Share

Chapter 7

Author: Deigratiamimi
last update Last Updated: 2025-02-13 20:36:10

Cassandra Dela Vega's POV

Gising pa rin ako.

Hindi ko alam kung anong oras na, pero ilang beses ko nang narinig ang tunog ng wall clock sa kwarto—isang mabagal at paulit-ulit na tik-tok na parang lalo lang nagpapaalala sa akin na hindi ako makatulog.

Damn it.

Nilingon ko si Sebastian.

Nakahiga siya sa kabilang gilid ng kama, nakatalikod sa akin. Tahimik. Matatag ang paghinga, pero hindi ko sigurado kung tulog na ba siya o gising pa.

Tiningnan ko ang espasyong namamagitan sa amin.

This is so awkward.

Paano ba naman, ngayon lang ulit kami nagkatabi sa iisang kwarto, sa iisang kama, matapos ang tatlong taon. Pero ngayon, may pagitan na sa amin. Isang invisible wall na mas mahirap sirain kaysa sa kahit anong konkretong harang.

Dati, wala kaming problema sa ganitong sitwasyon. Dati, hinahayaan kong balot niya ako sa yakap niya hanggang sa makatulog ako. Dati, wala akong kahit anong duda sa kanya. Pero lahat ng iyon, nawala.

At sa kabila ng lahat, hindi ko pa rin makuha ang sagot sa tanong ko—Bakit?

Bakit siya umalis noon?

Bakit niya akong iniwan nang walang paliwanag?

At bakit siya ngayon ang napilitang pumalit kay Daniel?

Napakuyom ako ng kamao.

Kung tutuusin, kaya ko siyang tanungin ngayon. Hindi naman kami ganun kalayo sa isa’t isa. Pero alam kong hindi niya ako sasagutin.

Kailan ba siya naging bukas sa akin tungkol sa totoong nararamdaman niya?

Kailan ba siya hindi naging isang misteryo?

Huminga ako nang malalim at ipinikit ang mga mata, pilit na iniisip ang kahit anong makakatulong sa akin na makatulog.

Pero isang minuto pa lang ang lumilipas, biglang may narinig akong mahina ngunit malinaw na boses mula sa tabi ko.

“Hindi ka pa rin nagbabago.”

Napadilat ako.

Dahan-dahan akong lumingon.

Nakatingin na pala siya sa akin.

Hindi ko alam kung gaano siya katagal na nakapikit lang pero gising, pinagmamasdan akong nagpipilit matulog.

“Ano ang ibig mong sabihin?” tanong ko, pilit na pinapanatili ang boses kong kalmado.

Bumuntong-hininga siya. “Kapag may iniisip ka, hindi ka talaga makatulog.”

Nag-init ang pisngi ko, pero hindi ako natinag. “So, nagmamasid ka lang d’yan habang nagpapanggap akong tulog?”

Umangat ang isang sulok ng labi niya. Isang bahagyang ngiti na hindi ko mabasa kung nanunukso o may ibang ibig sabihin.

“Bakit? Natatakot kang pagmasdan kita?”

Napakunot ang noo ko. “Sebastian, hindi ito biro.”

Bigla siyang bumaling nang higa, nakatitig sa kisame.

“Alam ko.”

Tahimik lang siya ng ilang segundo, bago siya muling nagsalita.

“May gusto kang itanong, ‘di ba?”

Napatigil ako.

Hinawakan ko ang kumot, pilit na kinakalma ang sarili ko.

Alam kong ito na ang pagkakataon ko.

Pero hindi ko alam kung handa akong marinig ang sagot niya.

Dahil paano kung hindi ko kayang tanggapin?

“Bakit ikaw ang pumalit kay Daniel?” tanong ko sa wakas, sinisikap na gawing normal ang tono ng boses ko.

Hindi siya agad sumagot.

Tahimik lang siya.

Akala ko nga, hindi niya ako sasagutin.

Pero nang magsalita siya, malamig at kalmado ang boses niya.

“Dahil wala nang ibang pagpipilian.”

Napakunot ang noo ko. “Anong ibig mong sabihin?”

Lumingon siya sa akin.

“Umalis si Daniel.”

“I know that, Sebastian. Pero bakit ikaw?”

Huminga siya nang malalim. “Dahil may nangyari.”

Nanlamig ang katawan ko.

“Anong nangyari?”

Hindi niya ako sinagot agad. Pero kitang-kita ko sa mga mata niya ang bigat ng iniisip niya. Parang may kinikimkim siyang lihim na hindi niya alam kung dapat niyang sabihin. At para sa isang tulad ni Sebastian, hindi normal ang ganitong hesitation.

What the hell is going on?

Bago ko pa siya muling matanong, tumayo siya mula sa kama.

Kinuha niya ang phone niya sa bedside table at bumaling sa akin.

“Matulog ka na, Cassandra.”

Mas lalo akong naguluhan.

“Sebastian—”

“Hindi pa ito ang tamang panahon para pag-usapan natin ‘to.”

At bago ko pa siya mapigilan, lumabas siya ng kwarto, iniwang nakabitin ang lahat ng tanong ko.

Muli akong napatitig sa kisame, pilit na inuunawa ang mga sinabi niya. Pero isa lang ang sigurado ako. May itinatago si Sebastian. At hindi ko alam kung kaya kong malaman kung ano iyon.

***

Nagising ako sa mahina ngunit sunod-sunod na katok sa pintuan ng kwarto.

Nang imulat ko ang mga mata ko, naaalala ko agad ang lahat—ang kasal, ang pagkawala ni Daniel, at ang hindi inaasahang pagpapalit ni Sebastian bilang groom ko.

Tiningnan ko ang kabilang gilid ng kama. Walang tao.

Kahit papaano, hindi na ako nagulat. Matapos siyang lumabas kagabi, hindi na siya bumalik sa kwarto. Hindi ko alam kung saan siya natulog o kung umuwi ba siya sa ibang bahay ng mga Alcantara. Pero ang isang bagay na sigurado ako—may iniiwasan siya.

At ako iyon.

Muling bumalik ang sunod-sunod na katok.

Napabuntong-hininga ako bago bumangon at naglakad papunta sa pintuan.

Pagbukas ko, bumungad sa akin si Elena, ang isa sa mga matagal nang kasambahay ng pamilya namin. Nakangiti siya, pero bakas ang pag-aalalang pilit niyang tinatago.

“Señorita Cassandra, naghihintay na po sa ibaba sina Don Romano at Doña Esther.”

Napahigpit ang hawak ko sa doorknob.

Wala na akong kawala.

Kahit pa anong pilit kong huwag isipin ang katotohanang nagbago na ang buhay ko sa isang iglap, hindi ko na ito matatakasan.

Nandito na ako sa bahay ng mga Alcantara.

At ngayon, haharapin ko na ang pamilya ni Sebastian—at ang pamilya kong nagpilit sa kasal na ito.

Damn it.

“Sige. Susunod na ako.”

“Ipinaghanda ko na rin po kayo ng kape,” dagdag ni Elena, tila ba alam na kakailanganin ko ng pampakalma.

Tumango ako. “Salamat.”

Nang makaalis na siya, dahan-dahan akong pumasok ulit sa kwarto at pumunta sa banyo.

Sa harap ng salamin, pinagmasdan ko ang sarili ko.

Kahit hindi ako umiyak kagabi, halata pa rin ang pagod sa mukha ko. Ang maga kong mata, ang bahagyang pamumutla ng balat ko—lahat ng ito, palatandaan na kahit anong pagtatapang-tapangan ko, naapektuhan pa rin ako sa lahat ng nangyari.

Pinilit kong ayusin ang sarili ko. Naghilamos, naglagay ng light make-up, at nagsuot ng simple ngunit eleganteng dress. Kahit papaano, kailangan kong ipakita na kaya kong harapin ang sitwasyong ito nang hindi mukhang wasak sa loob.

Dahil hindi ko bibigyan ng satisfaction ang kahit sino na makita akong mahina.

Lalo na si Sebastian.

***

Pagbaba ko sa dining area, bumungad agad sa akin ang mahahabang mesa, punong-puno ng masasarap na pagkain, at ang malamig na presensya ng dalawang pamilyang nagbago sa buhay ko.

Sa isang dulo, nakaupo ang ama ko—si Don Romano Dela Vega, kasama si Mommy. Pareho silang mukhang composed, pero alam kong may tensyon sa pagitan nila at ng pamilya ng groom ko.

Sa kabilang dulo, nakaupo si Doña Isabelle Alcantara—ang matriarka ng pamilya Alcantara. Sa tabi niya ay ang tiyuhin ni Sebastian, si Don Armando, na isa rin sa mga may pinakamalaking kontrol sa negosyo nila.

At naroon si Sebastian, nakaupo sa tabi ng ina niya. Tahimik. Hindi man lang nag-abalang tumingin sa akin.

Pero kahit hindi siya nakatingin, ramdam ko ang presensya niya. Ramdam ko ang tensyon sa buong kwarto.

“Cassandra, halika at umupo ka,” wika ni Doña Isabelle, nakangiti pero bakas sa tono ng boses niya ang awtoridad.

Ngumiti ako nang bahagya at tumango bago naupo sa tabi ni Mommy. Tahimik akong nagsalin ng kape sa tasa ko. Wala pang nagsasalita, pero ramdam ko ang bigat ng hangin sa pagitan ng lahat ng naroon.

Hanggang sa sa wakas, si Don Romano ang bumasag sa katahimikan.

“Sebastian, maaari mo bang ipaliwanag sa amin kung anong nangyari kay Daniel?”

Lahat ng mata ay tumuon kay Sebastian.

Kasama na ako.

Nanatili siyang composed. Ni hindi siya natinag.

Binaba niya ang tinidor niya bago tiningnan si Daddy. “Umalis siya.”

Napakunot ang noo ko. “Iyon lang? Wala kang ibang paliwanag?”

Lumingon siya sa akin. Diretso. Walang emosyon.

“Sa ngayon, Cassandra, iyon lang ang masasabi ko.”

Napapikit ako, pilit na kinalma ang sarili ko.

“Ano ang ibig sabihin mo? Nawawala siya? Tumakas?” tanong ni Mommy, halatang hindi kuntento sa sagot ni Sebastian.

Nagpalitan ng tingin sina Don Guillermo at Doña Isabelle bago nagsalita ang huli.

“Hindi namin alam ang eksaktong dahilan, pero nagdesisyon siyang umalis.”

“At wala kayong balak hanapin siya?” tanong ko, hindi mapigilan ang frustration sa boses ko.

Tumawa nang bahagya si Don Armando. “Bakit pa? Nagawa na natin ang kasal. Ang mahalaga, natuloy ang merger ng dalawang pamilya.”

Doon ko tuluyang naramdaman ang bigat ng lahat.

Para sa kanila, walang halaga si Daniel. Para sa kanila, walang halaga ang nararamdaman ko. Ang mahalaga lang ay ang kasunduang ito.

Napalunok ako at pilit na tinapos ang kape ko bago muling lumingon kay Sebastian.

“At ikaw, Sebastian?”

Tiningnan niya ako. “Ano?”

“Ano ang dahilan mo para pumayag na pakasalan ako? Dahil lang ba sa merger?”

Tahimik siya ng ilang segundo.

Alam kong iniisip niya kung paano niya sasagutin iyon. Pero sa huli, binitawan niya ang isang sagot na lalong nagpalito sa akin.

“Mas mabuti nang ako kaysa sa iba.”

Muling nagtagpo ang mga mata namin. May kung anong matinding emosyon sa ilalim ng malamig niyang tono. Parang gusto niyang sabihin ang isang bagay na hindi niya kayang sabihin.

At iyon ang lalong nagpagulo sa isip ko.

Dahil sa puntong ito, mas lalong lumalim ang isang tanong na hindi ko matakasan.

Ano ang totoong dahilan ni Sebastian sa pagpapakasal sa akin?

Author's Note:

Hello, pwede po bang pa-like ng note ko, mag-iwan ng comments sa bawat chapter po kahit ano lang po for engagement ng book. Pwede rin kayong mabigay ng gems. Paki-rate na lang din po ang book. Malaking tulong na po 'yan sa book ko.

Deigratiamimi

Hello, pwede po bang pa-like ng note ko, mag-iwan ng comments sa bawat chapter po kahit ano lang po for engagement ng book. Pwede rin kayong mabigay ng gems. Paki-rate na lang din po ang book. Malaking tulong na po 'yan sa book ko.

| 9
Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • His Brother's Bride   Chapter 58

    Cassandra Dela Vega's POV Hindi ko maipaliwanag ang tibok ng puso ko habang binabaybay namin ni Sebastian ang kahabaan ng Ortigas Avenue. Nasa passenger seat ako, nakatitig sa basang salamin ng kotse habang dinadaanan namin ang mga gusaling tila walang pakialam sa mundo—samantalang ako, pakiramdam ko ay parang bumabaliktad ang lahat sa paligid ko.Kanina lang, habang nasa boardroom kami para sa quarterly financial review ng Alcantara Hotels, tumunog ang isa sa mga phone lines ni Sebastian—isang secure line na ginagamit lamang kapag may sensitibong transaksyon o impormasyon."Unknown number," he murmured, habang sinusulyapan ito."Answer it," I said almost instinctively, not knowing it would be the start of something terrifying.Sinagot niya ang tawag at agad itong pinunta sa speaker. Isang malamig at pormal na boses ng babae ang narinig namin."Mr. Alcantara. Miss Dela Vega. I have information you might want to hear. It’s about your father… and Daniel’s death."Napatingin ako agad ka

  • His Brother's Bride   Chapter 57

    Cassandra Dela Vega's POV Walang kapantay ang kaba na nararamdaman ko habang binubuklat ko ang mga lumang records ng kompanya. Nasa archive room ako ng Alcantara Group of Companies habang si Sebastian ay nasa isang closed-door meeting kasama ang legal team. Pareho kaming walang tigil sa paghahanap ng katotohanan. Hindi kami naniniwalang nag-suicide si Daniel. He wouldn’t just end his life like that. Not after everything we discovered, not after everything he finally fought to face.Matagal kaming hindi nagkita ni Sebastian dahil sa sunod-sunod na meetings at usaping legal tungkol sa posisyon ng CEO. Pero matapos ang pagkamatay ni Daniel, tila mas lalong naging personal ang laban para sa amin. This wasn’t just about corporate power anymore. It was about justice.And justice, for me, means peeling every layer of lie that surrounded this family.“Ate Cass,” tawag ni Alyssa, isa sa mga interns na in-assign ko para tumulong sa paghalukay ng dating mga project files. “May nakita po akong n

  • His Brother's Bride   Chapter 56

    Cassandra Dela Vega's POV Abala ako sa pagta-type ng monthly performance report ng marketing department nang biglang nag-vibrate ang cellphone ko sa gilid ng desk. Mabilis kong kinuha iyon, at agad kong kinilala ang pangalan sa screen—Sebastian. Napangiti ako. Ilang araw na rin kaming hindi nagkikita. Pareho kaming abala. Siya sa board meetings at sa pressure ng leadership, ako naman sa deadlines at brand proposals. Pero sa kabila ng lahat, mahalaga pa rin sa akin ang kahit sandaling tawag mula sa kanya. Pakiramdam ko, sa gitna ng kaguluhan sa mundo, siya lang ang katahimikan kong puwedeng uwian. Kaya't hindi na ako nagdalawang-isip. “Hey,” bungad ko, pilit tinatago ang pananabik sa boses ko. Pero agad ding napawi ang ngiti ko nang marinig ko ang tonong bumungad mula sa kabilang linya. “Cassandra…” basag at mabigat ang boses niya. Iba sa karaniwang kalmadong Sebastian na alam ko. Iba ito—parang may kinikimkim, parang punô ng pangamba. Napakunot ang noo ko. “Sebastian, what’s w

  • His Brother's Bride   Chapter 55

    Cassandra Dela Vega's POV Buong araw, tahimik lang ang opisina. May mga pagkakataong napapatitig ako sa pinto ng opisina ni Sebastian, pero nananatili iyong nakasara. Walang anino ng presensiya niya sa loob. Wala ring text. Walang tawag. Walang balita. Ilang araw na siyang hindi pumapasok, at kahit ang mga tauhan niya ay halatang nag-aalalang hindi makatingin ng diretso kapag napapadaan ako sa hallway.It’s been an another week. A whole week without Sebastian.Alam kong abala siya sa pagliligtas sa posisyon niya bilang CEO, lalo pa’t halos lamunin siya ng mga board members noong huling meeting. Nabalitaan kong sunod-sunod ang mga closed-door discussions sa head office. Confidential, highly sensitive matters. And at the center of all that? Sebastian Alcantara—my Sebastian.Ako, heto pa rin. Working. Breathing. Trying. Pero may bahagi sa akin na hindi mapakali. Parang kahit anong gawin kong productive na kilos, hindi buo ang araw kapag hindi ko siya nakikita. Ganoon na ba talaga ako ka

  • His Brother's Bride   Chapter 54

    Cassandra Dela Vega's POV Isang linggo na ang lumipas, pero ni anino ni Sebastian, hindi ko pa rin nakita. Hindi ko alam kung mas nakakabaliw ang katahimikan ng bahay o ang pag-iwas niya sa akin. Oo, naiintindihan ko. Alam kong abala siya sa Alcantara Group—lalo na ngayong may banta si Daniel sa posisyon niya bilang CEO. Pero hindi ba… ako ang asawa niya? Hindi ba dapat, kahit papaano, ay kinukumusta niya ako? Kahit isang mensahe lang? Kahit isang tawag? Huminga ako nang malalim habang pinagmamasdan ang mga patak ng ulan na marahang humahalik sa salamin ng bintana sa kwarto namin. I had always found comfort in the rain. It felt like the sky was crying the tears I didn’t know I was holding. Ilang beses ko nang tinangka siyang tawagan pero laging unreachable. And it wasn’t like him. Hindi siya kailanman naging ganito—distant, cold, unreachable. I turned away from the window, walked towards the dresser, and picked up the small velvet box he once gave me. The engagement ring shimmer

  • His Brother's Bride   Chapter 53

    Sebastian Alcantara's POV The night was cold, but my blood was boiling. Sitting behind my mahogany desk, I stared at the cityscape beyond my office window. The towering skyscrapers stood tall, a testament to the power and ambition that ruled this world. My world. But now, everything I built was at risk. The board wanted me gone. The investors were uneasy. And my so-called family—the same people who raised me, the ones I fought for—were the ones leading the charge to rip everything away from me. Daniel. His name was like a blade against my throat, pressing harder with each passing day. He was the rightful heir, they said. The true Alcantara? Pareho lang naman kaming walang dugong Alcantara. Anak siya ng ama ni Cassandra. A man who had no experience, no vision, no battle scars to prove his worth—yet they were ready to hand him the throne. I scoffed. Let them try. My fingers tapped rhythmically against my desk as I reviewed the reports in front of me. Every financial statement

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status