Share

Kabanata 57

Nabigla si Krissy sa mapwersang paghatak sa kanya ni Calex. Aawatin sana ni Wesley ang lalaki ngunit agad ding iniharang ni Krissy ang kanyang kamay, pahiwatig na hayaan na muna silang mag-asawa. Kaya kahit bakas man sa mukha ng lalaki ang pag-aalala ay wala na rin itong nagawa pa para pigilan si Calex.

Habang papalayo ay pahigpit naman ng pahigpit ang pagkakahawak ni Calex sa braso ni Krissy. Tahimik na napadaing ang babae dahil sa sakit na dulot nito. Kung hawakan kasi siya nito ay para siyang laruan na walang pakiramdam.

"Cal--Calex!" Marahang tawag niya sa lalaki. Feeling niya magkakapasa na siya sa ginagawang ito ni Calex.

Ngunit imbes na sagutin ay bigla na lamang itong napahinto sa paghakbang. Nanlilisik ang mga mata ng lalaki na humarap sa kanya at marahas na hinawakan ng isang kamay nito ang kanyang magkabilaang pisngi!

Sobrang higpit ng pagkakahawak ni Calex na mas masakit pa kung tutuusin sa ginawa nitong paghawak sa kanyang braso.

Halos hindi na makapagsalita si Krissy sa
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP
Comments (1)
goodnovel comment avatar
Venus Simpron
maganda yung story kaso lng hindi tuloy2 ang chapter ng bayad p nman ako gcash pra mabasa k lahat ang ganda kasi ng story sana malabas n lahat ng chapter.salamat
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status