LOGINVoted
Sampung taon bago nalaman ni Eve na may cancer siya, nakilala niya si Rigo sa isang lugar na hindi niya gustong puntahan. Birthday party iyon ng kaibigan niyang si Mara. Umuwi siya sa Pilipinas mula Dubai ilang buwan matapos maging final ang annulment nila ni Gabriel. Ayaw niyang dumalo. Maraming bisita. Malakas ang musika. At halos lahat ay nag-aakalang ang isang babaeng bagong hiwalay ay nangangailangan agad ng bagong lalaki. "Isang oras lang," pakiusap ni Mara. "Kapag hindi ka nag-enjoy, ihahatid kita pauwi." "Hindi ako mag-e-enjoy." "Hindi mo pa nga nasusubukan." "Maraming tao. Maingay. May mga lasing. Ano roon ang dapat kong ma-enjoy?" "Free food?" Iyon ang dahilan kung bakit naroon siya. O iyon ang sinabi niya sa sarili. Nakatayo siya sa balkonahe nang unang lumapit si Rigo. May hawak itong dalawang baso, ngunit tubig ang iniabot nito sa kanya. "Hindi ako umiinom," sabi ni Eve. "Good. Tubig iyan." Sinilip niya ang baso bago tinanggap. "Hindi rin ako tumatanggap ng drinks mula sa strangers." "Then don't drink it." Napatingin siya rito. Ngumiti si Rigo. "I'm Rigo." "Hindi ibig sabihin niyon na hindi ka na stranger." "Fair point." Sa halip na pilitin siyang makipag-usap, tumayo lamang ito sa kabilang bahagi ng balkonahe. Hindi masyadong malapit. Hindi rin nakaharang sa daan. Napansin iyon ni Eve. Karamihan sa mga lalaking lumalapit sa kanya ay agad nagtatanong kung may boyfriend siya, bakit siya tahimik, o bakit parang galit siya sa mundo. Iba si Rigo. "Hindi mo ako tatanungin kung bakit ako mag-isa?" tanong niya. "Hindi." "Bakit?" "Dahil mukhang pinili mong mapag-isa." Napatingin siya rito nang mas matagal. Mayaman si Rigo. Halata iyon sa relo, sa sapatos, at sa paraan ng pakikitungo ng ibang bisita rito. Ngunit walang yabang sa pagkakatayo nito. Para lamang itong lalaking walang kailangang patunayan. "Kaibigan mo si Mara?" tanong niya. "Pinsan." "Hindi niya sinabi." "Maraming hindi sinasabi si Mara." Hindi alam ni Eve kung bakit tila may kakaiba sa paraan ng pagkakasabi nito. Bago siya makapagtanong, bumukas ang p***o ng balkonahe. "Eve!" tawag ni Mara. "Picture!" Umiling siya. "No." "Please." "I said no." Tumawa ang isang lalaking lasing na nakatayo sa likod ni Mara. "Arte naman." Agad tumigas ang katawan ni Eve. Lumapit ang lalaki at akmang hahawakan ang kanyang braso. Bago pa ito makalapit, humarang si Rigo. "She said no." "Nakikijoke lang." "Then find someone who finds you funny." Nawala ang ngiti ng lalaki. "Kilala mo ba ako?" "No." Ngumiti si Rigo. "And I already don't like you." Umalis ang lalaki habang nagmumura. Hindi nagpasalamat si Eve. Hindi rin iyon hinintay ni Rigo. Nang gabing iyon, inihatid siya ni Mara. Ngunit bago siya sumakay sa kotse, iniabot ni Rigo ang isang business card. "Hindi ko kailangan," sabi niya. "I know." "Then bakit mo ibinibigay?" "Baka dumating ang araw na gusto mong uminom ng tubig kasama ang isang dating stranger." Hindi niya tinawagan si Rigo. Ito ang tumawag sa kanya pagkaraan ng tatlong araw. Hanggang ngayon, hindi niya alam kung paano nakuha nito ang numero niya. Noong tanungin niya, sinabi nitong si Mara ang nagbigay. Nang tanungin niya si Mara, sinabi nitong hindi. Hindi iyon binigyan ng pansin ni Eve noon. Maraming paraan ang isang mayamang lalaki upang makuha ang numero ng babaeng gusto nitong makilala. Rigo was persistent, but never forceful. Nagpadala ito ng pagkain kapag alam nitong hindi pa siya kumakain. Hindi ito nagagalit kapag kinakansela niya ang lakad nila. At kapag kailangan niya ng katahimikan, marunong itong tumabi nang hindi nagsasalita. Minahal ito ni Celine. Nakagaanan ito ng loob ni Will. Maging si Gabriel ay nagsabing mukhang mabuting tao si Rigo. At higit sa lahat, minahal ito ni Liam. Hindi nito sinubukang palitan ang ama ng bata. Hindi rin nito pinagsalitaan nang masama si Gabriel. "Your dad loves you," sabi nito minsan kay Liam. "Nothing will ever change that." Doon nagsimulang ibaba ni Eve ang kanyang depensa. Pagkalipas ng dalawang taon, pinakasalan niya si Rigo. Isang taon pagkatapos, ipinanganak si Hunter. Sa loob ng maraming taon, naniwala si Eve na ang pagkikita nila sa birthday party ay simpleng pagkakataon lamang. Hindi niya alam na isang linggo bago ang party, may ipinakitang litrato niya kay Rigo. Hindi niya alam na binayaran nito ang isang tao upang alamin kung saan siya nakatira, saan siya nagtatrabaho, at sino ang mga lalaking pinagkakatiwalaan niya. At higit sa lahat, hindi niya alam na matagal na nitong hawak ang kopya ng litrato nilang mag-ama sa rest house.Nakaligtas si Rigo. Dumaan ang bala sa tagiliran nito at hindi tinamaan ang anumang mahalagang organ. Dalawang linggo itong nanatili sa ospital. Hindi araw-araw bumisita si Eve. Hindi rin siya nanatili sa tabi nito buong gabi. Nandoon siya nang magising ito, ngunit malinaw ang una niyang sinabi. "Ang pagligtas mo sa buhay ko ay hindi nagbubura sa mga kasinungalingan mo." "I know," sagot ni Rigo. "Kailangan ko ng panahon." "I'll give you as much as you need." "Kailangan ko rin ng space." Tumango ito. "The house is yours. I'll stay somewhere else." "Hindi ko gusto ang bahay." "Then I'll sell it." "Hindi ko kailangan ang pera mo." "I know." "Stop saying you know." Bahagya itong ngumiti. "Okay." Hindi siya ngumiti pabalik. Ngunit sa unang pagkakataon, hindi rin niya kinamuhian ang sarili dahil mahal pa rin niya ito. Maaaring mahalin ang isang tao at piliing lumayo. Maaaring patawarin at hindi agad ibalik ang tiwala. Maaaring kilalanin ang kabutihan nito nang hindi kinakalimutan ang sakit
Yumuko si Eve. May dalawang putok na umalingawngaw sa lobby. Nabasag ang ilaw sa kisame. Sa dilim, narinig niya ang sigaw ng tauhan ni Mateo at ang tunog ng katawan nitong bumagsak. May humawak sa braso niya. Mabilis siyang pumiglas. "It's me," bulong ni Rigo. "Hunter?" "Safe. Kasama ni Gabriel." Inakay siya nito sa likod ng konkretong haligi. "Stay here." "Nasaan si Papa?" "Hindi ko makita." Muling bumukas ang emergency lights. Sa mapulang liwanag, nakita ni Eve si Mateo na tumatakbo patungo sa hallway. May hawak itong baril. Sumunod si Rigo. "Rigo!" Hindi ito lumingon. Nakarinig sila ng mga sirena sa labas. Pumasok ang ilang pulis, kasama si Will. Agad nitong nilapitan si Eve. "Nasaan si Hunter?" "Safe." "Si Rigo?" "Hinabol si Papa." Nagmura si Will bago sumunod sa hallway. Hindi nanatili si Eve sa likod ng haligi. Buong buhay niya, iniwan siya ng ibang tao sa labas ng mga desisyong tungkol sa sarili niyang buhay. Hindi na ngayon. Sinundan niya sila. Sa dulo ng hallway ay may operat
VoteIniwan ni Gabriel si Eve dalawang kanto mula sa lumang medical center."May twenty minutes ka," sabi nito. "Kapag hindi ka lumabas, papasok kami.""Gab—""Hindi iyon negotiation."Tumango siya.Nakaalis na si Rigo upang hanapin ang underground entrance. Papunta na rin ang police team na tinawagan ni Will, ngunit hindi nila alam kung mapagkakatiwalaan ang lahat ng kasama roon.Naglakad si Eve patungo sa abandonadong gusali.Bawat hakbang ay masakit. Nanghihina pa ang katawan niya, ngunit pinilit niyang manatiling tuwid.Sa lobby ay naghihintay ang kanyang ama.Sa likod nito ay si Hunter, nakaupo sa isang lumang wheelchair. Hindi na nakatali ang mga kamay nito."Mom!"Tumakbo ang bata patungo sa kanya.Ngunit humarang ang isang armadong lalaki."Let him go," sabi ni Eve."Ang device," sagot ni Mateo.Ipinakita niya iyon ngunit hindi ibinigay."Una ang anak ko.""Hindi ka marunong tumupad sa usapan.""Kanino ko kaya natutuhan?"Nawala ang ngiti ng matanda.Sa malapitan, mas malinaw
Vote"Bakit mo inilagay sa laruan ni Hunter?" tanong ni Eve."Nakita ko iyon sa lumang gamit ni Rigo ilang araw bago ka manganak," sagot ni Celine. "Hindi ko alam kung ano ang laman, pero nakita ko ang marka ng foundation sa capsule.""Bakit hindi mo sinabi?""Dahil natakot akong kukunin niya iyon kapag nalaman niyang nakita ko.""So you hid it in my child's toy?""Akala ko iyon ang pinakaligtas na lugar. Hindi ko inisip na ilalagay ko siya sa panganib."Napatawa si Eve nang walang saya. "Lahat kayo, gumagawa ng desisyon para sa akin. Pagkatapos, ako at ang mga anak ko ang nagbabayad.""Sorry.""Hindi sapat ang sorry.""I know."Inilagay ni Eve ang device sa bulsa."Aalis na ako.""Ako ang magda-drive," sabi ni Gabriel."Sinabing mag-isa ako.""Ihahatid lang kita malapit sa lugar.""Gab—""Hindi ako papayag na mag-drive ka sa kondisyon mo. Puwede kang magalit sa akin pagkatapos."Sa normal na pagkakataon, makikipagtalo siya.Ngunit bawat minutong lumilipas ay isang minutong hawak ni M
Hindi tinapos ni Eve ang tawag. Ang linya ang unang naputol. Agad niyang tinawagan si Will. Walang sagot. Tinawagan niya si Dana. Wala rin. Sunod si Liam. Sa ikatlong ring, may sumagot. "Mom?" Napahawak si Eve sa mesa. "Liam, nasaan kayo?" "Nasa bahay ni Tito Will." "Nasaan si Hunter?" "Nasa kuwarto. Natutulog." "Is the house locked?" "Yes. May dalawang security guard sa labas." "Kunin mo ang kapatid mo. Dalhin mo sa kuwartong walang bintana. Lock the door." "Mom, anong nangyayari?" "Just do it." May narinig siyang yabag sa kabilang linya. "Mom?" "What?" "Wala si Hunter sa kuwarto." Parang tumigil ang puso ni Eve. "Hanapin mo." "I'm checking the bathroom." Narinig niya ang pagbukas ng mga pinto. "Hunter!" sigaw ni Liam. "Hunter!" Kinuha ni Eve ang bag niya. "Ano'ng nangyayari?" tanong ni Celine. "Wala si Hunter." Namutla ang matanda. "Ano?" "Sinabi ni Papa na nasa stuffed lion ang listahan." Agad itong napahawak sa bibig. "Alam mo?" "Hindi." "Stop lying!" "Hindi ko alam na nasa laruan
Hindi agad hinarap ni Eve ang kanyang ina. Pinakinggan niya ang recording nang pitong beses. Sa bawat ulit, umaasa siyang mali ang kanyang narinig. Baka kahawig lamang. Baka edited. Baka bahagi iyon ng panibagong panlilinlang. Ngunit walang ibang taong nagsasalita tulad ni Celine. Walang ibang may parehong mahinahong boses na kayang gawing parang pagmamahal ang kahit pinakamasakit na salita. Hindi dapat nakaligtas si Eve sa operasyon. Hindi niya alam kung alin ang mas masakit—ang posibilidad na totoo iyon o ang katotohanang may bahagi sa kanya na handang maniwala. Nasa kusina si Celine, naghahanda ng lugaw para sa kanya. "Anak, gising ka na pala," sabi nito. "Kumain ka muna bago ang gamot mo." Tiningnan ni Eve ang maliit na lalagyan ng mga gamot at supplements sa mesa. Mula nang umuwi siya, si Celine ang naghahanda ng lahat ng iniinom niya. "Nasaan sina Liam at Hunter?" "Nasa bahay nina Will. Sinundo sila ni Dana." "Good." Kumunot ang noo ng kanyang ina. "May problema ba?" Inilapag ni







