang pagkakataon, hindi rin niya kinamuhian ang sarili dahil mahal pa rin niya ito. Maaaring mahalin ang isang tao at piliing lumayo. Maaaring patawarin at hindi agad ibalik ang tiwala. Maaaring kilalanin ang kabutihan nito nang hindi kinakalimutan ang sakit

  • His Beautiful Lie   His Beautiful Lie - Chapter 19: Ang Huling Kasinungalingan - Page 2

    Yumuko si Eve. May dalawang putok na umalingawngaw sa lobby. Nabasag ang ilaw sa kisame. Sa dilim, narinig niya ang sigaw ng tauhan ni Mateo at ang tunog ng katawan nitong bumagsak. May humawak sa braso niya. Mabilis siyang pumiglas. "It's me," bulong ni Rigo. "Hunter?" "Safe. Kasama ni Gabriel." Inakay siya nito sa likod ng konkretong haligi. "Stay here." "Nasaan si Papa?" "Hindi ko makita." Muling bumukas ang emergency lights. Sa mapulang liwanag, nakita ni Eve si Mateo na tumatakbo patungo sa hallway. May hawak itong baril. Sumunod si Rigo. "Rigo!" Hindi ito lumingon. Nakarinig sila ng mga sirena sa labas. Pumasok ang ilang pulis, kasama si Will. Agad nitong nilapitan si Eve. "Nasaan si Hunter?" "Safe." "Si Rigo?" "Hinabol si Papa." Nagmura si Will bago sumunod sa hallway. Hindi nanatili si Eve sa likod ng haligi. Buong buhay niya, iniwan siya ng ibang tao sa labas ng mga desisyong tungkol sa sarili niyang buhay. Hindi na ngayon. Sinundan niya sila. Sa dulo ng hallway ay may operat

  • His Beautiful Lie   His Beautiful Lie - Chapter 18: Ang Tunay na Mercy - Page 2

    VoteIniwan ni Gabriel si Eve dalawang kanto mula sa lumang medical center."May twenty minutes ka," sabi nito. "Kapag hindi ka lumabas, papasok kami.""Gab—""Hindi iyon negotiation."Tumango siya.Nakaalis na si Rigo upang hanapin ang underground entrance. Papunta na rin ang police team na tinawagan ni Will, ngunit hindi nila alam kung mapagkakatiwalaan ang lahat ng kasama roon.Naglakad si Eve patungo sa abandonadong gusali.Bawat hakbang ay masakit. Nanghihina pa ang katawan niya, ngunit pinilit niyang manatiling tuwid.Sa lobby ay naghihintay ang kanyang ama.Sa likod nito ay si Hunter, nakaupo sa isang lumang wheelchair. Hindi na nakatali ang mga kamay nito."Mom!"Tumakbo ang bata patungo sa kanya.Ngunit humarang ang isang armadong lalaki."Let him go," sabi ni Eve."Ang device," sagot ni Mateo.Ipinakita niya iyon ngunit hindi ibinigay."Una ang anak ko.""Hindi ka marunong tumupad sa usapan.""Kanino ko kaya natutuhan?"Nawala ang ngiti ng matanda.Sa malapitan, mas malinaw

  • His Beautiful Lie   His Beautiful Lie - Chapter 17: Ang Lalaking Nagsinungaling Para Mabuhay

    Vote"Bakit mo inilagay sa laruan ni Hunter?" tanong ni Eve."Nakita ko iyon sa lumang gamit ni Rigo ilang araw bago ka manganak," sagot ni Celine. "Hindi ko alam kung ano ang laman, pero nakita ko ang marka ng foundation sa capsule.""Bakit hindi mo sinabi?""Dahil natakot akong kukunin niya iyon kapag nalaman niyang nakita ko.""So you hid it in my child's toy?""Akala ko iyon ang pinakaligtas na lugar. Hindi ko inisip na ilalagay ko siya sa panganib."Napatawa si Eve nang walang saya. "Lahat kayo, gumagawa ng desisyon para sa akin. Pagkatapos, ako at ang mga anak ko ang nagbabayad.""Sorry.""Hindi sapat ang sorry.""I know."Inilagay ni Eve ang device sa bulsa."Aalis na ako.""Ako ang magda-drive," sabi ni Gabriel."Sinabing mag-isa ako.""Ihahatid lang kita malapit sa lugar.""Gab—""Hindi ako papayag na mag-drive ka sa kondisyon mo. Puwede kang magalit sa akin pagkatapos."Sa normal na pagkakataon, makikipagtalo siya.Ngunit bawat minutong lumilipas ay isang minutong hawak ni M

  • His Beautiful Lie   His Beautiful Lie - Chapter 16: Ang Laruang Leon - Page 2

    Hindi tinapos ni Eve ang tawag. Ang linya ang unang naputol. Agad niyang tinawagan si Will. Walang sagot. Tinawagan niya si Dana. Wala rin. Sunod si Liam. Sa ikatlong ring, may sumagot. "Mom?" Napahawak si Eve sa mesa. "Liam, nasaan kayo?" "Nasa bahay ni Tito Will." "Nasaan si Hunter?" "Nasa kuwarto. Natutulog." "Is the house locked?" "Yes. May dalawang security guard sa labas." "Kunin mo ang kapatid mo. Dalhin mo sa kuwartong walang bintana. Lock the door." "Mom, anong nangyayari?" "Just do it." May narinig siyang yabag sa kabilang linya. "Mom?" "What?" "Wala si Hunter sa kuwarto." Parang tumigil ang puso ni Eve. "Hanapin mo." "I'm checking the bathroom." Narinig niya ang pagbukas ng mga pinto. "Hunter!" sigaw ni Liam. "Hunter!" Kinuha ni Eve ang bag niya. "Ano'ng nangyayari?" tanong ni Celine. "Wala si Hunter." Namutla ang matanda. "Ano?" "Sinabi ni Papa na nasa stuffed lion ang listahan." Agad itong napahawak sa bibig. "Alam mo?" "Hindi." "Stop lying!" "Hindi ko alam na nasa laruan

  • His Beautiful Lie   His Beautiful Lie - Chapter 15: Ang Taong Dapat Patay Na - Page 2

    Hindi agad hinarap ni Eve ang kanyang ina. Pinakinggan niya ang recording nang pitong beses. Sa bawat ulit, umaasa siyang mali ang kanyang narinig. Baka kahawig lamang. Baka edited. Baka bahagi iyon ng panibagong panlilinlang. Ngunit walang ibang taong nagsasalita tulad ni Celine. Walang ibang may parehong mahinahong boses na kayang gawing parang pagmamahal ang kahit pinakamasakit na salita. Hindi dapat nakaligtas si Eve sa operasyon. Hindi niya alam kung alin ang mas masakit—ang posibilidad na totoo iyon o ang katotohanang may bahagi sa kanya na handang maniwala. Nasa kusina si Celine, naghahanda ng lugaw para sa kanya. "Anak, gising ka na pala," sabi nito. "Kumain ka muna bago ang gamot mo." Tiningnan ni Eve ang maliit na lalagyan ng mga gamot at supplements sa mesa. Mula nang umuwi siya, si Celine ang naghahanda ng lahat ng iniinom niya. "Nasaan sina Liam at Hunter?" "Nasa bahay nina Will. Sinundo sila ni Dana." "Good." Kumunot ang noo ng kanyang ina. "May problema ba?" Inilapag ni

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status