Share

Kabanata 28

Isang simpleng dampi ng halik ang ginawad ni Calex sa mga labi ni Krissy. Halik na walang anumang katiting na pagmamahal ngunit nagawa nitong painitin ang namumulang pisngi ng dalaga.

At masakit man isipin ngunit ramdam ni Krissy na habang siya ay nasisiyahan, si Calex naman ay irritable at walang gana. Sadyang tinatago lang ito ng lalaki dahil sa presensiya ng kanyang mommy Liezel.

Kahit sa kanilang picture-taking ay walang mababakas na kasiyahan sa mukha ng lalaki. Alam ni Krissy na pilit lang ang naging ngiti nito. What should she expect anyway eh napilitan nga lang ito at tinuturing nitong isang sumpa ang kasalang ito.

Pagkatapos ng seremonyas ay didiritso na sana silang apat sa isang mamahalin at private restaurant para sa isang bonggang salo-salo na pinahanda ni Krissy. Ngunit lalo lang siyang nanlumo nang tumangging sumama ang lalaki.

"Mom, I'm sorry but I need to go. Kinailangan ko ng makabalik ng Batangas kaagad dahil may nakaschedule akong meeting for today." Dahilan ni Cale
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status