Share

Chapter 6

Author: Deigratiamimi
last update Last Updated: 2025-02-13 19:01:24

Cassandra Dela Vega's POV

Hindi ko alam kung ilang minuto akong nakatayo lang sa gitna ng silid matapos lumabas si Sebastian. Parang isang hindi ko kayang ipaliwanag na bigat ang bumalot sa akin, na para bang ang dami-daming dapat kong maramdaman, pero wala akong lakas para harapin ang alinman sa mga iyon.

Sa isang gabi, nagbago ang buong buhay ko.

Nagpakasal ako sa isang lalaking hindi ko inasahan.

Isang lalaking dati kong minahal, pero iniwan ako.

Isang lalaking hindi ko sigurado kung paano ko haharapin sa susunod na mga araw.

Huminga ako nang malalim at pilit na pinalis ang mga negatibong iniisip. Kailangan kong magbihis. Kailangan kong bumalik sa reyalidad.

Dahan-dahan akong naglakad papunta sa walk-in closet, tinanggal ang mabibigat na alahas na suot ko, at marahang hinubad ang wedding gown na kanina ko pa gustong alisin. Nang tuluyan na akong nakapagpalit ng silk nightwear, dumiretso ako sa harap ng malaking salamin.

Tinitigan ko ang sarili ko.

Ang babaeng nakatingin pabalik sa akin ay hindi ko halos makilala.

Mula sa maingat na ayos ng buhok ko, sa manipis na make-up na ngayon ay bahagyang kumupas, hanggang sa mga matang halatang pagod—hindi ako ito.

O baka… ito na ako ngayon.

Ang babaeng napilitan sa isang kasunduang hindi niya ginusto.

Bumuntong-hininga ako at marahang hinaplos ang kaliwang kamay ko, doon sa daliring ngayon ay may suot nang wedding ring.

Napapikit ako.

Dahil sa sandaling iyon, isang matinding realization ang bumangon sa loob ko—wala nang atrasan ito.

Kahit pa anong gawin ko, asawa ko na si Sebastian Alcantara.

At wala na akong magagawa kung 'di tanggapin iyon.

***

Eksaktong pag-upo ko sa kama ay bumukas ang pinto ng suite.

Napatigil ako.

Si Sebastian.

Nakapagpalit na rin siya ng damit—isang plain black shirt at pajama pants. Maluwag ang mga ito, pero hindi maitatangging lumilitaw pa rin ang matikas niyang tindig. Kahit kailan, hindi naman niya nawala ang pagiging intimidating niya.

Pero hindi iyon ang nakakuha ng pansin ko.

Kung 'di ang hawak niyang bote ng alak.

Napakunot ang noo ko. “Umiinom ka?”

Bahagyang tinaas niya ang bote. “Kailangan ko.”

Tinalikuran niya ako at dumiretso sa mini-bar ng suite. Mabilis niyang binuksan ang bote, saka nagsalin ng alak sa baso.

Pinanood ko lang siya habang ininom niya iyon, dire-diretso, parang tubig lang.

“May problema ba?” tanong ko kahit hindi ko alam kung bakit ako nagtatanong.

Tumingin siya sa akin, tila iniisip kung sasagutin niya ako o hindi. Pero sa huli, umiling lang siya. “Wala. Pagod lang.”

Alam kong kasinungalingan iyon, pero hindi ko na pinilit.

Dahil sa totoo lang, pagod rin ako.

Hinayaan ko na lang siyang uminom habang ako naman ay naupo sa gilid ng kama, sinusubukang huwag bigyang-pansin ang katotohanang iisa lang ang kwarto namin.

Iisa lang ang kama.

Wala akong ideya kung paano ko haharapin ang gabing ito.

Matapos ang ilang minutong katahimikan, nagsalita ulit si Sebastian.

“Alam kong hindi mo ito ginusto.”

Napatingin ako sa kanya.

Nasa harap pa rin siya ng mini-bar, hawak ang baso ng alak, pero nakatingin siya sa akin.

Matalim ang tingin niya. Prangka. Walang halong emosyon. Pero may kung anong lungkot sa ilalim nito na hindi ko maintindihan.

“Hindi ko rin ito ginusto,” dagdag niya.

May kung anong kumurot sa dibdib ko sa sinabi niya.

Hindi ko alam kung bakit, pero parang may parte sa akin na nasaktan sa pagtatapat niyang iyon.

Alam ko namang hindi mo ako gusto. Hindi na kailangan pang sabihin.

Bago pa ako makasagot, lumapit siya.

Sa isang iglap, nasa harap ko na siya.

Bahagya akong umatras, pero masyadong malapit ang kama. Wala akong matakasan.

Tumikhim ako at inangat ang tingin sa kanya. “Ano bang gusto mong sabihin, Sebastian?”

Tahimik lang siya habang nakatitig sa akin.

Isang tahimik na tensyon ang bumalot sa pagitan namin.

Hanggang sa tuluyan siyang yumuko, bahagyang lumapit pa.

Halos ilang pulgada na lang ang layo ng mukha niya sa akin.

Napalunok ako.

“Sinasabi ko lang, Cassandra,” mahinang bulong niya, “na hindi kita pipilitin sa kahit ano.”

Nagtagpo ang tingin namin.

Mas lumalim ang boses niya, mas naging seryoso.

“Huwag kang matakot sa akin.”

Nag-init ang mukha ko. “Sino’ng may sabing natatakot ako?”

Umangat ang isang sulok ng labi niya. Isang mapait na ngiti.

“Dahil kitang-kita ko sa mga mata mo.”

Doon na ako tuluyang napikon. “Hindi ako natatakot sa 'yo, Sebastian.”

“Talaga?”

Bumaba ang tingin niya sa labi ko.

Parang binuhusan ako ng mainit na tubig.

Napaatras ako nang bahagya, pero wala akong matakasan.

At ang pinakamalaking problema?

Hindi ako natatakot sa kanya.

Mas natatakot ako sa sarili ko. Sa kung paano ko pa rin nararamdaman ang dati. Sa kung paano ko pa rin siya naiisip kahit hindi ko gusto. Sa kung paano ko pa rin gustong hanapin ang sagot kung bakit niya ako iniwan noon. Pero hindi ko pwedeng hayaang bumalik ang dati. Hindi ko pwedeng hayaang mahulog ulit. Kaya mabilis kong iniwas ang tingin ko, pilit na kumalma, saka mahina pero matigas ang boses kong nagsalita.

“Sebastian, pagod na ako. Gusto ko nang matulog.”

Ilang segundo siyang hindi kumilos, pero sa huli, tumango siya at bahagyang umatras.

“Tulog ka na.”

Tumalikod siya at dumiretso sa kabilang gilid ng kama.

Nakahinga ako nang maluwag.

Matapos ang ilang minuto, pareho na kaming nasa kama—pero magkalayo, magkahiwalay, parang dalawang estrangherong napilitang magsama sa iisang bubong.

Tahimik. Walang nagsasalita.

Pero alam kong pareho kaming gising. Pareho naming iniisip ang parehong bagay.

Ano na ang mangyayari sa amin?

Habang nakatingin ako sa kisame, hindi ko mapigilan ang isang bagay na kanina ko pa gustong iwaksi.

Isang damdamin na hindi dapat bumalik.

Dahil sa kabila ng lahat ng sakit at galit…

Dahil sa kabila ng mga taon na lumipas…

Hindi ko maikakaila.

Si Sebastian Alcantara pa rin ang tanging lalaking minahal ko.

Author's Note:

Hello, pwede po bang pa-like ng note ko, mag-iwan ng comments sa bawat chapter po kahit ano lang po for engagement ng book. Pwede rin kayong mabigay ng gems. Paki-rate na lang din po ang book. Malaking tulong na po 'yan sa book ko.

Deigratiamimi

Hello! This is my new book. Sana ay suportahan ninyo ito. Maraming salamat.

| 12
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Comments (3)
goodnovel comment avatar
Kilutz Yohgatz
mukhang maganda, bagong subaybayan
goodnovel comment avatar
Deigratiamimi
hala salamat poio
goodnovel comment avatar
Ateloiv Mansanades
maganda ang story
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • His Brother's Bride   Chapter 61

    Cassandra Dela Vega's POV Lumakad ako nang dahan-dahan papasok sa maliit na apartment na kinaayunan namin bilang safehouse. Mainit ang ilaw sa loob, tahimik ang paligid. Nandoon na sina Sebastian at Atty. Morales; nakaayos ang table namin na may mga folder, laptop, at mga tila hindi mapigilang takot sa mga mata nila. Nakita ko rin si Jenny—nakaupo sa couch na may hawak na warm cup; mukhang hindi pa rin makapaniwala sa ginagawa niya.“Vivian’s here,” sabi ni Sebastian sa papasok ko. Naglakad kami papunta sa sala. Nang buksan ng receptionist ang pinto, nakita ko si Vivian na nakatayo sa threshold. Nakasuot siya ng simpleng blouse at trousers; mukha niya ay maputla, at nanginginig ang mga kamay. Pero lumalakad siya nang diretso, hindi tumitingin sa amin nang hindi niya kinakailangan.Huminto siya at tumingin sa akin. “Cassandra,” mahina ang boses niya. “Thank you for meeting me.”Hindi ko agad sinagot. Inayos ko muna ang sarili ko. “You came,” sabi ko. “You said you wanted to testify. I

  • His Brother's Bride   Chapter 60

    Cassandra Dela Vega's POV Narinig ko ang mahinang pag-ring ng cellphone ko habang abala ako sa pagsusuri ng reports sa marketing department. Naka-focus na sana ako, pero napakunot ang noo ko nang makita ko ang pangalan sa screen. Hindi ko inasahan na tatawag siya—si Vivian Laurel.Nagdalawang-isip pa ako bago ko sinagot, pero sa huli, pinindot ko ang green button. “Hello?” mahina kong sagot.“Cassandra…” Mahina at garalgal ang boses niya. “It’s me, Vivian. Please, huwag mo muna akong ibaba. I know you hate me, and maybe you have every reason to. Pero… kailangan kong makipag-usap sa’yo. May gusto akong sabihin tungkol kay Daniel.”Nanahimik ako saglit. Hindi ko alam kung dapat ko ba siyang pakinggan. Pero hindi ko rin kayang balewalain dahil malinaw na nanginginig ang boses niya.“Ano bang kailangan mo?” tanong ko, pilit pinapanatili ang kalmado kong tono.“Cassandra… I want to be a witness,” diretso niyang sagot. “Gusto kong sabihin ang totoo. Tungkol sa pagkamatay ni Daniel.”Napaay

  • His Brother's Bride   Chapter 59

    Cassandra Dela Vega's POVNakatayo kami sa lobby ng law firm nang tumigil ako para huminga. Hindi ko talaga alam kung paano sisimulan ang proseso ng pag-file ng kaso. Alam ko lang na hindi ako titigil hangga’t hindi namin nahuhuli ang may sala.“Ready ka na, Cassandra?” tanong ni Sebastian, mababa lang ang boses niya. Nakita ko ang titig niya sa akin, parang naghihintay ng kumpirmasyon.“Oo,” sagot ko. “Kahit ano ang kailangan, gagawin natin.” Hindi ko inalintana ang panginginig ng mga kamay ko. Kailangan kong kumilos.Pumasok kami sa conference room at sinalubong kami ng abogado namin, si Atty. Morales. Nakaupo si Jenny sa isang sulok ng silid, nanginginig pa rin ang boses. Si Jenny ang tumawag sa amin, at ngayon siya ang magbibigay ng kanyang salaysay sa pormal na pamamaraan.“Thank you for coming,” sabi ni Atty. Morales habang inaabot ang mga dokumento. “Bago tayo magsimula, kailangan nating kunin nang maayos ang statement ni Jenny. Cassandra, Sebastian, this is a civil-criminal hy

  • His Brother's Bride   Chapter 58

    Cassandra Dela Vega's POV Hindi ko maipaliwanag ang tibok ng puso ko habang binabaybay namin ni Sebastian ang kahabaan ng Ortigas Avenue. Nasa passenger seat ako, nakatitig sa basang salamin ng kotse habang dinadaanan namin ang mga gusaling tila walang pakialam sa mundo—samantalang ako, pakiramdam ko ay parang bumabaliktad ang lahat sa paligid ko.Kanina lang, habang nasa boardroom kami para sa quarterly financial review ng Alcantara Hotels, tumunog ang isa sa mga phone lines ni Sebastian—isang secure line na ginagamit lamang kapag may sensitibong transaksyon o impormasyon."Unknown number," he murmured, habang sinusulyapan ito."Answer it," I said almost instinctively, not knowing it would be the start of something terrifying.Sinagot niya ang tawag at agad itong pinunta sa speaker. Isang malamig at pormal na boses ng babae ang narinig namin."Mr. Alcantara. Miss Dela Vega. I have information you might want to hear. It’s about your father… and Daniel’s death."Napatingin ako agad ka

  • His Brother's Bride   Chapter 57

    Cassandra Dela Vega's POV Walang kapantay ang kaba na nararamdaman ko habang binubuklat ko ang mga lumang records ng kompanya. Nasa archive room ako ng Alcantara Group of Companies habang si Sebastian ay nasa isang closed-door meeting kasama ang legal team. Pareho kaming walang tigil sa paghahanap ng katotohanan. Hindi kami naniniwalang nag-suicide si Daniel. He wouldn’t just end his life like that. Not after everything we discovered, not after everything he finally fought to face.Matagal kaming hindi nagkita ni Sebastian dahil sa sunod-sunod na meetings at usaping legal tungkol sa posisyon ng CEO. Pero matapos ang pagkamatay ni Daniel, tila mas lalong naging personal ang laban para sa amin. This wasn’t just about corporate power anymore. It was about justice.And justice, for me, means peeling every layer of lie that surrounded this family.“Ate Cass,” tawag ni Alyssa, isa sa mga interns na in-assign ko para tumulong sa paghalukay ng dating mga project files. “May nakita po akong n

  • His Brother's Bride   Chapter 56

    Cassandra Dela Vega's POV Abala ako sa pagta-type ng monthly performance report ng marketing department nang biglang nag-vibrate ang cellphone ko sa gilid ng desk. Mabilis kong kinuha iyon, at agad kong kinilala ang pangalan sa screen—Sebastian. Napangiti ako. Ilang araw na rin kaming hindi nagkikita. Pareho kaming abala. Siya sa board meetings at sa pressure ng leadership, ako naman sa deadlines at brand proposals. Pero sa kabila ng lahat, mahalaga pa rin sa akin ang kahit sandaling tawag mula sa kanya. Pakiramdam ko, sa gitna ng kaguluhan sa mundo, siya lang ang katahimikan kong puwedeng uwian. Kaya't hindi na ako nagdalawang-isip. “Hey,” bungad ko, pilit tinatago ang pananabik sa boses ko. Pero agad ding napawi ang ngiti ko nang marinig ko ang tonong bumungad mula sa kabilang linya. “Cassandra…” basag at mabigat ang boses niya. Iba sa karaniwang kalmadong Sebastian na alam ko. Iba ito—parang may kinikimkim, parang punô ng pangamba. Napakunot ang noo ko. “Sebastian, what’s w

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status