Isang kasal na hindi niya pinili. Isang lalaking hindi niya inakalang babalik sa buhay niya. At isang lihim na babago sa lahat… *** Si Cassandra Dela Vega ay lumaki sa mundong puno ng kasunduan at obligasyon. Para sa kanya, ang pag-ibig ay hindi isang priyoridad—hanggang sa dumating si Sebastian Alcantara, ang lalaking minahal niya noon, ngunit bigla na lang nawala, iniwan siyang wasak at maraming mga tanong na hindi kailanman nasagot. Tatlong taon matapos ang masakit nilang paghihiwalay, muling nagkrus ang kanilang landas sa pinakamatinding paraan—sa altar. Sa halip na si Daniel Alcantara, ang groom na itinakda para sa kanya, napilitang pumalit si Sebastian, ang lalaking matagal niyang sinubukang kalimutan. Ngunit sa likod ng malamig na kasunduang ito, may mga lihim na pilit itinatago. Paano kung sa kabila ng lahat, ang pusong sinaktan noon ay muling magmakaawang mahalin? Sa isang relasyong puno ng sakit, pagsisisi, at matinding atraksiyon, matutuklasan ni Cassandra na minsan, ang pag-ibig ay hindi lang isang pangako—ito ay isang labanan. Sa labanang ito, sino ang unang bibitaw? O may pag-asa pa ba silang ipaglaban ang isang pag-ibig na minsang nawala?
View MoreCassandra Dela Vega's POV
"Hindi! Hindi ko ipapakasal ang sarili ko sa isang lalaking hindi ko mahal!" Ang sigaw ko ay dumagundong sa buong dining hall ng aming mansyon, na parang isang kulog na bumalot sa katahimikan ng hapunan. Ang mga magulang ko, sina Don Romano at Doña Esther Dela Vega, ay parehong nakatitig sa akin—ang isa may halong pagkadismaya, ang isa may malamig na determinasyon. Sa kabilang dulo ng mesa, nakaupo ang pamilya Alcantara, at si Daniel mismo, ang lalaking gusto nilang ipakasal sa akin, ay mukhang walang pakialam habang tahimik lang siyang umiinom ng alak. "This is not up for discussion, Cassandra," malamig na sagot ng Daddy ko. "Napagkasunduan na ito. Your marriage to Daniel will strengthen our family's business empire. This is what’s best for everyone." "Best for everyone?" Halos tumawa ako sa frustration. "Paano naging best for me, Dad? Hindi ko siya mahal! I don't even know him that well!" "Cassie—" "No, Mom!" Napatayo ako, hinampas ko ang mesa, dahilan para umalog ang ilang baso ng alak. "I thought we were done treating marriage like some kind of business deal! Akala ko ba, bilang anak n'yo, may choice ako sa buhay ko? Pero hindi pala! Para lang akong pawn sa chessboard ninyo!" "Cassandra, calm down," sabat ni Don Guillermo Alcantara, ang ama ni Daniel at… ng lalaking minsang minahal ko. Lalong lumalim ang galit sa dibdib ko sa mismong pag-iisip lang sa kanya—si Sebastian Alcantara. Ang lalaking unang nagpatibok ng puso ko. Ang lalaking minahal ko noon ng buo. At ang lalaking bigla na lang nawala, iniwan akong durog at maraming tanong. "Please, Cassandra," mahinahong sabi ni Daniel, finally speaking up. "I know this isn't ideal for you, but—" "Ideal?!" Napairap ako. "You’re seriously telling me that marrying someone I barely know and don’t even like is ideal?!" He let out a sigh, tila hindi rin masaya sa sitwasyon, pero mas sanay magpigil. I wasn’t like that. Hindi ko kayang lunukin ang pride ko para sa isang bagay na hindi ko gusto. Ang Mommy ko ay tahimik lang pero halata ang pag-aalala sa mukha niya. Alam kong gusto niya akong kampihan, pero bilang isang Dela Vega, hindi siya maaaring sumuway sa kagustuhan ni Daddy. "It's settled, Cassandra," madiin na sabi ng Daddy ko, ang boses niya ay hindi na nagbibigay ng espasyo para sa pagtatalo. "You will marry Daniel. And you will do it for this family." Parang lumulubog ang buong mundo ko. Hindi. Hindi ako papayag. Kahit kailan, hindi ako magiging sunud-sunuran sa kanila. No. I won't let them decide my future. Habang nakatayo ako sa harap ng mahahabang dining chairs, ramdam ko ang mabilis na paghinga ko. Ang kamay ko ay mahigpit na nakakuyom sa gilid ng damit ko, pilit pinipigilan ang nanginginig kong katawan. Hindi ko alam kung dahil sa galit, sa takot, o sa kawalan ng kontrol sa sarili kong buhay. "Pinipilit ninyo akong pakasalan ang isang taong hindi ko mahal?!" Tumatawa ako, pero walang halong saya. "Dad, Mom, hindi ito negosyo. Hindi ito merger na basta ninyo na lang pipirmahan sa papel. Buhay ko ang pinag-uusapan natin!" "Cassandra, lower your voice." Mahinahon, pero matigas ang tono ni Daddy, parang walang kwenta sa kanya ang pagwawala ko. "Wala kang magagawa. Ang kasunduang ito ay para sa kinabukasan ng pamilya natin. Wala ka nang ibang dapat gawin kung 'di ang sumunod." Napapikit ako, nanginginig ang dibdib ko sa frustration. "Kailan pa naging patas 'to, Dad? Kayo lang ang nagdesisyon, tapos ako ang kailangang magbayad?" Tumayo si Mommy, inilapit ang kamay sa akin, pero umiling lang ako. "Hija, we just want what's best for you. Alam naming magiging mabuting asawa si Daniel." "Best for me?" Tumingin ako kay Daniel na tahimik lang, parang wala lang ang pinag-uusapan. "Ikaw? Gusto mo ba 'to?" Napatingin siya sa akin, saglit na sumilay ang lungkot sa mga mata niya bago siya sumagot. "Cassandra, I respect you. I know this isn’t what you wanted, but maybe... we can make it work." Nagpanting ang tenga ko. "Make it work?! Hindi ito business partnership, Daniel! Hindi lang ito tungkol sa inyo, sa pamilya ninyo, o sa negosyo ninyo! Ako ito! Buhay ko ito!" Tumayo ako, naglakad palayo sa hapag-kainan. Hindi ko kayang makinig pa. Ang bigat ng dibdib ko, parang unti-unting binabaon sa lupa. Kailangang makalayo ako rito bago pa ako may masabing mga bagay na lalo lang magpapagalit sa kanila. Pero bago pa ako makalayo, nagsalita ulit si Daddy. "Hindi mo pwedeng takasan 'to, Cassandra." Napahinto ako sa harap ng malalaking pinto ng dining hall. Humigpit ang hawak ko sa door handle bago ako lumingon. "Watch me." *** Tatakas ako. Hindi ako magpapakasal. Walang ibang laman ang isip ko habang nagmamadali akong nag-impake ng kaunting gamit sa kwarto ko. Ilang piraso lang ng damit, cellphone, at konting cash—sapat na para makaalis ng ilang araw. Habang tinutupi ko ang huling damit sa bag, may marahas na katok sa pinto. "Cassandra, open the door. Now." Si Daddy. Nataranta ako. Mabilis kong kinuha ang bag at tinakbo ang terrace ng kwarto ko. Nasa second floor ako, pero alam kong kaya kong bumaba mula rito. Tumakbo ako papunta sa railings, hinagis ang bag pababa sa garden, at huminga ng malalim bago humawak sa gilid ng terrace. Cassandra, kaya mo 'to. Hindi mo pwedeng hayaang diktahan nila ang buhay mo. At bago pa bumukas ang pinto, agad akong bumaba. Masakit ang landing ko, pero hindi ko na ininda. Mabilis kong kinuha ang bag at tumakbo palabas ng garden. Dumiretso ako sa maliit na gate sa likod ng mansion—ang tanging daanan palabas na walang bantay. Pero bago pa ako makatawid, isang malamig at pamilyar na boses ang nagpahinto sa akin. "Cassandra." Nanigas ako. Hindi. Imposible. Dahan-dahan akong lumingon at halos tumigil ang mundo ko nang makita ko siya—Sebastian Alcantara. Tatlong taon. Tatlong taon mula nang huli ko siyang makita. Ang lalaking nagparamdam sa akin ng tunay na pag-ibig… at ng pinakamatinding sakit. Diyos ko. Bakit siya narito? Bakit siya nakatingin sa akin na parang matagal na niya akong hinintay?Cassandra Dela Vega’s POVMatapos ang ilang buwang pagod, luha, at takot, unti-unti nang bumalik sa normal ang lahat. Wala na si Daddy, nakulong na ang mga taong gumawa ng kasamaan, at sa unang pagkakataon sa mahabang panahon, nakahinga na rin ako nang maluwag. Tahimik na ang bahay, walang mga sigawan, walang mga tawag na nakakapagpabigat ng loob.Ngayon, si Sebastian ay muling nakabalik sa Alcantara Group. Hindi na siya binabatikos ng board. Sa katunayan, bumalik ang tiwala ng mga investors dahil nakita nilang siya ang totoong may kakayahan mamuno. Ako naman, sa wakas ay nakakapagpahinga na bilang asawa niya. Hindi na kailangan ng pagdududa o takot.Nasa balcony kami ng bahay habang iniinom ko ang kape ko. Lumabas si Sebastian mula sa loob ng kwarto, suot ang simpleng white shirt at slacks. “You’re up early,” sabi niya habang nilalapit ang sarili sa akin.“Hindi ako makatulog,” sagot ko. “Sanay pa rin yata ang katawan ko sa mga araw na puro abala tayo sa kaso.”Ngumiti siya at naupo
Cassandra Dela Vega’s POV Hindi ko na mabilang kung ilang gabi akong hindi nakatulog sa pag-aalala. Mula nang malaman namin na may nagtangka na sirain ang ebidensya, halos hindi na ako mapakali. Kasama ko si Sebastian araw-araw sa pag-asikaso ng mga dokumento at sa pagtiyak na bawat kopya ng recording ay may backup na hindi basta-basta mawawala. “Cass, nakumpirma na ng abogado. The audio files have been secured in three different encrypted drives,” sabi ni Sebastian habang naglalakad kami palabas ng opisina ng abogado. “One’s with the prosecutor, one’s with our team, and one’s with the court. Walang makakagalaw doon nang hindi napapansin.” Huminga ako nang malalim. “I hope so. Ayokong masayang lahat ng pinagdaanan ni Daniel… ni Vivian. If that evidence disappears, everything will fall apart.” Sebastian placed a hand on my back. “It won’t. We’ve come too far to lose now. Tomorrow’s the hearing. This is it, Cassandra. Justice will finally be served.” Pagdating ng kinabukasan, napuno
Cassandra Dela Vega's POVHindi pa rin ako makapaniwala sa mga nangyayari. Matapos maaresto si Daddy at si Edward Laurel, tila bumigat ang hangin sa bawat sulok ng tahanan namin. Ilang taon akong lumaking may takot at respeto sa ama ko—pero ngayon, iba na. May galit na akong hindi ko na kayang itago.Nasa conference room kami ng abogado namin, kasama si Sebastian at si Vivian. Tahimik ang paligid habang hinihintay namin ang update mula sa legal team. Ramdam ko ang kaba sa dibdib ko, lalo na’t alam kong anumang oras ay magsisimula na ang preliminary hearing.“Cass…” mahinang tawag ni Sebastian habang nakahawak siya sa kamay ko. “Are you okay?”Tumango ako, bagaman halatang pilit. “I’m trying to be,” sagot ko. “Hindi pa rin ako makapaniwala na kaya ni Dad ‘yon. Na papayag siyang patayin si Daniel… para lang sa pangalan ng pamilya.”“Greed can make people do terrible things,” sagot niya. “But we’re doing the right thing now. At least Daniel will finally get the justice he deserves.”Tahi
Cassandra Dela Vega's POV Hawak ko ang kamay ni Sebastian habang naglalakad kami papasok sa custodial center. Naka-face mask ako, pero alam kong kahit gano’n, halatang nanginginig ang labi ko. Hindi ko alam kung dahil sa kaba o sa bigat ng lahat ng nangyari.Hindi ko alam kung handa na ba talaga akong makita ulit ang ama ko — ang taong itinuring kong haligi ng buhay ko, pero siya rin pala ang dahilan kung bakit namatay ang kapatid ko.“Are you sure you want to do this?” tanong ni Sebastian habang huminto kami sa tapat ng pintuan ng interrogation room.Tumingin ako sa kanya. “I need to. Kailangan kong marinig mismo mula sa kanya kung bakit niya nagawa ‘yon. I deserve to know.”Tumango siya, pero hindi niya binitiwan ang kamay ko. “Then I’ll be here. I won’t let you face him alone.”Binuksan ng pulis ang pinto, at unti-unti akong pumasok. Nasa loob si Don Romano, nakasuot ng detainee uniform, tahimik na nakaupo. Walang bakas ng hiya o takot sa mukha niya. Parang normal lang.Pagkakita
Cassandra Dela Vega's POV Nasa conference room kami nina Sebastian, Atty. Morales, Jenny, at Vivian nang dumating ang tawag mula sa piskal. Tahimik kaming lahat habang nakikinig. Ilang minuto lang ang usapan, pero ramdam ko ang tensyon sa bawat segundo. Nang ibaba ni Atty. Morales ang telepono, diretso ang tingin niya sa amin.“Na-issue na ang warrant of arrest laban kay Don Romano Dela Vega at kay Edward Laurel,” mariin niyang sabi. “Both for murder and obstruction of justice.”Parang biglang lumiwanag ang paligid. Hindi ko napigilan ang malalim na paghinga ko, habang si Sebastian ay mariin ang pagkakahawak sa kamay ko.“So it’s final,” sabi ko, mahina pero malinaw. “They will finally face the law.”“Yes,” sagot ni Atty. Morales. “And the best part—operatives already moved. Hinuli na sila.”Napatayo si Sebastian. “Are you serious? Wala nang delay?”“Wala nang delay,” ulit ni Atty. Morales. “They were arrested earlier today. Dinadala na sila ngayon sa custodial center.”Hindi ko mapi
Cassandra Dela Vega's POV Lumakad ako nang dahan-dahan papasok sa maliit na apartment na kinaayunan namin bilang safehouse. Mainit ang ilaw sa loob, tahimik ang paligid. Nandoon na sina Sebastian at Atty. Morales; nakaayos ang table namin na may mga folder, laptop, at mga tila hindi mapigilang takot sa mga mata nila. Nakita ko rin si Jenny—nakaupo sa couch na may hawak na warm cup; mukhang hindi pa rin makapaniwala sa ginagawa niya.“Vivian’s here,” sabi ni Sebastian sa papasok ko. Naglakad kami papunta sa sala. Nang buksan ng receptionist ang pinto, nakita ko si Vivian na nakatayo sa threshold. Nakasuot siya ng simpleng blouse at trousers; mukha niya ay maputla, at nanginginig ang mga kamay. Pero lumalakad siya nang diretso, hindi tumitingin sa amin nang hindi niya kinakailangan.Huminto siya at tumingin sa akin. “Cassandra,” mahina ang boses niya. “Thank you for meeting me.”Hindi ko agad sinagot. Inayos ko muna ang sarili ko. “You came,” sabi ko. “You said you wanted to testify. I
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Comments