Share

Kabanata 26

Nang magmulat ng mga mata si Krissy ay nasa loob na siya ng isang magarang kwarto. At alam niyang hindi ito ang kanilang kwarto ni mommy Liezel.

Napahawak siya sa kanyang sumasakit na sintido at muling inalala ang nangyari bago siya nawalan ng malay. Kinapa niya pa ang sarili para siguraduhing buhay nga siya. At laking pasasalamat niya na hindi nga siya nananaginip at nakaligtas siya sa pagkakalunod kanina. Akala niya kasi talaga katapusan niya na.

Marahan siyang bumangon nang maabutan siya ni mommy Liezel sa ganoong sitwasyon.

"Salamat sa Panginoon at gising ka na hija." Masayang usal ng ginang at inalalayan siya para makaupo ng maayos sa kama.

"Mommy paano po ako nakaligtas?" Puno ng pagtatakang tanong ni Krissy. Silang dalawa lang kasi ng ginang ang nasa pool kanina dahil nasa beach nagbabad ang ibang mga turista.

Ngunit nagtaka si Krissy na ngumisi ng mapanukso ang ginang bago sinagot ang tanong niya.

"Syempre, niligtas ka lang naman ng future husband mo. Alam mo bang pagsigaw ko
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status