Share

Chapter 15 His side way

Nakasuot ang panibagong babae ng suit at slacks at mukhang kagagaling lang sa trabaho dahil bakas ang pagod sa mga mata nito, pero nangingibabaw pa rin ang pagiging dominante sa hitsura.

"Good evening po," kaswal niyang bati dito.

Binalingan siya nito ng isang tipid na tingin, pagkatapos ay napahikab na lamang ang babae bago muling maglihis ng tingin.

Natameme na lamang siya sa naging reaksyon nito, tila wala bang kabuhay-buhay o kahit anong pakiramdam ng gana.

"Ellen, I'd like you to meet baby boy and his friend." pagitna na ni madam boss niya.

Isang simpleng tango lang ang ibinati nito sa kanila.

"The two of you should talk, while baby boy and I prepare some drinks," saad ni madam boss niya sabay senyas sa kanya na sumunod.

Niyakag niya na lang na maupo si Jordan sa tabi ng babaeng nagngangalang Ellen, dahil nanatili lang itong tahimik habang nakatulala sa may bintana.

Maganda rin ang naturang babae, kaya sigurado niyang hindi malayong magustuhan rin ito ng kaibigan. Iyon nga lang,
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status