Share

Kabanata 27

Mabilis lumipas ang mga araw at ayon na rin sa kagustuhan ni mommy Liezel ay patagong inasikaso nina Calex at Krissy ang kakailanganing dokumento para sa gaganaping kasal. Napagkasunduan kasi nila na wag na muna itong isa publiko. Mananatiling lihim muna ang lahat, na kahit ang daddy ni Calex at ang kanyang kuya Brandon ay walang kaalam-alam. Ganoon din ang daddy ni Krissy at ang malapit niyang pinsan na si Brenda.

At dahil madalian ay napagpasyahan ni mommy Liezel na isang civil wedding ang gaganapin. Basta ang mahalaga ay maikasal ang dalawa sa lalong madaling panahon bago pa magbago ang isip ng anak niyang si Calex at umatras.

Wala na ring nagawa pa ang lalaki kundi sundin ang desisyon ng kanyang mommy kahit pa na isang malaking kalbaryo sa kanya ang gagawin. Gayun din si Krissy na hinayaan lang din na magdesisyon ang ginang. Kahit gusto niya ang isang magarbong kasal ay pumayag na rin siya sa ganitong set-up. Naisip niyang hindi niya na kailangan maging choosy pa dahil kung tutuus
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status